Disasais
Pangamba
"Baka madapa ako, Aries."
Nakahawak ako ang isang puting telang nakatakip sa aking mga mata. Eto na naman sya sa mga gimik niya.
First date daw kasi namin at dapat ay memorable iyon.
Gusto na naman pumuntos ni Aries. And yes, I'm counting his points. And maybe, I will consider it again... as his first point, dahil kami na. Hindi ba dapat ay ganoon iyon? Back to zero.
At sana, hindi na kami mag back to zero pang muli. Sana mag dirediretso na ang pag puntos niya. I want to count his points until my last breath, a thousands of it.
"Paanong madadapa ka? Kaylan 'ko ba hinayaang masaktan ka. Ako muna ang masasaktan Tisha, bago ikaw. Ako muna!" mariin niyang sabi sa akin.
Dahan dahan niyang tinggal ang takip ng aking mga mata.
Namilog ang aking mga mata dahil sa nakita. Isang puting tela ang nakalatag sa ilalim ng punong mangga kung saan madalas kaming mag laro noon. May mga christmas lights din sa paligid at mga dekorasyong malaki at maliit na mga puso. May ilang nakasabit rin na mga pictures namin simula pa noong maliit pa kami. May nagkalat din na puti at pink na lobo sa paligid.
"Happy three days, sevety-nine hours and two thousand four hundred seventy minut-"
"Ang OA mo na Aries," sabay tapik ko sa kanyang balikat.
"Love mo naman ako," natatawa niyang sabi.
"Ay wait," sabay kuha niya ng isang sunflower.
"Bakit isa lang?" ang tipid namang isang to.
First date daw!
"Ganto kasi yan," hinakawan niya ang kamay ko na nakahawak sa sunflower. Tapos inilagay iyon sa gitna naming dalawa, "ako yung I tapos yung sunflower yung love tapos ikaw yung you."
I chuckled, "ang corny mo."
"Kinikilig ka naman."
Pag mamayabang nya pa sa'kin. Muli ay sumenyas siya sa akin.
Nagulat ako ng bigla siyang sumipol. Namilog muli ang mata ko ng mabilis na tumatakbo si peechy papalapit sa amin. May tangay sya flower crown. Sobrang cute nya rin dahil sa damit nya. Sunflower rin ang design noon.
"Good girl," saad ni Aries bago muling tumingala sa akin. Nakatingkayad kasi siya sa harap ni Peechy.
"Dinamay mo pa iyong aso," puna ko.
Kahit ang totoo ay gusto ko ng tumili dahil sa kilig.
"Peechy dito muna kayo ni mommy, may gagawin lang si daddy ha."
Nanliit ang mata ko dahil sa sinabi nya. Mommy daw?
Pero hindi na ako umangal. Naupo ako sa puting tela na nakalatag sa lupa. Agad naman lumapit sa akin si peechy at pumwesto na sa aking mga hita.
"Ikaw ha, akala ko ba tayo ang kampi. Bakit naging kakampi ka ng daddy mo?" nakangiti kong tanong kay peachy.
Hindi naman siguro ito mag sususumbog sa daddy nya. Hindi ko mapigilang ngumiti ng sobra dahil ang isipin anak nga namin talaga si peechy.
Napatingala ako dahil may tumugtog na gitara kung saan.
Maya maya pa ay nakita ko si Aries na naglalakad papalapit sa akin mula sa likod ng puno. Wala naman syang hawak na gitara pero may natugtog pa rin.
"Uso pa ba ang harana... marahil ikaw ay nag tataka... sino ba tong mukang gago nagkandarapa sa pag kanta, nagsisintunado sa kaba."
Ngayon ko lang narinig na seryoso ang pag kanta ni Aries, dati kasi ay madalas pabiro ang mga iyon. Hindi sya kasing galing ni Leo, pero sa oras na ito masasabing kong maganda rin ang kanya boses.
Shit! Sobrang perfect na talaga ni Aries. Ano pa bang hahanapin ko sa isang tulad nya.
"Puno ang langit ng bituin o kay lamig pa ng hangin sayong ngiti ako'y nababaliw, giliw. At sa awiting kong ito saan ay maibigan mo, ibubuhos ko ang buong puso sa isang munting harana para sayo..."
Grabe damang dama ang kanta. May pa pikit pikit pa syang at alam mong galing sa puso nya ang lahat ng iyon. Ngumiti sya sa akin habang dahan dahang umuupo. Kaso nga lang muntik na syang matumba dahil sa pag kabigla, ganoon rin ako.
Bumubuka ang bibig nya pero iba naman ang salitang lumalabas sa kanta bukod pa roon ay ibang kanta na iyon. Hindi na iyon yung harana na kanta.
"Mapapagod lang sa kakatingin kung maraming namang nakaharang... aawit na lang at magpaparinig ng lahat ng aking nadarama, pag bibigyan nalang silang magkandarapa sa panlili-"
Nanlisik ang aking mga mata sa kanya. Hindi na niyang magawang lingunin ako.
"Hoy! Leo naman!"
Inis niyang tawag sa kapatid na nasa itaas lang pala ng puno. Nakapikit ito ay damang dama ang kanta, may pag tango pa siya habang binibigkas ang bawat salita ng kanta. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapatawa.
Bakit ba naniwala akong kanyang kumanta ni Aries samantalang si Leo lamang biniyayaan sa kanila.
"Sorry kuya, sorry sorry. Kala ko mush up yung kanta," sabi nito bago marahan bumababa sa puno.
Tinapunan ko siya ng isang magandang ngiti nang tuluyan na siyang makababa. Ang isang ito, nagpadala rin sa kalokohan ni Aries. Ang buong akala ko ay aso lamang ang kaya niyang lokohin hindi ko lubos maisip na pati ang bunsong kapatid ay idadamay niya sa kanyang kalokohan.
Tinakpan ko ang aking bibig upang mapigil ang aking pagtawa.
"Bakit kasi hindi nalang ikaw ang kumanta?"
"Tapos ano? Aasarin mo ako? Hindi na!"
Ang pikon talaga ng isang to. Bakit hindi ko ba sya maasar dahil sa ginawa nya. Nag lipsycne pa siya, hindi ba kaasar asar iyon?
"Kumain ka nalang," halata pa rin na pikon siya habang sinasabi ang mga iyon.
Tinutulungan ko siya sa pag aayos ng mga pagkain mukang sa mansyon niluto. May cake at ice cream roon na ngayon ay tunaw na. May ilang chips at softdrinks din. Mukang pinaghandaan talaga.
"Oy, bawal 'yan si peechy."
"Bakit?"
"Kasi chocolate yan," paliwanag ko.
Binigyan nya kasi ng cake si peechy. Dapat ay hindi.
"Ayan na lungkot ang strict mo kasing mommy, minsan lang naman kasi," sagot nya.
Pinagmasdan ko si peechy at mukang totoo nga nalungkot sya. Muli ay inilapit ko ang cake para makain niya. Tapos ko iyong gawin ay kumuha ako ng kapiraso gamit ang aking hintuturo.
"Ayan! Sobrang strict ko kasi," sabi ko habang pinapahidan sya ng icing sa ilong.
"Ah ganoon pala ang pagkain ng cake. Teka nga."
"Ay, sige subukan mo! Break na tayo!"
"Aba nasaan yung Tisha sobrang bait. Nalaban ka ata ngayon,"
Natapos ang gabi iyon. Hinatid ako ni Aries sa amin, nag paalam ako sa kaniya bago siya tuluyang umalis. Hindi na matanggal ang aking ngiti hangga't sa makapasok ako sa aming bahay. Ang kaninang masaya gabi ay tila napalitan ng isang bangungot.
"Ano ito Bernardo?! Hindi mo lang ba naisip kung paano si Tisha?! Basta mo siya dinala dito ng wala mang lang pasabi sa amin, sa kanya na anak mo!"
"Matilde, hindi ko naman ginustong ita-"
"Ginustong itago? Ganoon ba?! Kung hindi ko pa pala malalaman ay hindi mo sasabihin sa akin?!
"Mama, papa ano po bang pinag aawayan ninyo?"
Pabalik balik ang tingin ko sa kanilang dalawa, hindi ko mapigilan ang sarili na sumabat dahil na narinig ko naman ang pangalan ko sa kanilang pag tatalo.
"W-wala naman, alam mo namang buntis ang mama mo. She's so emotional these days," hagod ni papa sa aking buhok.
Nakita ko ang frustration sa mukha ni mama. Punong puno ito ng galit at nang tumingin na ito sa akin ay bigla iyong napaltan ng awa.
Bakit? Para saan ang awa ni mama?
Mabilis akong tumakbo sa kinalalagyan ni mama ng bigla iyong humawak sa kanyang tiyan. Ang makita ang aking inang namimilipit sa sakit ay pasakit sa akin.
"Kanor! Ihanda mo ang kotse! Bilis!" sigaw ni papa mula sa aming sala.
Agad naman niyang binuhat si mama at dinala ito palabas ng bahay. Gulat pa rin ako sa nangyari pero sinubukan kong hindi mataranta. Mama needs me, kung ano man ang pinatalunan nila ni papa ay sigurado akong hindi iyon maganda.
"Doc, kamusta po?" Agad na tayo ni papa.
"Mayor, sa ngayon po kaylangan natin ng matinding pag iingat. Hindi maganda ang kapit ng baby sa kanyang matres. Ang sobrang stress ay hindi makakabuti. Kung mauulit pa ito ay maaring isa na lamang sa kanilang dalawa ang maililigtas."
"Sige doc, thank you."
Pinagmasdan ko si mama habang mahimbing syang natutulog. Hindi ko pa rin mawari kung ano talaga ang ang sanhi nito.
"Tisha, ako na bahala sa mama mo. You should go home."
"Pa, tell me the truth. Hindi ako mapalagay na dahil lang emotional sya ngayon kaya siya nagkaganto. I'm not a kid, pa. So please, what it is?"
"Tisha, saka na lamang natin pag usapan. You should take some rest, and your mama needs it too. I will tell you the truth... promise," saad niya.
Malungkot ang kanyang mga mata ganoon rin ang kanya boses. Bakit ba hindi niya magawang masabi sa akin. Ano ba iyon?
Katulad ng sinabi nya ay umuwi na ako, ngunit hindi rin naman ako nakapag pahinga ng maayos. Mag damag na gumambala sa akin ang nangyari kagabi. Hindi umuwi sina papa, tingin ko ay nasa ospital pa sila.
Tamad kong tiningnan ang orasan sa tabi ko. Ayaw kong pumasok at iyon lamang ang sigurado ako para sa araw na ito. Muli ay pumikit ako para pahinga ang aking isipan.
Gusto kong sa aking pag mulat ay tapos na ang aking mga pangamba.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro