Chapter Eight
PAGKABABA MULA SA MOTORSIKLO, kinawayan ni Nena sina Tanya at Keith na sakay pa rin niyon.
"Mag-iingat sa pag-uwi!" ngiti niya sa dalawa.
"Ikaw din," masayang kaway ng kaibigan bago umusad ang motor.
Tulad ng dating gawi, nasa waiting shed siya ngayon at maghihintay munang huminto ang mga sasakyan bago tumawid. Nakahanda na ang payong ni Nena kung sakaling umulan na naman. Umatras siya nang kaunti para makihanay sa mga nakatayo rin sa waiting shed na iyon nang may humintong kotse sa kanyang tapat at bumaba ang bintana.
"Nena!" tawag sa kanya ni Clint kaya nagsalubong ang mga kilay niya.
Kakanta na ba siya ng O, tukso, layuan mo ako?
Buong linggo niyang hindi nakita si Clint sa firm. Inisip niyang baka may iba itong lakad kaya ganoon. Freelance naman kasi ito kaya may mga araw talagang wala ito sa Salvadores Law Firm.
Tulad ng payo sa kanya ni Tanya, inignora niya si Clint. Iniwas ni Nena ang mga mata sa lalaki at nag-abang na lang kung kailan hihinto ang mga sasakyan sa daan na iyon.
Nagulat na lang siya nang malingunan ang lalaki. Lumabas na ito ng kotse at iniwanan ang pinto niyon na bukas. Malalaki ang mga hakbang na lumapit ito at hinila siya sa braso para mapatitig sa mga mata nito.
"Halika," hila nito sa kanya.
"Teka, teka!" bawi niya agad sa sariling braso. "Hindi mo ako pwedeng basta-basta na lang hilain!"
"You saw me, and you are clearly ignoring me," he hissed. Bakit ba galit na galit ito sa kanya? "Is that what you do to a man after he confessed that he likes you?"
Huwag kang magpapadala. Huwag kang magpapadala sa mga pinagsasasabi niya, paulit-ulit na paalala ni Nena sa sarili.
"Ano na naman ba ang gusto mo?" kwestiyon niya rito. "Wala nga akong idea kung saan mo ako dadalhin, hila ka lang nang hila sa akin."
"I'll take you out for a dinner," nagtitimpi nitong sagot. "And I am in a hurry dahil bawal pumarada dito," turo nito sa kinahihintuan ng sasakyan. "Baka may makakita sa akin na officer. So, can we just hurry up and let's go?"
"Ayoko sumama," giit niya. "Kung sinabihan mo ako nung nakaraan pang mga araw, baka pumayag pa ako."
"This is supposed to be a surprise," he leaned close, his eyes burning into hers.
Para siyang matutunaw sa intensidad nito. Nanunuot sa pagkatao niya ang determinasyon sa boses nito na makuha siya at madala sa dinner na sinasabi nito.
Iyon ay kung doon nga talaga siya dadalhin ng lalaki.
Napabuntong-hininga na lang siya at nagpatiuna ng lakad patungo sa kotse nito. Mabilis na inunahan siya ni Clint para pagbuksan ng pinto. Sumakay si Nena bago nito sinara ang pinto at umikot para okupahin ang driver's seat.
Ini-start nito ang kotse at pinatakbo iyon. Kinandong ni Nena ang bag.
"Saan mo naman ako dadalhin?" lingon niya rito habang hinuhubad ang blazer ng kanyang uniporme.
Medyo mahihiya siya kung sa mamahaling restaurant siya dadalhin ni Clint. Naka-uniporme pa kasi siya at feeling lang ni Nena hindi magandang iyon ang attire niya sa isang restraurant. Lalo na at may ideya naman siyang hindi business meeting ang ipupunta nila roon ng lalaki.
"You guess," he hissed.
"Galit ka ba sa akin?" paglilinaw niya.
Paano'ng hindi siya magtatanong ng ganoon? Nakabusangot ang gwapo nitong mukha, malapit nang mag-criss cross ang makapal na mga kilay at matalim ang titig. His hands held the steering wheel too tight instead of the usual relaxed way he used to hold it. Rinig niya ang pagdadabog sa kilos nito nang tinulak at hinila ang stick shift ng kotse.
"What do you think?"
"At ano naman ang ginawa ko?"
"Wala," he muttered.
"Wala naman pala, bakit nagagalit ka sa akin?"
"That's exactly the point!" he blurted, stealing a glance at her. "Wala kang ginawa," he suddenly murmured.
Tiniklop ni Nena ang hinubad na blazer na kulay pink. Kakulay niyon ang pencil skirt na suot niya ngayon. Naiwan na lang na suot niya ang puting button-down blouse na yumayakap sa pigura ng kanyang katawan.
"You did not return my calls," he finally snapped.
Napamaang siya sa lalaki. Anong calls ang pinagsasasabi nito? 8080 nga lang ang karamihan sa mga makikitang nag message sa inbox ng cellphone niya! Ibig sabihin, mas lalong wala siyang pantawag at walang tatawag sa cellphone niya.
"You completely ignored me and it's infuriating," kabig nito sa manibela. "For a week. Damn, Nena. Wala pang humahamak na pagmukhain akong tanga, Nena. Ikaw lang ang may lakas ng loob!"
"Tumawag ka? Kailan?" naiinis pa rin siya sa lalaki.
"At the firm! I called at the firm! I told Tanya to tell you to call me back!"
Oh. Ngayon alam na niya ang istorya. Sigurado si Nena na pinili ng kaibigan na huwag ipaalam sa kanya na tumawag si Clint. Nanahimik na lang siya. Pero sana man lang, 'di ba, binigyan siya ni Tanya ng briefing? Siya tuloy ngayon ang namomoroblema.
"Now you can't defend yourself," he seethed.
"May choice ako kung tatawagan kita o hindi," sagot na lang niya rito.
"I am really mad," biglang hinto nito sa kotse at hinarap siya. "Look at me," he grabbed her chin to turn her head and meet his hot gaze. "Tell me what are you trying to do, hmm?"
Pinili niyang manatiling rasyonal at kalmado. "Ano ba ang ine-expect mong gagawin ko? Ano ba kita para i-prioritize kita?"
"I already told you, right?" his jaws tensed as he drew his face closer to her. "Gusto kita. At alam ko, gusto mo rin ako. I heard it, I saw it, I felt it. At naiinis ako sa mga taong ang daming paligoy-ligoy."
"Diniretso na kita," hawak niya sa braso ng lalaki para alisin ang pagkakahawak nito sa baba niya. Pero binuka lang nito ang kamay para buong mahablot ang pangahan niya at hilain siya palapit dito. "Clint, dineretso na kita," matapang niyang saad. "Ayokong ma-involve sa iyo dahil paglalaruan mo lang ako. Papalit-palit ka lang ng babae. Ayoko sa ganoon."
"Haven't I told you that I'll be exclusively yours?" he breathed out, and Nena could taste the torture in his voice.
"I don't believe you."
"Try me."
She should not break in front of him. But her eyes began to soften their gaze on him, even her whole being felt like crumbling down. Paano ba niya mareresolba ang nararamdamang ito? Matagal na niyang gusto ang lalaki, pinagpapantasyahan, kinakikiligan. Now that he was being this intense with her, how Nena wished her mind would find a way to save her from this.
A part of her wanted to believe this. A part of her knew that this didn't mean anything serious.
Lalong lumapit ang mukha ng lalaki.
"Is it Yves?" he sighed.
"Ano na naman ang kinalaman dito ni Yves?" panghihina ang nasa kanyang boses.
She was anticipating for his lips to draw closer and touch hers. The closeness of their faces was keeping her hopes up for that kiss... that kiss she had always been thirsty for.
"You flirt with that guy like it's so natural for you. Pagdating sa akin, ang ilap mo," he cupped her face.
Napaatras siya. "C-Clint..."
He lunged and now his breath was underneath her jaw. His lips softy brushed there. "That sounds sexier than calling me Attorney."
She sharply breathed in when his lips pressed against the skin of her jaw. Humawak ang isa nitong kamay sa braso niya at pumiga. That made her release a sigh softly.
"Admit it, you missed me the week I was gone," he huskily murmured, dragging his lips along her jawline. It was a delicious brush, tingling every nerve of her skin.
Napahawak si Nena sa mga balikat ni Clint at dahan-dahang tinulak ito palayo sa kanya.
"Ayoko-" makaawa niya, namumungay ang mga mata nang sulyapan ni Clint ang mga iyon.
His gaze just burned against her stare. Intensity was all over this man.
"Just try me," his face inched closer. "I will be so good. So good, you'll want more."
Gahibla na lang ang pagitan ng mga labi nila. Nakatitig si Clint sa nakaawang niyang mga labi. Tumaas ang mga mata nito para titigan siya sa mata. Hinahanap nito at inaabangan ang sagot niya, ang pagsang-ayon niya sa balak nitong kahinatnan nila.
"More? Baka nga kapag natikman mo na ako, hindi mo na ako pansinin kinabukasan," pagak niyang tawa habang nararamdaman ang paghila nito sa katawan niya palapit dito. "Paanong may more pa?"
"Ang dami mong satsat," he harshly breathed. "Do you want it or not?"
"Ano na ang nangyari sa sinabi mong hindi mo ako pupwersahin?"
"I am asking for your permission, right? I want to know it now, Nena, dahil hindi ko alam kung kailan mo maiisipang iwasan na naman ako."
"Clint..."
"Let's not waste each other's time. Do you want it? Or not?" mariin nitong tanong. "Iyon lang ang gusto kong malaman, Nena. Do you want it?"
Want what? The sex? His cock? His hard body against hers? His lips on hers? His tongue licking her? His tight grip? Want what? Him to fulfill her fantasies? Him to satisfy this hunger and desire she was keeping a secret for a very long time?
"E, 'di tapusin na natin ito." Natigilan si Nena nang marinig ang paghingal niya. Ganito ba ka-obvious na init na init na siya sa lalaking ito? "Ibibigay ko sa iyo ang gusto mo para tigilan mo na ako."
She felt so brave as she said those words.
Tumaas ang sulok ng labi nito. "Tigilan ka? Is that what you really want? Ang tigilan kita?"
"Huwag mo na akong lokohin. Sex lang naman ang habol mo sa akin, 'di ba? Ibibigay ko. Para tumigil ka na." Then she thought, My God, Nena. Napakasinungaling mo. Hay Clint... Gusto lang talaga kita matikman... ang tagal-tagal ko nang pinagpapantasyahan ito...
"Finally, the truth comes out from that mouth," baba ng tingin nito sa mga labi niya.
Napatitig na lang siya sa mga mata nito. Oh, Clint, hindi mo alam kung gaano mo ako winiwindang sa pagiging ganito mo... Ginugulo mo ang isip ko... Matitigil lang ito kapag nakuha mo na ang gusto mo, 'di ba? I'll have my peace of mind back if that happens... right? I'll have the answer to my questions... kung totoo ba ang mga sinasabi ng mga babae mo na...
Na masarap ka kumama...
Humagod ang mga kamay niya sa balikat ni Clint, pababa sa mga biceps nito. Oh, his muscles were hard...
Tuluyan nang tumigil ang utak niya sa pag-iisipnang sunggaban siya nito ng halik sa mga labi.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro