Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 84

CURSED...

ARIOCH'S P.O.V

"Mahal na hari, malala po ang lagay ng prinsepe." Saad bigla ni Albeo na kalilitaw lang sa harapan ko habang buhat-buhat si Phobes na napakaraming sugat sa mukha. Napatayo naman ako sa aking nakita. "Ipatawag lahat ng Healer Holder!" Sigaw ko sa mga kawal, agad naman silang nagsitakbo. Lumapit naman ako sa kilalagyan nila Albeo at kinuha mula sa kanya ang aking anak.

"Sinong may gawa nito! Sinong may gawa nito!" Galit na sigaw ko.

"Anong-"

"PHOBES!" Putol ni Olivia sa sasabihin niya nang makita niya si Phobes at saka tumakbong pumunta sa kilalagyan namin. "Anong magyari sa kanya? Sinong may gawa nito?!" Umiiyak na sigaw ni Olivia.

"Ang Death Holder, mahal na hari at reyna." Sagot naman ni Albeo. "Kali." Dinig ko namang bulong ni Akuji.

"Gaganti tayo. Gaganti tayo!" Sigaw ko. Nagulat naman kaming lahat ng may kulay itim na bilog na Energia ang biglang lumitaw sa harapan namin.

"Gyehoeghan daelo jinhaenghaji maseyo, Arioch. geudeul-i meonjeo jeulgeobge jinaego joyonghan salm-eul nulige hala HAHAHA." Pigil sa akin ng Deus Lucifero.

[Translation: Huwag mong itutuloy ang iyong binabalak, Arioch. Ayahan mo muna silang magsaya at namnamanin ang kanilang tahimik na buhay HAHAHA.]

"Geuleona nae adeul Deus Luciferoneun eotteohseubnikka? naneun bogsuleul haeya handa!" Galit na saad ko sa Deus, nginitian lang naman ako nito na pinagtaka ko.

[Translation: Ngunit papaano na ang anak ko, Deus Lucifero? Kailangan kong maghiganti!]

"Geogjeonghaji maseyo. gakkawoss-eoyo, Arioch. sigan munjeil ppun-igo uli gyehoeg-i sewojil geos-ibnida. geu modeun geos-eul pagoehago sipseubnikka?" Nakangising tanong sa akin ng Deus. Huminga naman ako ng malalim dahil sa napa-isip nga ako sa mga sinabi ni Deus Lucifero.

[Translation: Huwag kang mag-alala, malapit na, Arioch, kaunting oras na lang at mabubuo na ang mga plano natin. Gusto mo bang sirain lahat iyon?]

"Jeoman mid-euseyo, geunyang mid-euseyo." Saad sa akin ng Deus at saka ito nawala. Siya naman pagdating ng mga Healer at sinusubukan ng pagalingin ang walang malay na si Phobes.

[Translation: Magtiwala ka lang sa akin, tiwala lang.]

"Humanda ka sa akin, Kali, sa araw ng magkita tayong muli ay sisiguraduhin ko ng mawawalan ka na ng buhay." Bulong ko sa hangin...

...

KALI'S P.O.V

"Iyon ay dahil kami ang Anti Hold Barrier." Saad ni Apo na nagpabigla sa amin.

"Anong ibig niyo pong sabihin?" Tanong naman ni Guia.

"Ang puso namin ang sangkap upang magawa ang isang Anti-Hold Barrier." Sagot naman ni Apo na nagapbigla sa amin. "K-Kung ganon ay isang puso para sa isang barrier? Napakawalang awa naman ng mga taga Dark Continent." Tanong ko.

"Sa totoo niyan, Kali, di lang usang puso ang kailangan sa isang Anti-Hold Barrier - ang kailanhan para makabuo ka ng isang maliit na barrier ay isang daang puso ng mga Lauma." Saad naman ni Apo na nagpatulala sa akin, dahil sa naisip kong napakalaki ng Anti-Hold Barrier na ginamit sa amin noon ni Lilith na nangangahulugang naapkaraming pinatay na Lauma para lang mabuo iyon. Kaya naman di ko alam na tumulo na pala ang mga luha ko dahil doon.

"Bakit ka umiiyak kuya?" Tanong ni Guia. "Naalala mo ba ng makapaban natin si Lilith?" Tanong ko sa kanya. "Oo, kuya." Sagot naman ni Guia."Naalala mo bang gumamit ng naakaliking Anti-Hold Barrier si Lilith noon? Na halos sumakop sa buong kagubatan." Tanong ko habang nagpupunas ng luha, npatango naman si Guia at napatakip ng bibig, dahil siguro naisip na niya ang iniisip ko.

"Noong nakaraang tatlong buwan po ba ay marami ang napatay sa mga lahi niyo, Apo?" Mapang-usisang tanong ko. "Paano mo nalaman, Kali? Oo, halos limang libo ang pinatay sa amin, ang masakit pa ay kasama roon ang mga anak at ang asawa ko." Malungkot na saad ni Apo, kaya may ideyang pumasok sa utak ko.

"Death, maaari bang magbigay ng basbas ang isang tulad ko?" Tanong ko kay Death gamit ang TeleCom. "Oo naman, Kali, pero suhesyon ko lang na mas malakas ang pagbibigay ng sumpa kaysa pagbibigay ng basbas sa naiisip mo." Saad naman ni Death na parang alam na ang nasa utak ko.

"Sige salamat, Death." Pasasalamat ko naman. "Walang ano man Kali, siya nga pala, isa sa mga nadagdag mong Hold power ang Cursing, wala itong side effect, ngunit ang kapalit nito ay ang pagkawala ng isa sa iyong limang emosyon." Paalala naman ni Death. Napahinga na lang ako ng malalim dahil doon.

Tinaas ko na ang kamay ko at nagsimula ng magsalita...

"Ako, si Sephtis Kali Picosa ay nagbibigay ng sumpa na kung sino mang Pessoas Mas o taga Dark Continent ang magtangkang tahakin ang bundok na ito ay magiging abo sa unang tapak pa lang nila sa bundok na ito. Ang sumpang ito ay hindi magwawakas kahit na mawalan pa ako ng buhay!" Sigaw ko sa sumpa. Bigla namang nawala ang Lua at nabalutang ng purong itim ang kalangitan na sinamahan ng malakas na kulog at kidlat. Nagulat naman ang mga kasamahan ko at mga Lauma ng may tumamang kidlat sa akin.

"KALI!"

"KUYA!"

"SEPHTIS!"

"ETITS!"

Dinig kong sigaw nila. Sa una ay natakot ako sa kidlat, ngumit ngayon na tumama na sa akin ito ay wala man lang akong maramdamang sakit. Humarap naman ako sa kanila habang kumikislap pa angaking katawan dahil sa kidlat.

"Kuya!" Sigaw ni Guia at sala ito lumapit sa akin. "Ayos ka lang ba kuya?" Tanong ni Guia. Tumango naman ako.

Nagulat naman ako ng may humila sa kamay ko. Nang mapaharap ako sa humila ay doon ko nakita si Prince Burnt na galit na galit na nakatingin sa akin.

"Bitawan mo ako nasasaktan ako." Mainahon na utos ko sa prinsepe. "Sino ka ba talaga ah? Bakit may kakayahan kang magbigay ng isang sumpa? Kalaban ka ba namin ah?" Sunod-sunod na tanong nito. "Isa lang akong hamak na Fantasian, hindi ako kalaban." Simpleng sagot ko naman sa kanya at saka ko tinabig ang kamay niya at pumunta na sa mga Lauma para kumustahin sila.

"Kali, tunay ba ang sumpang inilagay mo sa bundok?" Tanong ni Apo. "Oo, Apo, tunay iyon. Pinagkaloob ko ang sumpang iyon para sa-" Naputol ang sasabihin ko ng biglang magdilim ang paningin ko at natumba na lang ako.

"Kali!" Dinig ko namang sigaw nila sa akin bago ako pumikit...

...

GUIA'S P.O.V

"Kali!" Sigaw naman ng mga Royalties na nakakuha ng atensyon ko, kaya ng maatingin ako sa kanila ay doon ko nakitang nilalapitan na nila ang walang malay na katawan ni Kuya Kali, kaya naman lumapit narin ako.

"Anong nangyayari sa kanya?" Nag-aalalang tanong ni Prince Burnt sa kanya. Kaya naman itinapat ko sa puso niya ang aking kamay upang magawa ang scanning, para malaman ang naging sanhi ng pagkawala ng malay ni kuya.

"Ano na, Guia?" Tanong naman ni Ate Adhira. "Huwag kayong mag-alala nakatulog lang siya. Sa tingin ko ay side effect lang 'yan ng paggamit niya ng sobra sa kanyang kapangyarihan. Hintayin na lang natin siyang magising." Paliwanag ko naman sa kanila.

"Ano? Hihintayin pa natin magising ang hampas lupang iyan?" Maarteng tanong naman ni Bitchy Nirvana kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Makahampas lupa ka ah. Mas mukha ka pa ngang lupa sa kaaptid ko eh! Kapal mo naman!" Mataray na saad ko rito. "Anong sabi mo?!" Sigaw nito sabay lapit at akmang sasampalin ako, kaya daglian akong tumayo at inuhan siya sa pagsamapal.

"H-How dare you. You little shit!" Sigaw nito sa akin. Susugod na naman sana ito ng pigilan na siya ni Kuya Rhys. "P-Paumanhin sa inasal ni Nirvana." Pagpapa-umanhin ni Kuya Rhys, kaya tumanho na lang ako.

"Ano ba, Rhys? Bakit humihingi ka ng ta-"

"Shut up!" Galit na sigaw ni Kuya Rhys na nahpatahimik kay Nirvana.

"Kailangan na nating lumakad para makapunta tayo ng mabilis sa ikalawang bundok. Malayo-layo pa ang lalakarin natin mila rito." Saad naman ni Prince Burnt. "Ngunit, paano si Kuya Kali? Sinong magbubuhat sa kanya?" Tanong ko naman.

"Ako!" Sabay-sabay na sigaw ng tatlong magkakapatid na prinsepe na sila Prince Burnt, Prince Flame, at Prince Rhys. Bigla naman akong napataas ng kilay at nginisian sila.

"Hoy Rhys! Baki-"

"I said shut up!" Pigil naman ulit ni Prince Rhys kay Nirvana sabay duro rito na nagpatahimik ulit dito.

"So, sino ba talaga sa inyong tatlo ang mapapangasawa - este magbubuhat kay Kuya Kali?" Sarkastikong tanong ko sa tatlo. Bigla namang nagred ang mukha ang tainga ng tatlong prinsepe. Hala! Hala! Ang lalande, kinikilig ang mga gung-gong!

"A-Ako na lang mga kuya, tutal medyo magaan lang naman si Sephtis." Nakangiting saad ni Prince Rhys.

"Ay, naku bunso, alam mo namang ayaw kayong mapahod ng inyong ikalawang kapatid, kaya ako na." Nakangiting saad naman ni Prince Flame.

"Hindi, huwag na kayong magpakapagod. Ako na ang magbubuhat." Matigas na saad naman ni Prince Burnt. Nataaa naman ako ng kauntj sa mga reaksyon nila. Nang tignan ko naman ang iba naming kasamahan ay nagpipigil narin sila ng tawa, pwera kay Kuya Lucian at sa pesteng Nirvana na masamang nakatitig sa walang malay na katawan ni kuya na nagpatawa sa akin ng kaunti. Tss napaka-insecure.

"Ako na." Seryosong saad ni Prince Flame.

"Ako na." Seryosong saad ni Prince Rhys.

"Ako na." Seryosong saad ni Prince Burnt.

"Ako na." Seryosong saad ulit ni Prince

"Ako na ang magbubuhat o hindi ko na kayo sasamahan sa ikalawang bundok?" Matigas na panakot naman ni Prince Burnt sa dalawa.

"Ikaw na." Pagsuko naman ng dalawang kapatid niya na nagpahalakhak sa amin.

"Anong nakakatawa?" Tanong naman ng dalawang talunan na peinsepe. Umiling naman kaming lahat.

"Dahil ikaw ang nanalo, Prince Burnt. Kargahin mo na sa iyong likuran si Kuya Kali." Saad ko naman sa prinsepe. Kaya lumapit na ito - ngunit nagulat na lang kami ng bigla niyang buhatin si Kuya Kali na para bang bagong kasal sila, sabay sabing...

"Tara na at pumunta na tayo sa ikalawang bundok." ....

...

Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story
( ╹▽╹ )

Para naman maka-usap niyo ako ng matino para sa mga updates sa mga story ko, you can add me on facebook, search niyo lang po ang "Dandiv" naka-one name po ako ngayon thanks.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro