Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4

Palingon-lingon ako habang hinahanap 'yung susundo sa 'kin. Sa huling pag-uusap kasi namin ni Master. Sinabi niyang ipinagkatiwala niya ako sa matalik niyang kaibigan. Napasimangot na lang ako, nangawit na ang leeg ko sa kakatingala. Wala pa rin 'yung susundo sa 'kin, hindi kaya nakalimutan na nila ang pagdating ko. Ang malas naman.

"Miss, ikaw po ba si Ms. Rain Hailey Park?" Napatingin ako sa mga lalaking naka-all black suit na lumapit sakin. Mukha namang wala silang gagawing masama.

"Opo bakit?" Nagulat ako nang sabay-sabay silang yumuko.

"Sorry po at nahuli kami sa pagsundo sa inyo. Nahirapan po kasi kaming hanapin kayo at sobra pa pong traffic." Aish! 'yun lang pala akala ko kung ano na.

"Hehe, okay lang po wala pong problema sa 'kin."

"Salamat po Ms. Park. Halika na po at hinihintay na kayo ni Chairman." Wah! Chairman? Mukhang mayamang tao yata itong kaibigan ni Master.

Pagkakita ko pa lang sa sasakyan namin. Nakumpirma ko na talagang mayaman ang kaibigan ni Master. Pinagmasdan ko lang ang dinadaanan namin. Ang daming nagtataasang gusali. Sobrang nakakalula.

Pasimple akong nagselfie, matagal ko ring pangarap 'to noh. Kahit ignorante ako sa paligid ko, alam ko naman ilugar. Mamaya hindi sila maniwala na ako si Rain Hailey Park at paalisin nalang ako bigla, edi kawawa ako. Wala pa naman akong kilala dito.

What the! Gulat na gulat ako pagkakita sa isang napakalaking gate.

"Mga kuya, diyan po ba talaga ako titira?" Hindi ko napigilang itanong sa mga men in black na kasama ko.

"Opo Ms. Park yan po ang utos ni Chairman." Simpleng sagot nila. Dinaanan pa namin ang mga magagandang puno at malawak na bermuda grass sa entrance. Marami ring bulaklak sa gilid. Mga tatlong kilometro pa kasi bago makarating sa mismong mansion.

"Ang ganda!" Kung kaninang malayo ako, maganda na.  Ngayong nasa harap ko na mas nakakamangha pa pala. Binuhat na nila ang mga gamit ko kaya sumunod na'ko sa kanila. Pagdating namin sa may pintuan may lumabas na mga maid at isang matandang nakawheelchair. Siya na siguro ‘yung kaibigan ni Master.

"Magandang umaga po!" Kinakabahang bati ko.

"Good morning too Ms. Park," ngumiti naman siya sa akin. Kaedaran nga siya ni Master.

"Pasok ka na muna at sa loob tayo mag-usap," tumango ako saka tuluyang pumasok sobrang elegante ng loob. Halatang lahat ng makikita ay puro mamahalin. May mga naggagandahang paintings pa. Pero ang nagpamangha talaga sa 'kin ay ang grand staircase. Kumikinang kasi Parang totoong gold 'yung ginamit sa paggawa o baka gold nga talaga.

"Umupo ka muna." Naaliw yata ako ng sobra sa pagtingin-tingin hindi ko na tuloy napansin na may kasama pala ako.

"Okay, as I want to say you will be staying here for free."

"Free po? talaga? Pero nakakahiya naman po. Pwede naman po akong maging katulong." Nagulat ako nang bigla siyang tumawa nang malakas.

"Now, I know why Elmore treat you as her real daughter."

"Po?" Ngumiti lang siya.

"Elmore, said you already reach your 5th gold belt? Is it true?" Kapag na reach kasi ng isang studyante ang T.O.B ang 5th gold belt. Ibig sabihin siya na ang pinakamalakas at may pinakamataas na posisyon sa mga studyante. She/He can be the secondary Master.

"Opo."

"Really? You're really perfect!" Ang lawak ng ngiti niya, pero ang pinagtataka ko 'yung reaksyon ng mga maid at men in black para silang gulat na gulat kay chairman.

"Perfect for what po?" Naguguluhang tanong ko.

"For my grandson," nanlaki ang mga mata ko. Shit! ipapakasal ba ako nito?

"Huwag po! Ayoko!" Tumawa lang ulit siya.

"That's not what you think. You're just perfect to be my grandson secret bodyguard I should say." Eh? Mabuti nalang, akala ko binenta na'ko ni Master para ipakasal ng maaga. Nasobrahan ako sa kakapanood ng mga korean dramas.

"Hehe, ‘yun pala ‘yun pero ano nga palang itatawag ko sa inyo?" Secret bodyguard huh? Easy!

"Rain, just call me Chairman Han."

"Okay po pero pwede po bang C.H na lang? Ang haba po kasi." Saka ako napakamot sa batok at inaabangan ang magiging reaksyon niya.

"Hahaha okay!"

"Talaga po?" Tumango-tango lang naman siya. Yes! Madali kasi akong tamarin magbigkas ng mga pangalang mahahaba.

"Okay, pakihatid na siya sa pagiging kwarto niya para makapagpahinga na siya." Tinitigan kong mabuti ang mga maid niya sabay-sabay silang yumuko. Siguro palagi silang nag-eensayo. Kalkulado at sabay-sabay kasi 'yung mga galaw nila.

"Masusunod po Chairman!"
Yumuko muna ako sa kaniya saka ako sumunod sa mga maid. Grabe! Sobrang ganda, pag-akyat ko pa lang sa second floor napanganga na ako. Mamahalin lahat ng mga gamit na makikita. Some are antics lalo na 'yung mga vase.

"Miss Rain, ito na po ang magiging kwarto niyo. Kapag may kailangan po kayo sa amin. Just press the buzzer," tumango nalang ako. Wow! Pagkaalis nila hindi ko na napigilang tumili.

"Shit! Am I dreaming?" Nagtatakbo na'ko sa bawat parte ng kwarto ko. Sobrang ganda at ang lawak, doble ng kwarto ko sa T.O.B.
Nagningning ang mata ko pagkakita sa magiging kama ko. Napatalon-talon ako. Ang lambot ng kama. Pinikit ko ang mga mata ko. Sana maging maganda ang simula ng buhay ko dito. Sana.

"Miss Rain! Miss Rain!" Napamulat ako. Ang ingay! Ginulo ko ang buhok ko. Pinilit kong bumangon para buksan ang pinto. Ang lakas nang pagkatok eh. Si Master talaga.

"Miss Rain, naku! kailangan niyo na pong magmadali hinihintay na po kayo ni Chairman sa baba," nanlaki ang mga mata ko. Shit! Nakalimutan ko. Wala na pala ako sa templo.

"Sige! Mabilis lang ako!" Agad kong sinara ang pinto. Shit! Kaya ko naman maligo ng 3 minutes.

Pagdating ko sa dining table. Naabutan ko nang kumakain na si Chairman Han. Lagot! Nakakahiya!

"Oh Rain, kain na," nakangiting yaya niya sakin. Eh? Akala ko magagalit siya. Pilit akong ngumiti at umupo na.

"Rain, I just want to inform you that you're already enrolled to Stanford University where my grandson is studying. I already take care about your files, you can start now if you want," nanlaki ang mga mata ko. Papasok na ako sa totoong eskuwelahan!

"Talaga po? Salamat po talaga!"

"Walang ano man, but always remember our deal okay?" Tumango ako.

"I will definitely guard your grandson C.H."

"Thanks Rain, by the way I'm warning you now. Don't expect him that he’s good because frankly speaking, his not someone who can easily handled."

"Okay lang po! Kayang-kaya ko siya!" Ngumiti ako. Si Greiy pa nga na over sa sungit at sama ng ugali. Nagawa kong maging kaibigan 'yung apo niya pa kaya! Remember losing never exist in my dictionary and no one never fall in my charms. Yan ang sabi ng aking mga Masters at yan din ang paniniwala ko.

Stanford University

Kanina ko pa tinitigan ang malaking gate ng University na papasukan ko. Halatang mayayaman lahat ng mga nag-aaral dito. Inayos ko ang eye glass ko. It's time to enter Rain! Magdadalawang hakbang pa lang ako nang bigla nalang silang magkagulo. Shit! akala ko ba well-mannered ang mga nag-aaral dito. Parang may stampede at ang nakakainis pa ang lakas ng mga tili nila. F*ck! Makabasag eardrums!

"Yahh! F.G.H! F.G.H!" What the! What's that FGH? Pinilit kong makipagsiksikan para makita ko kung ano ba 'yung dahilan ng ingay nila.

Apat na kotse lang naman ang nakita ko. Huwag mong sabihing ngayon lang sila nakakita ng ganung mga kotse? Nagkibit-balikat na lang ako. Wala naman palang kwenta. Nilagay ko nalang ang kamay ko sa pocket ko. Ang lamig eh, parang air condition ang whole ground ng University na ito.

Tumalikod na lang ako. Mas magandang makaalis na baka malate pa ako sa klase ko. First day ko pa naman.

Mas lalo ko nalang binilisan ang paglakad nang lalong lumakas ang mga tili nila. Ilang sandali pa ay biglang tumahimik, dahilan para mapatigil ako. Anong meron?

"I-m so-rry... Z-ero," napalingon ako. Isang babae ang nakayuko lang na halatang takot na takot sa apat na lalaki na nasa harapan niya. Halla! Bakit may ganitong eksena? May taping kaya dito? Makapanood nga. Pangarap ko rin 'to. Noong nasa T.O.B kasi ako palihim akong nanonood ng mga korean dramas. Parang sa Hana Yori Dango kasi ang scenes. Kaya lang, wala akong nabalitang may Filipino Adaptation na.

"Did I just heard you called me Zero?" Kitang-kita ko ang panginginig ng kamay noong babae. Nahulog pa 'yung hawak niyang libro. Napalingon-lingon ako baka nasa harap ko kasi 'yung camera at mablock ko pa 'yung scene.

"Who told you that you have the right?" The heck? Anong problema ng lalaking 'to parang wala naman yatang taping. Mukhang totoo na ito. Tinitigan ko ‘yung lalaki. Mukhang galit na galit na siya. Natapunan yata ‘nong babae ng juice 'yung damit niya base sa mantsa sa polo niya.

"I'm s-orry pl-ease for-give m-e Mas-ter," tuluyang lumuhod na 'yung babae. Umiiyak ito at panay ang paghingi ng tawad.

"Kung lahat ng kasalanan nadadala sa paghingi ng tawad. Bakit may mga nakukulong pa?" Walang emosyong sabi ng lalaki at inagaw ang juice na hawak ng isa pang studyante. Napasinghap ako nang dahan-dahan niya itong ibinuhos sa ulo ng babae.

Pinagmasdan ko sila nang humawi ang mga studyante nang magsimula ulit silang maglakad. Tila mga hari, nawala lang ang atensyon ko sa kanila nang makarinig ng sigawan. Nanlaki ang mata ko nang pagtulungan ng mga studyante ang babae kanina.

"That's what you get you weak!"

"Bitch!"

"Ugly creature!"

"Social climber!"

Kinuyom ko ang kamao ko. Kalma, kalma Rain tandaan mo nasa rules ni Master na bawal kang sumali sa ano mang gulo. Pero shit lang! Hindi ko kayang may mamatay sa harap ko ng wala akong ginagawa.
Ibinababa ko ang bag ko at mabilis na lumakad sa direksyon nila.

"Tigil!" Malakas kong sigaw at pinigil ang kahoy na ipapalo sana sa likod niya. Hindi man lang sila maawa, babae na nga 'to pinagtulungan pa.

"Sino ka para pigilan kami? That girl needs to be punish for her stupidity." Maangas na sabi ng isang lalaki. Anong klaseng utak ang meron sa mga studyanteng ito?

"Hindi mo na kailangang malaman pa at saka hindi yan sapat na rason para saktan niyo siya." Madiing sabi ko.

"You're a transferee! So you didn't know anything!" Ang bobo naman kausap ng mga ito.

"Kung ayaw mong masaktan, lumayo ka sa babaeng yan!" Ngumisi ako.

"Ayaw ko."

"Ayaw mo huh? Damay narin ang babaeng pakialamerang yan!"Lumapit ako sa babae para protektahan. Hinang-hina na ito. Mga benteng tao ba naman ang sabay-sabay na sumugod sayo.

"U-malis ka na Miss ha-yaan mo na-lang ako," ngumiti ako sa babae.

"Trust me." Sinangga ko ang baseball bat, na ipapalo sana sakin. Iniwasan at sinangga ko lang ang atake nila sa pamamagitan ng mga simpleng galaw ko, 'yung hindi halatadong master ko na.

Nag-streching na lang ako nang nagsibagsakan na lahat ng pamalo nila. Inayos ko muna ang salamin at sombrero ko saka ko inilahad ang kamay ko sa babae.

Tinanggap naman niya. Tinulungan ko na siyang maglakad. Tulalang nakatingin sakin ang mga estudyante, pero wala akong pakialam pa.

I'm sorry Master it's my first day to go to a University and I already broke your first & second rules. Don't worry, even you're not here. I will definitely punish my self.

***
PLS. VOTE, COMMENT, SHARE

Shels<3







Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro