Chapter 1
Green Island (Temple of Best)
Rain POV
"Hiyah! Haek! Hiyah!"
"Ano ba kayo ang hihina ng mga sipa niyo! Lakasan niyo pa!" Sigaw ko sa mga batang kasalukuyang nag-eensayo.
"Patawad po Lady Master!" Nakayukong paghinging tawad nila.
"Sige ituloy niyo na."
"Opo Lady Master—Hiyah!"
Pasalampak akong umupo at isinukbit ang hawak kong katana. Nasa may sanga kasi ako ng isang puno para mas maayos kong makita ang mga studyante ni Master. Wala kasi siya ngayon, kaya ako ang inatasan niyang magturo.
Pinagmasdan kong mabuti ang Green Island. Napakaganda talaga nito mula sa malinis at kulay asul nitong dagat hanggang sa mga punong kahoy. Akma ang pangalan nitong Green Island, isang malaparaisong isla na punom-puno ng mga likas na yaman pero kahit gaano kaganda ito, minsan naiisip ko rin ano naman kayang itsura sa labas ng Green Island? Maganda rin kaya doon? Nakikita ko naman sa mga litrato pero iba pa rin kung personal mong makikita.
Nagtangka na rin akong tumakas noong bata ako, kaya lang bumagyo ayun tuloy muntik na akong malunod at naparusahan pa ako.
Si Grand Master kasi ayaw pang sabihin kung bakit hindi ako pwedeng lumabas ng isla palagi niya lang sinasabing darating ang araw na aalis ako dito. Eh kailan pa kaya 'yun? Labing-anim na taong gulang na ako. Hindi rin porket nakatira ako dito sa isla, wala na akong alam may mga teacher ako. Mula Lunes hanggang Miyerkules, Academics ang itinuturo sakin at kapag Huwebes hanggang Biyernes, Sword fighting at Gun shooting.
Mula bata, namulat na ako na dapat kung pag-aralan ang mga iba’t-ibang estilo ng pakikipaglaban. Ang Temple of Best kasi ay isang lugar na kung saan nagsasanay ng mga taong gustong matuto sa Martial Arts kaya lang ayun sa kwento ni Master, pinatigil ito dahil may mga sinanay silang tao noon na imbis na gamitin sa tama ang kanilang natutunan. Gumawa sila ng mga organisasyon na gumawa ng masama upang sila ay agarang yumaman. Ang mga batang sinasanay namin ngayon ay ang mga anak at apo lamang ng mga Masters dito o mga taong pinagkakatiwalaan lamang ni Grand Master.
"Lady Master! Bumaba ka na raw diyan. Samahan mo daw kaming manghuli ng isda!" Napatigil ako sa pag-iisip ng kung ano-ano sa matinis na sigaw ng mga bata.
"Oo na!" Napakamot na lang ako sa batok at agad na tumalon. Siguradong si Master Mel na naman ang nag-utos.
"Mga bata bilisan niyo!" Sigaw ko habang hila-hila ang bangka. I hate fishing but I need to do this or else I'll end up into punishment. Tinulungan ako ng mga batang inihagis ang lambat. Ang mga ibang batang lalaki naman ay tumalon na at gagamit na lamang ng sibat sa paghuli ng mga isda.
Alam ko rin manghuli ng ganung paraan, ngunit may mga batang babae akong kasama mapanganib kung gagayahin ako lalo’t hindi sila sanay.
Kalahating oras lamang kami sa laot pero marami na kaming nahuli. Tulong-tulong ulit kami sa paghatak sa lambat at pagsasalansan sa mga isda. Ibebenta sa bayan ang ilang nahuli namin dahil siguradong hindi naman naming mauubos lahat.
"Hay sa wakas tapos na rin!" Iniunat ko ang kamay ko. Namanhid na kasi sa kakasagwan.
"Lady Master, sigurado ako matutuwa si Master Mel ang dami nating nahuli!" Ngumiti na lang ako sa sinabi nila. Siguro naman wala nang mairereklamo ang matandang masungit na 'yun.
Si Master Mel ang incharge sa kitchen. Napakasarap niyang magluto kaya lang ubod nang sungit. Palibhasa walang love life. Siya ang pinakaayaw kong teacher ang dami-dami niya kasing kaartehan gaya na lang nang paghiwa ng sibuyas at gulay dapat pare-pareho at maayos. Mas gusto ko pang magpush-up maghapon kaysa magluto.
Nakikipagkulitan ako sa mga bata habang papalapit sa templo pero agad din akong napatigil nang maramdaman kong parang may mali.
"Mga bata sa labas muna kayo huh. Ako na lang muna ang papasok, kapag may narinig kayong ingay magtago kayo kaagad maliwanag?" Napakunot-noo sila pero tila naramdaman ang tensyon sa loob ko kaya agad na tumango.
Walang ingay akong pumasok sa kusina. Sinigurado kong hindi nila mararamdaman ang presensya ko.
"Where is that kid? Say it old hag!" Nagtago ako at pilit sinilip. May mga armadong lalaki.
"I don't know who the kid you're finding Jaxon!" Pamilyar sakin ang blonde ang buhok na lalaking mahigpit na nakahawak kay Master Mel. Pumunta na siya dito noon, hindi ko lang matandaan kung kailan.
"Bullshit! You're testing my temper! I repeat where is she? Nakita ko siya noon pero hindi ko agad nakilala. Don’t hide her!" Nanatili akong nakatago sa pintuan habang pinapakinggan ang pag-uusap nila. Sino bang hinahanap nila?
"Kung si Rain ang hinahanap mo? Wala na siya dito." Ako? Anong kailangan nila sa akin?
"Liar! Alam kong mahal siya ni Tanda kaya siguradong nandito pa siya. We need that kid to succeed!” Kitang-kita ko ang matinding galit niya habang sinasakal si Master Mel.
"Jaxon, mukhang ayaw talaga magsalita ng matandang ito, nagsasayang lang tayo ng oras. Mabuti pang tapusin mo na yan." Nagtaasan ang balahibo ko sa kaba. Nakatutok na kasi kay Master Mel ang baril nila.
Bahala na nga. Siguro naman kaya ko silang labanan.
Lumabas na ako at sumugod bago pa nila maiputok ang baril. Sinipa ko ang baril ng lalaking malapit sa 'kin dahilan para tumilapon ito. Tinangka niyang bigyan ako ng suntok pero agad ko itong nasangga saka malakas ko siyang sinipa sa tiyan. Napaiwas ako ng may bumaril sa 'kin, agad kong pinulot ang baril na nasa paanan ko at binaril sa braso, hita, at kamay ang mga lalaki.
"F*ck!"
"What are you doing idiots! She's the kid having the chip!" Ilag lang ako nang ilag sa mga suntok nila. Lumapit ako sa pwesto ni Master Mel para mailayo siya.
"Rain! Ano bang ginagawa mo?" Pagalit at gulat niyang sigaw sakin.
"Umalis na kayo Master! Ako ng bahala dito." Pagpapaalis ko sa kanya.
"Hay na'kong bata ka! Basta mag-ingat ka, hihingi lang ako ng tulong." Pinigilan ko muna 'yung mga nagtangkang sundan si Master bago ko hinarap 'yung leader nila.
Nakangisi ito bago pumalakpak. Saka ko lang naalala kung saan ko siya nakita. Isa siya sa mga lalaking pumunta noon dito para mag-invest daw ng business sa Temple of Best pero hindi tinanggap ni Grand Master ang alok nila.
"They trained you very well kid." Itinutok ko ang baril ko sa kanya. Nakangisi lang naman siya sa 'kin, wala akong makitang ni katiting na takot.
"Yes monkey, as you see." Ngumiti ako nang matamis sabay turo sa mga kasamahan niyang nakahandusay na sa sahig.
"You're really like your father." Natigilan ako.
"You know my parents?" Tanong ko.
"Of course sweetheart." Napangisi ako. Ano ako tanga? Puwes, hindi niya ako mauuto.
"Where are they?"
"Follow me and I promise you that you will be with them. I'm sure they really miss you." Tila maamong tupa niya akong kinukumbinsi.
Lalong lumawak ang ngisi niya nang magsimula akong humakbang palapit sa kanya.
"Come on, sumama ka na sakin." Pagkalapit ko bago niya pa maagaw ang baril ko, nabaril ko na siya sa braso.
"Haha, do you think I will believe you. Go to hell!" Muli kong itinutok ang baril sa kanya.
"No, you can't kill me." Kumpyansang sabi niya. "You’re trembling sweety. Too bad you’re not as merciless as him." Babarilin ko pa sana siya pero nanlaki ang mata ko dahil naubusan na ng bala ang baril ko. Kamalasan naman oh, sa dami-dami ng baril ang mga tauhan niya ito pa ang napulot ko. Ngumisi siya at hinugot ang baril sa jacket niya at itinutok sa 'kin.
"You're clever kid! But that attitude leads you to death." Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko habang papalapit siya sa 'kin.
"Why you're not saying anything? Hush, sweetheart are you gonna cry now?" Nakakasuka ang mukha niyang pekeng naaawa sakin.
"Never old hag, Never!" Napangisi ako. Hindi niya kasi napansing nakuha ko na ang isang bakal na nasa likuran ko.
"So die in peace kid, as we can get the chip." Gagalabitin niya na sana ang gatilyo nang bigla kong ipinalo ang bakal sa kamay niya dahilan para tumilapon ang baril. Agad kaming nag-unahan para makuha ito. Pagkakuha ko agad niya naman itong nasipa. Napa-igik ako nang sakalin niya ako. Sobrang higpit.
"Aishh! Bi-tawan mo a-ko!" Nagpumiglas ako sa pagkakahawak niya pero sadyang malakas siya. Halos mawalan ako ng malay nang bigla niya akong sikmuraan.
"At last, nasa kamay narin kita." Humalakhak siya habang buhat-buhat ako. Nanghihina na ako.
"Siguradaong magwawala siya, kapag nalamang nahanap na kita. The Mafia World will be chaos." Marami pa siyang sinasabi pero wala na akong maintindihan. Nanlalabo na rin ang paningin ko hanggang sa isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw kasunod nang pagbagsak ko at tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.
Stanford University
"Yah! FGH! You're the best!"
"OMG! Zero you're so hot!"
"I love you Red!"
"Impregnate me Dwight!"
"Marry me Clint please!"
Napuno ng mga tilian ang buong auditorium ng Stanford. Kakatapos lang kasi ang performance ng F.G.H.
Ang F.G.H ang pinakasikat na boyband, hindi sila mga celebrity pero kilalang-kilala ang kanilang pangalan lalo na sa mga kababaihan. Sila ang kinikilalang ‘Masters’ sa Stanford University. Ang apat na kalalakihang bumubuo dito ay kapwa nagmula sa maiimpluwensiyang pamilya. Kung baga, sila ‘yung isang pitik lang ng daliri ay kaya na nilang baliktarin ang takbo ng buhay mo.
Members of F.G.H
Zero Ridjer Monteverde (Vocalist)
-Rich, Handsome, Famous and Smoking Hot. Can be compared to a living Greek gods but behind his innocent face is a hidden Cold Bad boy and a Great Bully.
"LOVE DOESN'T EXIST ONLY STUPID PEOPLE BELIEVE THIS."
Red Nathan Dela Merced (Guitarist)
-Rich, Handsome, Famous and Charming. The mysterious type in their group. Serious and Silent type but a martyr when incomes with love. For how many years he's still waiting to his first love.
"LOVE ALWAYS FINDS IT'S WAY."
Dwight Cahr Joong (Drummer)
-Rich, Handsome, Famous and the Chic-magnet. The 'Casanova' in their group he loves playing girls feelings.
"LOVE SUCKS, SEX PLEASURES."
Clint Dean Lee (Pianist)
-Rich, Handsome, Famous and the Boy next door. The 'Childish' in their group. A jolly kind of person but also a dangerous one because he loves trouble.
"LIFE IS BEAUTIFUL SO BETTER ENJOY IT."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro