Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

IKALAWANG KABANATA

KABANATA 2

Inagahan ko ang pasok ko ngayon sa bar kailangan kong mag double kayod ngayon dahil bago ako umalis kanina sa bahay ay inaapoy ng lagnat si Uno.

Ang sabi ko kay rona kapag tumaas pa ang lagnat ni Uno ay dahil na nila agad sa hospital.

Duty din ngayon si blue bilang bouncer kaso nga lang nasa kabilang branch sya.

Pinupunasan ko ang lamesa, kakaalis lang ng customer at naiwan ang puro boteng lamesa at mayroon pang upos ng sigarilyo. Hindi ko talaga gusto ang amoy nito pero ano pa bang gagawin ko, mahirap lang ako kaya kailangan kong mag tiis.

“Hoy be!”Sabi ni Margie sakin at kinalabit ako sa likod.

Agad akong napatingin sakanya at napakunot noo.

“Bakit?”Tanong ko sakanya.

“Ako na jan, Kailangan ka dun sa counter may VVIP nanaman na dumating ngayon walang mag seserve ng alak.”Sabi sakin ni Margie at kinuha ang hawak kong basahan.

Wala ma akong nagawa kung hindi ang pumunta sa counter.

“Roy, may VVIP daw?” pag kukumpirma ko sakanya.

“Ay oo meron, kararating lang nila. Puntahan mo nalang at kunin ang order nila.”Sabi ni Roy sakin at tumango lang ako.

Wala ako sa mood ngayon mag trabaho gusto ko ng umuwi para matignan ko kung ayos lang si uno.

Hindi ako mapakali kapag nag kakasakit si Uno lagi, mahina ang katawan ng batang iyon kumpara kanila dos, tres at jake.

Mamaya pupuntahan ko si blue para matawagan ko si Rona at makamusta nag lagay ni Uno.

Pumasok ako sa loob ng VVIP ROOM dala ang papel at ballpen.

“Good evening sir, kukunin ko lang po sana yung order nyo.”Sabi ko nung napansin ako nung isang lalaki.

Anim silang lalaki na nanduon at isang lalaki lang ang nakapansin sakin dahil ang lima pang lalaki ay may kandong kandong na babae sa kanilang hita at gumagawa ng himala.

Hindi naman na bago sakin ang ganto, lagi akong nakakakita ng ganto kapag nag e-extra ako sa pagiging waitress at madalas ako ang gumagawa ng ganyan kaya wala na sakin ang ganyang ma seselang pangyayari.

“Guys, here's the waiter. What're your orders.”Sigaw nya na nakaagaw ng pansin sa lahat ng tao na naduon.

“Sisig tol tas beer.”Sigaw ng isa pabalik at tsaka balik sa ginagawa nyang pakikipag lampungan sa kasama nyang babae.

Tumingin pa ako sa lalaki para mang hingi ng permiso at agad naman itong tumango.

Sinulat ko na ito sa dala kong papel.

“Ilang order po ng Sisig sir? At ilang beer?”Tanong ko sakanya.

“12 order of sisig and 12 bottle of beer.”Sagot nya sakin tsaka ako nginitian.

“Yun lang po ba sir?”Tanong ko sakanya at hindi na nag abalang ngumiti.

“Talia?”

Napalingon ako sa lalaking nag banggit ng aking pangalan.

Laking gulat ko ng makita kong si West yun, hindi ko man lang napansin na nandito sya.

Pareho kaming gulat na makita ang isa't isa rito pero mas mukang nagulat ito kaysa sakin dahil naitulak nya pa si Hera at nasubsub ito sa sahig.

“Ano bang problema mo?”Inis na tanong ni Hera kay West, inayos ni hera ang suso nyang gawa sa bakal.

Ibinalik ko na ang tingin ko sa lalaking kausap ko kanina.

“Yun lang po ba sir?”Tanong ko at nung agad itong tumango.

“Alis na po ako.”Paalam ko at nag mamadali ang mga lakad.

“Talia, wait.”Sigaw ni West pero hindi ko na sya nilingon pa. Dahil ayaw kong masasayang ang oras ko. Alam kong mangungulit nanaman ang taong iyon sakin.

Ibinigay ko ang order sa counter.

“Ron, pwedeng ikaw nalang ang mag serve ng order sa VVIP?”Tanong ko kay Ron, kunyari ay pagod ang boses ko para wala na syang magawa.

Nakita ko pang pag aalin langan sa mukha nya.

“Ay sige ako nalang.” Bawi ko at pagod na ngumiti sakanya para makonsensya sya.

Napakamot ito sa ulo at napangiwi.

“Ako na nga, mukhang pagod ka na e. Magpahinga ka kaya muna.” Pag aalalang sabi nya, umiling naman ako.

“Hindi na, mag aayos nalang ako ng mga lamesa. Papasok ba si Peri?” Tanong ko sakanya, si peri ang isa pang waitress dito.

“Mga isang oras nalang padating na yun, bakit maaga ka bang uuwi ngayon?”Curious na tanong nya sakin.

Ngumiti ako sakanya.

“Oo sana, may sakit kasi si Uno. Baka hanapin ako ng batang yun.”Sabi ko sakanya na may ngiti sa labi.

Tumunog ang bell kaya napatingin kami dun, luto na ang order na sisig ng VVIP. kinuha ni Ron ang trolley at nilagay roon ang order.

“Hatid ko lang 'to tali.”Paalam nya sakin at nang tuluyan na itong nakaalis ay nag hanap ako ng lamesang lilinisin.

Matiwasay akong nag lilinis ng lamesa ng biglang may tumawag nanaman sa pangalan ko pa sigaw ang pag tawag nito. Humalo ang boses nya sa lakas ng tugtog. Dahan dahan kong nilingon kung sino ang tumawag saakin.

Hindi na ako nag taka kung sino yun, malakas akong napa buntong hininga at binitawan ang panlinis na hawak ko.

“Ano bang kailangan mo? Hindi mo ba nakikita na nag tra-trabaho ako?” Walang buhay na sabi ko sakanya pero hindi nagpatinag ang loko at nginisihan pa ako.

“Come on talia baby, hanggang ngayon pa rin ba masungit ka?”Sabi nya at bahagya pang natawa.

Nanatali lang ang mukha ko na walang reaksyon kaya ang tawa nya ay unti unting naging awkward.

“Tapos ka na? Pwed bumalik ka na dun sa mga kasama mo at tsaka bumalik ka na dun kay Hera baka ako pa pag initan nun mamaya.”Sabi ko sakanya at kinuha ang gamit na panlinis ko at tinabi.

Sunod ko namang ginawa ay winalis ko ang mga nakakalat sa sahig.

Hindi pa rin umaalis si West at nanatiling nakatayo roon, hinawakan ko ang walis sa kabilang dulo at hinampas sa paa nya.

“Ouch, Why did you hit me?” Saad nito at napaupo sa upuan. Mukhang napalakas ang paghampas ko sakanya.

“Kala ko kasi may ipis sa paa mo, di ko sinasayda.” Sabi ko ng Walang emosyon.

“Fu ck.”Sabi nito at hawak sa paa nya, deserve.

“May kailangan ka pa po ba, Sir?” Sabi ko ng may diin.

Muli pa sana itong mag sasalita pero biglang sumulpot si blue.

“Ate, Sinugod daw si Uno sa Hospital.”Sabi ni Blue na ikinapanik ko.

“Tumawag na ba sayo si Rona?Saang Hospital daw?”Kinakabahang tanong ko kay Blue.

“Sa main daw ate, ikaw na lang muna ang pumunta kung may kapalitan ka ate. Hindi kasi darating si Wendell kaya wala akong kapalitan.”Sabi ni Blue sakin.

“Sige na blue, sabihin mo kay Rona na papunta na ako. Mag papaalam lang ako kay Boss.”Sabi ko kay blue at tumango ito bago umalis.

Napahawak ako sa sintido ko.

“Diyos ko po.”Wala sa sariling sabi ko.

“Hatid na kita dun, mukhang nag mamadali ka.”Suhisyon ni West at mukhang hindi sya nag bibiro sa pag kakataong ito.

“Antayin mo ako sa labas, mag bibilis lang ako at mag papaalam.”Sabi ko sakanya at tsaka sya iniwan dun.

Pumasok ako sa staff area kung saan nakalagay ang ang locker namin, kinuha ko ang bag ko at binuksan yun para kunin ang damit na suot ko kanina.

Nag mamadali akong nag bisis at dumiretso na sa office ni Sir.

Kumatok muna ako bago pumasok.

Naabutan ko si Sir na nag bubuhos ng alak sa kanyang baso.

“Sir, pwede na po ba akong umalis?Nag ka emergency kasi si Rona e.”Diretso kong sabi sakanya.

“Go, you need money?”Tanong nya sakin pero umiling ako dahil sa oras na tinanggap ko ang perang yun ay alam ko na mali ang kapalit nun.

Pag kababae ko ang kapalit ng pera na yun, matagal na akong gustong ikama ng bastos na boss namin na ito pero hindi ako pumayag ang sabi ko sayaw lang ang gagawin ko at hindi ako tatanggap ng costumers kaya kasama sya sa tinanggihan ko.

Agad na rin akong umalis, pumayag naman na sya, kaya wala ng kaso yung pag alis ko.

Nag mamadali akong lumabas, papara na sana ako ng tricycle ng biglang may humintong sasakyan sa harap ko, bumukas ang bintana nito.

“Let's go.”Aya nya sakin, at dali dali akong binuksan ang pinto sa may likod na upuan.

Akmang papasok na ako ng bigla syang mag salita.

“Hindi mo ako driver, kaya dito ka sa tabi ko.”Sabi nya na labas sa ilong, napa irap ako at sinunod nalang sya.

Ayoko na ng mahabang usap kaya sumunod na lang ako, umupo ako sa unahan. At bago ko pa masuot ang seatbelt ko ay bigla nya itong pinaharurot, muntik na akong mauntog kaya tinignan ko sya ng masama pero di na nag salita.

“The guy named blue is he's your brother?” Wala sa sariling tanong sakin ni West kaya muli akong tumingin sakanya.

“Depende sa mood pero madalas parang anak ko yang si blue, kahit na pasaway mabait at masipag naman.”Sabi ko sakanya at tumango tango naman sya.

“Do you have a boyfriend.” Tanong nyang muli saakin.

Dahan dahan akong tumango “Oo naman, meron anong akala mo sakin hindi friendly. May mga bakla pa nga e.”Sagot ko sakanya at napangiti naman ito.

“No, I mean kasintahan. Do you have a kasintahan?”Tanong nya muli saakin ng mas malinaw.

“Kailangan ko pa ba nun? Nanjan na si Rona na pwede ko namang maging kasama habang buhay. Tsaka yang boyfriend na yan ay madali lang mahanap kaya wag na lang.” Sagot ko sa tanong nya, parang bigla akong naging komportable na kausap sya. Sa kabilang banda hindi naman pala boring ito kasama.

“Ikaw? May girlfriend ka ba?” Balik na tanong ko sakanya, hindi naman pwedeng status ko lang ang alam nya.

Matagal ito ng nawalan ng imik bago sagutin ang tanong ko.

“Wala, I don't have a girlfriend.” Sabi nito at napakunot naman ang noo ko.

Tinignan ko sya ng kahina-hinala.

“As in Wala? Sa mukha mong yan wala kang naloko?”Di makapaniwalang tanong ko sakanya.

Ay baka naman kaya wala itong girlfriend kasi kasal na, tinignan ko ang daliri nito pero wala namang singsing na nakasuot rito. Baka nga nag sasabi talaga sya ng totoo, sino naman ako para husgahan sya kaagad.

Hindi na ito sumagot at nanatili lang na tahimik, ganun nalang din ang ginawa ko. Tinahimik ko ang bunganga ko at di na lang sya pinansin.

Nang makarating kami sa main ay agad na akong bumaba ng nya, mag papasalamat na sana ako dahil sa pag hatid nya sakin pero bumaba rin ito.

“Sige na pumasok ka na, ako ng bahala rito. Salamat sa pag hatid.”Pag papasalamat ko sakanya at aalis na sana.

Hindi pa ako nakakailang hakbang ng maramdaman ko parin ang presensya nya at sumusunod ito saakin kaya agad ko syang nilingon.

Paglingon ko ay napahinto rin ito, kunot noo ko syang tinignan at nag salita.

“Sabi ko salamat, kaya pwede ka ng umalis.”Inis na sabi ko sakanya pero nanatili pa rin akong nakangiti.

Agad namang kumambot ang expression ng mukha nito at ngumiti rin saakin tsaka ako inakbayan.

“Tara na, pasok na tayo dun.” Sabi nya sakin dahil sa gulat ko ay nadala ako sa bawat hakbang nya.

Gulat pa rin ako hanggang sa makarating kami sa may front desk ng hospital.

Madaming tao ang nakapaligid saamin tuloy tuloy lang ang kanilang ginagawa pero ang sistema ko parang huminto, nakakaramdam ako ng kung ano sa tyan ko. Wala naman akong nakain na kung ano kanina hindi naman mabaho si West sa katunayan pa nga ay lalaking lalaki ang amoy nito e. Ano itong nararamdaman ko, para akong natatae.

Pinakiramdaman ko pa ang tiyan ko at unti unting nawala ang kakaibang pakiramdam ma iyon.

“Hey tali?Nakikinig ka ba?”Tanong ni West sakin kaya napapako ang tingin ko sakanya.

“Huh?”Walang ideang sabi ko sakanya.

“They are asking you, name of the patient.”Sabi ni West saakin bago tumingin sa tao na nasa front desk.

“Hobixtan P. Makayahan”Banggit ko sa pangalan ni Uno, Ulilang bata na silang apat kaya napag isipan namin ni Rona na kami nalang ang magpangalan sakanilang lahat.

Ginagamit nila ang apelyedo ni Rona pero ang nakalagay sa birth certificate nila ay tatay nila si Rona at pangalan ko naman ang nakalagay na nanay nila. Matagal na naming ipinaliwanag sakanila na ganun ang sitwasyon nila, sinabi na din namin na hindi kami ang totoo nilang magulang. Alam at tanggap naman nila.

“Nasa second floor po ma'am, room 89.”Sabi ng nasa front desk, agad naman kaming pumunta duon at hinanap ang sinasabi nyang kwarto.

Nang mahanap na namin ang kwarto ay agad ko itong binuksan.

Nandun ang natutulog na si Uno at Rona, naka-upo ito sa upuan at nakaupong natutulog.

“I think she's tired.” Sabi ni West sakin, tumingin ako sakanya at ngumiti.

Nilapitan ko si Rona at tinapik ang kanyang balikat.

“Rona, gising nandito na ako.” Sabi ko habang tinatapik ko ang balikat ni Rona.

Agad nan itong nagising at pinunasan nya ang laway na tumulo sa bunganga nya.

“Ikaw pala Talia, kakarating mo lang ba?” Tanong nya sakin at tumayo.“Umupo ka muna, kumain ka na ba? May pagkain pa naman jan, kumain ka muna baka nagpapalipas ka nanaman e.”Dagdag na sabi pa nito at pinaupo ako, dun nya lang napansin si West na nakatayo sa may malapit sa pinto.

“Ikaw pala, bakit ka nandito?”Tanong nya kay West.

“Hinatid nya ako rito, nag kasalubong kasi kami kanina sa daan.”Sagot ko kay Rona, hindi ko gustong mag sinungaling sakanya pero magagalit sya kapag nalaman nya na galing rin si West sa club.

Alam kong hindi sya kumbensido sa sagot ko kaya muli itong nagtanong kay west.

“Totoo ba yun!”Tanong nya kay West bago pa man sumagot si West ay tumingin ito saakin na para bang nang hihingi ng sagot.

Tinignan ko sya nang masinsinan nakuha naman agad nya ang gusto kong iparating.

“Yeah.” Maikling sagot nito kay Rona. Tumango tango naman si Rona at muling tumingin saakin bago tumingin kay Uno.

“Lumabas na yung resulta na ginawa sakanya ng doktor kanina.”Sabi ni Rona habang ang titig ay nakatuon lamang kay Uno.

“M-may nadetect silang bacteria kay uno, sabi ng doctor ay pwedeng food poisoning daw ang nangyari sakanya.”Mahinang sabi ni Rona, bakas ang pag aalala sa boses nito.

“Ano daw pwedeng gawin para mawala yung sakit ni uno?”Tanong ko sakanya at pinipigilan kong maiyak.

“Wala pang sinabi pero kailangan pa daw nyang manatili dito ng ilang araw, S-san tayo kukuha ng pera talia? N-nagastos na natin yung ipon natin para sa tuition sana ni blue.”Basag na boses na sabi ni Rona, ramdam ko sya dahil hindi ko alam kung saan kami kukuha ng pera.

Isang paraan lang ang naisip ko.

Nilapitan ko sya at hinawakan ang kamay nya.

“A-ako ng bahala baks, dito ka lang bantayan mo si Uno ako ng bahala.”Sabi ko sakanya na pinipigilan ang luha ko, ayokong maging mahina ngayon dahil hindi lang si uno ang may kailangan sakin. Sa gantong panahon ang isa't isa ang sandalan namin ni Rona.

Binitawan ko ang kamay ni Rona at hinila si West papaalis sa kwartong yun.

Bago pa kami tuluyang makaalis ay tumingin ako kay Rona na siyang naka tingin lang sakin habang umiiling, bago ko isara ang pinto ay nakita ko ang pagtulo ng mga luha nya ganun din ang sakin.

Hinila ko si West hanggang sa makarating kami sa sasakyan nya.

“Sakay.”Utos ko sakanya na agad naman nyang ginawa.

Nang makasakay sya ay sumakay na rin ako.

“What now?” Clueless na tanong nya sakin.

“Gusto mo ba ako?”Diretsong tanong ko sa kanya, halatang nagulat pa sya sa tanong ko pero agad naman syang nakabawi sa pagkagulat.

“Gusto mo ba ako o hindi?”Tanong ko pa ulit sakanya nang mas malinaw at mas klaro.

“Yes, I like you.”Anito

Bumuntong hininga ako sandali bago ako mag salitang muli.

“Nakita mo naman ang trabaho mo kanina hindi ba? Gusto mong malaman ang sekreto ko?”Tanong ko sakanya pero hindi ko na sya binigyan ng pag kakataong magsalita.

“Dancer ako dun, kita mo na marumi akong tao dahil sa klase ng trabahong meron ako. Kakapalan ko na ang mukha ko dahil kailangan ko ng pera ngayon, mayaman ka hindi ba?”

Dahan dahan itong tumango at mukhang interesado sa mga sinasabi ko.

“Kailangan ko ng malaking halaga para kay Uno at kapalit nun ay sayo ang katawan ko ng isang buwan. Ikaw na ang bahala kung ano ang gusto mong gawin sakin sa loob ng isang buwan na iyon, gusto mong paglaruan ang katawan ko pag laruan mo kung gusto mo ako gaming punching bag gawin mo. Alilain mo ako ay ayos lang, wala akong pakealam. Ang mahalaga sakin ang kaligtasan ni Uno.” Despiradang sabi ko sakanya. Pinunasan ko ang mga luhang tumutulo sa mga mata ko.

“No, you don't deserve that kind of treatment. I like you... Yes but that doesn't mean, I can take advantage to your situation right now. Kung gusto mo papautangin kita ng halagang kailangan mo, just please don't do this.”Sabi nya saakin at hinawakan ang dalawa kong kamay habang titig na titig sa mga mata ko...

Umiling ako, umiiling ako sakanya.

“Hindi, ayokong magkaroon ng utang na loob sa kahit na sino. Kaya tanggapin mo na ang offer ko, kung hindi mo tatanggapin ang offer ko sayo. Sa iba ko iaalok ang serbisyo ko.” Sabi ko sakanya at pilit na nilalabanan ang tingin nya saakin. Kung hindi nya man tanggapin ang alok ko sakanya ay pwede kong ialok ang sarili kosa boss ko, tutal ay matagal na rin naman nya akong gustong ikama e. Ito nakang ang naiisip ko na paraan.

Kita ko ang pag aalinlangan sa mga mata nya, nahihirapan syang pumili.

“Tatanggapin mo ba o aalis na ako rito?Nasasayang ang oras ko West.”Sabi ko sakanya na may nag babantang boses.








“Okay, fine. I'll give you the money that you needed. In return, you need to be my fucking sex slave.”

© msmncd

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro