Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Onse

Suprise

"Ano yan?" tanong ko.

Lunch break ngayon, andito kami sa canteen. Umuwe si Inez, kasi may bisita raw sila at doon sya magtatanghalian sa bahay nila. Si Bea naman ay may tryout sa volleyball. Ngayon week kasi ang start noon para sa darating na sportfest sa spetember.

"W-wala," agad naman itinabi ni Estin ng papel na kanyang sinusulat bago ako dumating.

Sinamahan ko kasi mag order si Aries, pero iniwan ko rin sya doon para maghintay sa order namin. Bumalik na ko sa lamesa namin, wala kasing kasama si Estin dito.

"Sus, love letter iyon no?" mapanukso kong tanong.

"H-hindi ah! ano ka ba naman Tisha, sino naman ang pagbibigayan ko noon? Baka mandiri lang sa akin pag nagkataon."

"Bakit naman mandididri?"

Kung titingnan mabuti, maganda naman si Estin. Mejo off lang siguro ang sobrang puting kulay ng kanyang balat tapos kulay kalawang pa kanyang buhok. Yung tipong redish na brown, kulot pa ito sobra. Parang goldilocks ang pag pagkakulot ng buhok nya. May mga pimples din sya sa pisngi, ilong at noo, nakitang kita dahil nga maputi sya atsaka na mumula ang mga iyon. Pero kung titingnan naman ay maganda sya.

"Tinatanong pa ba yan? Bukod sa tinatawag nila akong mangkukulam ay sobrang pangit ko pa," paliwanag nya.

"Estin, hindi ka pangit. Mejo kulang ka lang sa pag aayos. Mali lang yung hati ng buhok mo, actually ang cool ng buhok mo kasi ang ganda noong mga kulot, mejo dry lang," sabi ko sabay hawak sa ilang hibla.

"Nambola ka pa," natatawa nya sabi.

"Ibinili kita ng cake, Estin. Nakita ko kasi na may baon kang lunch. Sigurado akong papipilahin na naman ako nong isa jan, pag hindi nya kayang kumain ng cake, dahil sayo."

Sinamaan ko sya ng tingin dahil sa sinabi nya. Hindi ko alam kung papuri ba iyon o panunukso. Mas lalong nanliit ang aking mata ng pareho silang tumawa.

"Grabe, kabisadong kabisado ka ni Aries. Actually, pareho kayo, alam na alam nyo ang ugali ng bawat isa. How I wish, na magkaroon ng ganyan."

Ngayon ay kami naman ni Aries ang natawa dahil sa kanyang sinabi.

"Ano ka ba, hindi rin madali. Ewan ba namin, parang hindi na tagal kaya pag wala yung isa," sagot ko.

Nagumpisa na akong galawin ang pagkain ko. Nag uumpisa na rin akong masanay sa gantong environment.

Minsan na isip ko, walang mali o tama sa mga desisyon pinipili mo. Iyon ay nakadepende sa kung paano mo iyon gagawin. At ang desisyon na mabuhay kasama si Aries, ay hindi madaling piliin. Kaakibat nito ang pangambang baka dumating din ang araw na, hindi na namin gusto ang isa't isa.

"Buti hindi ka natakot na baka masira yung friendship? Pinayagan mo sya manligaw?"

"Hoy Estin, gusto mo bawiin ko yang cake?"

Kahit kaylan talaga pikon ka Aries! Hindi ko masabi iyon, kasi alam kong lalo syang maiinis.

"Joke lang," sabi ni Estin sabay peace sign.

Ganon kami palagi araw araw, minsan kasama namin sina Aria at Pancho, madalas hindi, kasi nasa library sila palagi. Scholar kasi Pancho, kaya naman kaylangan nya talaga mag aral. Hindi kasi sya gifted katulad ni Estin. Si Aria naman, ay nakikipag kompitesya maige. Gusto nya kasi mag top sa leaderboard. Ewan ko ba doon.

"May surprise ako sayo mamaya," si Aries.

"Ano?"

Pasurprise surprise pa ang isang to.

Sa totoo lang, mas naging sweet si Aries sa akin. Madami syang mga pakulo na minsan ay hindi ko talaga inaasahan.

Napansin ko ang pataas ng kilay ni Estin sa amin. Tila pinigilan lamang ang sarili sa pag sabat sa inusad ni Aries.

"Suprise nga, hindi na iyon magiging surprise kung sasabihin ko sa iyo."

I pout while thinking, ano pa ba ang hindi nagagawa ni Aries sa akin? Yung tipong ikakagulat ko. Kasi, tingin ko lahat ay nagawa na niya.

Dumating na ang hapon, oras na ng uwian. As usual, kay Aries, ako muling sasabay pa uwi. Namilog ang mga mata ko ng sa ibang direksyon nagtungo ang kotse aming sinasakyan.

"Oy, mali yung nilukuan Aries," sabi ko sabay hampas sa kanyang balikat.

Hindi na sya umimik at tinawanan lamang ako.

Ano bang nakakatawa sa aking sinabi? Tingin ko naman ay wala.

Tumigil kami sa isang bahay na malayo sa nayon. Maganda ang bahay, narenovate na ito ng konti pero halata pa rin ang konting lumang desisyon rito. Capis pa rin kasi mga bintana nito, may hagdan patungo sa mismong bahay.

"Tao po," sigaw ni Aries mula sa labas ng gate.

"Aries, kanino bang bahay to?"

Patuloy lang sya sa pagtawag mula sa may gate at hindi ako pinapansin. Tumitingkayad pa sya upang makita kung anong nasa itaas o kung may tao bang gagalaw.

"Oy, Aries!"

"Wait lang Tisha," saway nya sa akin ngunti hindi pa rin ako tinitingnan. Busy sya sa pag sipat sa kabuuan ng bahay.

"Naku Aries, kanina ka pa ba dyan?"

Isang may katandaan na babae ang lumabas mula sa pinto. Sumilay ang ngiti nito sa akin bago tuluyang binuksan ang gate.

"Pasok muna kayo," saad nito.

"Halika," sabi ni Aries, sabay hila sa akin papasok.

Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kami andito? Kung anong ginagawa namin rito? At kung anong kaugnayan nito sa surprise na sinasabi ni Aries.

"Buti na abutan mo pa kami, hindi talaga namin alam kung saan iiwanan si Peechy," malungkot ang mata ng babae.

"Oh, andyan na ba yung mag aampon kay Peechy? Naku bagong panganak kasi ito at paalis na kami kaya hindi na naman maasikaso pa."

Isang lalaki naman ang lumabas galing sa loob ng bahay. Dala nya ang isang tuta.

Siguro ay ilang linggo pa lang iyon na ipapanganak. Kulay brown ang kanyang balahibo, malago na rin iyon ng konti, bilugan ang maitim nyang mga mata. At itim ang kanan nyang tenga.

Malapad ang ngiti ko na tuluyan na itong iniabot sa akin noong lalaki.

"Aalagaan po naming maige itong tuta nyo," masiglang sabi ni Aries.

"Naku ka bang bata ka, inyo na iyan. Hindi na rin naman namin alam kung makakabalik pa ba kami ng Pilipinas," natatawang sabi noong babae.

"Naku, salamat po. Hindi na ho namin papalitan ang pangalan. Maraming salamat po. Tuwang tuwa ang girlfriend ko."

"Hoy! Wag mo po kayong maniwala, hindi nya po ako girlfriend."

Nagtawanan nalang sila sa aking naging sagot. Nagpaalam na kami ni Aries sa kanilang dalawa, ngayong gabi rin pala ang kanilang tungo sa America. 

"Tisha. Peechy, symbolize my love for you. My undestractable love."

Napabaling ako kay Aries dahil sa kanyang sinabi. Sobrang seryoso nya.

Bumaling na lang ako muli kay Peechy, ngumiti ako sa kanya habang iniisip na ito ang magpapaalala sa akin. Sa amin, kung anong meron kami. Na hindi dapat masira iyon ng kahit anong bagay o ng kahit sino.

Linggo, Araw at buwan ang lumipas simula ng araw na iyon, kay bilis ng panahon pero hindi iyon naging hadlang samin Aries, so far masasabi kong masaya ang buhay highschool ko.

"Tisha, nag review ka na?" si Bea.

Andito kami sa ilalim ng punong acacia sa may field ng school. Nakaupo kami sa lilom ng puno, kung saan mas mahangin at makakapag aral kami ng mabuti.

"Ang hirap pala pag varsity ka tapos may maintaining grades," si Bea ulit.

Panay ang kamot ng kanyang ulo gamit ang dulo ng ballpen na kanina pa nyang pinaglalaruan.

"Varsity pa more Bea," tukso ni Inez.

Natawa tuloy kami ni Estin.

Ang isang tong chill lang, paano kayang kaya nya palagi ang exam. Hindi sya pwedeng bumagsak dahil mahihirapan syang mag bayad.

Fourth grading na at kaylangan ng husayan. Dito naka depende ang kanyang scholarship. Pero kahit ganoon ay hindi ko kinakitaan si Estin ng pangamba. Minsan siguro pag nawawala sya at hindi namin kasama doon sya nag rereview. Naiingay siguro sya sa dalawa ni Bea at Inez hindi lang sya makapag reklamo, katulad ng isang to. Ang sarap ng higa sa lupa.

Hinubad ni Aries yung polo nya, inilatag niya yung sa damuhan at doon sya nahiga. Ang aking hita ang kanyang unan. Friday naman ngayon, kaya naka P.E Uniform kami, hindi na masama kung uunan sya roon.

"Estin, patulong naman explain mo ito sa amin."

Si Bea at Inez, na ngayon ay pumupwesto na sa tabi ni Estin, siguro isa rin ito sa dahilan kung bakit minsan ay nawawala sya. Noong una ay na babahala ako sa tuwing mawawala sya pero bandang huli ay nalinawan ako, sabi ni Aries, kaylangan din ni Estin ng space para mag grow. Malaki na raw si Estin at sigurado syang walang mambubully kasi malalagot sa kanya.

"Aries."

Inalog ko ang balikat nya para magising sya, iyon ay kung tulog ba talaga sya. Nakapatong sa muka nya ang libro namin sa English. Last exam na namin iyon para sa linggong ito. Next week ay pirmahan na ng card at completion na ng mag requirements at projects para sa clearance.

"Aries, hoy! Mag review tayo," muli kong sambit.

"Inaantok ako, Tisha. Five minutes pa," mejo husky ang boses nya roon.

Feeling ko ay namula ako dahil sa boses nya. Nakakainis! Boses pa lang, dalang dala na ko. Hindi ko talaga alam kung paano ako nakatagal ng ilang buwan, na hindi pa rin siya sinasagot. Iba naman kasi yung dati na hindi pa sya nanliligaw, ngayon kasi may feelings na na involved. Yung bang alam na, hindi itinatago.

"Para naman bata, Ariestotle!"

"Eto na, wag na magalit. I love you," sinabi nya habang bumabangon mula sa kanyang pagkakahiga.

"Oy narinig ko iyon!"

Napalingon ako sa pamilyar na boses ng babae.

"I love you, I love you... landi ni Aries!" si Aria.

Narinig namin ang tawa ng tatlo sa tabi lang namin.

"Rinig na rinig namin, Aria. Hindi na nga namin pinansin, ikaw talaga," si Bea.

Napairap nalang ako sa hangin. Kami na naman ni Aries ang topic nila.

Si Aries naman kasi, bakit kaylangan nya pa iyon sabihin. Tapos itong Aria, laging wrong timing.

"Si Pancho?"

Pag iba ko sa topic. Sana ay gumana.

"Sus, wag mong ibahin," natatawang usal ni Aria. "Hindi pumasok, may sakit ata. Puntahan natin mamaya."

"Sige, sayang last day pa naman ng examination week," sabi ni Inez.

"Bibigyan nalang daw ng special exam," si Aria.

"Ah ganoon ba?... Aria? Si Pio ba iyon? Mukang papalapit satin?" tanong ko habang pinagmamasadan si Pio.

"H-huh?" halata ang taranta sa boses ni Aria.

"Aria, let's talk!" Mariin iyon at tila ang dilim ng aura ni Pio.

Bakit?

Pabalik balik ang mata ko sa kanilang dalawa, hindi ko alam kung kanino ako mag fofocus.

"Kala ko ba magrereview?" bulong sa akin ni Aries.

"Sabi ko nga," saad ko at muling bumaling kay Aria at Pio na ngayon ay papaalis na.

"Anong meron sa dalawang yon?" tanong ko habang binuklat ang pahina ng aking aklat.

"Hayaan mo na sila."

"May alam ka ba Aries?"

Pinisil nya lamang ang ilong atsaka ako tinapunan ng isang ngiti. Ngiting kayang tumunaw ng puso ng kahit sino man.

"Hay! Bakit ba ako nag mahal ng babaeng, nag aalala lagi para sa iba?"

"Ah ganon! Nag sisisi ka?!"

Hinampas ko sya ng libro sa kanyang balikat. Agad naman nya iyong nasalag gamit ang kanyang braso.

"Sabihin nyo lang, kung nakakaistorbo kami."

Sasabay sabay na sabi ng tatlo.

"Basted ka na!" Saad ko.

Hindi ko pinansin ang pag aasar noong tatlo sa amin.

"Latisha naman, binibiro ka lang."

"Ako. Hindi ako nag bibiro!"

Akma na sana akong tatayo ng bigla nya akong yakapin.

"Sorry na... aking prinsesa."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro