Trenta y Sais
Sa batang Aries
Lumipas ang araw naging okay pa rin ang tungo ko kay Aries, Pinilit kong kahit papaano na hindi n'ya mapansin na may iba sa akin. Malakas kasi ang kutob ko na kay Teri ang naiwan na ultra sound na 'yon. Pero kahit ilang beses ko nang sinubukan magtanong o bukasan ang usapin na 'yon. May umuusbong palaging takot sa akin. Takot na baka kay Aries ang batang dinadala ni Teri. Nakuha ko agad bumuo nang mga kwento sa aking isipan.
Paano kung kay Aries nga?
Kaya ko bang alisan ng ama ang isang batang halos hindi pa nasisilayan ang mundo?
Litong-lito na ako pero wala akong ibang matakbuhan.
Dahan-dahan kong sinarado ang aking mga mata kasabay noon ang pagdilim ng paligid, ang pag agos ng aking luha. Mariin kong kinagat ang aking labi, habang pilit na dinadama ang paligid. Wala akong ibang marinig kundi ang pinaghalong tunog ng aking puso at lagaslas ng tubig ilog kung saan kami madalas maglaro noon.
Bumabalik sa aking ang bawat hagikhik na aming sabay na pinapakawalan ni Aries sa bawat bagsak ng aming mga paa sa tubig dahil sa aming pag hahabulan.
Hindi ba pwedeng katulad noon ay maging katulad nang ngayon?
Ang mainit na tubig na patuloy sa pag agos sa aking pisngi ay hindi ko magawang pigilan. Kinuyom ko ang aking palad sabay sa pag bukas muli ng aking mga mata.
Pilit kong inaalis sa aking isipan ang mga oras na iyon. Sana ay hindi ko nalang s'ya pinuntahan. Saan ay hindi ko nalang inalam. Dinudurog ako ng sarili kong takot at galit.
Kasalanan ko naman talaga, ito ang gusto ko 'di ba? Lumayo ako para rito. Pero bakit...
Bakit... hindi ako masaya?
"As expected, makikipagkita ka rin sa akin." She looks so happy na ngayon ay nasa harapan n'ya ako.
Huminga ako ng malalim bago umirap sa kawalan. Inilapat ko sa lamesa ang ultra sound na iniwan n'ya sa table ko last time. I look at her intentionally, habang ang kanyang mga mata ay natuon sa aming lamesa. Ngumiti s'yang muli bago ako tuluyang tinapunan ng kanyang mga tingin. Bakas sa kanyang mukha ang hindi ma ikubling saya.
Looks like she won a battle between us.
"Buti naman natauhan ka. Matagal rin ha... muntik na akong mainip." She said, the playfulness in her voice was very evident.
"Ano ba talaga 'ya-"
She raised her hand to interrupt me from asking question, "Stop fooling around. We both know, kung ano 'yan at kung bakit ka andito, Tisha. Kaylangan ko pa ba elaborate kung paano namin 'yan na buo. I'm pretty sure, hindi mo gugustuhin malaman kung paano ako halikan ni Aries."
Fuck! Mariin ang aking pag kakahawak ko sa aking bag na nilapat ko sa aking hita noong maupo ako. Mainit na ang gilid ng aking mga mata dahil sa mga luhang nag babayad.
Paano niyang nagagawang sabihin sa akin nang diretso ang mga bagay na 'yon?
"No thanks... I'm not interested at all, Teri. Gusto ko lang malaman kung bakit mo 'yan iniwan? Para ingitin ako?"
Pinilit kong pakalmahin ang aking sarili. Hindi ako dapat umiyak lalo na sa harap niya at mag mukhang talunan.
"Naiinggit ka ba?" She answered.
"Should I?" I asked. Pilit na pinapantayan ang kanyang mga titig.
She pouted, " Nakakaawa ka talaga. Ilang beses ko nang sinabihan si Aries na tigilan na niya. Wala naman na s'yang mapapala at mag focus na lang kami sa kasal at sa bagong blessing sa relationship namin. Pero talaga matigas s'ya. Ayaw niya magsettle kami nang hindi nakakaganti 'man lang sa'yo. Hanggang ngayon ay 'yon pa rin ang gusto n'ya, ang nakita kang nasasaktan at walang matakbuhan, just like... what you did to him, years ago."
Unti-unting namilog ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Paano n'ya 'yon nalaman? Sinabi ba ni Aries? O talagang alam n'ya lang.
"A-anong bang sinasabi mo, Teri?"
"Just like you, dito rin ako lumaki. Hindi ko nga akalain noong unang beses kitang lapitan na hindi mo ako makikilala at alam mo kung anong nakakatawa roon, naniwala ka na hindi ako taga rito. Palibhasa kasi masaya ka sa buhay prinsesa mo. Nasanay ka na ikaw ang tintingala ng lahat at hindi mo nakukuhang makipagkaibigan sa iba. Kaya noong dumating si Vieya, isa na ata 'yon sa pinakamasayang araw ko. Nasira ka n'ya, thanks to her... finally, nakahanap ako ng daan para mapalapit kay Aries."
Dito rin s'ya lumaki? Bakit hindi ko s'ya namumukhaan? Bakit hindi ko man lang s'ya naalala. Ganoon na ba ako ka bulag noon na si Aries at kung sino lang ang malapit sa akin ang kilala ko?.
"Bakit mo 'to ginagawa ngayon? Kung nakahanap ka na pala ng way para mapalapit kay Aries. Bakit pa kaylangan magusap tayo? Bakit mo pa hinintay ang araw na lapitan kita ngayon?"
Pinipilit ko pa ring pakalmahin ang sarili, hindi ko alam kung hanggang kaylangan ko iyon magagawa pero gusto kong makita n'ya na hindi ako mapektado sa mga sinabi niya.
"Dahil noong iniwanan mo s'ya. Ako!... ako ang naroon, Tisha! Tiniis ko ang lahat ng sakit para lang makabangon s'ya. Ang mga salita, ang mga kilos n'ya, sa bawat sandali na pangalan mo ang binabanggit n'ya... ako ang naroon. Kaya noong nakabangon s'ya, pinangako niya na maghihiganti s'ya. Na mararamdaman mo ang lahat ng sakit na naramdaman niya. At ngayon... we'er having our first baby... tingin ko ay hindi na dapat n'yang ituloy ang binabalak niya. Ikaw na ang lumayo, Tisha!"
Matalim ang bawat salita at ang kanyang mga tingin sa akin. Mabilis na pinalis ng kanyang kamay ang mga luhang nag uunahan umagos mula sa kanyang mga mata.
S'ya?
S'ya ang naroon... noong nawala ako. S'ya ang nagbangon kay Aries mula sa putik na pinagbaunan ko sa kan'ya.
"Tisha, hindi titigil si Aries hanggang hindi ka nadudurog sa sobrang sakit. Hindi ka ba nagtataka? Noong una, kahit kausapin ay ayaw niya. Tapos ngayon ay halos magkandarapa s'ya sa pag habol sa'yo. Hindi mo ba napapansin na kung nasaan ka, bigla s'ya susulpot. Sa palengke, sa kweba, sa labas ng bahay n'yo noong araw na nang galing ka sa batangas kasama si Ace at sa magallenes kung saan nasiraan ka ng kotse. Lahat 'yon Tisha planado. Gusto n'yang mahulog kang muli sa kan'ya, saka ka n'ya bibitawan. Hindi na s'ya ang Aries noon, He would go deep down just to see you miserable like hell, Tisha. Hindi s'ya mag dadalawang isip."
Paano n'yang nalaman ang lahat ng 'yon?
Hanggang ngayon ay gumugulo sa akin ang lahat ng sinabi ni Teri. Kung nagsisinungaling si Teri, bakit lahat ng detalye ay laman niya?
Sinasabi ba sa kanya ni Aries lahat?
Pinaglalaruan nga lang ba ako ni Aries?
Muli kong ipinikit ang aking mga mata. Dahan dahan akong umupo at pinagsiklop ang aking mga binti. Marahan kong itinago sa pagitan ng aking tuhod at dibdib ang aking mukha.
Gusto kong mapagisa.
Gusto ko munang mawala.
Bakit ba kaylangan masakatan ako ulit ng ganito?
Naging mabuti naman ako pero bakit puro kasamaan lang ang nagiging babayaran ng lahat ng 'yon?
Dahil ba sobrang saya ko na dati kaya dapat ngayon ay malungkot naman ako?
Ang mga hikbing kanina ko pang pinigilan lumabas ay tila isang baboy na nakawala sa kural. Wala nang tigil ang pag agos ng aking mga luha, sobrang bigat ng tila batong malaking nakapatong sa aking dibdib. Hindi ako makahinga at pakiramdam ko ay inalalamon ako ng matinding kalungkutan.
Parte lang ba talaga lahat 'yon ng kagustuhan niyang makapaghiganti.
"Ugh! B-bakit?! N-nasaktan din naman ako! Aah!"
Nangangatal ang gilid ng aking mga labi, halos manlabo na ang aking paningin. Hindi ko na makilala ang sarili kong mga boses, garalgal na 'yon at unti unti nang nawawala. Halos mag damag na ako rito sa ilog, ang kulay itim, asul at kahel na kalangitan ay unti-unti nang nag hahalo.
Umaga na, pero wala pa ring nakakahanap sa akin. Matapos ng usapan namin ni Teri, ang sa ilang araw na pag iisip ko tungkol doon ay nakuha ko ang sagot kagabi lamang. Na naging dahilan kung bakit ako naririto.
Kung bakit ako nasasaktan.
Katulad nang kung paano...
"Totoo ba?! Aries, sagutin mo ako! Totoo ba?!"
Halos mag hestirikal na ako sa sobrang pag kainis. Ilang araw ko 'yong kinimkim at ngayon na may pag kakataon na mabuksan ang topic ay para akong nabuhayan ng dugo para mag tanong.
Madilim noon ang kalangitan at walang masyadong mga bituin, hudyat na makulimlim at may posibilidad na umulan. Galing kami sa isang date, may nakausap kaming kakilala na nag open ng topic about Teri and their engagement.
Hindi ko maintay na maihatid niya ako sa bahay bago kami magusap tungkol sa bagay na 'yon, kaya sa kotse pa lang ay nagtatalo na kami.
"Tisha let me explain, please. Kung ano mang nalaman mo ay walang katotoohanan 'yon."
Paliwanag niya, diretso pa rin ang tingin sa klasada. Mahigpit ang pag kakahawak niya sa manibela at salubong na ang kanyang mga kilay, sumusulyap siya paminsan minsan sa akin at saka ibinabalik ang tingin sa daan.
"Stop the car!" I said.
"No! We'er going to talk about it later, pag nasa bahay na tayo."
Sandali n'ya akong tinapunan ng isang matalim na tingin bago muling bumaling sa pag mamaneho. Agad kong tinggal ang seat belt ko at alam kong nakuha noon ang kanyang atensyon.
"Stop the fucking car, Le Bris!" I shouted, nang mas lalo bang bumalis ang takbo ng kanyang kotse.
Umamba ako nabubuksan 'yon pero nakalock. Nakakainis!
"Baba ako Aries!" Pag angil ko.
"Fine!... itigil ko ang kotse at maguusap tayo."
Dahil sa bigla niyang pag tigil ay muntik na akong mapasubsob. Mas lalo lang tumindi ang paghihinala kong totoo ang mga sinabi ni Teri. Kung si Aries pa rin ito ay hindi s'ya gagawa ng mga bagay na ipapahamak ko.
"Now... talk! Ano bang gusto mong malaman?!"
"Tangalin mo muna ang lock ng kotse!"
"What for?! Now... tapusin na natin ang usapan na ito. Ano bang gumugulo say-"
"Open the door!" I screamed.
Pakiramdam ko anytime soon ay bigla nalang akong bibigay dahil sa sobrang sakit at bigat na aking nararamdaman. Hindi ko na makakayanan ang halo halong emosyon na kinimkim ko ng matagal.
"Wish granted... So, please baby tell me what's wrong?"
He creased my right cheek using the back of his hand. I close my eyes firmly, I want to feel his warmth, for the last time.
"T-totoo ba?" I said, habang nakasarado pa rin ang aking mga mata. Hindi na napigilan ang pag agos ng mga luhang kanina ko pang pinakikiusapan sa aking isipan na huwag munang lumabas.
Sa aking pag mulat ay bumungad sa'kin ang kanyang mukha. Punong puno iyon nang pag tataka. Hindi ko kayang makita s'ya ganoon.
Mas nasasakatan lang ako.
Muli kong isinara ang aking mga mata, dinama ko ang bukasan ng kanyang kotse at handa na sa pag alis.
"Gusto kong malaman, A-aries. T-totoo ba? Gusto mong... m-maghiganti s-sakin?" tanong ko habang na ang aking mga mata ay mariin pa ring nakapikit.
Hindi ko kaya makitang ang kanyang mukha habang sinasagot ang aking mga tanong.
"O-oo... pe-"
Hindi ko na hinintay ang kasunod ng kanyang sasabihin. Sapat na ang kanyang pag amin.
"W-wag mo akong susundan... please,"
Pag kasabi ko noon ay agad na akong lumabas. Hawak hawak ko ang aking dibdib samantalang ang isa kong kamay nakatakip sa aking mga bibig.
Ayoko may makarinig nang aking mga hikbi. Hindi ko na rin naramdam ang pag sunod niya sa akin noong gabi.
Ito rin naman ang gusto ko. Pero bakit nadismaya ako noong hindi s'ya sumunod.
Muli kong pinalis ang mga luhang nasa aking pisngi. Tila wala iyong pag asa pang matuyo. Pakiramdam ko kahit ilang linggo pa ang aking pag iyak ay hindi iyon mauubos.
Pag nagmahal ba ay ganto dapat kasakit? Pinagsisihan ko naman na ang ginawa ko noon pero bakit kaylangan ko pa rin pag bayaran ngayon?
Siguro naman sapat na ang mga luha sa buong magdamag para sa sakit na idinulot ko.
O baka...
Kulang pa 'yon?
"K-kulang pa ba, Aries?... sobrang sakit na. Wala akong ibang ginusto kundi i-ikaw... pero bakit ang hirap h-hirap para sa atin ang bumuo ulit ng m-mundo?... mundong ikaw at ako lang. Tayo na lang ulit. Kahit ang sakit sakit na."
At muli kong ibinaon ang mukha ko sa pagitan ng aking tuhod at dibdib. Hinayaang aluin ako malamig na tubig ng ilog, ang lagaslas nito at ang mga tunog ng paligid na tanging naging saksi sa pag hihirap ko.
Paano ba ang pabalik sayo?
Makakabalik pa ba ako?
Gusto ko nang umuwi sa piling mo... Aries.
Sa batang Aries.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro