Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 88

DESPERADO...

GUIA'S P.O.V

Kasalukuyan na nga kaming naglalakad ngayon pababa ng bundok ng mga ghouls at nag-aalala parin ako kay Kuya Kali, dahil narito parin si Death.

"Death, hindi mo pa ba ibabalik si Kali?" Tanong ko, "nag-aalala na kase kami sa kanya." Daretsuhang saad kk.

"Shemps! Kamuntikan ko nang makalimutan, patawad." Kinakabahang saad ni Death. Kita naman naming pumukit ito...

Ilang saglit pa ay nagmulat ito. Ngunit purong itim parin ang mga mata nito.

"Ikaw na ba 'yan kuya?" Tanong ko. "Hindi, ako parin ito, si Death at may masama akong balita." Saad nito sa akin na nagpakaba sa akin.

"Ano iyon, Death?" Tanong ko. "Hindi ko namalayang nakain na pala ng Energia ko ang kalahati ng kaluluwa ni Kali." Kinakabahang saad nito na nagpabihla sa aming lahat. Pati si Kuya Lucian ay mukhang kinabahan narin.

"Death huwag kang magbiro ng ganyan." Naiiyak na saad ko. "Hindi ako nagbibiro Guia." Seryosong saad naman ni Death.

"Wala ba tayong magagawa?" Nakiyak na tanong ko ulit. "Meron, Guia. Kailangan ko lang ng maraming Energia mula sa limang Healer para mahugot ko ang kaluluwa ni Kali sa dimensyon ko." Saad namam ni Death.

"Ako, healer ako." Saad ko naman.

"Ako rin." Saad din naman ni Kuya Rhys."

"Ako rin, kaso lang nga hindi full heal ang mabibigay ko. Pero pwede narin."  Saad naman ni Xavier. Pero nag-aalangan parin ako, dahil kulang pa ng dalawa.

"Kulang pa. Meron pa bang may Hold Power na kunektado sa Healing Hold?" Tanong naman ni Death sa amin.

"Ako, meron sa Hold Power ko ang may connect sa Healing Hold." Saad naman ni Princess Guen. Nginitian ko na man siya bilang tanda ng pagpapasalamat.

"Sino pa?" Tanong naman ulit ni Death.

"A-Ako, pwede ba ang akin? Meron kase akong Hold Power na kung tawagin ay Stamina." Sabat naman ni Gener. Nginitian ko rin naman siya bilang pasasalamat.

"Oo, pwedeng pwede 'yan. Ngayong buo na kayong lima ay palibutin niyo ako at gamitin sa akin ang Hold Power niyo na konektado sa Healing Hold." Utos naman ni Death kaya naman puma-ikot na kami sa kanya.

"SPHERE OF ELYSIUM: ANSUYA!" Sigaw ni Xavier. Umilaw naman ang buong katawan niya ng kulay puting liwanag at nang mawala ang liwanag ay lumitaw sa aming harapan ang isang anghel na may maamong mukha, may balingkinitan katawan. Nakasuot din ito ng kulay brown na dress at may isang pares ito ng pakpak at may hawak na tungkod na may malaking bilog na gem sa dulo.

"Wow~" Dinig ko namang bulalas ng mga kasamahan ko. Kahit din naman ako napabilib kay Xavier ano.

"A-Ang ganda mo, Xavier." Saad naman bigla ni Prince Glenn. "Ehem." Tikham naman ni Kuya Lucian na nagpatawa ng mahina sa akin. Naku mukhang nagseleos pa ata hahaha.

"Ngayon, tirahin niyo ako gamit ang mga Hold Power niyo." Utos naman ni Death sabay bukas ng kanyan bisig. Kaya naman lumapit na ako at ginamit ang Healing Touch ko sa kanya. Nagulat naman kaming lahat ng halikan siya sa labi ni Kuya Rhys.

"Huwag kayong malisyoso. Ganito gumagana ang Hold ko sa pagpapagaling." Saad niya naman sa amin habang nakahalik sa katawan ni Kuya Kali. Kita ko namang nagbulong-bulungan ang mga kasamahan ko.

"Ha~ ha~ ha~ la la la~ SONG: SERENITY!" Pagkanta at pagbigkas niya sa Hold Power naman ni Princess Guen. Bigla namang lumitaw ang mga nota na kulay ginto at pinapa-ikot-ikot ito sa ulo ng katawan ni Kuya Kali.

"LUST: STAMINA!" Sigaw naman ni Gener at itinutok ang kamay nito sa katawan ni Kuya Kali. May lumabas namang kulay punk na liwanag mula sa kanyang mga kamay.

"A-AH!" Nahihirapang sigaw ni Death habang nakahalik si Kuya Rhys sa kanya.

...

DEATH'S P.O.V

"A-AH!" Sigaw ko ng tumama sa akin ang mga Healing realated holds ng mga kasamahan ni Kali, dahil sa nakaramdam ako ng matinding sakit. Patuloy lang ang pag-atake nila sa akin at patuloy din ang sakit ng nararamdaman ko...

Ngunit sa ilang oras ng nakararamdam ako ng sakit ay ramdam ko namang humihina na ako. Kata naman pumikit na lang ako hanggang sa maramdaman ko na lang ang antok...

Ilang sandali lang ay naramdaman ko na ang pamilyar na sensasyon – ang sensasyon ng aking dimensyon, ang aking tahanan. Kaya naman dumilat na ako at doon ko nga nakumpirma ito ang dimensyon ko. Tumayo na ako at ng pagtayo ko ay nakita ko si Kali habang lumulutang na nakahubad at nababalutan na ng itim na tinta ang kalahati ng kanyang katawan na indikasyon na nakakain na ng Energia ko ang kalahati ng kanyang katawan. Kaya naman nilapitan ko siya. Hahawakan ko na sana siya nang 'di pa man ako nakalalapit ay napatilapon ako na kinatakot ko naman.

"Shemps! Hindi ito maaari! Itinatanggi na ako ng sarili kong Hold." Kinakabahang usal ko. Pero pinilit ko paring lumapit, ngunit sa ikalawang pagkakataon ay tumilapon na naman ako – pero 'di ako susuko!
Kaya naman nagpa-ulit-ulit akong lumapit at kahit na patuloy parin akong tinatanggi ng Hold ko na nakakapit ngayon kay Kali ay sinusubukan ko parin ang aking makakaya. Ayaw ko na maulit na mawalan ako ng Owner na napamahal na sa akin.

"Querida Suprema Dea Justo, estou te humilhando, por favor, não permita que Kali desapareça de mim também. Muitos amam sua querida Dea e tenho certeza que muitos também ficarão de luto. Por isso, sinto pena de você! Salve-me! Kali! " Pagsusumamo ko sa Dea.

[Translation: Mahal na Supreme Dea Justo, ako'y nagpapakumbaba sa inyo, huwag niyo naman pong ipahintulot na pati si Kali ay mawala sa akin. Maraming nagmamahal sa kanya mahal na Dea at nakasisiguro akong marami rin ang magluluksa. Kaya parang awa niyo na! Iligtas niyo si Kali!]

Bigla namang may liwanag na pumasok sa aking dimensyon at direkta nitong tinamaan ang katawan ni Kali...

Nakakamangha ang taglay na kabaitan ng Supreme Dea Justo, kahit na itinakwil ko siya bilang isa sa aking pinanaligan ay dininig parin niya ang aking dasal.

"Maraming salamat po, Supreme Dea Justo, tunay ngang nagkamali ako sa aking mga nasabi at nagawa." Saad ko habang umiiyak. Tama nga ang sinabi ni  Dark Knight sa akin bago siya mamatay. Sinabi niya kasing huwag akong magalit kanino man dahil siya naman ang may gusto at may kasalanan ng lahat ng nangyari.

Ilang saglit pa ng mawala ang liwanag  na tumama kay Kali ay nakita ko namang kalong-kalong siya ng mahal na Dea. Ngumiti naman ako sa mahal na Dea at tatayo na sana para magpasalamat ng biglang makaramdam ako ng sakit sa aking buong katawan. Shemps! Kahinahan ko nga pala ang paglapit sa mga Supreme Being. Doon nga ay nagdilim ang paningin ako at nahimatay...

...

PRINCE BURNT'S P.O.V

"A-AH!" Sigaw ng Hold Being ni Kali at saka ito lumutang sa ere habang halik-halik siya ni Rhys. What the- kaninang si Elior nag-aagaw buhay ay ayaw tulungan, ngayon namang si Kali eh aalang kuskos balungos kung tulungan. Wait tulong ba talaga o tyansing. Teka nga bakit b ako nagkakaganito baka akalain pa nila nagseselos ako.

Nagtagal lang sila sa ginagawa nilang pag-atake sa katawan ni Kali at siyempre nagtagal din ang pagnam-nam ni Rhys sa labi ni Kali. Tsss bakit ba ako nakararamdam ng inis!

"Kuya bakit ba parang balisa ka riyan?" Takang tanong ni Zen sa akin. "Wala ito, a-ano lang may iniisip langa ko." Nauutal na saad ko. Kinakabahan kase ako kapag si Zen na ang nagtatanong, maralas kaseng napapansin niya ang mga weird na nagyayare sa akin at laging tama ang mga napapansin niya.

"Iniisip mo ba si Kuya Kali?" Mapang-usisang tanong nito. Napalunok naman ako dahil doon. "A-Ano bamg pimagsasabi mo riyan? P-Parehas kaming lalaje paano nan ako nagkakagusto kay Kali?" Tanong ko naman sa kanya na naging dahilan ng pagliit ng mga mata niya.

"Kuya, parang ang layo naman ng mga sinabi mo sa tinanong ko kanina. Wait! Sa mga tinanong mo sa akin kanina ay! Naku! Nagkakagusto ka na ba kay Kuya Kali?!" Medyo may kalakasang bulong nito.

"A-Ano bang pinagsasabi mo riyan, ah Zen? Nababaliw ka na ba?" Nauutak na tanong ko. Shit! Bakit ba grabe kabang nararamdaman ko.

"Hays, nasa in denial stage kana kuya, pero tandaan mo na kung ma-realize mo ng si Kuya Kali ang mahal mo, sinasabi ko lang sa iyo na labanan mo lang ang sarili mo, dahil magkakagulo lang kayong magkakapatid, lalo pa at nagpapakita na ng motibo yung dalawa mong kapatid na iyon." Makabuluhang payo naman ni Zen. Kaya napa-isip naman ako dahil doon. Sabay namang naglakad ito at lumapit sa gawi nila Shaine. Hays kailangan ko ngang labanan ang nararamda- wait! Hays bakit ba ako nadadala sa mga sinabi ni Zen? Alam niyo minsan, naguguluhan narin ako kay Zen minsan. Minsan childish, minsan naman mas seryoso pa kay Glenn.

Naghintay pa ako ng ilang minuto hanggang sa may liwanag na galing sa kalangitan ang bihlang bumulusok sa amin at tumama kay Kali. Nangamba naman ako dahil natamaan din nito si Rhys, pero ng tiganan ko naman siya ay wala namang nangyari sa kanya at nakahalik kay Kali at todo pikit parin. Nang tiganan ko naman ang iba ay may pangamba sa kanilang mukha.
Pero sabay ng liwanag na iyon ay narinig ko naman may mga kaluskos na nanggagaling sa mga puno. Teka! Pusible kayang...

"PATAYIN AT NAKAWIN ANG MGA GAMIT NILA!" Sigaw ng isang nilalang na nanggagaling sa isang puno at sumugod naman ang napakaraming mga nilalang na may suot na ninja armor.

"MAGSIHANDA KAYO! SINUSUGOD TAYO NG MGA DESPERADO!" Sigaw na utos ko sa aking mga kasamahan...

...

Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story
( ╹▽╹ )

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro