IKATLONG KABANATA
A/N:SANA MA-ENJOY NYO KAHIT SABAW ANG PAG KAKAGAWA KO.
KABANATA 3
“Okay, fine. I'll give you the money that you needed. In return, you need to be my fucking sex slave.” Sabi nya habang nakatingin sa mga mata ko. Nangungusap ang mga mata nyang nakatitig saakin.
Napalunok ako at buong tapang na sinunggaban ang kanyang mga labi, gulat sya saaking ginawa pero agad rin itong nakabawi at marahang tinugon ang aking halik.
Lumalim ang aming halik tumigil lamang kami nang pareho na kaming kapos ng hininga.
Nahihiyang tumingin ako sakanya, namumula ang kanyang tenga at pamisan ang kanyang noo.
“Bawal ka ng umatras sa usapan natin, nahalikan mo na ako at mukha namang nag enjoy ka.”Mahinang sambit ko sakanya napatango tango naman ito sa sinabi ko.
Biglang namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
Pero sya rin ang bumasag ng katahimikan na yun.
“I only have one rule, don't fall in love with me, or else I'll kill you.”Sabi nya at bahagyang nag-iba ang tono ng boses, napalunok ako dahil sa sinabi nya.
Mukha itong hindi nag bibiro, ako rin naman.
Marahan akong tumango at nagiwas ng tingin.
Gulat ang mga mata ko ng bigla nya akong hawakan sa panga at binigyan ng dalawang dampi ng halik ang labi ko.
“Sei intrappolato con me.” Sambit nito at binitawan ang panga ko. Napahawak ako sa panga ko dahil nakaramdam ako ng bahagyang sakit dito, medyo napa diin ata ang pagkahawak nya sa aking panga.
Napansin nya ata ang ginawa kong paghawak sa aking panga.
“Sorry.”Sabi nya saakin, bakas ang sinseridad sa kanyang boses.
Tumango nalamang ako bilang sagot.
“Pwede bang umuwi muna ako saamin, titignan ko lang ang mga bata.”Mahinang sabi ko sakanya at wala pang ilang minuto ay pinaandar na nya ang sasakyan.
“San ban banda ang bahay nyo?” Tanong nya saakin.
Tumingin muna ako sa daan para masigurado ko kung nasaan na kami. Hindi na ako nag abalang tignan sya.
“Dumiretso ka lang ituturo ko nalang sayo, malapit na lang naman tayo e.”Sabi ko sakanya, sa may bungad nalang ako bababa dahil hindi naman kasya ang kotse nya papasok saamin at tsaka baka maging laman pa ako ng chismis ng mga kapit bahay namin.
Nang makita ko na ang bungad ay dun ko lang sya tinignan.
“Dito mo nalang ako ibaba, hindi kasya ang sasakyan mo sa loob.” Sabi ko sakanya, nahihiya man ako pero lalakasan ko na ang loob ko.
“Are you sure?”Tanong nya sakin at tumango naman ako bilang sagot.
Parang naputol yung diba ko at hindi ko mabigkas ang salitang gusto kong sabihin.
“Ahh,West?”Tawag ko sa pangalan nya.
“You need anything?”Kalamadong boses na tanong nya saakin.
Mahina akong bumuntong hininga.
“May extrang cash ka ba?pwedeng pahiram muna?Babayaran ko naman di kita tatakbuhan tsaka alam mo naman na yung bahay namin.”Nahihiyang sabi ko sakanya.
Nakatingin lang sya sakin kaya mas lalo akong nahiya, gusto kong lamunin nalang ako ng lupa dahil sa ginagawa ko ngayon.
“Ayos lang kung ayaw mo. Hehe”Sabi ko at napakamot sa batok.
“We have a deal right?So how much?”Sabi nya na kalmadong kalmado pa rin.
Kalmadong kalmado sya samantalang ako ay gusto ko ng magpalamon sa lupa dahil sa hiya.
“Ikaw, kahit magkano.”Sabi ko at ibinaba ko ang tigin ko.
Nakita kong kinuha nya ang wallet nya sa bulsa nya at kumuha ng pera.
Lilibuhin ang kinuha nya, hindi na sya nag abalang bilangin ang pera. Bigla nalang nya itong inabot saakin.
Walang salita ang lumabas sa bibig nya, ibang ibang West ang narito sa harap ko ngayon. Seryosong West ang nakikita ko wala yung malokong nakilala ko.
Yung West na kaharap ko ngayon ay dilekado yung tipong mag joke ka lang at hindi sya na tawa ay babarilin ka na agad.
Tinanggap ko ang pera at binilang ito, tumatagingting itong 20k.
“Masyado namang malaki ito.”Reklamo ko sakanya, kinuha ko lang ang dalawang libo at binalik sa kanya ang sobra. Bibili lang naman ako ng pagkain ng mga bata, baka kasi sa pag mamadali ni rona na isugod si uno sa hospital ay baka hindi nya naiwanan ng pera ang mga bata tsaka baka gutom rin sila.
Gutumin pa naman ang mga batang iyon.
“Why?”Takang tanong sakin ni West.
“Masyadong malaki ang binigay mo, ibibili ko lang naman ito ng pagkain ng mga bata e. Baka kasi di pa sila kumain, gutom na yun sila panigurado. Nasanay kasing laging may midnight snack, busy pa naman si Rona kay Uno, Si blue naman may pasok pa. Walang naiwan sa tatlong bata na mag babantay.” Nakangiting wika ko kay West, ganto talaga ako lagi kapag sa mga bata. Gusto ko kasi kahit papano maranasan nila yung hindi namin naranasan ni Rona dati nung mga bata pa kami.
“Bakit ka ganyan?”Tanong nya sakin.
Kumunot ang noo ko sa sinabi nya “Ang alin?”Bakit na tanong ko sakanya.
“You love them so much, you're willing to be someone's toy for the money...So you can spoil them?”Wika nito na may pag kamangha sa kanyang boses.
Ngumiti ako sakanya.
“Gusto ko silang bigyan ng magandang buhay, yung malaya. Hindi kasi namin naranasan ni Rona yung malayang kabataan, kaya ito kami kahit na mahirap lumalaban.”Sabi ko sakanya na nay ngiti pa rin sa labi.
Tumango tango ito dahil sa sinabi ko.
“Sige, mauna na ako.”Paalam ko sakanyan kasi baka kung saan pa mapunta ang usapan namin.
At tsaka baka ialok nya pa sakin ulit yung pera na ibinalik ko e, naka hindi na ako tumangi kaya alis na lang ako.
Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan nya at dali daling lumabas doon.
Bago ko mapaman isara ang pinto ng kanyang sasakyan ay muli itong nagsalita.
“Can I go with you?” Sabi nya na parang bata na nagpapa-cute.
“Go?as in sama ka sakin?”Pag kumpirma ko sa sinabi nya, baka kasi mamaya namali ako ng pag kaintindi e.
Marahan itong tumango, kung sasama sya sakin edi kanino maiiwan yung sasakyan nya?
“Sure ka ba?”Tanong ko sakanya.
Muli itong tumango.
“Kung sasama ka sakin, pano tong sasakyan mo? Baka kalasin ng mga tambay dito ang ibang parte ng sasakyan mo at ibenta?”Sabi ko sakanya baka kasi magbago pa isip nya at hindi na sya sumama sakin.
Sayang din ang sasakyan nya kapag nag kataon mukha pa namang mahal ang gantong klase ng sasakyan.
“Don't worry about it, I can handle ny car.”Sagot nya sakin at tumango tango naman ako.
“Tara na.”Nakangiting pag aya ko sakanya.
Dali dali naman itong bumaba at sinugurado nyang naka lock ang sasakyan nya.
Tinanaw ko ang 7/11 na ilang lakad lang ang layo saakin.
“Pwedeng daan muna tayo sa 7/11 bago tayo pumunta samin?”Sabi ko sakanya at nahihiyang kumamot sa batok ko, baka kasi mainis sya ang dami ko kasing paligoy ligoy bago makauwi.
“Sure.”Tipid na sagot nito sakin. Hinawakan ko sya sa pulsuhan, nakakahiya naman kasi kung mauuna akong maglalad baka sabihin nya wala akong galang.
Nakahawak lang ako sa pulsuhan nya at sya naman ay nakatayo pa rin kung nasaan sya ngayon hindi ito gumagalaw kaya tinignan ko.
“Bakit ka naninigas dyan?”Tanong ko sakanya.
Hindi nama ganun kadilim para himdi ko makita ang namumula nyang mukha, nakangiti rin sya.
“Seriously? Tinatanong mo ako nyan?”Sabi nya habang nakangiti saakin.
“Kailangan ba joke para sagutin mo?” Sarkastikong sagot ko sakanya na ikinawaka naman ng ngiti nya.
Tumawa ako ng pilit baka kasi mamaya mag activate yung nakakatakot na west.
“Tara na nga, baka makasalubong pa tayo ng manananggal na naglalakad e.”Sabi ko sakanya at hinila na sya papuntang 7/11.
Kakaunti lang ang tao sa loob, ilang piraso nga lang e sila dun e.
Kumuha ako ng 1liter na Ice cream at dalawang balot ng slice bread.
“May gusto ka ba?O may kailangan ka? Wag kang mahiya, pera mo namam itong ibabayad ko e.”Sabi ko sakanya baka kasi nahihiya lang sya sakin kaya ang tahimik nya.
“Yan lang ba ang bibilhin mo? Baka nay gusto ka pang idagdag.”Ani nya, kaya umiling na ako.
“Dito ka lang ah, babayaran ko nalang 'to para makuwi na tayo.”Sabi ko sakanyan at naglakad papuntang counter.
At dahil si west ang kasama ko, hindi ito nakinig saakin at talagang sumunod pa.
“Bali 367.25 po madam.”Ani nung kahera.
Kinuha ko ang isang libo na hiniram ko kay West pero bago ko pa maabot yun ay naunahan na ako ni West.
“So I receive 1,000 pesos sir.”Sabi pa ng kahera, may pinindot pindot ito at lumabas ang kaha nila ng pera.
Sinuklian nya ang binayad ni West at inilagay sa plastic ang pinamili ko.
“Thank you ma'am, sir. Balik po kayo ulit.”Sabi ng kahera saamin kinuha ko ang plastic na pinahlagyan ng pinamili namin.
Nakatayo lang si West dun at may tinitignan pa, tinignan ko kung saan sya nakatingin.
“Sir? Need nyo po ba? May iba pa naman po kaming Sizes e.”Ani ng kahera kay West.
“May mas malaki pa ba kayong size?Double XL?”Seryosong tanong ni West sa kahera.
Tumango naman ito.“Meron po sir kaso kukunin ko pa po sa stock room namin, ano po bang flavor?”Tanong ulit ng kahera kay West.
“Which one do you prefer? Strawberry or bubble gum flavor?”Tanong nya sakin. Bigla akong kinabahan ng malala, kailangan bang itanong sakin yun?
Kinakabahan akong ngumiti sakanya “Strawberry nalang?” Hindi siguradong sagot ko.
“Okay, anything?”
Umiling nalang ako.
Nakakahiya naman, gusto kong kainin na ako ng lupa at dalhin nya ako pauwi samin. Nagmamadaling umalis amg kahera at pumasok sa isang kwarto o baka yun yung stock roo na sinasabi nya.
Naiilang akong tumingin sa box ng mga candy dahil katabi lang nun ang box ng mga condom.
Hirap pumasok sa isip ko ang pinag gagagawa ni West.
Double Xl na condom? Seryoso ba sya?
Anong gagawin nya dun? Gagawing gloves?
Bumalik na ang kahera na dala ang isang box ng condom na double xl.
“Ilang pieces po ba sir?” Tanong ng kahera kay West habang binubuksan nito ang kahon ng Condom.
“Maybe 3 boxes.” Ani West.
Tatlong box?laman ng isang maliit na box tatlo,kung di ako nagkakamali. 3x3 equals 9.
P-utang-na!! Ano bang t-ti meron 'to? Machine?
Tsaka Double XL, sa t-ti ba ng kabayo nya ilalagay yun? Kawawang kweba, mawawasak.
Tsk-tsk...
Matapos naibigay sakanya ang binili nya ay binulsa nya ito, hinayaan ko naoang sya gusto nya.
Naglalakad na kami papauwi sa bahay, walanh nagsalita saming dalawa nanatili lamang kaming tahimik.
Malapit na kami sa bahay tanaw ko na ito, walang buhay at kulay ang bahay namin ngayon.
Hindi ito masiglang uwian kagaya noon, iniisip ko pa lang na wala dito si Uno at Rona ay lungkot ang nararamdaman ko.
Nakarating na kami sa harap ng bahay, tinignan ko si West.
“Pasok ka sa munti naming tahanan.”Sabi ko at bahagyang ngumiti.
“Pasensya ka na, maliit lang bahay namin pero wag kang mag alala malinis naman yung loob.”Dagdag ko pa napailing naman si West dahil sa sinabi ko.
“Welcome ba ako?” Tanong naman nito sakin.
Tumango ako sakanya.
“Oo naman, tara pasok na tayo.”Ani ko sakanya at nauna ng pumasok, nakasunod lang ito sa likod ko.
Bukas pa ang ilaw sa loob kaya gising pa silang tatlo.
Inilapag ko sa mesa ang dala kong pagkain.
“Upo ka muna, titignan ko lang ang mga bata.”Sabi ko kay west at tsaka tinuro ang upuan sa tabi ng mesa.
Dumiretso ako sa kwarto nila dos at tres baka nandun din si jake.
Nasa tapat pa lang ako nang kurtina rinig na rinig ko na na may umiiyak na bata.
Hindi si Jake o si dos at tres yun, kilala ko ang boses nila.
“Wag ka nang umiyak Jovi, gagamutin lang naman natin ang sugat mo e.”
“Oo nga jov, sige na baka mamatay ka nyan.”
“Tama sila ate,Jovi. Ipagamot mo na baka matanggal katawan mo nyan.”
“Hindi naman masakit 'tong alcohol e, isipin mo nalang na wala kang nararamdaman habnag ginagamot kita para di mo talaga maramdaman.”
Hinawi ko ang kurtina at halos magulat silang apat saakin.
“Ate!”Sabay sabay na sigaw nilang tatlo at tinakpan ang batang umiiyak sa kanilang likuran.
Kumunut ang noo mo dahil sa ginawa nila, mukha silang kabadong tatlo.
“Sino yan?ha? Bakit nyo tinatago?”Tanong ko sa kanila at pilit kong sinilip ang batang nasa likod nila.
Halos magulat ako ng makita ko ang kaawa awang bata sa kanilang likuran.
Puno ng sugat at pasa ang katawan ng musmos na batang babae.
Lumuhod ako at hinawi ang buhok nya. “Anong nangyari sayo?” Kinakabahang tanong ko sakanya.
Nakakita na ako ng sugat at pasa pero ang makita ko ito sa kaawa awang bata ay hindi ko kaya, parang pinipiga ang puso ko dahil sa nakikita ko.
“Sinong gumawa sayo nito?”Tanong ko pa ulit.
“Binugbog sya ng Tatay nya ate, lasing kasi tas walang pera.” Sagot ni Dos sakin.
Hinarap ko si dos.
“Saan sya nakatira? Pano sya napunta dito?”Tanong ko pa kay dos, hindi makatarungan para sa bata ang buhbugin nang dahil lang sa lasing at walang pera.
“Sa may tulay sila nakatira ate, dun sa tawid. Classmate sya ni jake ate, nadaan na sya dito ate kaya alam nya ang bahay natin.”Paliwang ni Dos sakin.
“Sorry po, aalis nalang po ako ate.”Sabi ng batang si Jovi at pinunasan ang luha nito.
Mag lalakad na sana ito paalis pero pinigilan ko sya.
“Kumain ka na ba? May Ice Cream akong dala. Halika sa kusina tayo, Jake dalhin mo yung first aid dun ko na sya gagamutin.” Sabi ko sakanya at naunang pumunta sa kusina dahil nag aantay si West dun.
Sumunod naman saakin ang mga bata, may dalang first aid si Jake gaya nga sabi ko.
“Kumain ka na ba West? Gusto mong kumain ka muna?”Tanong ko sakanya baka kasi nagugutom sya.
“I'm good, don't worry about me babe.”Sagot nya sakin.
Tumingin ako sa mga bata na nasa likod ko, lahat sila naka titig at bukas ang bunganga na nakatingin kay West.
“Hoy!Bakit kayo ganyan?”Tanong ko sakanila. Agad naman nilang sinara ang bunga nga nila. “Wow,ate may bisita pala tayong artista.”Sabi ni Jake at lumapit kay West.
“Hello kuya, ang gwapo mo po.”Sabi ni Jake kay West napailing naman si West at hinawa ang buhok ni Jake.
“Likewise, kiddo.”
“Oyy ate, englishero. Imported, boyfriend mo ate?”Sabi naman ni Tres.
“Oo nga ate, boyfriend mo?”Tanong din ni Dos, napailing nalang ako sa inasal nila.
“Alam nyo kayo, puro kayo biro. Si West yan ano ko...ano.”Sabi ko, hindi ko maisip kung ano ko ba si West.
“Friend.”Ani West.
“Ay oo tama, kaibigan ko.”Pag sang ayon ko kay West.
“Hay nako ate, yan din sabi ni Daniella sa nanay nya. Tignan mo ngayon buntis na, nabuntis nang kaibigan nya.”Sabi ni Dos at tinaasan ako ng kilay, aba.
Nilabas ko ang Ice Cream sa plastic at tinapay. “Tama na nga yang Chismis mo dos, kumuha na kayo ng lalagyan nito. Kumuha ka ng sakto satin.”Utos ko sakanila.
Tinignan ko si jovi nakatago lang ito sa likod ni Tres.
Hindi pa siguro ito napapansin ni West.
“Halika, dito ka.”Sabi ko sakanya at hinawakan sya sa kamay at inalalayang pinaupo sa upuan.
“What happened to her?”Tanong ni West at patayo pa ito sa kanyang kinauupuan.
“Sinaktan daw sya ng tatay nya.”Malungkot na sagot ko kay West.
Lumapit ito samin at tinignan ang bata.
“Okay ka lang ba?”Tanong ni West sa bata, nahihiyang tumango ang bata kay West.
“Lagi ka ba nyang sinasaktan?”Tanong ko kay Jovi.
“Opo, kapag po lasing sya pero ayos lang po nasanay naman na po yung katawan ko e.”Nakangiting sabi ni Jovi saamin.
“Gusto mo bang dito ka nalang samin?”Tanong ko sakanya, ayokong makita pa ulit ang batang 'to na ganto ang kalagayan o mas malala pa.
Masyadong marahas ang mundo para sa mga bata.
Umiling ito saakin...
“H-hindi na po, walang kasama si itay sa bahay namin. W-walang mag aalaga s-sakanya.” Sagot nito saakin, pinipigilan kong tumulo ang luha ko.
Sakabila ng ginagawa sakanya ng tatay nya ayaw pa rin nya itong iwan.
“Nakita mo na ba ang repleksyon mo sa salamin? Tignan mo yang katawan mo puno ng sugat at pasa. Hindi kami mayaman pero ituturing ka naming pamilya.”Pag kumbinsi ako sakanya pero umiling pa rin ito.
“Pamilya ko rin po si Itay, ate. Ako nalang ang kasama nya sa buhay, ayoko syang iwan.”Sabi nito at ngumiti.
Wala na akong nagawa, mainggat kong nilinis ang sugat nya sa braso.
Naka sando itong damit kaya medyo sumisilip ang iba pa nitong sugat.
“Pwede mo ba hubadin yung damit mo? Gusto kong tignan kung may sugat pa ang ibang parte nga katawan mo para magamot natin.”Sabi ko sakanya at agad naman itong sumunod saakin, hinubad nga nya ang kanyang pang itaas na damit.
Hindi pa naman dalaga ang katawan ni Jovi kaya ayos lang hubarin nya ang kanyang damit.
“Bruises after bruises, sinong matinong ama ang gagawin sa anak ang ganyan.”Sabi ni West at bakas samukha nito ang inis.
Nahihiyang yumuko si Jovi.
“Mabait naman po si itay, kuya.” Depensa ni Jovi sa tatay nya.
Hindi na muling nagsalita si West lahat kami ay tahimik habang ginagamot ko ang ibang sugat ni Jovi.
Nang tapos na akong linisin ang mga sugat ni Jovi ay tapos na rin silang kumain ng Ice Cream.
“Mag toothbrush kayo, bigyan nyo ng toothbrush itong si Jovi para di masira ang ipin nya. Pagkatapos ay matulog na kayo, mag tabi tabi nalang kayo sa kwarto ni Dos at tres. Ako na mag liligpit ng mga kinainan nyo.”Sabi ko sakanila at isa isa na silang lumapit saakin at hinalikan ako sa pisngi pero maliban kay Jovi. Ako na ang lumapit sakanya at hinalikan ko rin ito sa pisngi.
“Matulog ka ng mahimbing ngayong gabi jovi.”Sabi ko sakanya at tumango naman ito.
“Sige ate, mauna na kami sa kwarto.”Paalam ni Tres at sinama si Jovi papunta sa kwarto nila.
“Good night ate.”Ani Jake.
“Good night ate, good night kuya pogi. Wag mong gapangin ang ate ko ah.”Sabi ni Dos at nag mamadaling tumakbo paalis.
Napailing iling naman ako, mga bata talaga.
“Pag pasensyahan mo na ang batang iyon, maloko talaga.” Nahihiyang sabi ko kay West baka kasi totuhanin nya e.
“Ako?Walang goodnight kiss?”Matapang na tanong ni West sakin.
“Bakit matutulog ka na ba?”Inosenteng tanong ko sakanya.
“Matulog na tayo, so I can get an goodnight kiss from you.” Sabi nito at dahan dahan ang lakad papalapit sakin.
Kinakabahan ako, bumibilis ang tibok ng puso ko hindi normal 'to.
“W-wag kang lalapit, lumayo ka nga.” Utos ko sakanya dahil kinakabahan na talaga ako.
“Why?”
“Anong 'Why?', ano ba yang ginagawa mo?”Tanong ko sakanya, Isang hakbang nalang ang layo nya sakin.
Hinila nito ang kamay ko at niyakap ako papalapit sakanya. Hindi ako makagalaw dahil sa ginawa nya, may kauntipang space pero para akong naging bato.
“Kinakabahan ka, ang bilis ng tibok ng puso mo? Babagal kaya yan pag hinalikan kita?”
© msmncd
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro