PROLOGUE
Prologue
Pa-labas ako sa masikip na daanan dito saamin, Hapunan na at wala pa rin ang baklang ulikba sa bahay kaya ako na ang bumili ng ulam ng mga bata. Dala ang isang daang piso ay pag kakasyahin ko ito dahil wala pa akong budget, mahina ang kita ko sa bar ngayon.
Wala pa naman sa isip ko ang mag benta ng laman pero baka kapag nagpatuloy pa ito ay baka mauwi ako sa pag po-pokpok. Bahala ng magalit si bakla, kesa naman sa pare-pareho kaming tumirik ang mata dahil sa gutom...
Dahan dahan akong lumakad dahil ramdam kong may sumusunod sakin.
Huminto ako sa pag lalakad at naramdaman ko na lang na may matulis na bagay na naka tutok sa tagiliran ko.
"H-hold-up 'to, ibigay mo sakin lahat ng pera mo." Sabi ng lalaki at halatang kinakabahan ang boses nito kaya sinamantala ko na.
Hinarap ko sya at tinignan sa mata, ibinaba ko ang tingin ko sa kutsilyong hawak nya. Kapansin pansin na nanginginig ang kamay nya at mali ang paraan nya ng paghawak ng kutsilyo.
"Tarantado ka din e, isang daan na nga lang ang pera ko tapos mang ho-hold-up ka pa? Kami walang makakain tapos ikaw meron?" Pagtataray ko sakanya at nakita ko naman na napa pikit pikit sya sa gulat.
Tinignan ko ang katawan nya. Malaki check, hinawakan ko kung may abs ba meron din.
Tinanggal ko yung nakatakip sa mukha nya at infairness pogi.
"A-anong ginagawa mo?" Kinakabahang tanong nya at nabitawan ang kutsilyo ng nakatutok sakin.
"Pamilyado ka na ba?" Tanong ko sakanya.
Puno ng pagtayaka ang mukha nya, pero sumagot pa rin sya.
"H-hindi." Alin langan pang sagot nya.
"Pasok ka sa panlasa ni bakla."Sabi ko sakanya at hinawakan sya sa pulsuhan at hinila. Dadalhin ko sya sa bahay at ipapakilala kay bakla, baka nandun na din yun.
"San mo ako dadalhin?" Kinakabahang tanong nito sakin.
"Manahimik ka nalang pwede, babangasan kita pag di ka nanahimik jan." Pananakot ko sakanya at nagpatuloy sa pag lakad.
Malapit na kami sa bahay namin, nadaanan pa namin ang nagwawalang si Buboy dahil lasing.
"Bigyan nyo ako ng alak!" Sigaw nito kay Amelia na asawa nito.
Binitawan ko ang lalaki at lumapit kay buboy.
"Mukhang lasing ka na pareng Buboy ah,papasok ka at matutulog ka sa loob ng bahay nyo o dito kita papatulugin sa kalsada?" Tanong ko sakanya at tinignan ng masama.
"Ikaw pala Talia, heto kasing misis ko ayaw akong bigyan ng alak." Lasing na wika nito sakin.
Mas lalo akong lumapit sakanya at bumulong.
"Titigil ka sa pag wawala o tatawagin ko si Pablo para dalawa kaming bubugbog sayo? Mamili ka." Pananakot ko sakanya dahil kilala si Pablo na Gangster dito samin at ako ang Master kuno nila.
Kaya ginagamit kong advantage yun para mapanatili ang kapayapaan sa baranggay namin.
"Hindi ka naman mabiro Talia, oh sya matutulog na ako."Lasing na wika nito at umakbay sa kanyang asawa, bago pa man na pumasok sila ay lumingon si Amelia sakin at nagpasalamat.
Muli kong tinignan ang lalaking kasama ko kanina, at laking gulat ko ng makita ko pa rin sya roon.
Lumapit ako sakanya.
"Pagkakataon mo ng umalis kanina bakit di ka umalis?"
"Hindi ko din alam." Wala sa sariling ungot nito nag simula na akong lumakad papunta sa bahay at ramdam ko pa din ang presyensya nya mula sa aking likuran.
"Ngayon lang kita nakita sa lugar na 'to, dayo ka?" Tanong ko sakanya.
"Oo, kalilipat ko lang kahapon."Sagot nya sakin at napa iling iling naman ako.
Nilingon ko sya at piningot, napasigaw sigaw ito dahil sa sakit.
"Arrrraaaayyyy!Bakit ka namimingot?"Tanong nya sakin habang nakahawak sa tenga nya.
"Ang lakas ng loob mo na mang hold-up e kabago bago mo lang dito, mukha ka namang anak mayaman."Sabi ko sakanya at muling naglakad, tanaw ko na ang bahay namin mula dito.
"Wala kasi akong budget, kaya naisipan kong mang hold-up."Sabi nito na parang nahihiya.
Lintek na yan, may hiya pala ito..
"San ka natuloy?"Tanong ko sakanya.
"Jan lang sa may ilalim ng tulay." Sagot nito sakin at tumango tango na akong muli at di na muling nagsalita.
Nakarating na kami sa tapat ng bahay namin, sa labas palang ay rinig na rinig na ang inggay mula sa loob. Nandito na siguro si bakla kasi bukas na ang Christmas lights na buong taong binubuksan ni bakla.
"Bahay mo 'to?"
"Dito tayo huminto diba, malamang bahay ko 'to." Sarkastikong sagot ko sakanya.
Binuksan ko ang gate namin.
"Halika tuloy ka." Pag aaya ko sakanya.
~Take a sip of my secret potion
I'll make you fall in love~
Rinig kong kanya ni bakla.
~For a spell that can't be broken~
Kanta naman ni tres.
~One drop should be enough~
Sumunod namang kumanta si Dos.
~Boy, you belong to me~
Kanta rin ni Jake.
~I got the recipe and it's called Black Magic~
Si uno naman ang nahuli.
"Hanep, may concert sa loob." Manghang sabi nung lalaki.
"Normal lang yan dito-ay Teka ano palang pangalan mo?" Tanong ko sakanya dahil kanina ko pa sya kasama ay di nya pa rin sinasabi pangalan nya.
"Blue nga pala, talia tama?"Sabi nya at inilahad ang kamay nya sa akin.
Tinanggap ko iyon at nakipag kamay.
"Talia."Simpleng sagot ko. Tsaka kami pumasok sa loob.
"Ateee!"Sabay sabay na sabi nila sakin at yumakap. Isa isa ko silang hinalikan.
"Ang aasim nyo naman, diba sabi ko maligo kayo tsaka wag nyong gagayahin yung putok ni bakla."Paalala ko sakanila.
"Hoy kaloka kang babae ka, wala akong putok no."Pagrereklamo ni bakla sakin at napatingin sila sa lalaking kasama ko.
"Ay oo nga pala, sya si Blue. Blue pamilya ko nga pala. Yung panganay si Uno limang taong gulang."Sabi ko at turo kay uno na mukhang koreano."Yung sumunod naman ay si Dos at tres na apat na taong gulang."Turo ko sa magkapatid na Dos at tres kambal ang dalawang batang babae pero magkaiba ng mukha may lahing banyaga at ang dalawang ito dahil na din sa kulay green nilang mata. "At ang bunso namin si-"
"Kwatro?"
"Hindi, Jake ang pangalan nya.
"Kala ko kwarto, ako nga pala si Blue." Pagpapakilala nya sa sarili nya at kumaway sa mga bata.
Napatingin ako kay bakla na nagpapa-cute at inaayos kuno ang buhok nito, nakakahiya naman sa kilay nyang kasing nipis na ng sinulid.
"Si Ronaldo nga pala blue, asawa ko."Sabi ko sakanya at halos mamula ang mukha ni bakla dahil sa sinabi ko. Bakas din sa mukha nya ang pandidiri.
"Magasawa kayo?" Di makapaniwalang tanong nya sakin.
"Kasinungalingan, sa ganda kong ito ay talagang maiisip mo yan?Wala kang dignidad na babae ka, pano mo nasisikmura yang sinasabi mo. Rona ang pangalan ko hindi Ronaldo, kadiri."Madamdaming sabi nito at tumawa ako.
"Biro lang, pero kung gusto mo bakla. Bakit hindi?"Sabi ko at kinindatan si bakla.
"Alam mo yuck kang babae ka."Sabi ni bakla na tumititik ang mata.
"May opening pa ba sa bar?"Seryosong tanong ko kay bakla.
Malakas kasi ang kapit ni bakla sa Bar na pinapasukan namin. Bakla din kasi ang may ari.
"Bouncer lang ang meron at macho dancer."Sabi ni bakla ang tinutuloy nya ay yung sa gay bar na pinagtratrabahuhan nya. Dun ako sa branch na puro mayayamang negosyante. Magkakatabi tabi lang naman.
"Pwede bang sa bouncer nalang ako, di ako marunong sumayaw e." sabi ni blue at napakamot sa batok.
"Mas malaki ang kita sa macho dancer at tsaka sasayaw ka lang naman at naka maskara naman."Pang-eenganyo ni bakla kay blue.
"Pag iisipan ko pero sa ngayon bouncer lang muna ako."Sagot ni blue.
"Oh sya kung ayan gusto mo, kumain na ba kayo? Teka nasaan pala ang binili mong ulam Talia?sabi ng mga bata bumili ka raw."Tanong ni bakla at hinahanap sakin yung ulam.
"Hindi na ako nakabili, nag uwi ka ba?"Tanong ko sakanya, sure naman ako na may dala ito. Tirador ito ng pagkain e, laging may uwi.
"Oo naman, ako pa ba."Masyang sabi nito at pinakita ang naiuwi nya.
"Ang dami mong nakuha."Manghang sabi ko, buti nalang nakilala ko si bakla kung hindi ay patay na ako ngayon dahil sa gutom.
"Tara kumain muna tayo."Sabi ko.
May pasok pa kasi ako mamayang 10 sa bar.
Inaayos ko ang gamit ko na dadalhin sa bar. Nagsuot lang ako ng pants at malaking damit. Nag lagay lang ako sa bag ng extrang damit.
"Hindi na kita maihahatid, kasi baka may gawing kakaiba itong blue na 'to. Mahirap na at tatlo kaming babae rito. Oh sya ang bilin ko sayo tandaan mo, sasayaw ka lang hindi ka mag papagalaw. Kapag pinilit ka tumakbo ka kay Rita." Bilin nya sakin, si Rita ang isa pa naming baklang kaibigan. Paminsan minsan rin ay dito iyon natutulog, palibhasa may bagong boyfriend kaya bumukod muna.
"Hindi ko nakakalimutan yun, uuwi rin ako mamaya. Ganung oras pa rin, antayin mo ako ah."Sabi ko sakanya at isinukbit ang bag sa likod ko.
"Kiss mo na ako."Sabi at ngumuso sakanya pero imbles na halik ang makuha ko sampal ang binigay nya sakin.
"Illusyonadang babae ka, alam mo namang nandidiri ako sa mga ganyan mo e. Tsaka kilabutan ka nga, si blue nalang ang gagapangin ko. Umalis ka na nga."Pag tataboy nya sakin. Natatawa akong umalis.
Naglakad ako papuntang sakayan, Hindi naman ako natatakot dahil kilala na ako dito.
"Talia, ikaw pala. Tara na sakay ka na."Sabi ni Tatang, sya ang laging naghahatid sakin.
"Sakto ho tang, malalate na ako."Sabi ko at simakay na sa tricycle nya.
"Bakit Hindi ka nalang kasi mag pang umaga."
"Tang naman, bar ho iyun. Sa gabi talaga maraming parokyano. Tsaka sayang din po kasi ang kikitain ko sa pag wa- waitress dun."Pagsisinungaling ko sakanya, Hindi naman nya malalaman e dahil hindi sila makakapunta din dahil mayayaman lang ang nakakapasok dun sa branch na pinapasukan ko.
Malapit lang naman yun dito kaya saglit lang na sakayan.
"Magingat ka hija."Sabi nya at bumaba na ako. Inabot ko ang bayad ko sakanya.
"Magingat din po kayo tatang. Mauna na ako."Sabi ko at tsaka pumunta sa likod na parte ng bar, may pintuan kasi dun para lang sa mga trabahante.
Nang makapasok na ako dun ay naabutan ko si Hani at Karen. Nakapustura na ang dalawa.
"Bakit ngayon ka lang, tapos na yung performance namin, si Jen na ang nandun. Bilisan mong magbihis ikaw na next."Sabi ni hani sakin habang nag re-retouch.
"Ito ang suotin mo oh."Sabi ni Karen at binigay sakin yung panty at bra na kulay red. May kasama yun na stocking na kulay red din.
"Salamat."Sabi mo at kinuha ang susuotin ko.
Di na ako nagabalang pumutang cr sa harap na nila ako naghubad at sinuot ko ang gagamitin ko.
Nang matapos kong isuot yun ay nag mamadaling kinulot ko ang buhok ko at nag makeup ng kaunti.
Nang ready na ang lahat ay sinuot ko na ang high heels. Sinuot ko na ang maskarang lagi kong ginagamit.
Sakto ng matapos ako ay biglang pumasok si Jen at tinapik ako.
"Ikaw na, good luck."Sabi nya at inayos ko ang sarili ko.
Huminga ako ng malalim at lumabas papuntang VVIP ROOM.
May maliit na stage dun at may pole. Tumunog ang kanta at nagsimula akong sumayaw.
Wala ng lugar ang hiya sa katawan ko dahil ito ang napili kong trabaho, hindi dapat ako makaramdam nun.
Nagsisimula na ring mag hagisan ng pera ang tatlong lalaki maliban sa isa, natuon ang attention ko dun sa lalaking yun. Tinignan ko sya sa mata habang sumasayaw ako.
"Whoooa!"Sigaw ng isang lalaki.
"Tanggalin mo bra mo miss."Sigaw pa ng isang lalaki sabay tumawa.
"Panty mo nalang ang hubarin mo miss." Sabi nila pero wala akong pake nanatili lang ang attention ko sa lalaking tahimik.
Bumaba ako ng stage at lumapit dun. Nginitian ko sya.
Sumasayaw ako sa harap nya, hinaplos ko ang pisngi nya at umupo sa kandungan nya. Gumi-giling ako habang nakaupo sa kandungan nya. Nararamdaman kong may tumutusok dun pero hindi ko na iyon pinansin.
"Dito ka nalang sakin miss, single ako."
"Kaya nga miss, may asawa na yan."
"Ang swerte mo West."
Akmang hahalikan ko sya ng biglang tumigil ang kanta, kaya tumayo ako at nag mamadaling Pinulot ang pera na pinag hahagis nila.
"Bye, Big boy."Sabi ko at maarteng kumaway sakanya lang.
"Wait miss, What's your name?"Habol na tanong nya pero hindi ko na ito nilingon habang papalabas ako ay kumakaway ako.
Nang makalabas ako ay binilang ko ang pera na nakuha ko dun, laking gulat ko dahil umabot ito ng 50 thousand. Pero 40k lang ang mauuwi ko dahil yung 20 percent ay sa bar.
40 thousand para sa dignidad ko.
© msmncd
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro