Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kinse

Kompitensya

"Ma? Okay ko lang ba?" tanong ko sa aking ina.

Nagsusuka sya nang madatnan ko sa aming kusina. Papasok na ko pero parang ayaw kong iwan si mama.

May sakit ba sya? Wag nalang kaya ako pumasok ngayon. Tutal ay sportfest lang naman, pero championship nina Aries ngayon.

Shit! Anong pipiliin 'ko.

"Okay lang ako, Tisha. Normal ito."

"Normal? Paanong naging normal? Ma nagsusuka ka, dapat ay pumunta tayo sa doctor," sabi ko.

Inabutan ko sya ng isang basong tubig bago siya tuluyang sumagot muli sa akin.

"Anak malelate ka na. Sige na, pumasok ka na."

"Pero mama paano ku-"

"Buntis ako Tisha. Kaya ang mag suka sa umaga ay normal lang. Kaya sige na, pumasok ka na."

Buntis si mama. Ibig sabihin ay mag magkaroon na ako ng kapatid. Sobrang saya naman nito. Mararanasan ko na rin kung anong pakiramdam ni Aries dahil may kapatid sya. Ilang taon akong walang kapatid at ngayon ay heto na sya.

Magiging mabuting ate akong sa kanya. Ipinapangako 'ko iyon.

"Sasabihin ko po kay Aries, na dalhan kayo ng prutas dito."

"Naku, mukang natakam ako sa sinabi mo," sabi ni mama at humagikhik ito.

"Ay ma, kami na po pala. Kahapon lang," mejo nahihiya kong magtapat kay mama.

"Naku, kung ganoon ay dapat pala na mag expect talaga ako ng prutas sa aking son-in-law."

Namilog ang mata ko dahil sa sinabi nya. Napaka supportive talaga ng aking magulang pag dating kay Aries. Minsan iniisip ko kung sino ba ang anak? Ako ba o si Aries. Madalas kasi ay mas pabor pa si mama kay Aries kaysa sa akin.

"Ma, son-in-law agad. Boyfriend pa lang," pagrereklamo ko.

"Aba! Latisha, may gugustuhin pa ba akong ibang lalaki para sayo! Aries, is a good catch already. Bata pa lang ay may prinsipyo na. At wala ng mas hihigit pa sa lalaking may prinsipyo sa buhay. Iyan ang tatandaan mo," sabi nya.

Ang bilis mag bago ng mood ni mama. Kanina lang ay masaya sya tapos excited ngayon ay nagagalit naman sya.

"O-opo, I'll go ahead na ma."

Nag paalam na ako sa kanya dahil hindi ko alam kung ano pang emosyon ang mararamdam nya.

"Mang Kanor, alis na po tayo."

"Ay, ma'am ako ho ba ang mag hahatid sa inyo?"

Nabigla ako sa kanyang tanong. Wala naman ibang pwedeng maghatid sa akin kundi sya. Hindi rin ako pwedeng malate dahil ngayon ang championship ni Aries. Kalaban nila sina kuya Aruis. Last year na ng mga iyon kaya sigurado hindi rin sila mag papatalo. 

"Anjan po si sir Aries, kararting lang noong lumabas kayo. Sabi nga ho ni Salome ay wag ng ipasok ang kotse dahil palabas na kayo," paliwanag nya.

"Goodmorning."

Napalingon ako sa biglang may nagsalita sa aking likod. Suot na nya ang Jersey para mamaya. Bakit ba kaylangan maging ganto syang ka pogi. Simpleng jersey lang iyon pero pakiramdam ko ay model sya ng kung anong brand ng sikat na damit.

"Oh, magpalit ka," utos nya.

Tiningnan ko ang sarili ko. May mali ba sa suot ko. Naka pair of jeans naman ako, simpleng vintage V-neck shirt at sneakers. Tulad ng gusto niyang sinusuot ko. Noong hindi pa kami ay hindi ako makapagsuot madalas ng nga showy na damit, lalo na siguro ngayon.

"Okay naman ng suot ko ah."

"Basta, bilis late na tayo."

Marahas ko iyong kinuha at patakbong pumasok sa loob ng bahay paakyat sa aking kwarto, nakita ko pa ang pag tingin sa akin ni mama pero hindi ko na napansin. Ang tangi kong narinig ay ang maligaya nyang pag salubong kay Aries.

Pag yung baby naging kamuka ni Aries, ay naku!

Isang kulay grey na V-neck shirt din ang andoon. Agad ko iyong isinuot. Pag harap ko sa salamin ay nagulat ako sa aking nakita.

Future ni Aries Le Bris.

Nilapatan ko ang printed na letter ng aking mga daliri. Kitang kita ang kanyang pangalan sa tapat ng aking dibdib sa ilalim ng salitang future ni. Namula ako dahil sa aking iniisip si Aries ay nasa aking dibdib? Parang mali ang takbo ng aking utak.

Nagkibit balikat na lamang ako bago tuluyang bumama. Nakita kong nakikipagtawanan si Aries kay mama, ganon rin ang aking ina.

"Sige, magpapakuha ako ng marami tita."

"Mama na, Aries. Ikaw naman."

"Sige po... mama," sabay ngiti nya.

Pakiramdam ko ay mapula na ang aking pisngi dahil sa narinig.

Mama? Kapatid ko ba sya?

"Ma, alis na kami."

Paalam kong muli. Hindi ko na sinaway ang kanyang pag sabi kay Aries na mama na rin ang itawag. Baka kung saan lang mapunta ang usapan. Nagmano na lamang si Aries, bago iginaya palabas.

"Terno ba kayo ng damit?"

Muli ay napabaling kami kay mama. Palabas na kami ng pinto, ngunit na pigilan nya pa.

Napabaling ako kay Aries at sa kanyang suot. Ngayon ko lang napansin na may damit pala syang panloob. Tshirt din iyon at kulay grey din. Tanging mangas lamang ang kita dahil nga naka suot sya ng Jersey.

"Opo," sagot nito sabay ngiti.

"Ma, may laro si Aries. Malelate na kami." Pag iba ko sa usapan.

"Anong nakasulat jan?"

Hindi ko na pigilan ang aking sarili na mag tanong, habang papasok kami sa kanyang kotse. Nakangiti lang sya at hindi ako sinasagot.

"Oy, Aries anong nakasulat jan?"

"Asawa ni Tisha Le Bris." Bulong nya.

Napakurap kurap ako dahil sa sinabi nya. Ano raw? Kaninong asawa?

"Tara na po," saad nya kanyang driver.

"Hoy, ipapakita mo ba yan mamaya sa school." Natataranta kong tanong.

"Oo naman. Para terno tayo."

"Ang baduy mo Aries!"

"Ipredict na natin yung habang buhay, Tisha. Ikaw at ako sa mundong tayong dalawa lang."

Napalunok ako hindi dahil sa takot kundi dahil baka mahimatay ako rito sa kilig.

"Ang corny mo pa rin."

Malakas na tawa nalang ang naging sagot nya sa akin. Inirapan ko sya kaya naman na patingin ako sa labas. Malapit na pala kami sa school.

Kumunot ang noo ko ng mahagip ko ang pamilyar na kotse.

"Kuya, paki tigil nga po saglit."

Tulad ng utos ko ay tumigil nga ang kotse na aming sinasakyan.

"Bakit?" Nagtataka tanong ni Aries.

"Kaya papa na kotse iyon di ba?" tanong rin ang sinagot ko sa kanya.

"Oo, pero baka naman may iba pang may kotse na ganyan dito," sagot nya.

"Hindi Aries. Plaka iyon ng kotse ni papa, hindi ako pwedeng magkamali."

"Baka naman pupuntahan ka lang."

Siguro nga ay pupuntahan lang ako ni papa. Pero, dapat ay sinabi nya sa akin. Ilang araw ko na ring hindi sya nakakasabay sa almusal. Sabi ni mama ay maraming ginagawa si papa sa munisipyo ngayon.

Tatakbo na kasi sya bilang Mayor kaya naman madami syang inaasikaso.

"Aalis na ba tayo o pupuntahan mo?"

"Hindi na, late ka na."

Pagkasabi ko noon ay agad ng umamdar ang kotse. Kasabay noon ay ang pagkawala ng kotse ni papa sa aking paningin. 

"Okay ka lang?"

Tumango ako kay Aries bilang sagot. Siguro ay napansin nya na balisa ako. Para kasing may mali na kaylangan kong malaman.

"Future.ni.Aries.Le Bris."

Mabagal na binasa ni Aria ang nakalagay sa aking damit. Nagbugtong hininga ako pagtapos ayusin ang sariling pag iisip.

Tama na Tisha. Nag o-overthink ka na naman.

"Ang lalandi nyo," pabirong sabi nya pero kinikilig din naman.

"Doon tayo sa bleachers, tara na Tisha."

"Doon na kayo sa likod namin umupo, Aria. Nasabi ko iyon kay coach." pag pigil ni Aries sa nagbabadyang pag hila ni Aria sa akin.

"Ayoko doon, Aries." Sabi nya sabay hila sa akin.

Nag okay sign ako kay Aries at sinabihan syang pumunta na sa pwesto ng mga kasama nya. Kay Aria na ako sasama.

"Wala kang dalang pang cheer?" Agap ni Aria ng makarating na kami sa pwesting gusto nya.

"Kulang pa ba ito?" Sabay turo sa aking damit.

"Sabagay," natatawang sabi ni Aria.

"Mukang hindi na maagaw, pinangalanan na."

Nagtawanan na lamang kami dahil sa sinabi niya. Umupo kami sa lugar kung saan kitang kita namin ang magaganap na laro.

"Ang hirap naman mamili kung kaninong team tayo!" Naiinis na sabi noong isang babae sa may itaas namin.

"Oy, anjan si Tisha wag kang magulo."

"Okay lang iyan, masama bang humanga sa boyfriend nya."

Hindi ko maiwasang mapangiti sa kanilang sinabi.

"Tamo mo, ngumiti pa. Mabait iyan, atsaka kahit anong gawin nating pantasya kay Aries, wala na ring mangyayari."

"Pero... kaninong team nga tayo sisigaw?"

Nagkakatinginan kami ni Aria dahil sa kanilang usapan.

Mahirap naman kasing mamili talaga. For sure itong kasama ko ay mag checheer para sa kapatid nya. Magkakampi kasi si kuya Rico at kuya Aruis.

"Tisha, hindi ka na nagpakita sa amin kahapon!" pagalit na bungad ni Bea.

Nakalimutan ko na kasi sila kahapon. Bukod sa late na ako ay hindi ko na intindi ang ibang bagay.

Tahimik na tumabi si Estin sa akin. Anong problema ng isang to.

"Sorry, late kasi ako kahapon. Tapos ay hindi ko na rin naisip."

"Sus!" Sabi nya at ang tawanan sila ni Inez. Sa may bandang baba namin sila naupo. Bali si Aria tapos ako tapos si Estin tapos sila ay sa baba namin. 

"Ayan na mag sisimula. Tahimik na!"

Saway ni Aria sa mga nagkekwentuhang mga estudyante. Kahit kaylan talaga ang isang to ang tapang.

Napansin ko ang pagbaling ni Rico ng tingin sa amin. Siguro ay hinahanap niya ang kapatid o baka itong katabi ko ang hinahanap nya?

"Estin?"

"H-huh?"

Nauutal nyang sagot. May iba talaga.

"May sakit ka ba?"

"W-wala, ano ka ba?"

Nagkibit balikat na lamang ako at itinuon ang atensyon sa laro. Ang magkapatid ang nag aagawan ngayon sa bola. Hawak ni Pio ang bola at binababatayan sya ni kuya Aruis.

"Grabe! Sana ako nalang 'yong bola!"

Sigaw noong babae sa hindi kalayuan sa amin.

"Ang lalandi!" mahina ngunit dinig ko ang bulaslas ni Aria sa aking tabi.

Natawa na lamang ako. Madalas talaga ayaw niya sa mga ganoong babae.

Napukaw ng isang pamilyar na babae ang aking atensyon. Nag lalakad siya sa kabilang dako ng gym. Sumasabay sa bawat galaw nya ang kanyang straight na buhok. May dala syang puting kartolina.

"Tisha, hawak na ni Aries yung bola. Sigaw ka dali!" sabay sabay na sabi ng aking mga kaibigan.

Napailing nalang ako at tiningnan maigi kung handa na ba si Aries sa pag shoot. Binabantayan sya noong isang kasama nina kuya Rico. Ipinasa nya ang bola kay Pancho at muli ay tumakbo para pumwesto sa pag shoot sa may three point line. Matagumpay na pinasa muli ni Pancho kay Aries ang bola.

Sisigaw na sana ako ng biglang may nauna sa aking sumigaw. Ramdam ko ang pag kadismaya ng buong paligid.

"Sino ba sya?"

"Bitch! Hindi nya ba alam!"

"Okay lang magkagusto kay Aries, pero wag naman sana harap harap!"

"Nababaliw na sya!"

Sunod sunod na sabi nang mga nasa paligid.

Napatingin ako sa paligid bago bumaling kay Aries na pilit na ngumiti sa'kin. Nag flying kiss sya bago muling tumalikod na naging hudyat ng malakas na pag tili ng lahat ng tao sa gym.

Pero hindi naging sapat iyon para matinag si Vieya. Nakataas pa rin ang kartolina kanyang dala. May nakasulat roon na future ni Aries Le Bris. Katulad ng nakasulat sa aking damit.

Ano bang gusto mo Vieya?

Sino ba bang talaga?

"Oy Aria, saan ka pupunta?"

"Lapastangan ang babaeng iyon!"

Namilog ang mata ko dahil sa biglang pag alis ni Aria. Hindi ito pwede. Agad rin akong tumayo upang habulin sya. Naramdam ko rin na nakasunod ang tatlo sa amin.

"Sige Aria, sugurin mo!"

Cheer ng lahat kay Aria.

"Aria!" Sigaw ko.

Agad naman syang tumigil at lumingon sa akin.

"Ano papalampasin mo na naman?! Girlfriend ka na! Hindi ka nalang kaibigan. Hindi ka nalang bestfriend. Girlfriend.Ka.Na!"

Ang huling tatlong salita ay binigyan niya ng dini.

"Pwede naman daanin sa matinong usa-"

"Ugh! Pasalamat sya at ikaw yan! Tang inang kabaitan yan. Sobra na!"

Nilagpasan na lamang niya ako pabalik sa aming pwesto. Parehong reaksyon ang narinig ko sa paligid.

Muli ay bumaling ako sa kanya. Mas lumapad ang kanyang ngiti dahil sa nakita.

Kunot ang noo ko bago muling bumalik sa aming upuan.

"Tisha! Ngayon lang ito ha. Sa susunod, hindi mo na ako mapipigilan," saad ni Aria ng tuluyan na akong makaupo.

"Tama sya Tisha! Ang sarap kalbuhin!" Si Inez naman ngayon.

"Kung ako ang girlfriend. Naku makakatikim sya!" Si Bea.

"Tama na yan. Irespeto nalang natin ang gusto ni Tisha." Pag awat ni Estin, kaya naman na tahimik na sila.

Patuloy pa rin ang pag lalaro ni Aria sa kanyang mga daliri. Ngumuso na lamang ako at nanuod nalang ulit.

Si Aries na ulit ang may hawak. Nagpatuloy ang laro, bawat sigaw ko ay mas hinihigitan pa ni Vieya ang kanyang pag sigaw. Tila ay may kompitensya rin sa pag suporta. 

"Naku Tisha, ayusin mo at malapit na akong mainis." Banta ni Aria sa akin.

Umiling na lang ako kay Aria. Pinagpatuloy ko naman ang panunuod sa laro.

Natalo sina Aries sa laro pero masaya pa rin sya. Nagulat ako ng hubarin na niya galing sa kanyang likuran ang kanyang jersey shirt. Basa ng pawis ang grey na na t-shirt nakitang kita mula rito. Nasa gitna pa rin siya ng court habang kinakausap ang mga nanalo. Nakikipagkamay sya sa mga Ito. 

Malakas na halakhak ni Aria at ng mga tao sa paligid ko ang aking narinig.

"Asawa ni Tisha Le Bris." Natatawang sabi ni Aria.

"Well, may pag cheer ka pa hindi naman pangalan mo ang nasa tshirt" pang aasar ni Bea, na para bang naririnig sya ng kanyang sinasabihan.

"Sana all! Le Bris na!" sabay sabay na sigaw ng lahat.

Ini-angat ni Aries ang parte kung saan nakasulat ang pangalan ko na may apelyido niya. Tilay sumabay sya sa sigaw ng lahat.

"Ano ka naman!" sigaw ni Aria habang magka ekis nag dalawang braso.

Nakita ko lamang ang pilit na ngiti ni Vieya. Bago ito tuluyang lumabas ng gym.

Nahihiwagaan talaga ako sa kanya.

Hindi sya taga rito. Kahapon nya lang nakita si Aries. O baka naman nakita na niya si Aries. Ano ba talaga? Bakit mo ito ginagawa?

Palaisipan ka talaga sa akin, Vieya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro