CHAPTER 87
UNDERSTANDING...
KALI'S P.O.V
"Maaaring may nangyayari sa dimensyon mo na nakaka-apekto sa aking dimensyon o maaaring may nakakaramdam ng panganib ang iyong mismong katawan mo." Saad ni Death na nagpatakot sa akin.
"Maaari na ba akong bumalik sa tunay kong dimensyon, Death?" Tanong ko naman kay Death. "Kali, alam mo namang hindi parin tapos ang side effect ng Hold Power mo kanina." Sagot naman ni Death.
"Wala na bang ibang paraan? Baka nasa panganib na ang mga kasama ko." Kinakabahang saad ko kay Death. "Meron pang paraan, Kali, ngunit mapanganib ito." Seryosong saad ni Death. Napalunok naman ako dahil doon.
"I will take a risk, if it is for the sake of my family," seryosong saad ko rin kay Death, "ano bang gagawin, Death?" Tanong ko ulit. "Sasakupin ko ang katawan mo ata ako ang kokontrol dito. Iyon na lang ang paraan na nakikita ko." Saad ni Death.
"Wala naman sigurong side effect iyon 'di ba?" Nag-aalangang tanong ko. "Meron. Maaari kong makain ang kaluluwa mo at mapatay kita." Seryosong saad ni Death. Bigla naman akong na ngilabot dahil sa takot na naramdaman ko, pero inisip ko na lang ang kalagayan ng mga kasamahan ko. Kaya naman ibinuka ko ang aking mga bisig at pumikit.
"Sakupin mo akong buo, Death, kahit na buhay ko pa ang maging kapalit." Saad ko. Isinusuko ko na kay Death ang aking buong buhay. Kita ko namang tumango si Death. Ibinuka na rin ni Death ang kanyang bisig at bigla na alang siyang naging usok na sumakop sa aking katawan. Nakaramdam naman ako ng kakaibang sensasyon sa buong katawan ko. Para bang naglalaban ang init at lamig, hanggang sa parang nawawalan na ako ng mga pandama at pakiramdam...
...
DEATH'S P.O.V
Nang magmulat na ako ng mata ay nakita ko namang dala-dala ng isang halimaw ang katawan ni Kali. Kaya naman agad kong ginamit ang Cursed Touch na naging dahilan para humiyaw ito sa sakit. Kita ko namang may isang Fantasian pa palang hawak ang haliwa kaya naman sinalo ko ang walang malay na katawan nito. Napansin ko naman ang mukha niyang napakagwapo, ang sarap sigurong ikama nito. Hays. Erase muna mamaya na kalandian.
"Kuya Kali ayos ka na ba?!" Dinig ko namang pagtawag sa akin ng isang nilalang kaya napalingon ako rito at doon ko nakita ang kapatid ni Kali na si Guia.
"Nagpapahinga pa si Kali, kaya si Death muna ang bahala." Sagot ko naman na nagpabigla hindi lang sa kanya, kung hindi pati narin sa iba pa niyang kasamahan. Kaya bumaba ako sa kanila. Kita ko naman ang mga lalaking kasama nila na may mga gwapong mukha at naapkasarp este napakagandang hubog ng katawan. Kali! Akin na alng katawan mo para matikman ko ang ma ito!
Nangyuluyan na akong makalapit ay agad ko namang pinahiga ang dala-dala konv katawan ng gwapong lalaki kanina.
"S-Sino ka?" Tanong ni Guia. "Gaga sinabi ko na ngang ako si Death kanina 'di ba?" Sarkastikong sagot ko naman dito, kaya naapkamot naman siya sa batok niya at nag-peace sign.
"Anong ginawa mo kay Kali?" Tanong naman ng isa sa kanila na may red na buhok at sa tingin ko ay isang prinsepe dahil sa suot niyong royal mantle, wait para g kilala ko ito ah, ito ata yung gusto ni Kali na nagngangalang Rhys. "Tulog pa siya." Simpleng sagot ko naman.
"ROARRR!!!" Pagsigaw naman ng nilalang na may dala sa katawan ni Kali kanina. Shit nakaririndi naman! Kaya naman humarap ako rito at mabilisang magteleport sa harapan niya at sinipa ito. Tumilapon naman ang nilalang sa malayo. Nahulat naman ako ng sabay-sabay sumugod sa akin ang mga alagad niyo na nagtatago lang sa dilim kanina. Kaya namanitinaas ko ang kamay ko at inisip na magkakaroon ng malaking ipo-ipo at bagyo ng kidlat sa kinatatayuan ko. Ilang saglit pa ng lundagin na ako ng mga alagad nv nilalang kanina ay sabag-saby silang natamaan ng kidlat at inihip ng ipo-ipo.
"T-Tama na!" Dinig ko namang sigawan ng mga ito na nagpabigla sa akin. Nakapagsasalita ang mga ungas na 'to?
"Hoy! Nakapagsasalita naman pala kayo bakit 'di na lang kayo nakipag-usap ng maayos kanina?" Inis na tanong ko naman sa mga pangit at mabahong mga 'to.
"N-Naiintindihan mo kami?" Tanong naman ng isa sa kanila. "Bobo ka ba? Sasagot ba ako kung hindi ko kayo naiintindihan?" Sarkastikong sagot ko naman sa kanya. Kita ko naman ang pagtulo ng luha sa kanilang mata na talagang nagpabigla sa akin. Ay wait! Hindi ako na-inform na may drama pala.
"Hoy anong nangyayare sa inyo?" Takang tanong ko sa kanila. "Kay tagal nang panahon." Sagot naman ng napakalaking boses sa aking likuran kaya naman nilingon ko ito at doon ko nakita ang nilalang na sinipa ko kanina. Umiiyak narin ito.
"Anong kay tagal nang panahon ang pinagsasabe niyo?" Tanong ko ilit sa kanila. "Kay tagal nang panahon simula ng may Fantasian ang nakaintindi sa aming pananalita." Sagot naman ng sinipa ko kanina.
"S-So ako pa lang ulit ang naka-intinde sa inyo?" Takang tanong ko sa kanila. "Oo," Simpleng savot naman niya, "kayong lahat na mga ghouls na nasasakupan ko. Yumuko kayong lahat at magbigay galang sa naka-uunawa." Pagtuloy na sigaw naman niya. Nabigla namana ko ng sabay-sabay na bumaba sa lupa ang kanilang mga ulo, nang tignan ko naman ang nag-utos sa kanila na sa tingin ko ay ang leader nila ay nakababa rin ang kanyang ulo sa lupa.
"A-Anong ginagawa niyo?" Takang tanong ko ulit. "Nakiki-usap kami. Tulungan mo kaming maka-usap ng masinsinan ang Hari ng Reino do Fogo sa pamamagitan mo." Sagot naman ng leader nila na nagpabigla ng todo sa akin.
"B-Bakit niyo gustong maka-usap ang hari?" Tanong ko. Pinagana ko naman ang MassCom para ma-translate at masabi ko sa mga kasamahan ko ang mga sasabihin ng ghoul na 'to.
"Ba-"
"Shhh. Mamaya na tanong." Pagputol ko naman sa sasabihin ni Guia.
"Marami kaming reklamong na ilalahad sa kanya. Lalong-lalo na ang ginawa niyang paggutom sa amin. Halos isang daang taon na simula ng huli kaming makakain ng tunay na pagkain." Umiiyak na saad nito sa akin na nagpalala pa lalo ng pagtataka at pamumuo ng mga katanungan sa aking isipan.
"Teka, ipaliwanag mo nga ng buo ang mga nangyayare sa inyo." Utos ko naman.
"Sige, kung iyan ang hiling mo. Isang daang taon na ang nakalilipas, payapang namumuhay ang mga ghouls sa Reino do Fogo bilang mga mamaya nito, kapalit nun ang proteksyon ng kaharian. Ngunit isang araw, pinaalis kami sa Reino do Fogo, dahil hindi na raw nila makayanan na nakakikita ng pangit na pagmumukha, maka-aamoy ng masangsang na amoy sa araw-araw, at hindi maintindihang mga nilalang ang mga Fantasian na naninirahan doon. Kaya ayun matiwasay kaming umalis sa Reino do Fogo at nanirahan sa bundok, kase sinabi naman ng hari na susuportahan niya kami ng pagkain at salapi bilang kapalit ng paglisan namin. Ngunit nagulat na lang kami nang narito na kami sa bundok ay gumawa ang mga kawal ng isang napakalakas na Barrier na kumulong sa amin dito, kaya naman napilitan na kaming kumain ng kahit anong bagay, kahit na mapadahon, Fera o ang mga napapadpad na mga manlalakbay dito para mabuhay ang buong angkan namin na may isang libong miyembro." Mahabang kwento ng Leader nila. Napabuntong hininga naman ako dahil doon.
"Narinig niyo naman siguro lahat ng sinaling wika ko sa inyo ano?" Saad ko na nagpagulat sa mga ghoul. Lumabas naman sa likod ng puno ang mga kasamahan ni Kali. "Oo naman." Sagot naman ni Guia.
"Ako po pala si Prince Burnt, isa sa mga prinsepe ng Reino do Fogo. Malaki po pala ang kasalanan ng kaharian namin sa inyo." Saad naman bigla nung matanggkad na pogi na nagngangalang Burnt. Shemps ang sarap. "Arrrggggrrrr." Sagot naman ng leader nila.
"Ang sabi niya ay, "Oo sobra. Maraming namatay sa mga lahi namin dahil sa inyo." Iyan yung save niya." Pagsasaling wika ko naman.
"Humihingi po talaga ako ng tawad. Ano po bang dapat naming gawin para maapatawad niyo kami?" Tanong naman ni Burnt. Shemps, masarap na gentle man pa. "Arrrrooorrgrrrggrr." Sagit naman ng leader ng mga ghoul.
"Ang sabi niya ay, "kahit hindi na namin maka-usap ang hari, basta iparating niyo sa kanya ang mensahe namin." Hays, naging dakilang translator ako ah." Saad ko. Kita ko namng natawa ng kaunti si Guia at Adhira. Huwag na kayong magtaka kunh kilala ko yung ibang Fantasian na narito. Naikukwento kase sila ni Kali kapag nagsasanay kame.
"Ano po bang nais niyong iparating sa aking amang hari?" Tanong ni Prince Burnt. "Arrrrggggrrr?" Tanong ng leader ng mga ghoul.
"Sabi niya, "Si Valencolo parin ba ang hari?" Ano ba naman, direkta mo na sa gusto mong sabihin huwag ng maraming tanong. Nahihirapan akong mag-translate." Inis na turan ko. Napangiti naman ng mapait ang leader.
"Hindi na po, anak na niya po ngayon ang nasa trono. Pero maaari parin po naming iparating sa aming ama ang inyong reklamo." Sagot naman ni Burnt. Akin ka na lang Papa Burnt! Anakan mo ako! "Roarrrrgrggrrrrggrrrrrgrg." Saad naman ng leader.
"Ang sabi niya, "gusto lang naming matupad ang pangako ng naunang hari na susuplayan at susustentuhan kami ng kaharian ng Reino do Fogo." Iyan ang sabe niya." Pagsasalin wika ko ulit. "Makararating po. Pwede na po ba kaming tumuloy sa aming paglalakbay?" Tanong anman ni Prince Burnt. Yumuko naman ang mga ghouls bilang sagot.
"Mga kasama, tara na sa susunod at huling bundok! Tara na sa bundok ng Chimera." ....
...
Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story
( ╹▽╹ )
Para naman maka-usap niyo ako ng matino para sa mga updates sa mga story ko, you can add me on facebook, search niyo lang po ang "Dandiv" naka-one name po ako ngayon thanks.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro