CHAPTER 86
GHOULS...
GUIA'S P.O.V
Kasalukuyan na nga akong nakahalik kay Prince Elior at sinisip-sip ko na ang kanyang labi. Gosh! Sumasama dila niya sa bawat sip-sip ko, pero 'di ko na lang pinapansin iyon. Ang nasa utak ko ngayon ay maisalba ang mahal na prinsepe.
"Ayan! Pawala na ang kulay itim na bumabalot kay Kuya Tan-tan." Saad naman ni Princess Zen. Kaya mas diniinan at binilisan ko pa ang pagsip-sip ng labi ni Prince Elior. Hangang sa parang may kung anong na-ipon sa bibig ko kaya naman napabitaw ako sa pagsip-sip ko sa labi ng prinsepe at niluwa ang kung ano mang nasa bibig ko.
Nang mailuwa ko na ito ay doon ko nakita ang itim na likido na gumagalaw-galaw pa. "Yuck!" Nasabi ko na lang.
"Ahhh!" Sigaw naman ni Prince Elior habang nagpapakawala pa ng malalalim na buntong-hininga. "Ayos ka na ba, Tan-tan?" Tanong naman ni Prince Burnt.
"O-Oo, Kuya Burnt, ayos na ako." Sagot naman ni Prince Elior. "Kaya mo na bang maglakad o hindi?" Tanong ni Prince Burnt. "Kaya ko namang maglakad kung may naka-alalay sa akin. Isa pa ayaw kong maging sagabal sa misyon." Saad naman ni Prince Elior. Grabe ang laki ng pinagka-iba niya. Parang noon lang crush ko lang siya ngayon mahal k- wait Hala! Secret lang pala iyon.
Napansin naman ata ni Prince Elior na nakatitig ako sa kanya. Kaya naman tumingin ito sa aking sabay ngiti. Kaya anman napayuko ako. Hala kinikilig ako.
"Tsk, tsk, tsk. Parang mga tanga talaga mga in love." Parinig naman ni Ate Adhira. Kaya anman tinignan ko siya ng masama, ngunit nginisian niya lang naman ako.
"So, sino aalalay kay Tan-tan?" Tanong naman ni Prince Burnt. "Ako na lang kuya." Prisenta naman ni Kuya Rhys.
"K-Kuya, pwedeng si G-Guia na lang?" Sabat naman ni Prince Elior na nagpagulat sa akin. "Baka mabigatan si Guia sa iyo." Saad naman ni Kuya Rhys. "Hindi 'yan kuya. Mabibigatan ka ba sa akin Guia?" Tanong naman ng prinsepe habang nakangisi.
"H-Hindi man." Sagot ko naman. Wah! Bakit ako nag-agree. "See? Dito na Guia, alalayan mo na ako." Utos naman ni Prince Elior. Agad namang gumalaw ang katawan ko at umakbay ito sa akin, doon nga ay naglakad na kami. Bakit ganito, nakararamdam ako ng excitement tuwing lumalapit ako kay Prince Elior.
"Guia, may sasabihin ako, medyo magpahuli tayo sa kanila." Bulong naman sa akin ng prinsepe na agad ko namang sinunod. "A-Ano bang pag-uusapan natin mahal na prinsepe?" Tanong ko naman.
"Una sa lahat, huwag mo na akong tawaging Prince Elior. Kahit Tan-tan na lang itawag mo sa akin." Nakangiting saad naman nito. Nakararamdam naman ako nh kilig dahil doon. "O-Okay Prince Tan-tan." Sagot ko naman.
"Kahit huwag mo ng bigyan ng Prince." Saad naman nito. "O-Okay Tan-tan. A-Ano pa lang gusto mong sabihin?" Tanong ko.
"Guia, m-mahal na ata kita." Saad niya na nagapbigla sa akin. "A-Ano? Halos wala pa ngang isang linggo sa pagiging close natin eh. Baka nalilito ka lang at apektado ka parin sa break-up niyo ni Princess Guen." Palusot ko naman sa kanya.
"Hinde Guia, a-ang totoo niyan ay unang kita ko p-palang sa iyo noon ay may naramdaman na akong kakaiba sa iyo. Pinipilit ko pa ngang labanan kaso lalo lang lumala." Kwento naman nito na nagpabigla sa akin. "Tapos noong naging seatmate tayo ay mas lalong lumala, napabayaan ko narin si Guen. Yung mga dati naming ginagawa ay 'di na namin noon na gawa kaya nakipag-break siya sa akin. Sabi niya nga 'di ba nag-iba na raw ako." Paliwanag naman nito sa akin.
"K-Kung iyan talaga ang nararamdaman mo ay wala naman akong karapatang pigilan iyan." Simpleng saad ko naman.
"G-Guia, kung manliligaw ba ako sa iyo, magagalit ka ba?" Tanong nito an nagpabigla sa akin. Wah! Ano ba naman 'yan biglang tumibok ang puso ko ng sobrang bilis tapos parang natatae ako na ewan kase parang may kung ano sa tiyan ko! Wah! Mababaliw na ata ako. Pero kalma Guia, kalma lang. Pakipot ka muna. Magagalit si kuya mo.
"A-Ano kase, Tan-tan, wala pa ako sa tamang edad. Fifteen pa lang ako. P-Parang 'di ko pa kayang pumasok sa isang relasyon." Saad ko naman sa kanya.
"Pero kapag ba nasa tamang edad ka na o nasa tamang edad na tayo ay papayag kang ligawan kita?" Tanong naman sa akin ni Tan-tan. "O-Oo naman, alam mo matagal na kitang gusto, kayo pa ni Princess Guen eh m-mahal na kita. K-Kaso bawal." Nahihiyang saad ko. "Nice! Hintayin kitang mag-eighteen, wala na talaga nun makakapigil sa akin, dahil liligawan na kita." Saad naman nito sa akin na nagpa-init ng aking pisngi.
"I-Ikaw bahala." Nauutal na saad ko. "Yes!" Sigaw naman nito. Nakuha naman ng sigaw niyang 'yon ang pansin ng mga kasama namin. Kaya pinagtinginan kami ng mga ito.
"Aba, Tan-tan anong yiniyes-yes mo riyan?" Mapang-usisang tanong ni Kuya Rhys. "W-Wala kuya." Nauutal na sagot naman ni Tan-tan. "Okay sabi mo eh." Saad din naman ni Kuya Rhys.
"Ang ingay mo kase." Suway ko naman sa kanya. "Triste, nakaramdam lang ako ng sobrang saya sa sagot mo." Saad niya naman habang nakangiti.
"Ang baho." Maarteng saad naman ni Nirvana na nakakuha ng pansin namin. Nakita ko namang nakatakip na pala lahat ng ilong nila at ilang saglit pa ay napatakip na rin kami ni Tan-tan ng ilong, dahil sa naamoy na rin namin ang napakabahong amoy. Parang amoy ng nabubulok na bangkay.
"Magsihanda kayo. Iyan ang amoy ng mga ghoul. Maaring malapit na sila sa atin. Ihanda niyo na ang inyong mga Held at magmasid-masid." Utos naman ni Prince Burnt at saka nito binitawan at isinandal sa isang puno si Kuya Kali, katapos nun ay itinaas ang kanyang dalawang kamay. Ilang saglit pa ay bigla na lang may lumabas na kulay puting apoy mula rito, sunod naman naming narinig ang mga nakakatakot na hiyaw.
"ARRRG!"
Hiyaw ng mga nilalang na parang takot na takot sa apoy na ginagawa ni Prince Burnt.
"Ahhh!" Hiyaw naman ni Prince Burnt na parang nasasaktan ito. Kaya lumapit kami sa kanya at doon namin nakita ang isang sibat na tumama sa kabyang tagiliran. Kaya naman natigil nkya ang paggawa sa puting apoy at napasalampak na lang siya sa lupa. Binitawan at isinandal ko naman sa isang puno si Tan-tan at tumakbong lumapit ako rito. Agad ko namang pinagana ang Healing touch ko at hinawakan ang sugat nito.
"K-Kailangan kong gumawa ng a-apoy, dilikado ang buhay nating lahat kapag nagkataon." Nahihirapang saad naman ni Prince Burnt. "Huwag mo muna kaming alalahanin, magpahinga ka muna mahal na prinsepe, 'di ka muna pwedeng gumamit ng Hold Power, dahil baka lumala ang sugat na natamo mo." Suway ko naman dito.
"GRRR!"
"ARRG!"
"GRRR!"
Dinig namin sa mga nilalang na nagtatago sa dilim. Wah! Sa mga tunog nila eh parang gutom na gutom ang mga ito at ano mang iras mula ngayon ay lalapain na nila kami.
"ROAR!" Sobrang lakas na sigaw naman ng isa sa nga nilalang at doon nga ay narinig namin ang napakaraming yabag na tumatakbo at papunta sa direksyon namin. Ilang saglit pa ay nakita na namin ang mga nilalang na gigil na gigil ka ina nang masinagan sila ng lua. So rang nakatatakot ang kanilang mga itsura. May matitilos na ngipin at kuko, naagnas na ang kanilang katawan, at nakasuot sila ng punit-punit na damit.
"S-Sila na ba ang mga ghoul?" Tanong ko. "Oo, sila na nga 'yan." Sagot naman ni Prince Burnt.
"Maghanda ka-"
"Kali at Prince Elior! Guys tinangay ng isa sa kanila ang katawan ni Kali at Prince Elior!" Sigaw naman ni Ate Adhira, kaya naman napatingin kami sa kanya. Ngayon nga ay nakaturo sa himpapawid si Ate Adhira, kaya naman napatingin kami sa tinuturo niya at doon namin nakita ang isang napakalaking ghoul na may pak-pak habang bitbit ang katawan nila Kuya Kali at Tan-tan.
"Fuck!" Galit na pagmumura naman ni Prince Burnt. "Lagot na, leader pa man din ng nga ghouls ang kumuha kay Kali at Tan-tan. Fuck! Fuck! Kasalanan ko ito! Sobrang hina ko!" Sigaw na sisi ni Prince Burnt sa kabyang sarili.
"Wala man lang bang nakapansin sa prisensya ng leader?!" Galit na sigaw ko sa ibang kasamahan ko.
"Guia, may kakayahan ang leader ng mga ghoul na mag-invisible at takpan ang ka yang aura. Kaya wala talagang makakapansin sa kanya." Paliwanag naman ni Prince Burnt.
"Paano na si Kuya Kali at Tan-tan niyan?" Umiiyak na tanong ko. "Pagalingin mo lang ako ng mabilis para makagawa na ako ng piting apoy na makakataboy sa nga ghouls." Utos naman ni Prince Burnt. Kaya naman binuhos ko na ang seventy percent ng Energia ko sa sugat niya. Medyo malalim din kase at may konting internal damage.
"ARG!"
Nasasaktang sigaw naman ng liumilipad na leader ng mga ghouls na kumuha ng atensyon namin. Kaya pinakatignan namin siya at doon namin nakita na putol na ang kaliwang braso at pakpak nito habang nakatayo sa kanyang harapan ang isang pigura ng isang Fantasian na may hawak ng payong.
"Kali." Bulong naman ni Prince Burnt.
"Kuya Kali ayos ka na ba?!" Sigaw na tanong ko naman sa kanya. Tumingin naman ito sa akin. Ngunit napansin ko ang mata nito na purong itim lang ang kulay.
"Nagpapahinga pa si Kali, kaya si Death muna ang bahala." Sagot nito...
...
Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story
( ╹▽╹ )
Para naman maka-usap niyo ako ng matino para sa mga updates sa mga story ko, you can add me on facebook, search niyo lang po ang "Dandiv" naka-one name po ako ngayon thanks.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro