CHAPTER 76
FEAR...
KALI'S P.O.V
Nang nandito na ako sa loob ng Igreja dos Deuses ay may na-aninag akong isang pigura ng isang Fantasian na nakasuot din ng black cloak na katulad ng sa akin kaya sa sobrang kuryosidad na namamayani sa katawan ko ay dahan-dahan ko itong linapitan. Naglakad ako ng tahimik at sinubukang hindi gumawa ng ingay.
Nang tuluywn na akong makalapit sa kanya ay unti-unti kong nilapit ang kamay ko para kalabitin siya, ngunit hindi pa man dumadapo ang kamay ko ay nawala ito sa harapan ko.
"Kay tagal na panahon kitang inihintay, Kali." Nakakakilabot na saad naman ng isang boses sa likod ko. Kaya naman napaharap ako rito - ngunit wala na naman akong nakita na nagpa-inis na sa akin.
"Magpakita ka! Kung gusto mo ng laban. Lalabanan kita! Magpakita ka!" Sunod-sunod na sigaw ko, pero wala paring nagpapakita.
"Shhh. Huwag kang maingay, Kali." Bulong nito. Kaya umarap ako sa gilid ko at gumamit ng Dark Pulse pero wala man lang natamaan.
"Sino ka! Magpakita ka sa akin! Huwag-"
(SNAP*)
Naputol ang sasabihin ko ng may pumitik sa tenga ko at bigla na lang naramdaman ko ang pagsakit ng ulo ko.
"AHHH!" Sigaw ko na lang.
"Kali! AHHH!" Dinig kong sigaw ni Death gamit ang Telcom.
"A-Anong ginagawa mo? Magpakita ka! AHHH!" Nauutal na sigaw ko, dahil sa sakit na nararamdaman ko.
"Binibigay ko lang ang aking basbas, pinakamamahal kong anak." Sagot naman nito katapos nung sagot niyang iyon ay bigla na lang naglaho ang prisensya niya at mas tumindi ang sakit ng ulo ko.
"AHHH!"
"AHHH!"
Sabay naming sigaw ni Death at doon naman lumabas ang napakalaking amount ng Dearh Aura na maski ang katawan ko ay hindi na ito makayanan.
"KUYA!" Dinig ko namang sigaw ni Guia sa aking likuran. Kita ko namang naglalabas ito ng Life Force para makalapit sa akin pero sa nakikita ko sa mukha niya ay nahihirapan narin ito.
"G-Guia, p-please lumabas ka na." Nahihirapang saad ko sa kanya dagil sa patuloy parin sa pagsakit ang ulo ko.
"Pero ku-"
"LABAS!" Putol na sigaw ko sa kapatid ko at doon naman siya lumabas ng mabilisan. Habang tumatagal naman ay pasakit ng pasakit ang ulo ko hanggang sa napaluhod na ako.
"AHHH!" Huling sigaw ko bago ako nawalan ng malay.
...
GUIA'S P.O.V
Nang palabasin ako ni Kuya Kali ay nakita ko namang nagtatakang tumingin sa akin ang mga kasamahan ko na ngayon ay nanginginig at ang iba namang pumunta rito, tulad ng mga Apresintador at ang Deritora ay nanghihina narin.
"Mga Irisian at Apresintador. Lumayo tayo ng kaunti sa Igreja dos Deuses. Baka hindi natin kayanin ang sobrang Death Aura at maging sanhi ng pagkamatay natin." Utos naman ng Diretora. Sumunod naman ang nga Apresintador, ngunit naging matigas kaming mga kasamahan ni Kuya Kali, pati na ang nga Royalties ay nagpa-iwan din.
"Interesting." Dinig kong bulong ni Prince Flame, kaya tinignan ko siya ng nagtataka.
"Interesting?" Tanong ko sa kanya.
"Nevermind." Simpleng sagot lang nito. Bigla ko namang naramdaman ang sobrang takot na nagpalubod sa akin at nagpahimatay naman sa mga prinsesa. Gosh ano bang nangyayari sa iyo Kuya Kali. Nababalutan na ako ng sobrang lakas na Life Force na kaya kong magawa pero apektado parin ako ng Death Aura.
....
KALI'S P.O.V
"Kali..." Dinig kong may tumatawag sa akin.
"Kali, gising..." Pag-uulit nito kaya naman dahan-dahan kong minulat ang mata ko at inilinga-linga ito sa paligid at doon ko nakitang parang nasa kalawakan ako. Nang mapatingin naman ako sa gumigising sa akin ay doon ko nakita ang isang babaeng naka-long black gown, maganda naman siya ngunit purong itim lang ang kanyang mata at labi, may mahaba rin naman itong sungay na parang sa mga usa na kulay black, kaya napa-atras ako dahil doon.
"S-Sino ka?" Natatakot na tanong ko.
"Ako ito, si Death." Sagot naman nito na nagpanga-nga sa akin.
"I-Ikaw si Death. Pero bakit naging ganiyan ang itsura mo?" Di makapaniwalang tanong ko.
"Simple lang ang sagot diyan Kali. Ito'y dahil sa basbas ng isang nilalang na tinapon ng langit, inabanduna ng purgatoryo at sinuka ng impyerno. Ang lahi na kung tawagin ay Sempiternal." Sagot ni Death na nagpagulo sa isipan ko.
"Anong ang Sempiternal, Death?" Tanong ko.
"Malalaman mo rin sa takdang panahon Kali, hindi pa sa ngayon." Saad naman ni Death.
"Sige, salamat sa pagsagot Death. Kailangalangan ko ng bumalik at may misyon pa akong dapat tapusin." Paalam ko naman kay Death. Tumango lang ito - kaya pumikit na ako, upang makabalik sa tunay kong dimensyon.
...
Ilang saglit pa ay naramdaman ko na nakahiga na ako. Nangangahulugang nasa Mundo da Fantasia na ako ulit. Kaya naman tumayo na ako at lumakad palabas ng Igreja dos Deuses...
Nang pagkalabas ko ay kita ko ang nakaluhod na sila Guia, Xavier, Ate Adhira, Kuya Lucian, at mga Prinsepe, samantalang wala namang malay ang nga Prinsesa at si Nirvana. Alam kong ako ang may gawa nito. Ano bang dapat kong gawin? Hihingi ba ako ng tawad? O papairalin ko ang kagustuhan kong kamuihan nila para walang madamay at umiyak kapag namatay ako?
Kita ko namang napatingin sila sa akin at bigla na lang nagpakawala ng napakalakas na Life Force si Guua. Doon nga nakita kong nagising and duwa ng mga Prinsesa at si Nirvana na kaninang walang malay at tumayo naman ang kaninang mga nakaluhod at tila ba'y hirap na hirap at unti-unti ng tumayo.
"KUYA!" Sigaw ni Guia sa akin sabay patakbong lumapit sa akin. Nang makalapit na siya ay yinakap ako nito. "Kuya nag-alala ako sa iyo," Saad ni Guia habang umiiyak. Kaya naman tinapik-tapik ko ang kanyang ulo at binulungan ito. "Ayos lang ako Guia. Huwag kang umiyak. Tara na, puntahan na natin sila."
"Kuya, whatever happens. Even you change a lot. I still loved you for who you are, because you are my beloved twin." Nakangiting saad ni Guia. Nginitian ko naman ito at agaran din binawi ng tumingin ako sa mga kasamahan namin.
"Tara na Guia, pagpasensyahan mo na si kuya sa mga desisyun niya." Saad ko naman. Tumango naman siya at naglakad na kami papalapit sa mga kasamahan namin.
"Ang cool mo naman Li." Nakangising saad ni Prince Flame sa akin na pinagtaka ko.
"Li?" Malamig na tanong ko.
"Yes, simula ngayon yan na ang itatawag ko sa iyo, Li, short for Kali." Saad niya. Eh?! Paano niya nalaman ang pangalan ko. Tinignan ko naman ng masama si Guia at umiling lang ito. Tumingin naman ako kay Rhys at nag-peace sign ito na nangangahulugang siya ang nagsabi.
"K. Tawag mo lang ang gusto mong itawag." Walang ganang saad ko.
"Mga anak!" Dinig naming sigaw ng isang pamilyar na boses at doon namin nakita ang Diretora habang papunta sa amin kasama ang ibang mga Apresintador. Kumaway naman ang mga Royalties.
Nang tuluyan na silang makalapit sa amin ay doon namin nakita ang nag-aalalang ekspresyon ng kanilang mukha.
"May nasaktan ba sa inyo? Kali ayos ka lang ba iho?" Sunod-sunod na tanong ni Diretora Anisha.
"Ayos lang po kaming lahat. Salamat kay Guia at agad kaming naka-recover." Sagot naman ni Prince Glenn. Tumango naman ang iba bilang pagsang-ayon.
"Salamat naman sa mga Deus at Dea at hindi nila kayo pinabayaan." Saad naman ng Diretora at saka ito tumingin sa akin.
"Kali, ano bang nangyari sa loob ng Igreja dos Deuses?" Tanong sa akin nito. "May naka-ingkwentro ako na kung tawagin ay Sempiternal." Simpleng sagot ko.
"A-ANO?!" Sabay-sabay at gulat na gulat na sigaw ng mga Apresintador, Royalties, at abg Diretora. Mukhang kilala nila ang mga Sempiternal.
"Mukhang kilala niyo ang mga Sempiternal?" Tanong ko na nagpaseryoso sa kanilang mukha.
"Kilalang-kilala. Magmadali na kayong kunin ang Feather of Chimera. Hindi pwedeng magamba ang misyong huhubog pa lalo sa inyo. Kaya humayo na kayo." Utos ng Diretora sa amin. Tumango naman kami at nag-quick step kami nila Guia, samantalang nag-ejector sila.
Ilang saglit lang ay narito na kami sa harap ng Barkong panghimpapawid.
"Tara sakay na." Pagyaya sa amin ni Prince Flame na agad naman naming sinundan - kaya pumasok na kami. Ano kaya ang mga Sempiternal at bakit ganun na lang ang reaksiyon ng mga Apresintador, Royalties at ng Diretora? Anong klaseng nilalang sila?
...
DIRETORA ANISHA'S P.O.V
Nang makaalis na ang mga bata ay agad kong pinuling ang aking mga Apresintador...
"Mga Apresintador at Apresintadora, magmadali sa pagtawag sa mga ministro at Anciàos Santos. Sabihin sa kanilang narito na ang mga Sempiternal, madali!" Utos ko sa lahat ng aking Apresintador. Agda naman silang nag-meditate at ginamit ang kanya-kanyang TeleCom upang ma-contact ang lahat ng pinapa-contact ko sa kanila. Naisip ko namang tawagan ang Otima Mae Aurelia upang mapaalam sa kanya ang nagaganap. Kilalang-kilala ko si Otima, sa pagkat, isa akong mamayan ng Floresta Encantada at umalis lang ako roon dahil gusto kong makamit ang aking minimithi sa buhay at ito na nga iyon. Ang pagiging Diretora.
"Boa Tarde, Otima." Pagbati ko ng makakonekta na ako sa kanya.
"Boa Tarde, Anisha, ano't napatawag ka? May masama bang nangyari sa mga anak ko?" Tanong nito.
"Wala naman, Otima - ngunit nagpakita kay Kali ang isang Sempiternal." Seryosong sagot ko.
"Paanong? Alam kong kailangan niyo ako diyan. Kaya pupunta ako ngayon din." Saad naman nito.
"Aasahan ko po iyan, Otima." Sagot ko naman, sabay putol ng TeleCom. Kailangan mapuksa ang mga Sempiternal, dahil kung hindi. Katapusan na ng Mundo da Fantasia.
...
Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story
( ╹▽╹ )
Para naman maka-usap niyo ako ng matino para sa mga updates sa mga story ko, you can add me on facebook, search niyo lang po ang "Div Canlas" naka-one name po ako ngayon thanks.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro