Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 79

CONSEQUENCE...

KALI'S P.O.V

"DAPA!" Sigaw ni Prince Flame. Napadapa naman kami agad dahil sa sigaw na iyo at sunod nun ay ang bumubulusok na bola ng puting apoy ay bumulusok sa amin.

"TALON!" Sigaw naman ulit ni Prince Flame, kaya mula sa pagkadadapa ay agaran akming tunalon at sumunod naman doon ang kaninang puting apoy natumama sa lupa na kung saan kami nakadapa kanina. Shit bakit ganito ang pagsalubong sa amin.

"Hahaha, maligayang pagdating sa Reino do Fogo." Dinig naming may tumawa sa harap ng tarankahan kaya napatingin kami sa harap at doon namin nakita ang isang mga nasa mid-fifty na lalake at may suot itong kurona, nakasout din ito ng royal mantle na nangangahulugang siya ang Hari ng Reino do Fogo.

"Ama!" Sigaw naman ni Prince Flame at Rhys at saka ito tumakbong lumapit sa kanilang ama at niyakap ito.

"Namiss po namin kayo ama." Saad ni Rhys na may matamis na ngiti sa labi.

"Ganon din po ako ama." Saad din naman ni Prince Flame.

"Ganon din ako aking mga anak." Saad ng hari at saka ito tumingin sa amin.

"Maligayang pagdating sa aking kaharian. Ano ang inyong mga pangalan?" Malumanay na tanong ng Hari.

"Ako po si Breeze, anak ni Haring Cielo at Reyna Azul ng Republica de Agua, siya naman po si Guen, kapatid ko po." Pagpapakilala ni Prince Breeze sa kanilang dalawang magkapatid. Tumango naman ang hari.

"Kayo na pala ang anak ni Cielo, parang kailan lang nang bumisita ako sa kaharian niyo ay ang liliit niyo pa." Pag-alala naman ng hari.

"Ako naman po si Glenn, at ito naman po si Shaine ang aking kakambal. Anak po kami ni Haring Lithos at Reyna Sandra, mahal na hari." Pakilala ni Glenn sa kanilang dalawang magkapatid.

"Noong huling bumisita ako kay Haring Lithos ay wala pa siyang Reyna at ngayon ay may napakagwapo at napakaganda na siyang anak." Papuri naman ng hari dahilan para mapakamot sa batok si Glenn at mapayuko naman sa hiya si Shaine.

"Hello po mahal na hari, ako naman po si Zen, anak ni Haring Henry at Reyna Eara." Pakilala naman ni Princess Zen.

"Oh, ikaw pala ang ikalawang sa tatlong anak ni Henry? Tama ba?" Tanong mg hari na nagpagulat sa akin. Akala ko nag-iisang anak lang si Princess Zen.

"Opo mahal na hari, ako nga po." Sagot naman ni Princess Zen.

"Marahil ay kilala nkyo na po ako mahal na hari." Mapagmalaking saad naman ni Nirvana.

"Hindi hija, sino ka nga ba?" Nagtatakang tanong naman ng hari na naging dahilan para amapatawa kami nila Guia, hahaha assuming ang gago.

"Shut up slap soils!" Sigaw naman ni Nirvana dahilan para mapatigil kami.

"Ah, pasensya na po mahal na hari pero ako po si Nirvana ang anak ni Duke Briant. Ang inyo pong Duke." Pakilala naman ni Nirvana.

"Okay, kayo, sino naman kayo mga hijo at hija?" Turo naman sa amin. Ngumiti naman ako.

"Ako po si Kali at sila naman po ang kapatid kong sina Adhira, Lucian, at Guia, ito naman po ang kaibigan kong si Xavier." Nakangiting pagpapakilala ko naman sabay yuko.

"Hello po mahal na hari." Saad ni Guia sabay yuko.

"Ikinagagalak ko pong makilala kayo." Saad ni Ate Adhira sabay yuko.

"Isa po itong pribileheyo." Saad ni Xavier sabay yuko.

"Uhm." Walang emosyon na saad ni Kuya Lucian at di man lang yumuko sa hari kaya anman napa-iling-iling na lang kaming magkakapatid pati na si Xavier.

"Pagpasensyahan niyo na po ang aking kapatid sa kanyang kalapastanganan." Paghingi naman ng tawad ni Ate Adhira.

"Ayos lang iyon hija, mayroon talagang Fantasian ang hindi mahilig mgapakita ng paggalang ngunit sa loob-loob nila ay ginagalang kanila ng higit sa paggalang ng mga pakitang paggalang." Makabuluhang saad naman ng hari.

"Ako nga pala si Haring Brando Blaze Hugh, tara at pumasok kayo sa aking kaharian." Yaya sa amin ng hari.

"Ano't ikaw ang sumundo sa amin ama?" Tanong naman ni Rhys.

"Nais kong salubungin ang dalawa kong anak ng personal." Sagot lang ng hari at naglakad na paloob. Kaya lumakad narin kami.

Nang kapadok namin ay kita naman ang mga napakaraming kawal na may pulang baluti ang nakahilera sa gilid ng pulang karpet. Nang mapatingin ako sa harapan ay kita ko naman ang usang trono na gawa sa ruby o yung pulang diyamante. Grabe kung ibebenta ito sa mundo ng mga tao ay siguradong yayaman ka. Nang malapit na kami sa trono ay may dalawang kawal ang humarang sa amin, ngunit nagpatuloy sa hari sa paglalakad. Nang nada trononna ang hari ay umupo na ito. Pagka-ipo ng hari ay siya namang paglabas ng isang napakagandang babae na nakasuot din ng korona at royal mantle na nangangahulugang siya ang reyna, at lumabas din naman qng isang napakakisig na lalaki na may puting buhok, may matipunong katawan din ito at mga nasa 7 feet ang height. Grabe ang laki niya kase, matangkad pa siya kay Flame kung tutuusin kaya nag-assume akong nasa 7 feet siya. Nakasuot din ito ng royal mantle na nangangahulugang siya ang tinutukoy nila Flame at Rhys na kuya nilang si Prince Burnt. Bigla namang nagtama ang mata namin ni Prince Burnt kaya agad akong umiwas.

"Maligayang pagdating dito sa aming kaharian, ako nga pala si Reyna Ashes Eleine Hugh, at ito naman ang aking anak na si Prince Fire Burnt Hugh." Pakilala naman ng Reyna sa amin. Yumuko naman kami sa kanya.

"Ako nama-"

"Hindi na kailangan hija, narinig na namin ang kanya-kanyang pagkakakilanlan niyo." Putol na saad naman ng Reyna kay Nirvana. Pahiya na naman siya kaya natawa kami ng konti dahil doon.

"Bida-bida kase." Saad naman ni Guia sa akin gamit ang TeleCom kaya natawa ako dahil doon.

"Ano at naparito kayo?" Malamig na tanong ni Prince Burnt.

"Narito kami dahil sa isang misyon na ibinigay sa amin ng Diretora." Sagot ko naman.

"At ano iyon binibini?" Tanong nito sa akin. Hays, binibini?

"Una sa lahat pwede mo akong tawaging Kali mahal na prinsepe at ang misyon na tinutukoy ko ay ang pagkuha sa Feather of Chimera." Sagot ko naman na nagpagulat sa mukha ng hari at reyna at nagpalabay naman ng ngisi kay Prince Burnt.

"Hindi pa sinabi sa inyo ng Diretora na lubhang mapanganib ang pagkalaban sa Chimera?" Tanong ng hari sa amin.

"Sinabi po niya mahal na hari, ngunit kailangan pi naming gawin ito dahil alam naming makakatulong ang pagharap sa isang Deus-like Fera upang mas mahubog ang aming mga Hold at magkaroon din ng karanasan, mahal na hari." Paliwanag ko naman sa majal na hari. Nagtango-tango naman ito.

"Kung gayon ang gusto ng Diretora at ang gusto niyo ay wala akong magagawa." Saad naman ng hari.

"Maraming salamat po ama, pwede po ba naming hingin ang mapa ng Lair of Chimera, ama?" Tanong naman ni Prince Flame.

"Wait, anong mapa at anong Lair of Chimera?" Tanong naman ni Ate Adhira. Nice one ate, nadali niya rin. Nagtataka rin ako sa mga yon, dahil wala namang nasabi ang Diretora sa amin.

"Hindi ba sinabi ng Diretora sa inyo bago ako pumasok kanina?" Tanong naman ng prinsepe.

"Hinde." Sabay-sabay naman naming sagot na naging dahilan para mapahinga ng malalim si Prince Flame.

"Hays, ganito kase. Ang Lair of Chimera ay ang lugar kung saan nakatira ang Chimera at ay medyo malayo pa rito at madadaanan pa ang tatlong bundok bago ito makita." Paliwanag naman ni Prince Flame na nagpaluwa ng mata namin at ng mga Royalties at nagpabagsak ng aming mga panga.

"A-Ang layo." Di makapaniwalang saad ni Guia.

"Pwede bang gumamit tayo ng ejection, Kuya Flame?" Tanong naman ni Prince Breeze.

"Kalapastanganan iyan!" Sigaw naman ni Prince Burnt na nagpabigla sa amin.

"Bakit po kuya?" Tanong naman ni Nirvana.

"Wala kang karapatang tawagin akong kuya, Nirvana. Hindi ka prinsesa. Isang kalapastanganan ang hindi pagdaan sa tatlong bundok ng Reino do Fogo, isang kaugalian na ang pagtahak sa tatlong bundok." Pambabara at paliwanag naman ni Prince Burnt kay Nirvana. Tsk, tsk, tsk. Asumera kase.

"Kung iyan ang hinhingi mo ay tanggapin mo ito." Saad naman ng hari sabay bato ng isang sing-sing na may design na ruby. Ring map pala lahat ng gamit sa mundong ito.

"Maraming salamat ama." Pagpapasalamat naman ni Prince Flame sa hari.

"Kuya Burnt, alam mo naman sigurong kailangan ka namin." Seryosong saad naman ni Prince Flame kay Prince Burnt. Ngumisi naman ang prinsepe.

"Alam mo namang lahat ng nakiki-usap sa akin ay may ibinibigay na kapalit." Saad naman ni Prince Burnt.

"Kuya wala na akong pwedeng ibigay sa iyo. Sinuko ko na nga ang aking karapatan sa paglaban sa trono eh." Seryosong saad nan ni Prince Flame. "Edi hindi ako sasama." Sagot naman nito.

"Wait, bakit ba kailangan isama natin ang Prince Burnt?" Tanong ko naman.

"Dahil siya lang ang mayroong puting apoy na kagaya sa apoy ng hari na makakapanakot sa mga Ghoul sa ikalawang bundok na kung tawagin ay Ghoul's Mountain." Paliwanag naman ni Prince Flame.

"Ano ba ang ghoul, mahal na prinsepe?" Tanong ni Guia.

"Ang mga ghoul ay mga undead na sumasamba kay Lucifero na kumakain ng laman ng Fantasian at Fera." Sagot naman ng prinsepe.

"Hindi ba natin kaya ang mga ghoul ng tayo lang?" Tanong ko naman.

"Hindi, dahil sa pag-apak mo pa lang sa ikalawang bundok ay ang mga higanteng ghoul na ang sasalubong sa iyo na may lakas ng isang daang Fantasian na kawal at kaya rin kasing gumamit ng Enchantments at may sarili ring Hold ang ibang ghoul, kaya dilikado." Sagot naman ng Prinsepe Flame. Napahinga naman kami ng malalim dahil doon. Ano ba iyan. Hindi lang pala Chimera ang kalaban namin, kung hindi pati ghouls at marami pang iba.

"Mahal na Prinsepe Burnt, nakiki-usap ako sa iyo. Wala kaming maiibigay na kapalit ng pagsama mo sa amin, kaya nakiki-usap ako." Paki-usap ko at saka lumuhod.

"Kuya tumayo ka nga!" Sigaw ni Guia.

"Hindi ako tatayo hangga't hindi nag-oo ang prinsepe na sumama sa atin." Saad ko naman.

"Hindi pwede iyan Kali." Nakangising sagot naman ng prinsepe.

"Kahit anong hilingin mo na lang ay gagawin ko." Saad ko naman habang nakaluhod parin.

"Kahit ano?" Pag-uulit pa nito.

"Oo." Simpleng sagit ko naman.

"Payag ka ba, kung sabihin ko sa iyong maging asawa kita kapalit ng pagtulong?"...

...

Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story
( ╹▽╹ )

Para naman maka-usap niyo ako ng matino para sa mga updates sa mga story ko, you can add me on facebook, search niyo lang po ang "Dandiv" naka-one name po ako ngayon thanks.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro