IKA-APAT NA KABANATA
KABANATA 4
“Saan mo gusto pumunta?”Tanong ko kay Uno, magaling na ito at puno nang energy.
“Gusto ko pong pumunta sana sa beach, kaso wag na po baka wala na tayong pera.”Nakangiting sabi nito at biglang gumuhit ang lungkot sa kanyang mga mata.
Hinawakan ko sya sa mukha at tsaka ngumiti.
“Anong walang pera, mayaman na kaya tayo.”Masiglang sabi ko sakanya.
Napakamot naman ito sa ulo at alanganing ngumiti.
“Mayaman po sa utang, para po madagdagan yung yaman natin utang po ulit tayo kay Madam CJ.”Tumatawang sabi nito, napatawa rin ako dahil tama sya.
May binigay na pera sakin si West, ginamit ko yung perang binigay nya para ibayad sa iba naming utang at syempre para sa gamot at bill sa hospital ni uno.
May natira pa naman sa pera na binigay ni West itinabi ko na muna iyon.
“Ikaw talagang bata ka, kagagaling mo lang sa hospital e puro ka na kalokohan agad.”Panenermon nanaman ni Rona.
Tinignan ko si Rona nang masama, bagong gising lang ito at may hawak pang mug. Halata ang pagod at puyat sa mukha ni Bakla.
“Ikaw talaga bakla napaka epal mo kahit kailan. Tas kapag pumunta naman kaming beach nang mga bata e sasama ka.” Ani ko sakanya at namewang naman ito.
“Ay aba! Ano gusto mong gawin ko manahimik dito sa bahay? Aba may mga papa na naghihintay na makita ang mala diyosa kong ganya at katawan no. Hindi ko sasayangin ang pag kakataon na makita nila ang napakaganda kong katawan, maglaway sila.” Sabi nito at hinahaplos haplos nya pa talaga ang katawan nya.
Tinignan ko si uno at mukha itong dismayado dahil sa sinabi ni rona.
Dumating naman si dos at tres kasama si jake.
“Saan nanaman kayong tatlo galing?”Mataray na tanong ni Rona sa Tatlong bata.
“Dyan lang po sa tabi tabi Mama baks.”Sagot ni Jake kay Rona, pawisan ito at marungis. Si Dos at Tres naman ay pawisan rin.
“Nakipag habulan nanaman kayo sa aso ni Tiyo Mario ano?”Tanong ko sakanilang tatlo, nag katitigan sila at tsaka sabay sabay na tumango.
“Yan na nga ang sinasabi ko sainyo, kapag kayo nakagat kagat nyang aso ni Tiyo Mario ay talagang patay kayo.” Sabi ni Rona at umiling iling pa.
“Bungal naman po yung aso ni Tiyo Mario e.”Sagot ni Tres at napakamot sa batok.
“Eh, pano kung si Tiyo Mario ang makakagat sainyo?”Ani Rona, natawa naman ako sa sinabi ni Rona. Medyo matulis kasi ang ngipin ni Tiyo Mario kumpara sa aso nya na pudpod ang ipin at bungal.
“Ang ganda ganda nang araw ngayon oh, tapos nag pinapagalitan mo yang mga bata. Hayaan mo lang silang mag enjoy... Basta kayong dalawa Dos at Tres malapit na kayong mag dalaga kaya mag ingat kayo sa mga lalaki ah, kapag hinawakan nila kayo ay wag kayong papayag.” Pag papaalala ko sakanila, malapit na silang mag dalaga kaya dapat nag e-enjoy lang sila ngayon at nag lalaro kasi kapag sila ay tinubuan na nang dede at niregla ay maiilang na silang makipag salamuha sa ibang tao lalo na sa mga lalaki.
Lahat kami ay nag napatingin sa pinto dahil piglang mayroong kumatok.
“Sino yan?”Sigaw ni Rona at tumakbo papalapit sa pintuan.
Tinignan ko si Uno na kumakain.
“Ayos ka lang?”Tanong ko sakanya at tsaka ito tumango.
“Talia, si West nandito.”Sigaw ni Rona mula sa pintuan, nanlaki ang mata ko at napatingin sa suot ko.
Naka daster ako at wala pang bra, wala rin akong suklay mukhang pugad ang buhok ko. Chineck ko ang hininga ko, ayos naman. Nakakahilo lang, pero keri naman na.
Inayos ko nang konti ang buhok ko at nag mamadaling pumunta sa may pintuan.
Nakatayo roon si West at may dalang mga paper bag at plastic.
“Napadaan ka?”Nahihiyang tanong ko kay West, wala naman kasi syang sinabi na pupunta sya dito.
“Dinaan ko 'to?” Hindi siguradong sabi nya at tinaas nag gawak nya.
Nahihiyang tinignan ko si Rona na nakatingin na pala samin.
“Dinaan mo yan o dinaanan si Tali?” Mapang husgang tanong nito.
Nakita kong napalunok si West“Ahhm, both?”
“Uy kuya, ikaw pala.”Ani Dos
“Ay wow, ano yang dala mo kuya?”Taning ni Jake.
“Foods and Gifts.” Simpleng sagot ni West kay Jake.
“Sakto kuya 3 days na kaming walang kain... Joke.”Sabi ni tres at kinuha ang mga dala ni West at nilagay sa lamesa.
“Kuya, bumalik ka... Kala ko di ka na babalik e.”Sabi naman ni uno at niyakap si West.
Nakita komg bahagyang napangiti si West dahil sa ginawa ni uno.
“Promise is a promise, kiddo.” Ani West at tsaka bumaling nang tingin sakin at kumindat.
Nagulat ako sa ginawa nya kaya naglihis ako ng tingin.
“Pwede rin bang makiyakap, West? Inantay rin naman kita e.”Naka ngiting sabi ni Rona at nag beautiful eyes pa. Kala nya ang ganda nya e mukha syang tuta sa harap ni West.
Nilapitan ko si Rona at hinatak.
“Bakla, tumigil ka nga. Mukha kang tuta na nag papa-cute dyan.”Sabi ko sakanya na may konting gigil.
Bigla namang nag straight yung kilay nito na sobrabg nipis.
“Ito ang mas cute, ang cute.”Sabi nito ay nangigigil na pinisil ang pisngi ko.
Hinawakan ko yung kamay nya para tangalin sa pisngi ko.
“Aray ko bakla ka, yung pisngi ko bitawan mo... Hahalikan kita tignan mo.”Pananakot ko sakanya at effective naman dahil binitawan nya ako at nag mamadaling tumakbo papunta sa mga bata habang sumisigaw nang yuck.
Diring-diri mas kadiri pa nga sya e.
Kaming dalawa nalang ang naiwan ni West dito, napatingin ako sakanya na nakatingin rin pala sakin.
“Pasensya ka na West ha, obligado ka tuloy samin.”Sabi ko at napayuko.
“Don't say that, you'll be paying this soon. Remember our deal.”Sabi nya at tsaka lumapit saakin.
“W-west, malapit ka masyado. Di pa ako naligo.”Sabi ko at mas lalong mahiya, uminit ang pisngi ko dahil mas lalo syang lumapit.
Inilapit nya ang mukha nya sa leeg ko at tsaka ito sininghot.
“Mabango naman ah, mukha ring masarap.”Sabi ni West at tsaka ko naramdaman na may dumapong basa sa leeg ko. Dinidilaan ni West ang leeg ko.
Pogi lang 'tong si West pero dugyot...
Bahagya ko syang naitulak, nakikiliti kaso ako sa ginagawa nya. At saka nakaramdam ako nang pagkabasa ng pagkababae ko.
Tumingin si West sa mga mata ko at muling lumapit, titig na titig sya sa akin mukha itong mabangis na hayop na handa akong kainin.
Napalunok ako dahil muli syang lumapit saakin at siniil ng halik ang labi ko.
Nawala ako sa control at tinugon ang kanyang halik. Bigla nyang dinakma ang pisngi ng puwet ko at bahagya itong pinisil.
“Ay inay ko po! May bold!”
Nang marinig ko iyon ay malakas kong natulak si West at kamuntik muntikan na itong natumba.
“J-jake?”Kinakabahang tawag ko sa pangalan nya, baka isumbong ako nito kay rona.
Kinakabahang tinignan ko si West na nakangisi. Pinandilatan ko ito ng nata at tumingin kay Jake mukhang nakuha naman nya ang gusto kong sabihin.
“Sekreto lang natin yung nakita mo ha, kapag sa susunod na babalik ako rito dadalhan kita ng madaming laruan pero ipangako mo muna sakin na hindi mo ipag sasabi yung nakita mo sakahit sino.” Kalmado at malambing na sabi ni West kay Jake, tumango tango naman si Jake at nakangiting bumalik sa kusina.
Para akong nabunutan ng tinik nang makabalik si jake sa kusina.
Tinignan ko si West.
“Tara na nga baka si Rona na ang susunod na makakita satin.”Sabi ko sakanya at nag lakad papuntang kusina pero bago pa kami makapasok sa loob ng kusina ay bigla nitong hinampas ang aking puwetan.
Kaya ngingiti ngiti syang' pumasok sa kusina kasama ko.
“Kuya, diba po mayaman ka?”Wala sa sariling tanong ni Uno kay West.
“Kinda, why?” Tanong ni West kay uno habang kumakain nang Cookies na dala ni West.
“Edi may swimming pool po yung bahay mo?”Tanong ni Uno kay West at napangiti naman ito.
Tumango si West bilang sagot.
“Ay kuya, pwede po ba kaming pumunta sa bahay nyo po? Malapit na po kasi yung summer.” Sabat ni Jake sa usapan nila uno at West.
“Kaya nga kuya, nakakasawa na kaya maligo sa ilog.”Dagdag pa ni Tres, natawa naman ako dahil sa halos linggo linggo ay napunta sila sa may ilog malapit sa plaza.
Pwede naman ang maligo dun basta nandun yung bantay.
“True ka dyan sis, lalo na kapag nandun si toto manyak. Parang luluwa na yung mata sa kamanyakan e.”Sabi ni Rona at tsaka tumawa.
“Gustong gusto mo naman na minamanyak ka ma e, wag ka mag sinungaling.”Mapang asar na sabi ni Dos at ngumiti.
Ang mga bata ay tumingin kay West at sabay sabay na sabi ng “Kuya, pwede ba?” Sabay sabay na sabi nilang apat at napa cute.
Tinignan ni West ang Relo nya at tsaka tumingin sakin. Para itong humihingi ng permiso saakin kung pwede ba.
Tumango ako sakanya at ngumiti.
“Okay lang ba kung sa beach?” Hindi siguradong tanong ni West sa mga bata.
Nag tatatalon ang mga ito at masayang sumang ayon.
“Wait a minute, tawagan ko yung susundo sa'atin.”Sabi ni West at tsaka lumabas ng kusina.
Lahat sila ay naka tanga kasama na rin ako na, ganun ba talaga ang mayayaman?
“Tama ba ang narinig ko? Talia?”Di makapaniwalang tanong sakin ni Rona.
“Hindi ko alam, pero susundo daw.”Sabi ko na may pag ka mangha sa boses.
“Ahhh! Kailangan ko na mag ready, yung swimsuit ko. OMG!! Yung mga fafa mag ready na kayo sakin!”Sigaw ni Rona at tsaka nag mamadaling tumakbo sa loob ng kwarto nya.
“Oh my god, ate! Kami rin mag hahanap na ng susuotin! Excited na ako!”Sabi ni Dos at sabay silang pumunta ni Tres sa kwarto rin nila.
“Kami ni Jake ate! Mag liligpit kami ng damit namin. Kami ng bahala."Sabi ni Uno at kumindat saakin, nauunang tumakbo si Jake papuntang kwaro nila bago sumunod si Uno.
Napatingin ako sa lamesa at lababo. Alanganin akong ngumiti dahil, ako at ang hugasin nalang ang natira sa kusina.
Napailing iling ako at kinuha ang baso at plato sa lamesa saka nilagay sa lababo, tinakpan ko ang mga natira nilang kinain.
Huminga ako ng malalim bago isa isang tinanggal ang kanin at buto sa plato nilagay ko sa lalagyanan ng pagkain ng aso.
Habang nag huhugas ay bigla akong nakaramdam na may tao sa likod ko.
Nilingon ko ang tao sa likod ko baka kasi may dala syang' pahabol na plato e.
Laking gulat ko nung makita ko si West.
“Sa susunod naman na papasok ka at nakatalikod ako e mag salita ka.”Sabi ko sakanya at tsaka bumalik ang patingin ko sa hugasin.
Hindi ito umimik, naramdaman ko nalang bigla na may pumulupot na kamay sa bewang ko at ipinagong nito ang baba nya sa balikat ko.
“W-west, nag huhugas ako.” kinakabahang sabi ko, biglang namuo ang pawis sa noo ko.
Hindi parin ito umimik kaya pinagpatuloy ko ulit ang pag huhugas ng plato, nag kunwarint walang West na nakayakap saakin.
“I'm tired...”Mahinang sabi nya, nakiliti naman ako dahil yung hininga nya ay tumatama sa leeg ko.
Napakunot yung noo ko.
“Pagod ka pala pero nakayakap ka sakin? Bakit di ka kaya umupo sa upuan at mag pahinga muna? Umupo ka muna para komportable ka.”Pag ku-kumbinsi ko sakanya.
“Mas komportable sa bisig mo.”
Hindi ako umimik dahil hindi pa pumapasok sa isip ko yung sinabi nya pero kinilig na ako sa sinabi nya.
Nakangiting nilagay ko ang huling platong hinugasan ko sa lalagyan.
Nakakahiya naman kung tatanggalin ko ang kamay nya sa bewang ko pero baka kasi may makakita samin e.
“West?Pwedeng patanggal na ng kamay mo sa bewang ko?”Mahinang tanong ko sakanya, agad naman nyang ginawa ang sinabi ko. Binitawan nya ako saka ako hinalikan sa pisngi
Nagulat ako sa ginawa nya, hindi ko inaasahan ang halik na yun.
“Hobby mo ba talaga manghalik?”Tanong ko sakanya saka ko hinawakan ang parte ng pisngi ko na hinalikan nya.
“I like kissing you, di ko mapigilan.”Nakangiting sabi nya.
“Pwede rin kitang halikan kung gusto ko?”Tanong ko sakanya, nakangiti itong tumango.
Napakunot naman ang noo ko.
“So kapag gusto kang halikan ni Rona e pwede rin?” Tanong ko sakanya at napabunting hininga.
Ang nakangiti nyang mukha ay biglang hindi maipinta.
“Anong nangyari dyan sa mukha mo? Nag tatanong lang naman ako.”
“Are you serious? Ikaw lang ang pwedeng humalik sakin.”Sabi nya sabay kindat.
Tinarayan ko sya “Pa-fall ka no? Syempre sasabihin mo yan kasi gusto mo ako paasahin para namang hindi ko alam mga galawan nyo.”Sabi ko at saka umiling iling.
“Ay, bitter ka?”Sabi ni West na ikinataas ng kilay ko.
“Pag sinakal kita dyan, makikita mo talaga yung hinahanap mo.”mataray na saki ko sakanya.
Umiling iling ito ng may ngiti sa labi.
“Mag ligpit ka ng damit mo, padating na yung susundo satin.”Ani West.
“Sure ka ba? Baka naman napipilitan ka lang?”Tanong ko sakanya.
Ngumiti lang ito sakin, napansin ko na ang west na kasama ko ngayon ay palangiti.
“Baka lumaki ng lumaki ang utang ko sayo, mukhang kulang ang isang buwan para makapag bayad ako ah.”Pabirong sabi ko sakanya.
“Mukha nga.”Sabi nya at ngumiti, ngiting nay ibig sabihin.
Ngiting nakakahulog ng panty.
“Ah, gusto mo bang sumama sakin sa kwarto o mag hintay ka nalang sa sala?”Tanong ko sakanya, nakakahiya naman kasi kung iiwan ko lang sya basta basta dito. Bisita pa rin namin sya.
“Saan ba kwarto mo?”Tanong nya sakin, kaya tinuro ko kung saan banda yung kwarto ko.
“Ano sama ka?” Tankng mo sakanya at agad naman itong tumango, dumiretso na kami sa kwarto.
At nakakahiya kasi medyo maliit lang ang kwarto ko pero di naman madumi kaya medyo nakakahiya lang.
“Upo ka nalang muna sa kama habang kumukuha ako ng damit ko.” Sabi ko sakanya at binuksan ko ang bintelador, baka kasi naiinitan sya lalo na at medyo mainit dito sa kwarto ko dahil walang bintana.
“Ikaw lang ba ang natutulog dito?”Tanong nya sakin habang sinusuri ang buong kwarto ko.
Tumango naman ako “Oo pero minsan dito natutulog si Rona.” Honest na sagot ko sakanya.
Kumunot ang noo nito.
“Yung lalaki na tumatawag sayo ng ate? Dito rin nakatira?” Tanong nito saakin at halata sa mukha nito na kating kati syang malaman kung saan ba nakatira si blue.
Napangiti ako sakanya.
“Bakit?Selos ka no?” Nang aasar na tanong ko sakanya.
Seryoso itong tumingin saakin.
“What if I am?” Sabi nya at tinaasan ako ng kilay saka tumayo.
Pinigilan ko sya gamit ang kamay ko. Kadudaduda ang galaw nya e.
“Umupo ka lang dun, mukhang may binabalak ka nanaman... Si blue ba yung tinutukoy mo? Dito yun nakatira kaso madalang nalang umuwi dito kasi duon daw muna sya sa may bahay ng kaibigan nya, malapit lang kasi duon yung bago nyang trabaho.” Sabi ko sakanya at kumuha ng mga damit sa drawer ko. Naupo naman na ulit sya.
Pinili ko ang maayos at magaganda kong damit.
“Blood related ba kayo ni blue? I mean magkapatid kayo?”
Umiling iling ako.
“Hindi kami magkaano ano. Mahabang storya kung pano ko sya nakilala pero hindi ako nag sisisi na pinatira sya dito. Mabait na bata si blue, lahat naman sila e. Alam mo ba na kahit na gaano kahirap ang buhay e pinipilit namin ni Rona na mag ipon para makapag aral sila. Hindi sayang ang pagod namin kasi talagang ginagalingan nila, bumabagsak pero binibigay nila yung best nila, sapat nayun para samin no.” Kwento ko sakanya at napansin ko na nakatitig lang sya sakin.
Napakunot ako ng noo.
“May problema ba? Hindi mo ba gusto yung mga sinasabi ko?Sabi ko nga tatahimi—”Pinutol nya ang sasabihin ko sa pamamahitan ng halik.
Dilat na dilat ang nga mata ko dahil sa gulat. Smack lang ang ginawa nya pero yung gulat ko e to the highest level.
Pogi na 'tong humalik sakin, mag rereklamo pa ba ako?
“Épouse”
“Huh?Ano? Ipis? S-saan?” Tanong ko sakanya, kasi baka biglang mag feeling butterfly yun at lumipad lipad.
“Si mignon.”Sabi nya at pinisil ang pisngi ko.
Napakunot ang noo ko sa sinabi nya.
“Anong sabi mo? Si ano? Alam mo ang weird ng lumalabas dyan sa bunganga mo, alien ka ba? Ano sasakupin mo ang buong kepyas ko? Ay buong mundo pala?”
Nakatingin lamang ito saakin.
Kaya bumalik nalang ako sa ginagawa kong pag aayos ng gamit ko.
Sinigurado ko na may nilagay akong gayuma sa bag ko, para kapag balik ko dito e jowa ko na si West. Hindi 'to papalya galing to sa Quiapo e. Joke lang efficascent oil lang 'to.
Lumabas na kami ni West sa Kwarto at laking gulat ko ng maabutan sila sa sala na naka awra.
Si Rona, Dos at Tres e naka shades at malaking sumbrero naka beach dress rin ito.
Si uno at jake ay topless.
“Diyos kong mga bata 'to. Mag damit nga kayo at baka pasukin kayo ng kabag.”Sabi ko sakanila at saka nag mamadaling lumapit at dinamitan sila.
Tinignan ko silang tatlo.
“Anong ganap nyo at nakaganyan kayo?” Tanong ko sakanila sabay kamot sa batok ko.
“Ate beach ang pupuntahan, kailangan umawra sabi ni Mama Rona.”Sabi ni Tres na feel na feel ang sumbrero nya.
“Oo nga naman, aba hindi pa ito ang final outfit ko no. May dala akong bikini sa bag ko, gusto mong mang hiram.”Sabi ni Rona at tsaka tumawa.
“Oh ikaw, ano namang dahilan mo?”Tanong ko kay dos.
Hindi ito gumagalaw at naka pose lang na parang mannequin sa tindahan.
“Model lang ate.”Sagot nito saakin.
“Model e mukha kang mannequin sa tindahan na pagod na kakatayo.” Sabi ko sabay hilot sa sintido ko.
Ano bang gagawin ko sa mga taong ito.
“Ahh, tara na?Nag hihintay na si Klyte.”Sabi ni West at tsaka tumingin sakin, nag kibit balikat nalang ako.
Nagsigawan ang lahat dahil sa sinabi ni West na aalis na.
Nag sign of the cross ako. Ikaw na talaga bahala samin lord, sana di kayo ma-stress kagaya ko.
© msmncd
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro