Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Five

DUMATING NA ANG BEER TOWER AT ANG MGA IN-ORDER NILA kaya tuloy-tuloy na ang naging selebrasyon para sa kaarawan ni Yves. Sinagot naman kanina ni Clint ang tanong ni Tanya. Nalaman lang daw nito kung saan siya nakatira nung hinatid siya nito sa bahay dahil maulan at wala siyang masakyan. He even gave Tanya a deadly gaze while telling that he already told her that story days ago.

In fairness kay Clint, napaka-kaswal nitong magpaliwanag. Hindi man lang nagkaroon ng malisya ang mga kasama niya sa paghatid nito sa kanya sa bahay noong inabot siya ng ulan...

Maingay na ang tatlong lalaki, nagkukwentuhan. Mas tahimik si Clint na paminsan-minsan ay abala sa cellphone nito. Pinaka-maingay si Yves dahil ito ang inusig nila Keith na magkwento kung kumusta ang buhay nito sa Japan kung saan ito nagta-trabaho ngayon. Pinuno ulit ni Nena ng beer ang baso niya nang maramdaman ang mabigat na titig sa kanya ni Clint. She lifted her eyes and the man was unashamed to catch her gaze. He lifted his glass to his lips and drank a bit. He finished drinking, pulled away the glass a little and gave her a smirk. Mabilis na umiwas si Nena ng tingin at umayos ng pagkakaupo. Biglang sumiksik sa kanya si Tanya.

"Hoy," bulong nito sa kanya, "kanina ka pa tingin nang tingin kay Attorney, baka mahalata ka."

Nagfi-feeling nga lang ba siya na ang lalaki ang tingin nang tingin sa kanya? Siya ba ang tingin nang tingin sa lalaki at napapansin nito kaya napapatingin sa kanya?

"Hindi 'no," lingon niya kay Tanya, magkalapit ang mga mukha nila para magkarinigan. "Lahat naman sila tinitingnan ko." At uminom na siya ng beer.

Keith began bobbing his head. Hinila nito sa kamay si Tanya kaya lumayo ito sa kanya.

"Gusto ko 'yong tugtog, sayaw muna tayo!" anyaya nito sa asawa.

Mabilis na binaba ni Tanya sa mesa ang baso habang nagpapaalam sa kanila si Keith na sosolohin muna saglit ang asawa.

"Siya, siya, siya!" taboy ni Yves sa mga ito. "Enjoy!"

Tumatawang umalis na ang dalawa. Now, it was more awkward. Siya na lang ang nag-iisang babaeng naiwan sa mesang iyon. Siguro kung silang dalawa lang ni Yves ang naroon, hindi nakakailang dahil bibiru-biruin lang niya ang lalaki. Pero dahil sa presensya ni Clint, hindi niya alam kung paano kikilos. Ayaw niyang makagawa ng kahit ano na pwedeng ika-turn off nito.

Sure, she said no when he asked her to be one of his fuck buddies. But that doesn't mean her crush for him was already dismissed. That she was less conscious now. Natataranta pa rin ang puso niya kapag nasa malapit lang si Clint. Kinikilig pa rin siya kapag napapagawi sa kanya ang mga mata nito.

"Ikaw," lingon ni Yves kay Clint, "baka gusto mo nang maghanap-hanap ng tsiks, ha, Attorney? Feel free!"

Mahina itong tumawa. "Bakit? Iiwanan niyo ba ako rito ni Nena?" saglit ng mga mata ng lalaki sa kanya.

Diyos ko naman, iwas na lang niya ng tingin at pasimpleng sumimsim ng alak.

Yves turned to her. "Gusto mo ba sumayaw?"

Binaba niya ang baso. "Hindi, 'no," alanganin niyang tawa. "CR lang ako," paalam niya sa dalawang lalaki.

Yves shrugged. "Sige, mag-iingat at baka may humarang sa iyo diyan. Mahirap na kapag may masalubong ka diyan na lasing."

Mahina siyang tumawa. "Kaya ko ang sarili ko, Yves baby!" pisil niya sa pisngi nito. She had to act how she naturally treats Yves. Kasama nila si Clint kaya lang hindi naman kaya ni Nena na magpanggap gaano man siya ka-conscious sa lalaki.

Then she left the two men to talk.

"Attorney," lingon ni Yves kay Clint, "bakit pala hindi ka man lang nagdala ng chicks mo rito? Okay lang sa akin manlibre ng isa pang tao."

Clint glanced at the direction that Nena took when she left before returning his eyes on Yves. Pinuno nito ulit ang baso ng alak mula sa beer tower.

"Ikaw ang dapat kong tanungin niyan," segway nito sa tanong ni Yves. "Bakit wala ka pa ring chicks!"

"Attorney naman!" tawa nito. "Alam mo naman ang priority ko, trabaho lang at pamilya."

"Ilang taon ka na, Yves," angat ni Clint ng tingin dito. "Hindi naman siguro masama kahit mag-girlfriend ka man lang muna, 'di ba?"

Tumango-tango si Yves pagkatapos uminom saglit. "Well, kunsabagay, girlfriend lang naman muna."

"Great to hear that," ngiti nito. "Pwede ka nang magsimulang mag-practice ngayon kung paano pumorma sa mga chicks."

Kumunot ang noo nito. "What do you mean?"

"Wait," sulyap nito saglit sa cellphone na hawak. "She's near."

"Sino?"

Hindi na nasagot ni Clint ang tanong ni Yves nang matanaw ang paglapit ng isang seksing babaeng nakasuot ng bestidang hanggang kalahati ng hita nito ang tabas ng palda. Mababa ang neckline niyon. She walked sexily toward their table, her smile was seductive especially when her eyes landed on Clint.

Tinapik-tapik ni Clint sa balikat si Yves at binaba ang hawak nitong baso sa mesa. He guided the woman to the seat. Ito ang pumalit sa pwesto ni Clint.

"Yves," malakas niyang wika, "this is Iris. Iris," lingon nito sa babae, "this is the man I am talking about, Yves, my good friend."

The woman smiled at Yves. "Hey there." Sumimple ang mga mata nito sa pagpasada sa kabuuan ni Yves.

"Naku naman," hindi makapaniwalang lingon ni Yves kay Clint at pinanlakihan ito ng mga mata, "Attorney!"

Yumuko ang binata para bumulong kay Yves. "Don't worry, she's clean. Just do the best you can. You're in control where you want to take Iris."

Akmang aalis na si Clint kaya tinawag ito ni Yves.

"Saan ka pupunta?"

Clint smiled casually. "Ah, susundan ko lang si Nena. Sabi mo nga, mahirap na at baka may lasing na ma-type-an 'yon," kibit-balikat pa nito.

Nagtatakang tingin ang pinukol na tingin ni Yves habang tinatanaw ang paglayo ni Clint sa mga ito.

.

.

NENA GROANED as she entered a cubicle.

Sa wakas, sa hinaba-haba ng pila sa CR ng mga babae, nakagamit na rin siya. Matapos umihi, pumuwesto siya sa lavatory para maghugas ng kamay at i-check ang sarili sa salamin. Nilapat niya ang tuyo nang mga kamay sa mga pisngi. Then she practiced a smile.

Huwag ka nang ma-awkward kay Attorney, okay? Umaakto naman siya na parang hindi nangyari 'yong pinag-usapan namin sa kotse niya. Ibig sabihin, balewala na iyon sa kanya. So, relax ka na diyan, okay?

Her round eyes stared back, looking at her unconvincingly.

Naku naman, Nena! Umayos ka, please, nakakahalata na sa iyo si Tanya!

Hay... kuha niya ulit ng tissue sa dispenser sa gilid ng lavatory para punasan ang kaunting pagma-mantika sa kanyang mukha at ilong. Ano ba ang dapat mong ipag-alala? Tama lang naman ang ginawa mong pag-reject kay Attorney. Hindi ka dapat nai-intimidate. Ipakita mong gusto mo ang ginawa mong desisyon.

Then she threw the tissue in the closest trash bin.

Binulsa ko pala sana 'yong wipes ko. Ayoko naman dalhin dito sa bar ang bag ko at baka makaiwan ako ng gamit. Pati tuloy gift ni Yves, nakalimutan kong dalhin dito!

Nakailang sipat si Nena sa salamin kung mukhang fresh na ba siya ulit bago nagpasyang lisanin iyon. Medyo nababangga siya ng mga tao na nasasalubong pagkalabas ng lobby pero hindi na iyon ginawang big deal ni Nena. Inangat na lang niya ang mga braso para protektahan ang kanyang dibdib, para hindi mabangga-bangga.

She stopped walking. Para kasing may sumasabay sa kanya.

Paglingon sa kanyang kaliwa, nagtama ang mga mata nila ni Clint.

"Iniwan mong mag-isa si Yves?" tingala niya rito, yakap ang sarili dahil pinoprotektahan pa rin niya ang sariling dibdib.

He bent, drawing his face close to hers. "I followed to make sure walang mambabastos sa iyo."

Should she be touched? Lintian naman, pinangunahan na siya ng kilig na naglilikot sa sikmura niya ngayon. Umatras siya nang kaunti, nanunukat pa rin ang titig sa matiim na mga mata ni Clint.

"Si Yves ang may birthday ngayon, hindi mo siya dapat iniwan mag-isa. Kaya ko ang sarili ko."

"Don't worry," maingat na abot nito sa braso niya para hilain siya palapit dito. "He's got company."

"Bumalik na sila Tanya?"

Hindi siya sinagot ni Clint. Napasinghap siya nang maramdaman ang paglapat ng katawan niya sa dibdib nito. Alertong inalis ni Nena ang pagkakayakap ng mga braso sa sarili para itukod ang mga kamay sa dibdib at tiyan ni Clint. She did not really plan where her hands would land. Gusto lang niya sanang iharang ang mga kamay sa katawan ni Clint para hindi dumikit sa kanya.

Nena sucked in a sharp breath.

Oh, hard chest.

Hard stomach too.

Clint's eyes dropped to her hands, lingering with his thoughts before hotly running his gaze until they reached her eyes.

"Just one dance," anito sa kanya.

Nginisihan niya ang lalaki. "Hoy, Attorney, nilinaw ko na sa iyo na kung anuman ang motibo mo sa akin... Ayoko."

He smiled. "I know. I just asked for a dance, Nena."

"Bakit?"

"Why not?" his eyes sparked, his other hand snaking around her waist to pull her closer. Naipit ng mga katawan nila ngayon ang nakaharang niyang mga kamay.

Ganito na ba karami ang tao sa bar at parang pagpapawisan siya sa init?

"Shall we?" paninigurado ni Clint.

"Sayaw lang," titig niya sa mga mata ng lalaki.

"Yes," lapat ng isa nitong kamay sa kamay niyang nasa tiyan nito. He pushed her hand upward, making her palm slowly rub against his stomach, stroking upward to reach his chest. Damn, that was so hot. "Unless, you need something more than just a dance from me..."

Why is this man this hot? Everything he does is hot. His words are hot as well.

Tinaas pa nito ang kamay niyang nasa dibdib na nito kaya napunta ito sa balikat ni Clint. Pinadulas ng lalaki ang kamay sa nakataas niyang braso. His hand slid along her arm, sending a thrilling sensation through his rough rub until he reached the back of her shoulder. His hand continued sliding on her back until it reached the small of her waist.

Humawak na rin ang isa pang kamay ni Nena sa balikat ni Clint. Bigla siyang kinabig ng lalaki pahapit sa katawan nito. Gulat na napasinghap siya nang mabangga ang dibdib niya sa ilalim ng dibdib nito. Shucks, he was really that tall.

Tumingala ulit si Nena sa lalaki. Clint granted her a sexy lopsided grin. Sinimulan na ng lalaki ang pag-indak na sinabayan naman niya. She heaved in a deep breath as their bodies began rubbing and sliding against each other. Her breasts squeezed against his hard body, making her feel uncertain why it was making her feel this good instead of the awkwardness she was having earlier.

Nanatili sa baywang niya ang mga kamay ng lalaki habang nanunuot kay Nena ang pagkiskis ng balakang nito sa kanya. Siguradong pinamumulahan na siya ng mukha dahil hindi siya manhid para hindi maramdaman ang pagkiskis ng naningas nitong umbok.

Why it felt so good, she could not explain.

Nena lifted her eyes on Clint, staring at her as if he was only having fun. Walang bahid ng kahit anong pagkabahala sa mukha ng lalaki.

Para sa lalaki siguro, sayaw lang ito. Pero para sa kanya, unti-unti na siyang sinisilaban ng paglilingkis ng mga katawan nila.

Nagulat siya nang yumuko ito para bumulong sa kanya.

"You're not dancing, Nena."

Nanlaki ang mga mata niya. Hindi ba siya gumagalaw?

Clint kept on moving, securely holding her close to him.

"Don't tell me you don't know how to dance. You haven't danced in clubs before?" he continued, sexily dropping his voice into a crispy lower one.

"Sumasayaw naman ako," lingon niya sa lalaki.

Hindi dapat. Now their faces were an inch or two apart. Ngumiti lang ang lalaki sa kanya.

"Then dance with me," baba ng mga mata nito sa kanyang labi bago muling nakipagtitigan sa kanya. "Or we can stop now if this makes you feel uncomfortable."

"N-No," alanganin niyang tawa. "Bakit naman ako hindi magiging komportable?"

"I understand," mabagal nitong paggiling kaya muling nagbangga ang mga katawan nila. "I've said some things that blew your mind. You know, about The Org."

Unti-unti nang nakikisayaw si Nena sa lalaki pagkaiwas niya ng tingin dito.

"I apologize for that," lapit ng mga labi nito sa kanyang tainga. "Nagkamali lang ako ng akala."

Siya dapat ang mag-sorry. She gave Clint the wrong idea. Narinig nito ang mga sinabi niya kay Tanya, akala tuloy nito tulad siya ng ibang babae na game sa lifestyle na tinutukoy nito.

"Ayos lang, Attorney," tipid niyang ngiti. "At least, alam ko na ngayong hindi masama ang loob mo sa pagtanggi ko. Iyon lang naman ang... ang bumabagabag sa akin."

"I'm not upset about it," he breathed hotly, touching her ear. Napalingon tuloy siya sa lalaki. "You are subject to your own choice. I actually appreciate your honesty."

Their gazes locked. Sabay na umindak ang katawan nila. Bumaba ang kamay ni Clint nang kaunti sa likuran ng kanyang balakang para itulak siya padiin sa katawan nito.

Nena felt their bodies grinding against each other.

He was really hard. His crotch against her belly was tickling it with excitement. Natutuyuan na siya ng lalamunan sa sobrang init na nararamdaman.

"In fact," he throatily continued, lifting a corner of his lip, "I felt more determined to be what you want."

Mahina siyang tumawa. "Iba ang relasyon na gusto ko, Attorney," ngiti niya rito habang mas pinag-iigihan ang pagsayaw. Nena watched how the way she rubbed her body against his' made Clint's mouth drop open. "Ayoko nung sinasabay ako sa ibang babae. Ayoko rin nung isahang araw lang. Ayoko rin nung sex lang. Seryosong relasyon ang gusto ko."

He stroked the valley of her back upward until his hand reached her nape. Humigpit doon ang kamay ng lalaki kaya napatingala siya. His other hand held her hip firmly. Napasinghap siya nang maramdaman ang pag-angat ng lalaki sa katawan niya. He spun her around and drove Nena to a wall close to where they danced.

"Oh!" bangga ng puwitan niya sa pader.

Clint lifted her higher, his lips close to her neck and ear. Dahan-dahang lumapat ang likod ng ulo ni Nena sa pader habang dumidiin ng katawan ni Clint sa katawan niya.

"You see, Nena," pailalim na titig ng lalaki sa kanya, "a relationship is not about what one person wants. It's about what they both want."

"Well, magkaiba tayo ng gusto," hingal niya, "kaya hindi tayo pwede."

"Pero siguro naman, may ilan tayong pagkakapareho... 'di ba?" he thrusted, making her eyes widen.

Hindi napigilan ni Nena ang pagsilay ng ngisi sa mga labi nang makahuma. "Huwag mong sabihin na sa dami ng mga babae mo, ako ang napili mong seryosohin. Ako na hindi ito-tolerate ang lifestyle mo."

He chuckled lowly and a head-spinning lust shot all over her when he bravely stroked her neck with his slick tongue. He finished licking when his tongue reached her jaw.

Nena's lips parted. She stared back into Clint's eyes in disbelief.

This is crazy. That dirty little lick and her head felt like floating... high... dazed... dizzy... tingles shot all over her body. The closeness of their bodies, their position... the heat between them was tempting her. Nena swallowed.

Nag-aabang ang mga mata ng binata sa sasabihin niya.

"Ibaba mo ako," utos niya rito.

Dahan-dahan siya nitong binaba at pinakawalan mula sa mga bisig nito. Tumalikod ang lalaki para magpatiuna ng lakad. Siya naman ay nanatiling nakasandal sa pader, hinahabol ang sariling paghinga.

Clint looked at her over his shoulder.

"Balikan na natin si Yves," humihingal na ngisinito bago siya tinalikuran para lumakad na

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro