Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Trenta y Siete

Forgive

Ang kahel na kalangitan ang unang tumambad sa dahan-dahan kong pag mulat. Hindi ko alam kung paano o kung sino ang nag uwi sa akin rito. Ang tangi na iintindihin ko lamang ay nakahiga na ako sa malambot at komportable kong higaan.

Gumalaw ako nang bahagya para maayos ang aking katawan. Simula ba kaninang umaga ay tulog ako?

Napabaling ako sa kanang bahagi ng aking kama, hawak-hawak niya ang aking kamay na ipinatong niya sa isang unan, ang malaking espasyo noon ay inakupa niya upang matulungan.

Muli kong inayos ang aking pag kakaupo para mas mapagmasdan s'ya. Ang kanyang buhok patungo sa kanyang mga mata hanggang sa kanyang ilong at mga labi. Lahat na 'yon ay minsang naging akin. Bahagya mong itinaas ang isa kong kamay patungo sa kanyang buhok pero tila may pumipigil sa akin, ilang beses kong sinubukan pero tingin ko ay hindi na dapat.

Hindi na akin. Hindi na tama.

Hinayaan ko lang ang aking kamay sa era at ipinikit ang aking mga mata kasabay noon ang muling pag agos ng aking mga luha.

Hanggang kaylan ako iiyak?

Hanggang doon nalang ba talaga tayo?

Mumulat ako at nilamon ng kaba noong maramdaman ko ang kanyang pag galaw. Agad na dumapo sa aking basang pisngi ang aking mga kamay upang maikubli ang ang mga luhang dulot ng sakit na aking nararanasan.

"A-anong ginagawa mo rito?"

Ang aking boses ay tila namamaos at walang lakas upang bulyawan s'ya. Pagod na ako. Kaya para saan pa ang pag sigaw kung wala rin naman nakakarinig.

"Sinundan kita. Pero hinayaan kitang gawin ang gusto mo, Tisha. Hindi ko lang kaya na pabayaa-"

"Aries... tama na, pwede ba?"

Tumingin ko s'ya nang may pag mamakaawa. Wala akong lakas para makipagtalo. Ang gusto ko lang ay matapos na ito... dahil mali na.

"Maniwala ka naman, inisip ko lang 'yon pero hindi ko na gawa."

"Inisip mo man o ginawa mo man... hindi na iyon mahalaga. Puntahan mo na si Teri, ple-"

"Hindi akin ang batang 'yon. I didn't even lay a hand on her, Tisha... maniwala ka naman sa akin."

"Sayo o hindi... puntahan mo pa rin s'ya."

Namilog ang kanyang mga mata sa aking inusad, bakas ang gulat at ang kanyang mga labi ay nakabahagi na tilay hindi kayang tanggapin ang aking mga sinabi.

"Akala ko ba... akala ko ba, gustong bumalik tayo? Kahit masakit, gusto mo pa ring maging ta-"

"Oo! Gustong gustong gusto ko... makasama si Aries. Ang batang Aries, at hindi... ikaw 'yon! Ang Aries ko, ibalik mo s'ya! Ibalik mo s'ya, please. Gusto ko kay Aries. M-miss na miss ko na s'ya."

Hindi ko na nagawang mag maktol noong kulungin ako ni Aries sa kanyang mga bisig. Panay pa rin ang pag hampas ko sa kanyang balikat. Pakiramdam ko ay nawawala ako at hindi ko mahanap kung paano ang pabalik.

"I-ibalik mo s'ya..." I'm begging like a child to her parents.

"Babalik s'ya, okay? Ibabalik ko s'ya. Hahanapin ko si Aries. Iuuwi ko s'ya... sayo, Tisha." He answered.

Pag tapos noon ay ginawaran lang ako ni Aries ng isang halik sa aking noo habang ang dalawang palad niya ay nakahawak sa aking dalawang pisngi. Pilit niyang pinagtagpo ang aming mga mata.

"Gagawin ko ang lahat para lang makauwi ka, pangako... aking prinsesa."

Pag tapos noon ay binitiwan niya ang aking mga pisngi at tuluyan nang nawala sa aking paningin. Saka lamang ako natauhan noong... maramdam kong nagiisa na naman ako.

Ang hilingin sa kanya na ibalik si Aries, ang batang Aries... ay gumulo sa aking isipan. Paano niya iyon gagawin? Paano ba kami makakabalik?

May pinto ba o lagusan pa balik sa nakaraan?

May paraan ba o salamangkang dapat namin gawin para makabalik?

Magdamag na naman akong gising, kahit isang beses ay hindi ako humikab o kahit naramdam man lang na antok. Nasa isang sulok lang ako sa aking kwarto. Nakaupo sa malamig na sahig, magkasiklop ang mga binti, dahan dahan Kong hinigpitan ang pag yapos ko sa mga iyon, habang ang aking baba ay nakapatong sa aking mg tuhod at nakatingin sa kawalan.

Tuyo na ang aking mga pisngi, wala nang luhang kumakawalan doon simula pa noong mga nakaraang araw. Marahil ay napagod na rin sila tulad ko.

"Ma'am Tisha..."

Alam kong may pumasok pero hindi ako nagpaapekto, hindi malamang ako gumalaw o kumibo sa kanya. Banayad pa rin ang aking pag hinga at nakatuon pa rin sa sahig ang aking paningin.

"Nag pahanda po si Mayor nang umagahan... gusto n'yo po ba bumababa o dadalhin ko na lamang dito?"

Katulad kanina ay hindi ko s'ya tiningnan. Pumikit lang ako atsaka muling nag bugtong hininga.

"Salome... ako na ang bahala."

"Sige po, Mayor."

Narinig ko ang yabag ni papa papalapit sa akin. Umupo s'ya sa harapan ko ngunit hindi pa rin s'ya nag salita. Naramdam ko kung paano niya ako tingnan kaya't nag angat ako ng tingin sa kanya. Nang matama ang aming mga mata ay ngumiti s'ya sa akin.

Ang ngiti ng aking papa, ngayon ko nalang muling nakita ang mga ngiting iyon sa tuwing lalapitan niya ako.

Marahil nga ay nag bago ako. Nabulag ako nang galit kaya naman hindi ko namalayan na nawawala na ako. Nawawala na sila sa akin... at ngayon hindi ko na alam ang pabalik.

"Papa... I'm s-sorry," my voice was husky, paos na siguro ako dahil sa kaiiyak. Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya nakapalupot pa rin ang ang aking mga braso sa aking binti ay nakapikit pa rin ang aking baba sa aking tuhod.

"I'm sorry too... but please, forgive yourself anak. Palayain mo ang sarili mo. That's the only way para makabalik ka."

I was on my father's arms again. It was nostalgic to feel his warm, his hand creasing my hair downwards, and his voice that sounds like a lullaby. 

I missed every bit of my childhood. The days when I was an innocent girl, loved by everyone. And now, here I am... crying because of pain, betrayal and frustration.

Where am I?

I am lost?

Or... did I lost Tisha while healing from all the pain of yesterday?

Ilang araw na ang lumipas pero heto pa rin ako. Nagkukulong sa kwarto ko.  Sabi ni Salome, araw araw ay nag pupunta dito si Aries pero pinakikiusapan s'ya ni papa na hayaan na muna ako mag isip.

Nalibang ko ang sarili ko sa mga bagay na makakapagpabalik sa akin dating sigla. Sinubukan kong hanapin ang mga lumang gamit ko.

"Ma'm ang cute n'yo naman ho jan."

Ngumiti lang ako kay Salome nang bigla iyong tumabi sa akin. Napansin ko na ginawa niya 'yon pagkalapag niya ng pagkain sa may lamesa sa gilid ng aking kama.

"Hindi po nagpunta si sir Aries ngayon... pati po kahapon," sabi niya.

I smiled, "Nagsawa na siguro s'ya."

"Sayang kayo Ma'am, ang cute n'yo kayang tingnan noong mga bata pa kayo. Katulad 'yan oh, mukhang ang saya d'yan ni Sir habang nakatingin sa inyo."

"Salome... paano mo masasabing handa ka na magpatawad?"

"P-po?... ah eh s-siguro po pag gusto na ninyo. Naku! Wag n'yo po pilitin kung hindi pa kaya," sabi niya sabay hampas sa hangin nang isang kamay.

Dahan-dahan kong nilikom ang mga gamit na iyon atitinabi bago muling humarap kay Salome.

"Paano kung natatakot ka lang? Kahit ang totoo ay matagal ka ng handa?"

"Saan ho ba kayo natatakot?"

"Sa sarili ko... baka kasi pag pinapasok ko silang muli... saktan lang nila ako ulit."

"Naku ma'am... sarili n'yo po muna ang patawarin ninyo. Tanggalin n'yo ang lahat ng takot at galit sa puso ninyo para sa sarili ninyo. Tangunin n'yo ang sarili n'yo kung bakit kayo galit? Kung dapat ba nagagalit pa rin kayo? Kasi po kung hindi n'yo 'yon magagawa, mas mahihirapan po kayo na magbukas sa ibang tao."

"Salamat Salome..."

Pagkatapos noon ay nagpasya akong ayusin ang lahat. Binigyan ko nang oras ang sarili ko. Hindi muna ako nakipagusap sa kahit sino kakilala siguro ay may ilang linggo na rin, madalas pa rin sinasabi ni Salome sa akin na hindi napunta si Aries sa bahay.

Sa opisina ay ganoon rin anv bungad da akin ni Bhety. Madalas niyang sabihin na hindi na raw napunta roon si Aries para tangunin kung pumasok na ako o kung okay na daw ba ako. Hindi rin naman s'ya nagtetxt sa akin, kahit ilang beses Kong sinubukan na magtetxt pero parang may Mali pa rin talaga.

Paano kung nagsawa na talaga sya?

Sa kabila noon ay gusto ko pa rin kasing maniwala na ibabalik niya si Aries. Sa ilang araw na pag iisip, narealize ko na maraming rason para isipin ni Aries na gumanti sa akin.

Oo, nasaktan ako dahil doon pero hindi ko maiwasang isipin na kasalanan ko rin. At ang kaylangan lang namin ni Aries ngayon ay ang makawala sa dilim na parehong dulot nang isa't isa. Kung pareho kaming makakapag patawad ay pareho na rin kaming makakalaya at makakausad sa kanyang kanyang mundong nakalaan na para sa amin, kasama man ang isa't isa o hindi. Sa parteng iyon, malabo na ang magkasama kami. Kanya o hindi ang bata, ay hindi pa rin na papatunayan kaya kahit ano baliktad sa sitwasyon hanggang walang patunay na hindi kanya ang bata ay mali ang ma-involve kami sa isa't isa.

"Ma'am andito si Mr. Diaz, papasukin ko na po ba?" Saad ni Bhety habang bahagyang nakabukas ang aking pinto at ang kalahati lamang nang kayang katawan ang nakikita

"Yes please Bhety, thank you." I smile tapos ay binalik na ang focus sa contract na pag uusapan namin ni Connor.

"Good morning," bungad niya sabay upo sa upuan sa harap ng aking table.

"Good morning. Alis na tayo o... babasahin mo muna ang contract?" I asked.

"I'll read it first, nag breakfast ka? You can have your breakfast while I'm reading this."

"Nagbreakfast na ako. Thank you."

Tumango tango lang s'ya dahil sa aking sinabi o dahil iniintindi niyang maige ang nakasulat. Hindi s'ya taga rito pero ayon sa mga kwento niya ay may mga relatives sila dito. Kaya naman, this weekend ay invited kami sa engagement party ng pinsan n'ya daw. Hindi naman na ako nag tanong about the details dahil preoccupied ako sa business at sa pag ayos ng sarili ko. Kung alam Kong hindi naman magdudulot ng masama sa akin ay sasama ako, isa pa ay dito lang naman 'yon sa Aguinaldo at hindi kaylangan lumabas ng aming lugar kaya tingin ko ay safe talaga.

"I like this," He said then sign the contract, "Let's go."

Pupunta kami sa site para makita niya ang mga equipments namin. Isa pa, magiging partners kami dahil sa lupa nila ililipat ang ibang trucks at engines. Sa ngayon, bukod doon ay wala ng ibang problema sa business. Malaking tulong na pumayag s'ya na maging tambakan ang kanilang lupa. Actually mana daw ang side nang lupa na 'yon ng kanyang ina at dahil wala naman daw s'yang maisip na inang business bakit hindi nalang daw s'ya mag invest at makisyosyo nalang sa mga business dito sa Aguinaldo like us.

"After nang visit natin doon, pwede na ilipat ang mga trucks and engines?"

"Of course, Latisha." sabi niya sabay bukas ng pinto sa may passenger seat.

Dala ko naman ang kotse ko pero hindi naman ata tama na mag dalawa pa kami nang sasakyan since iisa lang pupuntahan naming lugar.

"Seatbelt?"

Nagulat ako dahil hindi pa ako nakakasagot ay nasa harapan ko na siya. Natatakpan niya ang buong katawan ko at halos maramdam ko na ang kanyang hininga, sobrang lapit naming dalawa habang pinilit niyang inaabot ang seatbelt sa aking tagiliran. 

"A-ako na..."

Ngumiti lang s'ya sa akin bago kinabit ang seatbelt ko. Tila hindi niya narinig ang aking sinabi, binalewala n'ya ba iyon?

"T-thank you."

"Welcome, Latisha."

Huminga ako nang malalim, may kakaiba sa tuwing babangitin niya ang aking pangalan. May kung ano roon na tilay hindi ako komportable para bang may iba s'ya intensyon sa tuwing sasabihin niya iyon.

Nag vibrate ang cellphone ko aya napukaw noon ang aking pagiisip. Nakita ko ang mga message galing kay Vieya.

Nakipag ayos na ako kay Ate, tingin ko ay kung ako ang nasa sitwasyon niya ay baka gawin ko rin iyon kung lumaki akong walang ama tapos s'ya ay minahal ni papa nang lubos.

Vieya:

I got promoted, gusto ni papa na mag celebrate tayo. Tatanungin sana kita kung kaylangan ka free?

Agad naman ako nagtipa nang sagot para sa kanyang liham.

Ako:

Wow congrats Vieya, maybe next week may schedule ako sa weekend. Uuwi ka ba rito?

Pagkasend ko noon ay agad kong binitawan ang aking cellphone at hinayaan iyon sa aking hita.

"Hey, nakikinig ka ba?"

Napabaling ako kay Connor nang bigla iyong magsalita o kanina pa s'yang nagsasalita pero hindi ko lang naririnig.

This past few days talaga hirap ako, once na nakafocus ako sa isang bagay hindi ko na napapansin ang nasa paligid.

"Ha?... ah o-oo na-"

"Latisha, you're not listening."

"O, I'm s-sorry"

Muli nag vibrate ang aking cellphone at batid Kong tinapunan rin iyon ni Connor nang tingin bago ibinalik ang atensyon sa pag mamaneho.

Vieya:

Hindi pa ako handa, kung pwede sana ay kayo ang pumunta rito.

Huminga ako nang malalim dahil sa mensahe ni Vieya. Naguguilty pa rin ako sa tuwing maiisip ko na sinabi ko 'yon sa kanya.

She also deserve to have what I have and of course what she wants.

"Is there a problem?"

"Ah 'yong kapatid ko kasi... na promote sa trabaho niya."

"Then, why it feels like you lose? Hindi ka masaya para sa kanya?"

"Of course I'm happy for her. Pero kasi... ah basta." I chuckled.

"We'er here. If your not ready to tell me, it's okay, I understand."

Pagabi niya noon ay lumabas na s'ya at umikot sa harap ng kotse para pag buksan ako.

"T-thank you,"

Isang malaking gate ang bumungad sa aming. Sa kanila pa ang lugar na ito hindi ko man lang alam.

"Ang lawak nang lugar na ito? Yung landero... iba na ang may ari?"

"Sa mga Le Bris 'yan hindi mo alam?"

Napabaling ako dahil sa sinabi niya. Paano niya nalaman ang tungkol sa bagay na iyon, gayomg bago lamang s'ya rito?

"A-ah... bagong bili nilang lupa, halos lahat ng lupang pinamana sa amin pinagbibili na. Si mama lang ang may gustong mapanatili ang lupa sa amin."

Tumango tango lang ako dahil sa sinabi niya. May bagong lupa na pala ang mga Le Bris hindi ko man lang alam. O baka... kay Donya Victoria iyan kaya hindi ko na nabalitan. Madalas kasing bumili ang Matandang Le Bris ng mga lupain halos kalahati ng buong Aguinaldo ay pag mamay ari na nila. Minsan lang ay hindi mo mawari kung kaninong partido nang mga Le Bris ang nakabili. Kung kay Donya Victoria o kay Senyora Valencia o kay Senyor  Valentine. Kung sino man sa kanila ay wala na akong pakialam doon.

"Tara na..."

Ngumiti lang ako kay Connor. Ipinakita niya ang buong lupain na masasakop para gawing site.

"Ang ganda, Connor. Gusto ko ang lugar."

"Mabuti naman kung ganoon."

May kung ano talaga sa kanya ang hindi ko mawari. Sa tuwing makakaramdam ako nang ganito sa isang tao, palagi akong tama.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro