Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 82

MEET THE PSYCHO...

KALI'S P.O.V

"Narito na tayo, kaya magsihanda na kayo sa pag-akyat sa bundok ng walang direksyon." Paalala sa amin ni Prince Burnt. "Paganahin mo na ang Ring Map, Flame." Utos naman niya sa kanyang kapatid.

"Kuya, matanong ko lang, 'di ba ikaw ang nilalapitan ng mga Fantasian na nagnanais puntahan ang Chinera?" Tanong ni Prince Glenn kay Prince Burnt. "Yup." Sagot naman ni Prince Burnt. "Alam mo ba ang dahilan kung bakit nag-iiba-iba ng direksyon ang bundok?" Tanong ng prinsepe. Napa-isip naman ako bigla dahil doon, nang tumingin ako sa aking mga kasamahan ay ganun din ang kanilang naging ekspresyon.

"Well, malaking misteryo nga ang bundok na iyan, sa totoo nga ay kahit ang mismong hari na aming ama ay hindi alam kung bakit ganyan ang bundok. Isa pa bago kami makababa noon dito ay umaabot kami ng thirty days." Sagot naman ni Prince Burnt na nagpaguhit pa lalo ng pagtataka sa aminv mga mukha.

"HAHAHA." Tawa naman ni Princess Shaine bigla na kumuha ng atensyon namin. "Ano namang tinatawa-tawa mo riyan sis?" Tanong naman ni Prince Glenn sa kanyang kapatid.

"May naisip lang ako. Ano kaya kung imbistigahan muna natin ang misteryo ng bundok na iyan?" Tanong nito sa amin. "I agree." Simpleng sagot ko naman. Kita ko naman ang pagkabigla sa mukha ni Shaine at ilang oras pa ay nginitian ako nito.

"I also agree, ako rin kase ay nagtataka kung bakit nagkakaganyan yang bundok na iyan." Sagot naman ni Rhys na nagpabigla sa akin. Shit bakit ba kapag naririnig ko siya ay nagiging awkward pakiramdam ko.

"Yay! Adventure!" Sabay na sigaw naman nila Guia at Princess Zen. Nagkatitigan at nagtawanan naman sila.

"How about others? Gusto niyo rin ba?" Tanong ni Prince Burnt sa iba. Nagtanguan naman sila. "Kung gayon ay magsi-akyat na tayo sa bundok at alamin ang misteryo nito." Saad naman ni Prince Burnt at nagsimula ng maglakad pa-akyat ng bundok, kaya sumunod naman kami.

"Buksan mo na ang Ring Map, Flame."  Utos ng Prince Burnt sa kanyang kapatid na agad naman nitong sinunda at doon namin nakita na talaga ngang ibang iba ang Ring Map na pagmamay-ari ng Hari kaysa sa Ring Map ng aming akademya – dahil naka-project ngayon ang buong struktura ng bundok na ito.

Maganda naman ang gubat dito sa bundok, dahil sa naglalakihang mga puno at mga bulalak na may iba't ibang kulay. Pero napansin ko lang, bakit kaya mga walang neutral fera akong nakita sa paglalakad naming ito. Ilang saglit pa ay humangin ng malakas na nagpatigil kay Prince Burnt na nasa unahan na pinagtaka namin.

"Bakit ka tumigil, mahal na prinsepe?" Tanong ko. "Nag-iba na ng direksyon ang bundok, mali na ang tinatahak nating direksyon." Sagot naman nito. "So, saan na ang direksyon na dapat nating tahakin?" Tanong ko ulit.

"Kailangan nating tumalikod at tahakin ang direksyon sa ating likod." Sagot naman ni Prince Flame na may hawak ng Ring Map. "Ano? Babalik tayo sa ating pinanggalingan?" Takang tanong naman ni Ate Adhira.

"Hindi, dahil kapag patuloy pa nating tinahak ang daan na ito ay maliligaw na tayo ng husto, tandaan mo. Nag-iiba-iba ang direksyon ng bundok na ito bawat isang minuto." Sagot naman ni Prince Burnt. Kaya wala na kaming magawa kung hindi sumunod na lang. Kaya naglakad na kami sa sinabing direksyon ng prinsepe. Naramdaman ko naman ang mga yabag ng hindi lang isang nilalang. Sabi ko na nga ba eh, mayroong mga nilalang namamahala rito. Kaya naisipan kong kausapin silang lahat gamit ang MassCom (Mass Telephaty Communication.) Para isahan na lang ang apgbibigay alam ko sa kanila.

"Guys, may mga yabag ng mga nilalang ngayon-ngayon lang." Saad ko gamit ang MassCom. Bigla namang napatingin silang lahat aa akin, at nagtinginan naman sila sa isa't isa ng may pagtataka sa kanilang nga mukha.

"Pa-"

"Shhh." Putol ko sa sasabihin dapat ni Prince Burnt. "Gumamit ako ng Masscom apra na-contact ko kayong lahat ng isahan na lang." Paliwanag ko gamit ang MassCom. "Magtuloy na tayo sa paglalakad." Utos ko naman.

"Ano ang iyong naramdaman kanina, Etits?" Tanong ni Ate Adhira. "Mga yabag ng mga nilalang, ngunit 'di ko tiyak ang kanilang bilang, magmasid-masid muna tayo sa kanilang mga galaw." Sagit ko naman gamit ang MassCom.

Ilang oras pa ang lumilipas at kita mula rito ang pagpapalit ng Solis sa Lua na nagangahulugang pagabi na at hindi pa kami nakakababa sa unang bundok. Napansin ko lang na habang nag-iiba-iba ang dereksyon ay kasabay nitong naririnig ko ang mga yabag, isa itong konpitmasyon na ang mga yabag nga na maririnig ko ang may kakagawan ng pag-iiba-iba ng direksyon ng bundok na ito.

"LUMABAS KAYO! ALAM KONG NARIYAN KAYO!" Sigaw ko sa bundok, dahilan para mapatingin sa akin ang mga kasama ko. Ngunit matatag ata ang mga nilalang at hindi sila nagpapakita.

"Guia, ihanda mo ang Casa de Luz Spear." Utos ko ang Guia gamit parin ang MassCom. Tumawa naman bigla si Prince Flame at Prince Burnt.

"Anong nakakatawa?" Tanong ko gamit parin ang MassCom. "Eh, alam niyo ba ang sinasabi niyong Casa de Luz Spear ay napaka-imposibleng gawin?" Tanong naman sa akin ni Prince Flame. "Oo, Kali tama si Flame, ni ang mga namumuno ng Casa de Luz ay hindi magawa ang Hold Power na iyon." Dagdag pa ni Prince Burnt.

"Watch and Learn," sabat naman ni Guia, "ano bang gagawin kuya?" Tanong nito sa akin.

"Ipatama mo sa lupa ang spear para mabalutan ang buong bundok. Tignan natin kung makapagtago pa ang mga nilalang." Saad ko gamit parin ang MassCom. "Sephtis, dilikado ang pinapagawa mo kung sakali lang na kaya talagang gawin iyon ng kapatid mo eh napakaraming Energia ang kailangan para magawa iyon na maari niyang ikamatay!" Galit na sigaw naman ni Prince Elior, kaya napatingin kaming lahat sa kanya habang nakataas ang kilay.

"Kailan ka pa nagkaroon ng pake sa kapatid ko?" Maaang-usisang tanong ko. "W-Wala." Simpleng saad niya lang. Nang tignan ko naman si Guia ay umiwas lang ito ng tingin, dahil napansin kong namumula ang kanyang nga pisngi. Tsk, tsk, tsk, I smell something.

Nang marinig ko na naman anv mga yabag at naramdaman ko na naman ang ag-iiba ng direksyon ay sinigawan kona si Guia. "GUIA! NGAYON NA!" Sigaw ko at saka naman nabuo ang napakaling piting energia na may korte ng sibat sa kamay ni Guia at sinaksak niya ito sa lupa. Kita ko naman ang gulat sa mga kasamahan ko.

Ilang oras pa ay unti-unti ng nababalutan ng ginto ang buong bundok, doon nga ay nakikita at naririnig na namin ngayon ang mga nilalang natila ba'y takot na takot sa nangyayari.

"Magsilikas kayo!"

"Iligtas niyo ang inyong mga sarili!"

"Mga manlalakbay patawarin niyo kami!"

"Mga manlalakabay alisin niyo na ito!"

Sigaw nila at kita namin ngayon ang mga maliliit na nilalang na may anyong bata ngunit ang katawan nila ay gawa sa kahoy – para bang mga pinokyo ang mga ito. "Mga Dryad ba ang mga iyan?" Tanong ko sa kanila. "Hindi po Kuya Sephtis, ang tawag po sa mga iyan ay Latvian Lauma." Sagot naman ni Princess Zen na nagpaguhit ng pagtataka sa aking mukha.

"Ano ang mga Latvian Lauma?" Tanong ko sa kanila. "Ang mga Latvian Lauma ay mga uri ng spirits, pinsan nila ang mga Dryad, sila rin ang nangangalaga sa mga kabundukan o kagubatan at sila rin ang nangangalaga sa mga ulila at tagagabay sa mga manlalakbay." Sagot naman ni Zen sa akin. Wow mukhang maalam sa mga Fera at mga ibang nilalang si Zen ah.

"Napakagaling naman ng bunso namin." Nakangiting papuri naman niRhys sa kanya. "Ngunit ang pinagtataka ko ay bakit sila nanliligaw ng mga katulad nating manlalakbay." Takang saad naman ni Zen.

Tumindi naman ang ingay na ginagawa ng mga Lauma. Kaya humarap ako kay Guia. "Guia, alisin mo na ang bisa ng Casa de Luz Spear." Utos ko pero nakayuko lang ito at parang walang naririnig na nagpa-inis sa akin. "VITA GUIA PICOSA! ALISIN MO NA YUNG BISA NG CASA DE LUZ SPEAR!" Galit na sigaw ko na nagpataranta sa kanya. Dali-dali niyang tinanggal ang bisa ng Casa de Luz Spear. Nang matanggal ang bisa ay dali-dali namang nagtago sa likod ng mga puno ang mga Lauma. Huminga naman ako ng malalim at ngumiti. Kailangan ko namang gawin ang aking parte.

"Mga Lauma, huwag kayong matakot, hindi namin kayo sasaktan." Nakangiting saad ko sa mga Lauma. Ngunit wala paring nagpapakita ni isa, hangang ilang saglit lang ay may isang naapkaliit na Lauma ang sumilip sa isang puno. "Hali ka rito, hindi kita sasaktan, lumapit ka." Saad ki naman ngunit hindi talaga siya lumalaimpit. Naisip ko naman ang mansanas na dala-dala ko, kaya kinuha ko ang mansanas sa aking maliit na bag.

"Gusto mo ba ito?" Tanong ko, nakita ko namang nagning-ning ang mata ng Lauma. "Iyong-iyo na ito, hali ka, hindi kita sasaktan, promise." Nakangiting saad ko parin, nagulat naman ako ng biglang tumabo ang Lauma na nakasilip at kinuha ang mansanas. Pumunta ito sa ulo ko at umupo, doon niya nga kinain ang mansanas. Bigla namang nagsilitawan ang iba pa niyang mga kasamahan at nagulat ako sa dami nila. Grave sa tansya ko ay nasa isang daan sila.

"Ako rin gusto ko niyan."

"Ako rin!"

Ako rin!"

Sunod-sunod na sigawan nila. Kinabahan naman ako dahil doon.

"Tahimik!" Sigaw naman ng isang Lauma na parang maiit na puno dahil sa mga sanga at dahon sa uluhan nito. Siguro ito ang kanilang pinuno dahil biglang tumahimik ang mga Lauma ng magsalita ito.

"Paumanhin po Apo."

"Paumanhin."

"Paumanhin."

Nagsunod-sunod na namang mga paghingi ng tawad nila.

"Tahimik!" Sigaw ulit ng tinawag nilang Apo. "Pagpasensyahan niyo na kami mga manlalakbay sa aming ginawa kani-kanina lang." Paghingi ng tawad nito.

"Ayos lang po iyon. Ngunit nagtataka lang ako kung anong dahi-"

"Princess Zen!" Putol ko sa sasabihin ko ng makita ko sa Short Vision ko na may lalaking sasaksak kay Princess Zen, kaya nilabas ko ang aking Held at tinulak si Princess Zen. Dinig naman ang pagkalansing ng ispada ng lalaki.

"Sino ka?" Seryosong tanong ko rito.

"HAHAHA Ako si Phobes, Prinsepe ng Dark Continent HAHAHAHA." ...

...

Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story
( ╹▽╹ )

Para naman maka-usap niyo ako ng matino para sa mga updates sa mga story ko, you can add me on facebook, search niyo lang po ang "Dandiv" naka-one name po ako ngayon thanks.

LATVIAN LAUMA

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro