KABANATA 1
“Ate tali, kailangan ko daw pong magdala ng floor wax at basahan bukas sabi ni Teacher. Bagsak po kasi ako ate, sorry po.” Sabi ni Jake sakin na ngayon ay pumapasok na, nasa ikatlong baitang na ito ngayong taon.
“Hay nako!bagsak ka nanaman, mabuti at naidadaan pa sa floor wax yang grade mo. Aba Jake dapat ayusin mo yang pag aaral mo. Tignan mo kami niyang si tali walang natapos kaya hanggang dito nalang kami, pa extra extra lang. Ma-swete pa nga at medyo malaki mag tip ang mga tao dun sa pinag tratrabahuhan namin dahil kapag nagkataon nganga tayong lahat.” Pagtatalak ni bakla sa bata, araw-araw nalang ganyan ang eksena nyang baklang yan puro talak.
“Ginagalingan ko naman po Mama baks, kaso si Teacher mahina umintindi.”Pagpapaliwanag ni Jake sa bading.
“Ginagalingan naman pala bakla, inaaraw araw mo na ang panenermon sa umaga ah... Wala bang karat ngayon?” Pang aasar na tanong ko sakanya sinamahan ko pa ng ngiti.
Naglabas ako ng kwarenta pero.
“Ito oh, bumili ka mamaya ng floor wax para naman kumintab yung sahig sa bahay ng teacher nyo.”Sabi ko kay Jake at abot ng pera.
“Ayos ka talaga ate.” Sabi nya at hinalika ang pera bago umalis.
Kay bata pa pero mukha ng pera, nagagaya na talaga sila kay bakla.
“Ano wala ka bang booking ngayon kaya maiinit agad ulo?”Tanong ko sakanya ulet.
“Ito kasing si Benok e, bigla nalang hindi nag paramdam. Binigyan ko naman na ng sapatos.”Malungkot na sabi ni bakla at napanguso.
“Ay anak ng topak, yung benok ba na tinutuloy mo yung anak ni Ate Bujing?” pag kukumperma ko kung tama ba ang tinutukoy ko.
Napatango sya “Oo sya nga, daks kasi e. Baklang marupok lang ako, kaya ayun bumigay sa haplos nya.” Sabi nya at madramang niyakap ang sarili.
“Hoy bakla! Wag ka ngang magdrama ng ganyan, wala tayo sa pelikula. Tsaka pinatulan mo yung patpatin na yun? Diyos ko, bakla nagiging sabik ka nanaman sa nota. Itigil mo yan, di maganda yan. At tsaka mag hahanap ka nalang din ng nota piliin mo yung may itsura naman parepareho lang ang nota sa mukha lang nagkakatalo.”Sabi ko sakanya tsaka kagat sa tinapay ko.
“Ihh, di mo pa kasi nararanasan machurva e. Palibhasa Mama Mary ka, virgin. Tsaka wag ka ngang bitter jan, kung jinowa mo na si Pablo diba.”Panunukso nya sakin kay pablo.
“Tanga, anong jowain. Tropa natin yun no. Tsaka di naman nanliligaw yung gunggong na yun e.” Pag tatanggol ko kay Pablo, tropa lang kami no di kami talo.
“Hindi daw, halata naman sa kilos ni Pablo, itatanggi mo pa e.” Sabi nya sakin na mukhang hindi talag kumbensido sa sinabi ko.
Akmang mag sasalita sya nang ipasak ko sa bibig nya ang tinapay. Dahil mabait ako ay pinainom ko pa sya ng kape.
“Yan kumain ka, hindi yung kung ano anong sinasabi mo. Hayaan mo ihihingi kita kay father ng holy water pang mumug mo o di kaya ipaligo mo sa buong katawan mo. Dumudumi ka na oh.”Sabi ko sakanya habang nanlalaki ang mata nitong ngumunguya.
Nang nalunok na nito ang tinapay na pinakain ko sakanya ay tsaka ito nagsalita.
“Diyos ko, ikaw na babae ka ang mas kailangan ng holy water.” Sabi nya at tinaas nya ang kilay nya na kasing nipis ng blade.
“At bakit naman aber?” Tanong ko sakanya at ginaya ko ang pagtaas nya ng kilay pero mas tinaasan ko ang akin.
“Kulang ka kasi sa dilig e.”Sabi nya at mas tinaasan ang kilay ko at tinarayan pa ako.
“Anong akala mo sakin sabik na kagaya mo? Kung Si benok lang naman ang magdidilig...wag nalang. Malalanta nalang ako.” Sabi ko sakanya at sinabayan pa ng iling, natawa ang bakla sa reaksyon ko.
“Kunyari ka pang gaga ka, parang di naman kita nahuling nagkakamay noon.”Sabi ni bakla at pangisi ngisi pa.
Out of curiosity ay sinubikan kong kalikutin ang kipay ko at sa kamalas malasan ay nahuli pa ako ng baklitang ito.
“Alam mo bakla imbes na kung sino sino ang nirereto mo sakin bakit hindi nalang ikaw. Tayo nalang kaya.”Suhisyon ko sakanya na ikinapakla ng mukha nya.
Bigla pa itong napaluhod at sign of the cross tsaka muling umupo.
“Simba ang kailangan mo Tali, aba kasalanan yang sinasabi mo. Anong tayo nalang? Nasa tamang pag-iisip ka ba? Kahit na mabuhay pa ako ng ilang beses di parin kita papatulan. Kadiri ka...” Sabi nya at kita ko talaga ang kilabot sa mukha nito.
“Grabe ka namang bakla ka, para mo namang sinabi na napaka panget ko.”Reklamo ko sakanya.
Lumapit sya sakin at sinuklay suklay pa ang buhok ko.
“Alam mo friend, maganda ka kahit na sinong lalaki makukuha mo well maliban lang sakin kasi babae din ako. Alam mo yung nararamdaman mo kay benok ay ganun din ang nararamdaman ko sayo. Ikaw naman kasi kung ano anong pinagsasabi mo.”Sabi nya sakin at hinalikan ako sa buhok.
“Talaga?maganda ako?”Ulit na tanong ko sakanya. Lakas talagang mang-uto ng baklang ito pero sa pag kakataong ito hindi nya ako mauuto.
“Oo maganda ka, mas nga lang ako.”Sabi nya at hinawi ang hanggang balikat nitong buhok.
“Alam mo bakla sayang ka, ba't ka naman kasi nag bakla?”Takang tanong ko sakanya.
Nilingon ko sya at ang katawan nya parang nanginginig pero normal lang ito dahil alam kong kinikilig lang sya.
Naaalala nanaman siguro nito yung classmate nyang lalaki nuong elementary.
“Kasalanan 'to ni kevin—”
“Yung classmate mo sa elementary na pinahiram ka ng extrang short nung nakatae ka dahil dun kaya nagsimula ang kabadingan mo.”Tuloy ko sa kwento nya.
“Hoy hindi ako nakatae, na-igit lang. Magkaiba ang nakatae at naka-igit. Ang oa ng kwento mo ah.”Sabi nito at nag mamataray nanaman
Akmang magsasalita na ako ng dumating bigla si Blue.
“Ang aga mo naman ata ngayon, wala ka bang pinuntahang bebe girls mo?”Tanong ko kay blue, wala pang alas dose pero nandito na angad.
“Ate naman, parang ayaw mo ako dito ah.” patampong sabi ni Blue lumapit sya kay Rona at nag mano.
Agad naman syang sinabunutan ni Bakla.
“Bastos kang bata ka, diba dapat kiss yun.” Sabi ni Rona at tumawa naman si blue.
“Joke lang naman Mama baks.”Sabi nya at hinalikan na sa pisngi si Rona.
Hinila ko si Blue para malayo kay rona.
“Dalian mo Blue mag mumug ka, mag-toothbrush ka. Baka maging kamukha mo si Rona sige ka.”Pagpapanic ko.
“Ikaw talaga ate, sya nga pala ito ang ambag ko. Mag groceries nalang kayo ni Mama baks at mag pasalon na din kayo.”Sabi nya at inabot sakin ang envelope na maliit.
“E pano ikaw? May pera ka bang naiwan sayo? Baka tinitipid mo ang sarili mo ah. Masyado itong makapal hatiin natin, may pera pa naman kami ni—”Pinutol nya ang sinasabi ko.
“May pera ako ate, nag iwan ako. Para talaga sainyo yan.” Sabi nya at nag mamadaling pumasok sa loob ng kwarto nito.
Tinignan ko si bakla at nginitian ako nito.
“Nuong isang sinilip ko sa kwarto nya, nag-do-drawing nung umalis sya tsaka ko tinignan kung ano yun. Designs ng mga bahay at kung ano ano pa. Gusto atang mag-aral.” Pag ku-kwento ni bakla sakin.
Napaisip ako, matagal na naming kasama si blue pero di ko pa rin alam kung hanggang saan ba ang napag aralan nito. Matalinong bata si Blue at masipag nakikita ko ito pero hindi nya naungkat saamin na gusto nyang mag aral.
“Mahal ba ang tuition?” Tanong ko kay bakla.
“Aba'y malay ko, hindi naman ako nakapag aral sa may mga tuition na paaralan e. Public school ako pero alam ko mahal.”Sabi nya sakin at napahawak ito sa baba nya at napaisip rin.
“Ano ba yung kurso para dun? Agriculture?” Tanong ko sakanya kasi alam ko may kurso para duon e.
“Tanga hindi, manicure yun.”Pagtatama nya sakin.
“Mas lalong hindi, ginawa mo namang kuko yung bata. Arvirature?” Pang huhula ko pa.
“Hay nako hayaan mo na kung ano man yun basta yun na yun, alam ko yun e pero nakalimutan ko lang. ”Sabi nya at napakamot kamot pa sa ulo.
“Ano kaya kung patigilin na natin sya sa pag tra-trabaho pagtulungan nalang nating dalawa.”Sabi ko sakanya.
“Ayan nga rin ang naisip ko e, pero sa susunod pa na taon ang pasukan. Hayaan muna natin syang mag trabaho at nang makaipon na rin tayo. Pwede naman ata natin ito ilapit sa mayor e.”
Sana lang ay kayanin namin ni bakla para naman may makapag tapos samin dito. Bata pa si blue marami pang opportunity na nag aabang para sakanya.
Tinignan ko ang envelope na binigay nya sakin at binilang ko ang laman nun.
Nagkakahalaga itong 20k hinati ko ito yung 10k tinago ko at yung isa pang 10k ay yun ang ipang bibili namin mamaya ng groceries, matutuwa nanaman ang mga bata nito panigurado.
“Mag ready ka na bestie, mag go-groceries tayo.”Sabi ko sakanya.
Inayos nito ang buhok nya.
“Ito na yun be, ready na 'to.”sabi nya at nag pose pa sa harapan ko.
“Ako hindi pa, antayin mo mag susuot lang ako ng bra.”Sabi ko at nag mamadaling pumunta sa kwarto.
Naka pasok na kami sa loob ng Mall at pumunta kami sa may bilihan ng groceries.
Kumuha kami ng dalawang cart ni bakla.
“Ako na sa mga delata at pagkain natin, ikaw sa mga sabon at mga shampoo. Kapag tapos na ako pupuntahan kita dito, kapag ikaw naman naunang matapos puntahan mo ko dun.” Sabi ni bakla at tinuro ang kabilang side ng groceries kung nasaan ang mga pag kain, dito ako sa kabilang side na puro sabon.
“Okay beks, kapag nawala ako. Tawagin mo pangalan ko gamit yung mic na gamit ng mall ah.”Sabi ko sakanya at nag ok sign sya bago kami mag hiwalay.
Itinulak ko ang cart sa section ng mga shampoo, yung nasa pack ng shampoo ang kinuha ko dalawang dosena at kumuha rin ako ng conditioner para everyday fresh ang buhok namin para hindi naman kami mukhang may pugad lagi sa ulo.
Sinunod ko ang sabon, dinamihan ko ang kuha ng sabon. Ang lilibag ng tao sa bahay, nag mumukha na silang libag na naglalakad.
Kumuha din ako ng toothpaste, kailangan namin to.
Sinunod ko naman ang tawas dahil hindi ko matiis ang amoy ng kilikili ni bakla kapag walang tawas. Parang hindi kami mamamatay sa gutom e sa putok ni bakla.
Dinamihan ko talaga ang kuha ko ng tawas, ewan ko nalang kung di nya pa yan gamitin.
Kumuha rin ako ng sabon panlaba at ng Downy. Ito ang kailangan namin para stay fresh ganern.
Sinunod ko naman ang napkin namin ni Rona, Ewan ko nga sa baklang iyon e gumagamit din ng napkin feeling may kipay. Pano ko aabutin yung favorite napkin namin ni Rona kung nasa mataas.
Tumalon talon ako at pikit na inaabot yung mga napkin.
Napatigil ako sa pag talon ng bigla akong may maramdang tao sa likod ko. Nanatili lang akong nakatayo dahil ramdam kong malaking tao itong nasa likod ko.
“Ilang sanitary pads ang kailangan mo miss?” Taning neto sakin, at ang mas matindi yung boses nya. Lalaking lalaki buong buo at tsaka ang bango.
“Miss?”
“Sampo.”
“You sure?”
“Oo, mukha ba akong hindi sigurado? Mukha ba akong walang pambayad.”Pagtataray ko sakanya. Hindi porker mabango sya ay mamaliitin na nya ako.
“I'm just saying miss, don't be mad.” Ani nya sa kalmadong boses lang.
Pinili kong harapin sya at nauntog lang ako sa muscle nya.
“Hindi naman ako galit pero bakit mo ko inuuntog sa muscle mo?”Tanong ko sakanya para kunware di ko sinadya.
Ang liit ko namang tignan, dibdib nya yung kaharap ko kaya itinaas ko ang paningin ko. Familiar ang mukha nya pero di ko maalala kung saan ko nakita.
“Do I know you miss?you look familiar to me.”Tanong nya sakin.
“Magtatanong ka lang bakit kailangan English pa? Nasa pilipinas tayo kaya mag tagalog ka.”Pag susungit ko nanaman sakanya.
“Uhmm I mean—Nag kita na ba tayo before?”
“Hindi pa, ang dami mong tanong kuha mo nalang ako ng sampung napkin para makaalis na ako.” Utos ko sakanya na agad naman nyang ginawa, inilagay nya ang sampung piraso ng napkin sa cart ko.
“Salamat.” Sabi ko at mabilis na umalis pero bago ako tuluyang makaalis ay nahila nya ako.
Kaya napahinto ako.
Ano ba itong lalaking ito wala ba syang ganap sa buhay kaya buhay ko pinapakialaman.
“Anong pangalan mo?”Tanong nya sakin na may accent.
“Ba't ko naman sasabihin sayo?”
“Kasi tinulungan kita?”
“Nagpasalamat na ako ah, abuso ka.”
Inilahad nya ang kamay nya sa harap ko.
“Zxycjo West.” Pag papakilala nya saakin.
Wala na akong nagawa kung hindi tanggapin ang kamay nya.
“Talia.”Sabi ko at binitawan ang kamay nya at tsaka ako tuluyan ng umalis.
Hinahanap ko si Rona total tapos na ako. Mamili ng mga kailangan namin.
Nakita ko si Rona na tulak tulak ang cart nya at may hinahanap.
“Baklang Rona!”Tawag ko sakanya at agad naman itong tumingin sa gawi ko.
Binilisan ko ang pag tulak aa cart ko at lunapit sakanya.
“Tapos ka na?nabili mo na ba yung kailangan natin?”Tanong nya sakin agad naman akong tumango.
“Oo, E ikaw? Dinamihan mo ba yung kinuha mo?”Tanong ko sakanya hindi na ito sumagot bagkus ay tumingin nalamang sa dala nyang cart.
Mayabang itong ngumuti sakin ng ipakita nya iyon.
“Kaya bet kitang bakla ka e, alam na alam mo yung gusto namin e.”Sabi ko sakanya at inakbayan sya.
Tinulak naman nya ako.
“Tigilan mo nga ako Tali, kita mo ng naka dress ako at naka make-up tapos gaganyan ka sakin, baka akalain ng tao dito na tomboy ako.”Sabi nya na puno ng pandidiri.
“Wow, ayan ka na naman e. Tara na nga magbayad na tayo.”Sabi ko sakanya
Dumiretso kami sa Cashier.
Nauuna si Rona, sya na rin ang pumili kung saan kami pipila.
Inaalala ko kung may bibilhin pa ba ako kasi baka may makalimutan ako.
“Tali, hoy.”Tawag nya sakin, tinignan ko naman sya.
“Tignan mo yung papa na nasaunahan ang macho.”Kinikilig na sabi nya kaya tinignan ko kung sino yung tinutukoy nya.
Nakita kong si West ang tinutukoy nya.
“Ay si West, macho nga kaso panay ang English.”Sabi ko sakanya at tinignan nya ulit si West.
“Ikaw ah, pano mo nalaman ang pangalan?” curious na tanong nya sakin pero umiling ako.
“Bakit ko sasabihin sayo? Mamatay ka sa kakaisip kung pano.”Sabi ko sakanya at ngumisi.
Baka Hindi makatulog itong baklang ito kapag sinabi ko.
“Dalian mo na sabihin mo na, ito naman parang walang pinagsamahan.”Sabi nya sakin at napanguso.
Nakaisip nanaman ako ng kalokohan.
“Kiss mo muna ako tapos sasabihin ko.”Pang aasar ko sakanya.
Malakas itong napabintong hininga at kita ko nanaman ang diring diri nyang mukha.
“Wag mo nalang sabihin, alam mo ikaw nakakadiri yang pinag sasabi mo.”Sabi nito at tinalikuran ako.
Natapos na si West at nag babayad na nilagay na agad ni Bakla ang mga pinamili namin at inayos para maisunod na kami.
Tinulungan ko na sya baka mamaya kasi mag reklamo pa.
“It's you again, Talia.”Sabi ni West kaya napatingin ako sakanya.
Yung tingin samin ni Rona ay papalit palit.
“Pauwi na rin.”Simpleng sagot ko sakanya at tinuloy na ang pag aayos ng pinamili.
“Magkakilala kayo?”Di makapaniwalang taning ni Rona kay West, ayaw nya talagang maniwala na nag kakilala kami.
“Yeah?” Sagot ni West na parang hindi pa ito sigurado.
“I thought magisa ka lang.”Dagdag pa nitong sabi.
Napa tirik ang mata ko dahil sa sinabi nya.
“May kasama ako diba, kita mo naman?”Sarkastikong sagot ko at tinuro si Rona.
“Ang harsh mo naman sa Papa, talia. Nagtatanong lang yung tao e.”Pag tatanggol pa ni Rona sakanya.
Aba dapat sakin ito papanig hindi ba?Traidor talaga itong baklang ito kapag pogi na ang nanjan.
“She's masungit nga e, maybe she had her period today.” Wala sa sariling Sabi ni West kaya tinignan ko sya.
“Aba loko kang lalaki ka ah.”Sabi ko sakanya at tinignan sya ng masama.
“Don't be mad at me again, ako nang magbabayad ng pinamili nyo.” Offer nya samin.
Bigla namang kuminang ang mata ni Rona.
“Wag ka ng masungit baks, tignan mo ang bait naman pala e.”Bulong sakin ni Rona kaya siniko ko sya.
“Siraulo ka ba? Hindi natin kilala yan baka mamaya bigla tayong sugurin sa bahay at maningil.” Bulong na sabi ko sakanya, napatango tango naman si Bakla na parang sang ayon sakin.
“Ay oo nga no.”Sabi nya pa.
“Papa, hindi mo na kami kailangan ilibre. May pambayad kami.”Sabi ni Rona kay West sa maliit na boses. Parang kabayong inipit ang boses nito.
Napalunok naman si West at parang namutla ang mukha, ikaw ba naman tawagin ka ng papa ng hindi mo kakilala ay hindi ka kakabahan lalo na kung si Rona ang tumawag sayo nun talagang kakabahan ka.
“Narinig mo? Tapos ka na mag bayad kaya umalis ka na. Kung hindi ka aalis ay hahalikan ka ni Rona. Mamili ka ng maayos pero okay lang naman kung gusto mo ng kiss mula kay Rona e.”Sabi ko at si Rona naman ay parang gustong gusto ang ginagawa ko.
Tignan mo itong baklang ito kapag sa borta ang harot harot pero nung ako nang hingi ng kiss sinampal ako.
Ang unfair ng mundo...
“I'm gonna go, see you again Talia.” paalam nito sakin at nagmamadaling umalis kasama ng pinamili nya.
Ang laki ng katawan tapos takot lang sya sa halik ni Rona, iba talaga ang kamandag ni Rona ngiti pa lang nakakalason na.
“Ay umalis.”Dismayadong sabi ni Rona.
“Ikaw naman kasi e tinakot mo agad. Umalis tuloy.” Tumatawang sabi ko sakanya.
“Umayos ka nga, bilisan na natin pra makauwi na tayo.”Sabi nya at halatang bad mood sya.
Hindi talaga pumalya itong baklang ito na pasayahin ako.
Kaya walang lugar ang depression sa buhay ko e dahil nanjan si Rona.
© msmncd
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro