Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Quatro

Torpe

Andito kami ngayon sa bahay nina Claudia. Nanalo sya bilang Ms. Valentine, naghanda ang mama nya ng konting salo salo para samin.

"Kain lang kayo, pasenysa na yan lang nakayaan ko," panay ang hingi ni tita ng pasensya dahil sa kanyang mga inihandang pagkain.

Sa totoo lang walang masama sa spaghetti, tinapay at juice. Hindi naman kami nag rereklamo at isa pa, masarap ang luto ng mama ni Claudia.

"Okay lang po ito tita," sabay sabay naming sagot.

"Ma, tinataranta mo ang mga bisita ko. Hindi maarte ang mga yan, kaya hindi mo kaylangan humingi ng tawad para sa spaghetti," saway ni Claudia sa kanyang ina.

"Ikaw naman kasi anak, jusko! anak ng pinaka mayayamang tao ang kaibigan mo," nag aalangan si tita na sabihin iyon.

Totoo naman kasi. Ako ay anak ng Vice Mayor ng bayan ito, si Aries ay haciendero ng mga Le Bris samantalang si Aria ay isang Lazatin na nag mamayari ng malalaking lupain.

"Tita, ako lang ito. si Pancho."

Basag ni Pancho sa nagiging awkward na sitwasyon, na naging dahil upang mag tawanan kami.

Nagkwentuhan kami kung  paano ang naging reaksyon ng kaibigan ni Yna. Noong sinabi na kung sinong winner ay bigla silang tumiklop. Nawala ang yabang nila pero, hindi pa rin nawala ang pag kainis sa kanilang mukha.

Bago pa lang kasi si Yna dito at wala pa syang ganon kakilala para lumikom ng pera. May papel kasing binigay sa mga kandidata, pinapipirmahan iyon sa mga kakilala at ang isang pirma ay limang piso ata ang katumbas.  

"Saan tayo pag tapos?" bulong ni Aries sa'kin.

"Bahala ka, ayaw mo ba pa umuwi?" tanong ko.

"Pwede na rin, pag tapos nito. Sama ka?" mahina pa rin ang boses nya tilay ayaw nyang may makarinig.

"Saan?"

"Sa mansion, laro tayo ng play station."

Tumango na lang ako bilang sagot sa kanya atska ni namnam ang aking spaghetti. Nakita kong similay ang ngiti sa kanyang labi ngunit binaliwala ko na iyon.

"Tisha tara sa may plaza, may nagbukas daw doon na cafe. Bagong tambayan, maganda daw," excited na sabi ni Aria.

Nagiging maunlad na kasi sa bayan. Yong school kasi namin ay hindi located sa bayan mismo, kaya minsanan lang makapunta kami roon. Inilipat na yung munisipyo namin sa mas maluwag na lupain, kaya naman lumang munisipyo na lang ang naiwan malapit sa simbahan at mismong plaza, na ginawa na ngayon headquarters para sa mga sector ng gobyerno.

Nais kasi ng Mayor Quiambao na magkaroon ng livelihood program ang bawat organisayon katulad ng mga person with disabilities, overseas workers, senior at iba pa, para may sarili silang pagkakakitaan bukod sa ayudang nakukuha mula sa gobyerno.

Hindi naman masama ang pag unlad lalo na kung para iyo sa ikakabuti ng lahat.

"May gagawin ako Aria, sa susunod nalang."

"Naku! I bet, si Aries yang pag kakaabalahan mo," nanunuya nyang sabi.

"Bakit may masama ba roon?" biglang tanong ni Aries.

"Wag na natin pilitin Aria, kami nalang ni Pancho ang sasama sa iyo."

Pag sang ayon ni Claudia para saken.

Napatingin ako kay Aries na ngayon tila hindi na mapapawi pa ang ngiti. Pero isang huni ang pumukaw sa aking atensyon, itinagilid ko ang aking ulo habang nakatingin kay Aries at magkasalubong ang aking kilay, ganun rin ang ginawa nina Claudia, Aria at Pancho.

"Ano yon? may ibon ba dito?" kuryosong tanong ni Pancho.

Bigla lumapit si Pancho sa bag ni Aries. Pakiramdam ko rin ay doon ng gagaling ang huni aming naririnig.

"Bakit ka may ibon sa bag Aries?" tanong muli ni Pancho.

"Si Tayo ba yan?" nakataas ang kilay ko kay Aries ngayon bago hinablot ang bag mula kay Pancho.

"Sino si Tayo?" sabay tanong ni Aria at Claudia.

"Oy, money for us. Sabay pa tayo," sabay katok ni Claudia sa lamesa.

"Bakit andito si Tayo, Aries?" tanong ko habang unti unting inilalabas si Tayo mula sa bag ni Aries.

"Naisip ko lang, baka hindi siya makuha ng ina nya roon, tapos bumalik ka pa ng school dahil sa kanya, kaya dinala ko na Tisha," paliwanag nya.

"Yie! Kilang kilang ni Aries, ikaw na Tisha," tukso ni Aria.

Ang isang to quota na sa pang aasar.

"May point naman kasi si Aries, si Tisha kasi yung type na hanggang makakatulong, tutulong. Kahit wala namang ng karason rason," si Claudia.

"Living like snow white yan, nature lover lahat ng hayop kaibigan. Kahit nga mga taong nang aaway sa kanya, okay lang. Tinuturing nya pa ring kaibigan," sabi ni Aria habang umiirap sa hangin.

"Kaya nga crush na crush ko yang si Tisha," pag sang ayon naman ni Pancho.

"Magtigil ka Pancho!"

Napatingin kaming lahat kay Aries, nakakunot ang noo nito.

"Crush lang naman Aries, ang da-"

"Sinong nang away sayo?! Bakit hindi ko alam!" Putol nya sa sinabi ni Pancho na naging dahilan ng pag inom bigla ni Aria isang basong tubig.

Naku patay.

Lumunok si Claudia saglit bago nagsalita. "D-dalhin ko lang to pinagkainan natin sa loob ha."

"Tisha," pilit nyang kinukuha ang aking atensyon.

"Aries, wala naman iyon. H-hindi na dapat isipin," paliwanag ko.

"Aria."

Ngayon ay kay Aria na ang kanyang atensyon. Nakita ko ang biglang pag tingin sakin ni Aria na parang humihingi ng tulong. Bakit ba kasi sinabi nya pa iyon.

Wala kasing nangangahas na awayin ako o may magsalita ng masama sa'kin. Last time kasi na may gumawa nun ay grade four ata kami. Tinapunan nya ng  juice ang bag ko dahil hindi raw iyon bagay sa'kin, kung hindi raw sya mabibilhan ng ganung bag sisirain na rin nya ang akin.

Kaya naman ipinahiya sya ni Aries sa buong school. May crush kasi sa kanya yung babaeng nag buhos ng juice sa bag ko.

Aaminin ko gwapo ang isang to. Sa kanilang tatlong magkakapatid. Sya yong mahilig mag pahaba ng buhok. Dahilan kung bakit mas sikat sya at mas gustuhin kumpara sa dalawa. Wavey kasi ang buhok nya kaya kahit humaba iyon ay muka pa ring maiksi, kaya naman bata palang ay ang lakas na ng dating ni Aries.

"Wala naman iyon Aries, hmm... dahil lang sa competition kanina. N-normal naman ang ganun di ba?" sabi ni Aria habang nakatingin saken.

Tama naman sya, normal iyon dahil sa compitetion.

"Yung bang group nina Yna? Naku Aries, wag mo na bigyan ng pansin. Normal iyon pag may kalaban, siguro naman ay hindi lang si Tisha ang pinaparinigan o inaaway nila, di ba Aria?" pag sang ayon ni Pancho sabay tanong kay Aria.

"O-oo tama," mukang kahit papaano ay naibsan ang kaba sa mukha ni Aria.

"Tisha, ano ang totoo?" matalim akong tiningnan ni Aries.

"Wala iyon, dahil lang kay Claudia at normal ang mga ganun parinigan sa mga patimpalak," pinal kong sabi.

Sana ay makumbisi ang isang to. Panigurado akong meron hindi makaka graduate pag nagkataon. Handa sya sumira ng buhay ng may buhay wag lang akong maagrabyado.

"Okay," tipid nyang sagot.

Hindi na ko tumingin sa kanya at binaling nalang ang atensyon sa humuhining si Tayo. Nagugutom siguro sya. Pero ano naman ang ipapakaen ko dito ngayon?

"Ang liit pa yan ah," puna ni Pancho, paraan na din siguro iyon para madivert ang atensyon ni Aries na ngayon ay nakasimangot pa rin.

"Nahulog siguro sya sa kanyang pugad. Hindi pa marunong lumipad kaya hindi makabalik."

"Mamatay din iyan Tisha, baby pa sya. Hindi mo naman mapapakain ng tama yan," si Claudia.

Nakabalik na pala sya galing kusina. Tumingin si kay Aria na para bang tinatanung kung okay na ba si Aries.

"Hindi sya mamatay kung maalagaan ng maayos," si Aries.

"Oy, desisdido buhayin. Iniimagine mo baby nyo ni Tisha?"

"Ikaw Aria, an-"

"Bata pa kame, Aria," Putol nya sa'king sinasabi.

"Sus, sabihin mo torpe ka," pang aasar ni Claudia.

Wala pa naman talaga sa isip ko iyon o maging sa isip ni Aries. Tama sya mga bata pa kami at kung ano mang nararamdaman namin siguro ay crush crush pa lang iyon at hindi pa malalim.

"May tamang panahon Claudia, ang pag ibi na minamadali hindi nagtatagal. At si Tisha, hindi sya pang madalian."

Lalong lumakas ang ingay ng dalawa sa aming harapan. Saan sya natuto ng ganon mga salita. Bata pa kami at wala pa kaming alam sa ganun, pero bakit kung magsalita sya parang may alam na sya.

"So, inaamin mo na gusto mo nga si Tisha?" Kinikilig na tanong ni Aria.

Bumilis na naman ang pintig ng puso ko. Para akong kinakabahan.

"Bata pa kami."

Tama bata pa kami, kaya ikaw na puso ka magtigil ka jan!

Inalog alog ni Aria at Claudia ang isa't isa dahil sa naging sagot ni Aries. Hindi man nya direktang sinabi na gusto nya ako pero tanga na lang ang hindi makakaunawa ng binitiwan nyang salita.

"Sana kaya ko pa." 

Pabulong iyon pero tama lang para marinig ko at ng aking puso.

Shit! Ano to!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro