Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Disiotso

Bintang

"Ma, good evening."

Bungad ko sa aking ina ng tuluyan na kaming makapasok ng bahay. Nag mano lamang si Aries sa kanya bago muling nag paalam. Ayaw ko na kasing mag tagal siya rito. Problema ito ng pamilya at ayokong masaktan na naman siya ng dahil sa akin. Noong una ay ayaw niya akong sunduin pero kalaunan ay napapayag ko rin siya.

Ilang sandali pa ay dumating na si papa. Laking gulat ko ng kasunod sa kanyang paglabas ay kasama na rin niya si Vieya. Ang akala 'ko ba ay umalis siya?

Nakita 'ko ang pag kabigla sa mukha ng aking ina.

Hindi 'ko maiwasang mainis kay papa. Bakit kaylangan ay patungtungin niya rito ang babaeng iyon ng wala man lang pasabi sa amin. Hindi man lang niya hinayaang ayusin namin ito bilang pamilya.

Kating kati ba siya dalhin dito ang kabit nya?

"Oh my... what is the meaning of this, Bernardo?!"

Agad 'kong nilapitan ang aking ina at hinagod ang kanyang likod. Ang kaninang nakangising mukha ni Vieya ay tila nag papaawa na ngayon. Hindi ba dapat ay wala siya rito. Paanong nagagawa ni Vieya na humarap sa aking ina?

"Matilde, nakita na siya ni Tisha, kanina sa school. Hindi ba dapa-"

"That's bullshit!" putol ng aking ina. "At tingin mo ay sapat na rason na iyon?! Para dalhin mo rito ang bastarda mo! For Pete's sake! Kung patutungtungin mo lang din iyan dito ay mabuti pang umalis na kami ni Tisha! I can barely think that my precious daughter is breathing the same air with her!"

"Anong po ibig ninyong sabihin mama?"

Pabalik balik ang tingin 'ko sa aking ama at ina.

Bastarda?

Ibig sabihin ay ate 'ko siya?

"See, nakita lang ni Tisha ang basurang 'yan sa school at dinala mo na s'ya agad rito! Ni hindi mo 'man lang pinaliwanagan muna ang anak mo tungkol sa..."

Hindi na magawang ituloy ni mama ang kanyang sasabihin. Tiningnan niya si Veiya mula ulo hanggang paa at pabalik bago tinalikuran si papa.

"Totoo ba, papa?"

I want the truth came straight from my father.

"Princess, she's your ate. I didn't know that I had a child with Lorena, her mother. I had so many flings that time even when I am already engaged with Matilde. I'm so sorry, Tisha."

"Oh please... don't touch me! You're disgusting!"

Hawi 'ko sa kamay ni papa na dapat ay lalapat sa aking balikat.

"Princess, please listen to me."

"And don't you dare calling me princess. I'm not your princess anymore! I'm done being your princess! I hate you!"

Tatakbo na sana ako pataas ng biglang nakarinig kami ng sigaw ni mama mula sa kusina. Mabilis akong nag tungo roon at nilagpasan ang nakabungisngis na mukha ni Vieya.

Wala akong panahon para sa katulad niya.

"Kanor! Salome!"

Sigaw ni papa ang bumungad sa akin. Agad niyang binuhat si mama pero tumangi ito. Masakit ang kanyang nararamdaman pero hindi niya magawang isang tabi ang galit para sa aking ama.

"S-stay away from me B-bernardo!"

Nakuha pa niyang mag salita kahit halos hindi na maipinta ang kanyang muka. Nakatulala ako habang pinag mamasdan ang aking ina. Gumuho ang mundo ng makitang bamagal na umaagos ang dugo sa kanyang hita.

Agad na kinuha ni mang Kanor si mama dahil ayaw niyang sumama kay papa. Tinapunan 'ko ng tingin si papa bago mabilis na sumunod kay mang Kanor palabas ng bahay.

"Sana mamatay na 'yong kapatid mo."

Mahina ngunit mariin ang pag kakabigkas ni Vieya ng bawat salitang kanyang binitiwan habang dumadaan ako sa kanyang harapan.

Sinamaan 'ko siya ng tingin bago sya tuluyang nilampasan.

Pag may nangyari sa kapatid 'ko. Sisiguraduhin kong pagsisisihan mo ito Vieya. 

"What happened daddy, oh my God! Sana maging okay lang si Tita."

Mga salitang lalong nag pa inis sa akin. Matapos na iyong sabihin ay magdadrama siya ng ganoon kay papa?

"Pakibilis nalang mang Kanor,"

Saad ko bago hinawakan ang kamay ni mama. Umiiyak na siya sa sobrang sakit.

Hindi ko maintindihan si papa. Alam naman niya ang sitwasyon ni mama, bawal sa kanyang ang stress. Alam  niya na pag na ulit pa ito ay pwede ng  mawala sa kanya ang aking kapatid.

Did he choose Vieya over the child in my mother's womb?

Hindi ko talaga mapigilan ang galit na unti unting nausbong sa aking pagkataon.

Ang isipin ang aking walang kamalay malay na kapatid ay nag dudurusa dahil sa kasalanan na hindi naman niya ginawa. Hindi ko kaylan 'man kayang patawarin ang kung sino mang dahilan nito.

Matapos naming makarating ng hospital ay agad ring naming nalaman na okay si mama at ang baby. 50/50 silang pareho pero ginawa ng doktor ang lahat. Muli ay nag bilin sila na kung maari sana ay wag na wag na iyong mauulit. Hindi na nila maipapangako na kaya pa nilang isalba ang isa sa kanila or worst ay baka pareho silang mawala.

"Tisha, nalaman namin iyong nangyari. May naririnig na kami tungkol sa babaeng iyon pero hindi namin sinabi sa iyo kasi tingin namin ay hindi kami dapat nanghihimasok," si Bea.

Lunch break ngayon at back to normal na ang pasok. Tapos na ng sportfest. Magreready na ulit para sa exam week.

"Oo nga, dapat pala ay sinabi na namin agad." si Bea.

"Okay lang iyon." Sagot ko sa kanila.

"Wait, nasaan ba si Estin? Magpapaturo ako para sa problem solving," saad ni Bea habang humihigop sa kanyang softdrinks.

"Si Aries nga rin wala." puna ni Inez.

"Iwan ko muna kayo," paalam ko sa kanila.

Unti unti mula ng araw na iyon ay mas gusto ko magisa. Ngayon lamang ako iniwan ni Aries. Pero okay lang iyon, hindi ko rin naman siya kinakausap. Tahimik lang ako palagi at hindi kumikibo.

Nalaman ko na galing maynila pala si Vieya. Pumunta sya rito para makilala ang ama. Ngunit tingin ko ay hindi lamang iyon. Gusto niya makuha ang buhay na meron ako. Simula pa ng umpisa ay grabe na siyang makalapit kay Aries. Tapos pag wala si mama sa bahay at andoon ako ay bumibisita siya. Hindi ko na lamang siya pinapansin kasi ayoko malaman pa ni mama ang tungkol sa pag punta niya. Iniiwasan ko ang ma stress si mama.

Pero kahit anong iwas ko ay Vieya ay hindi ito umuobra minsan kahit nasa kwarto na ako ay napunta pa rin sya roon.

"I like your room, can I sleep here?"

Imbes na sagutin s'ya ay nagpatuloy nalang ako sa mga ginagawa 'ko. Minsan ay kinukuha nya ang mga bagay na magustuhan niya sa aking kwarto. Ngunit noong hawakan na niya si Peechy at sinabi na iuuwi niya para alagaan kahit isang araw ay nagalit talaga ako.

"Gawin mo kung anong gusto mong gawin! Wag na wag mong hahawakan ang kahit anong bagay na may kaugnayan kay Aries! Lalong lalo na si Peechy!"

"Fine, chill ka lang."

Sa sobrang inis ko ay hinila ko siya palabas ng kwarto ko. Punong puno na ako sa lahat ng kanyang ginagawa.

"A-aray nasasaktan ako!" Angil niya sa akin.

Hinablot rin nya ang aking buhok at nauwi kami sa sabunutan hanggang umabot kami sa may hagdaanan kung saan siya na hulog. .

Hindi ko iyon sinasadya. Nakita ko na lamang na namimilipit siya sa sakit habang papasok si mama ng bahay. Namilog ang mata niya ng makita si Vieya sa sa baba ng hagdan bago tumingal sa akin. Galing s'ya sa check up para sa kanyang pag bubuntis.

Agad na nagtungo si mama sa akin at hindi pinansin si Vieya. Walang kahit isang katulong ang dumalo sa kanya hanggat sa dumating si papa.

"What happened?!" pinaghalong gulat at galit ang namuo sa kanyang boses.

"Walang kahit isa sa inyo ang tumulong sa aking anak?! Anong klaseng mga tao kayo!"

"Nabigla rin si Tisha sa nangyari Bernardo, for sure hindi rin niya iyon sinasadya. You know our daughter very well." mahinahong sabi ni mama habang hinahaplos ang aking buhok.

"Pa, kinuha nya po kasi si Peechy kaya naga-"

"Dahil lang sa aso na yan sasaktan mo ang kapatid mo!" Sigaw ni papa sa akin.

Dahil lang sa aso? Hindi ito basta aso.

At sa lahat ng tao si papa ang nakakaalam noon. Na si Peechy ay aso namin ni Aries.

"A-aray," hesterikal na boses ni Vieya ang pumukaw ng atensyon ni papa.

"Hindi pa tayo tapos, Latisha!"

"Hindi mo sya papagalitan Bernardo, para sa bastarda mo! Pag ginawa mo iyon ay mawala kami sa iyo! At napagusapan na natin na kahit kaylan ay hindi ko siya matatangap dito!"

Sigaw ni mama habang papalabas si papa at Vieya. Tumingin ako kay mama at mukang hindi naman sya ganoon ka-stress.

"Okay lang Tisha?"

"Opo mama."

"No one, will hurt you. I'll promise you, okay?"

Tumango na lang ako sa kanya. Pagod na akong palaging nalang pinoprotekhan. Ako naman ang magiging matapang. Kaylangan ko lang ayusin ang aking sarili. Hindi makakatulong kung palagi nalang ako magiging mapagparaya. Dapat ay malaman rin ni Vieya kung saan sya dapat lumugar.

"Grabe noon, akala ko talaga mabait sya."

"Santa santita naman pala."

"Pinagahasa niya si Vieya, para lang umalis rito sa Aguinaldo. Kaya naman pala walang gustong kumalaban sa kanya."

Bulong bulungan ang aking narinig sa hallway.

Pinagahasa? Sinong nag pagahasa kay Vieya?

"Hoy! Tisha, layuan mo na si Aries. Hindi kayo bagay. Ang sama naman pala ng ugali mo."

"Ano bang sinasabi mo?"

"Nang mamaang maang ka pa!"

"Pwede ba hindi ko alam kung anong sinasabi mo. Kaya paraanin mo ako!"

Sabay tulak ko sa kanya. Madami na akong problema at ang makipagtalo sa kanila ay hindi ko na kayang pang idagdag sa aking gawain.

"Fake si Latisha!"

Sigaw nila.

Mabilis ang aking bawat hakbang. Kung saan man galing ang lahat ng sinasabi nila ay hindi ko rin alam.

"Tisha," si Aria.

Nagulat ako ng bigla akong mabungo sa kanya. Agad naman niya akong niyakap ng mahigpit.

"Thank God, nahanap kita. Hindi ako naniniwalang kaya mo iyong gawin lahat."

"Aria, hindi ko alam kung anong sinasabi nila."

"Nasaan ang phone mo?"

"Iniwan ko sa bahay. May isang linggo na siguro, wala akong gana sa kahit ano, alam mo iyan."

Hindi ko na nga alam kung anong meron sa phone ko. Simula ng araw na iyon ay hindi ko na iyon hinawakan pa. Si Aries ay palagi nalang akong sinusunod sa bahay. Ayaw ko rin na sa bahay kami na tumambay ni Aries, lalo na pag andoon si Vieya.

"Oo, si Aries nasaan?"

"Kanina pa syang wala."

Huminga ng malalim si Aria. Muli ay niyakap niya ako.

"Litong lito na ako, Aria."

Simula rin ng araw na iyon ay ngayon lamang ako umiyak. Para akong isang batang nagsusumbong sa aking ina.

"Tisha, naniniwala kaming mga totoo taong nakakakilala sa iyo na hindi mo iyon magagawa."

"Ano ba iyon Aria?"

"Ikaw ang nagpasunog ng bahay ng mga Pineda, ikaw rin ang nag utos na gahasain si Vieya. Pero tanga nalang ang maloloko ng kung sino man ang nasa likod ng mga krimen na iyon. Ni hindi mo nga magawang makasakit kahit maliit na insekto tapos mag papasunog ka ng bahay at maguutos ng ganoong klase ng krimen?"

Namilog ang mata ko sa sinabi ni Aria. Hindi ko alam na may ganoong chismis na rito sa school at sa buong bayan. Masyado ba aking preoccupied dahil sa nangyari.

Ipinakita ni Aria ang ang ilang messages na galing mismo sa aking social media account at gamit rin noon ang number. Kaya pala tinanong niya kung nasaan ang phone ko.

Isang tao lang ang pwedeng gumawa at may motibo gawin iyon.

Hindi ko lang maisip na ganoon syang ka desperada para makuha ang gusto niya.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro