Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 100

ANXIOUS...

KALI'S P. O. V

Pagkatapos naming makuha ang Tears of Water Deus ay nasa harapan na kami ngayon ni Haring Poseidon at mahal na Reynang Leviathan, naka-yuko at kinakausap kami ngayon.

"Babalik na nga kayo agad? Parang ayaw ko na kayong umalis; ma-mimiss ko kayo!" Umiiyak na sigaw niya na nagpapalindol sa buong kaharihan ngayon.

"Shhh, tahan na mahal kong hari. Baka maging dahilan oa ng pag-iyak mo ang napakalaking tsunami gaya ng nangyari dati, tahan na." Pagpapatahan ng reyna.

Kaya naman nagpunas na ng luha ang hari at kinalma ang sarili.

"Huwag kang mag-alala ama, pagkatapos na pagkatapos ng pag-aaral namin ay babalik na kami rito para magsilbi na sainyo at s amga nasasakupan natin," Sabi ni Prince Breeze.

Nagulat naman ako ng bumaling ang mata ng hari sakin at nginitian ako.

"Kali, tama?" Tanong ng hari.

"Ako nga po, mahal na hari," Sagot ko naman.

"Kali, may i-aalok sana ako saiyo, nasayo kung tatanggapin mo o hindi," Sabi nito.

Kaya naman timingin ako sakanya at kunit noong ikiniling ang ulo.

"Ano po iyon, mahal na hari?" Tanong ko.

"Gusto ko sanang ipakasal saiyo si Breeze." Sabi ng mahal na hari na nagpabigla at nagpahulog sa panga naming lahat

"Ama, ano itong kahibangan na ito?!" Galit na sigaw ni Prince Breeze.

Huminga naman ako ng malalim, tumayo ng tuwid at saka binigyan ng ngiti ang hari.

"Hindi ko po matatanggap ang alok niyong iyan, mahal na hari. Meron na pong tinitibok ang puso ko, at alam kong meron naring taong nagpapatibok sa puso ni Prince Breeze. Huwag po sana nating kontrolin ang mga anak natin, ayahan po nating sila ang magdesisyon sa mga sarili nila dahil may sarili naman silang utak," Lintaya ko. Kita ko namang napangiti si Rhys dahil sa sinabi ko at lumipat namna sakanya ang mata ng hari.

Tumawa naman ng napakalakas ang hari na nagpalindol na naman sa buong kaharihan.

"Napakagaling mong bata ka, napabilib mo ako, Kali. Kaya, ibibigay ko saiyo ito," Sabi ng hari.

Katapos ay ibinuka niya ang kanyang palad at lumitaw ang isang napakagandang maliit at kulay asul na hiyas na may korteng patak ng tubig ang lunabas sa palad niya.

"A-Ama, seryoso ka bang ibibigay mo sakanya ang Agua Solitaire? Hindi ba iyan ang pinaka-makapangyarihang item ng  Republica De Agua?" Tanong ni Princess Morren.

"T-Tito — I mean, mahal na hari, hindu po ba kayo nabibigla sa desisyon niyo? Ipagkakatiwala niyo po ba takaga ang Solitaire ninyo sa isang mababang uring kagaya niya?!" Sigaw ni Nirvana.

Tinawanan naman siya ng hari at saka umiling-iling.

"Nirvana, hindi ako gagawa ng bagay na alam kong ikapapahamak ng kaharihan ko. Isa pa, hindi ako ang pumili na ibigay ito kay Kali," Sabi ni Haring Poseidon at saka tumingin skain, "Kali, noong wala kayo ay napa-iglip ako at naka-usap si Deus Mar Fluindo. Siya ang nagsabi sakin na ipagkatiwala saiyo ito, ngunit wala siyang sinabing rason. Basta ang sabi niya ay ipagtiwala ko raw ito sayo."

Nabigla naman ako sa ipinaalam ng hari.

"Mahal na hari, hindi ko po ako karapat-dapat sa pribelehiyong iyan," Sabi ko. Umiling-iling namn ito.

"Kali, masamang tinatanggihan ang ibinibigay ng isang hari, kaya sige na, ibuka mo na ang iyong palad at tanggapin ang Agua Solitaire," Sabi ng mahal na hari.

Alangan parin ako ngunit biglang humawak sa balikat ko si Princess Guen.

"Kali, tanggapin mo na, alam kong may rason ang deus sa pagpili sayo," Sabi nito.

Nginitian ko naman siya at tinanguan. Ibinuka ko na nga ang palad ko at lumipad naman papunta sakin ang Solitaire.

"Parang ang gabdang gawing clip sa buhok nito," Sabi ko.

Nang mapunta na ito s apalad ko ay umilaw naman ito na nagpagulat sakit at bigla na lang nagkaroon ito ng kulay itim na lining sa mga edges nito, ang isang kulay itim na bilong sa gitna. Nagkaroon din ito ng parang kukay black na clip sa likod. Kaya naging mukha itong clip na para sa buhok.

"A-Anong nangyari sa Solitaire?" Nauutal na tanong ko dahil sa biglang pagbabago nito.

"Normal lang iyan, Kali. Nag-iiba talaga ng anyo ang anyo ng Solitaire sa kung anong naisip ng amo nito bago niya ito kunin. Marahil ay iyan ang anyong naisip mo kanina," Sagot naman ni Prince Breeze.

"Oh sige, tutal at mukhang wala na tayong ibang gagawin ay maglakad na tayo at bumalik na sa academy para i-report na sa Diretora na ang mission natin ay successful na," Sabi naman ni Princess Morren at saka tumingin sa ama, "Ama, ina, aalis na po kami."

"Sige, mag-iingat kayo sa pagbalik sa academy, at Morren, bumalik ka agad may pag-uusapan tayong importante," Sabi ng hari. Tinanguan naman siya ng prinsesa at saka na kami lumakad.

Minutes passed...

Kakapasok lang namin sa pinto ng Diretora's office ngayon at kasalukuyang nasa harapan na kami ng Diretora ngayon na kita ang pahkabalisa sakanyang mukha; hindi niya kami pansin dahil sa tulala ito at mukha itong nag-iisip ng malalim.

"Diretora Anisha?" Sabi ni Ate Adhira.

Kaya naman napatingin na samin ang Diretora at saka kami binigyan ng pilit na ngiti.

"Oh, ano na ang balita sa naging misson niyo?" Tanong ng Diretora.

"Successful po, ito na ang Tears of Water Deus, Diretor." Sabi ko naman sabay abot ng container na may lamang tubig.

Kinuha niya naman ito at saka naman may lumitaw na portal sa likuran niya at inilabas nito si Señor Antenor. Inabot ng Diretora ang container sakanya at saka punasok ulit sa portal at nagsara.

"Saan po dadalhin ng Señor ang Tears of Water Deus?" Tanong ni Guia.

"Sa High-Ground ng Academy na kung saan ako at ang mga pinayagan ko lang ang maaring pumasok," Sagot naman ng Diretora. Nagbuga naman ito ng napakabigat na hangin na naging dahilan para magtinginan kami nila Guia, Ate Adhira, Xavier, at Kuya Lucian.

"Mukhang may mabigat pong problema kayong dinadala ngayon, Diretora Anisha?" Tanong ni Xavier.

"Oo, tungkol ito sa susunod niyong Mission. Ngunit nagdadalawang isip ako kung ipapa-ubaya ko sainyo ito o sa mga mas nakakataas na lang." Sagot ng Diretora na nagpakaba samin.

"Mukhang mabigat ang mission na iyan ah, ano ba ang mission na iyan, Diretora?" Tanong ni Rhys.

Tumayo naman ang Diretora at kunuha ang nakapaskil na piraso ng papil sa kanyang bulletin board at inilapag ito sa mesa na dahilan para mapatingin kami roon.

"Catastrophic pests attacked in Soberania Das Terras (A global problem)." Pagbasa ko sa nakasulat sa papel.

"W-What? Paanong nasa malaking problema ang Mundo da Fantasia dahil lang sa isang bansa?" Tanong ni Nirvana.

Tinaasan naman siya ng kilay ni Princess Shainery at nginisian.

"For your information, my country, The Soberania Das Terras is the supplier of the crops, vegetables, and many more items that are crucial and needed for the other countries to live. Kaya, kung may mangyaring masama sa bansa ko, babagsak narin ang iba pang bansa dahil sa gutom." Malamig na Paliwanag ni Princess Shainery na nagpatango naman sakin at mukha namang napahiya si Nirvana dahil doon.

"That explains why you're spacing out a while ago, Diretora Anisha?" Tanong ko na tinanguan naman ng Diretora.

"Kaya nagdadalwang isip ako kung ipapa-handle ko sainyo itong mission na ito," Sagot ng Diretora.

"We will accept it. That is my country and we must protect it at all costs." Seryosong sabi ni Princess Shainery.

"I agree with her, that is our country and it is our duty to protect the peace and the citizens there, Diretora. Please, give the mission to us," Sagot din naman ni Prince Glenn.

Sabay-sabay namna kaming tumango bilang pagsang-ayon. Bumuga naman ng hangin ang Diretora at inabot samin ang papel.

"The WormCopter will arrive soon in front of the Academy's gate, please go there and wait for the WormCopter to arrive. Also, please be very careful as I have a very bad feeling about this," Sabi ng Diretora.

Tinanguan naman namin siya at saka na lumabas isa-isa sakanyang room.

"Guys, magpahinga muna tayo at pumunta muna sa dorm room namin. Ipaglukuto kayo ni Kali bago tayo mag-impake at umalis!" Masayang sigaw naman ni Ate Adhira sabay takbo. Napatigil naman ako at napatulala dahil doon.

"Ayun, tara na!" Sigaw naman ni Rhys at saka nakitakbo din kaya sumunod na silang lahat.

"Rhys, hintayin mo ako!" Sigaw naman ni Nirvana sabay rolyo ng mata sakin at sunod kay Rhys.

"Hoy! Hindi pa ako pumapayag!" Sigaw ko naman sabay sunod sakanila...

...

Don't forget to vote, comment, and share my story (These three things matter for the growth of my story and of myself personally.)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro