Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Diez

Puyat


"Hala! Totoo nga, kaklase natin si Aries."

"Ang swerte naman talaga natin."

Bulungan agad ng mga kaklase namin ang aking narinig. Tingin ko ay hindi na rin iyon bulong kasi malinaw sa akin ang mga sinabi nila.

Iginala ko ang aking mata at sa bandang dulo ay mayroon pang mga bakanteng upuan. Isang bag lang ang andoon.

"Doon tayo," pukaw ko sa atensyon ni Aries.

Tumingin lang ito sa akin, bago nag lakad palapit sa pwestong sinabi ko.

"Kaso, kahit anong pa cute natin, mukhang kay Tisha na talaga si Aries."

"Oo nga, lagi silang magkasama."

"Bagay naman sila, kaya okay lang. Atleast nasa section natin si Aries."

Sabi nila at sabay sabay na nag hagikgikan.

Ibinaba ni Aries ang bag ko sa katabi noong upuan na may bag. Bale lima kasi yung upuan. Nasa pangatlo sa dulo yung bag nya. Kaya siguro itinabi ni Aries yung upuan ko doon ay para sya ang umupo malapit sa pathway, kasi naman naiisip ko rin kung doon ako umupo, ay iiksi na naman tingnan ang palda ko. Siguro ay iyon din ang naisip nya.

"Wag kayong umupo jan, kumuha nalang kayo ng ibang upuan."

Napalingon ako sa isang babae na biglang nagsalita, bumaling ako sa kanya ng matagumpay na akong nakaupo.

"Bakit?" tanong ko.

"Mangkukulam yan, ewan ko ba kung paano yan naka pasok rito. Siguro dinaya nya iyong scholarship exam," sabi nya ulit.

"By the way, Luisa."

Tinanggap ko ang kamay nya atsaka ngumiti.

"Tisha," sagot ko.

"Ang ganda ganda talaga ng name. Latisha Barbara, iniisip ko bakit hindi ako pinangalanan ni mama ng ganon," si Luisa.

Hindi ko alam kung compliment ba iyon. Pakiramdam ko kasi ay wierd ang pagkakasabi nya. Nakita ko ang malagkit nyang tingin kay Aries.  

"Hi Aries," pukaw nito sa atensyon ni Aries.

Tulad ng ginawa nya sa akin ay nag lahad ito ng kamay kay Aries, ngunit hindi iyon pinansin ng aking katabi. Nakita ko ang paglungkot ng mata ni Luisa. Feeling ko ay pahiya sya.

"Aries," tawag ko.

Sinenyasan ko sya na tanggapin ang kamay ni Luisa. Ang isang to, nag iinarte na naman.

"Hi," sabi nya at mabilis na tinanggap ang kamay ni Luisa.

Nakita ko ang paglapad ng ngiti nya, kaya naman nag tilian ang mga katabing babae na tingin ko ay kaibigan nya. Itinagilid ko ang aking ulo, dahil sa aking pakiramdam na... may mali.

Dalawang babae pa ang dumating, wala ng ibang upuan kundi doon sa hilera namin. Siguro sa Biblica nag aral ang mga ito, wala akong kilala sa kanila na kahit isa. Sa mga kaklase namin ay bihira ang namumukaan ko, marahil katulad ni Claudia, sa ANHS na pumasok ang iba.

"Inez, dito may bakante pa!" tawag nya sa kasama.

"Hala! andito pala si Aries."

Napabaling naman ako sa katabi ko na ngayon ay nakaubob sa kanyang lamesa. Siguro ay umidlip sya saglit.

Anong oras kaya ito nagising?

"Hi, Tisha. Ako si Inez Alarcio," pakilala nya, pagtapos nya umupo.

Hindi niya alintanan ang upuan sa aming pagitan.

"Hello, masaya akong may mga katabi na kami."

"Hala, totoo pala ang ganda ganda mo, akala namin sa section one din kayo. Kasi andoon si Aria, ang ganda nya rin."

"Ang daldal mo Bea, magpakilala ka kaya muna," pagsusungit nya sa kasama.

Natawa naman ako dahil sa kanilang dalawa. Kumpara kay Luisa ay mukang magaan silang kasama. 

"Eto na!" pag angil nya. "Beatrice Consolacion, Bea nalang," sabay lahad rin ng kanyang kamay.

"Okay lang ba na makipagkaibigan kami sayo, I mean sobrang taas mo. Kahit na sabing mayaman rin kami. Iba pa rin pag isang Santiago."

"True, yung bang mga bigating pangalan dito sa Aguinaldo. Santiago, Le Bris, Lazatin, Quiambao, Prieto, Vasquez... oy ano pa ba?" si Inez.

"Alvarez atsaka Martinez ata, basta yon," sabay tawa ni Bea.

Natawa na naman akong muli. Totoo naman kasi yung mga sinasabi nila. May mga mayayaman din dito sa Aguinaldo pero iba pag kabilang sa mga pamilyang iyon. Para bang nasa elite class ka na.

"Oo naman, wag nyo nalang pansinin yon," sabi ko.

"Hala, true pala yung balita na... mabait kang talaga," si Inez.

Napabaling kami sabay sabay dahil biglang nagtahimikan ang buong klase. Kanina ay puro kamustahan at tawanan parang bang sabik sa unang araw ng eskwela.

Kumunot ang noo ko, nang pumasok na yung babaeng may kulot na buhok at maputi ang kulay ng balat.

Teka, saan ko ba sya nakita?

"Bakit kasi dito pa sya pumasok?" Narinig kong bulaslas ng mga kaklase ko.

"Takot mabully sa ANHS, kaya nag susumiksik dito? Ano porket kakaunti ang nag aaral, wala ng mambubully sayo?"

Napatingin ako sa biglang pag tayo ni Luisa at ng group nya. Umismid ako dahil sa nakita. Ano bang problema nila sa babaeng iyon?

"Grabe talaga tong si Luisa."

"May problema ka Bea? Kung gusto mo ikaw nalang makipagkaibigan sa mangkukulam!"

Namilog ang mata ko sa gulat dahil mag kakilala sila.

"Kahit naman hindi mangkukulam, binubully mo. Kung may mangkukulam dito, ikaw yon!" si Inez naman ngayon.

Hindi ko alam kung saan ba ako babaling, sa babaeng maputi at kulot o sa mga kaklase ko na baka mamaya ay mag away na.

"Aba't talaga kinaka-"

"Tama na!"

Napabaling kaming lahat sa aking katabi. Kinusot nya ang mata nya tila na istorbo sa kanyang pag tulog.

Bakit ba puyat ang isang to?

Sabay sabay na bugtong hininga ng mga kaklase ko ang aking narinig. Dahil doon ay nilapitan ko ang babae.

"Okay ka lang? Saan ka nakaupo?" tanong ko.

"Tisha, wag kang lumapit sa kanya. Baka kula-"

"I said! Enough!"

Maging ako ay napalundag sa lakas ng boses ni Aries. Siguro ay bitbit nya pa rin ang pag kainis dahil sa aking palda tapos nadagdagan pa ng ganto.

Hindi ko na nilingon ang mga kaklase ko bagkos ay ngumiti nalang ako sa babae.

"Doon sa tabi mo,"

Ang ganda ng boses nya, malumanay iyon. Pero napansin ko na may konting pimples sya sa muka. Pero kung tatanungin ako ay maganda pa rin naman sya.

"Anong pangalan mo?" tanong ko tuluyan na kaming makaupo.

"Estin," tipid ang kanyang naging sagot.

"Good morning class! Since first day, hindi muna ako pumasok ng maaga ngayon. Hinayaan ko muna kayo na magkasama sama at makilala ang isa't isa. Hindi ko rin kayo bibigyan ng sitting arrangement, gusto ko na maging komportable kayo sa aking classroom. Call me Ms. Paloma, your adviser and personality development teacher," saad nya.

Like the usual, pag first day of school, tatayo para mag pakilala. Sabihin ang mga gusto at hilig at kung anong ineexpect mo sa kanyang klase.

Nagkaroon din kasi ng class officer. Kami ni Aries ang escort at muse which is hindi namin naranasan noong elementary.

"Ms. Canlas?" tawag ni Ms. Paloma.

"Y-yes ma'am?" Sabi ni Estin, sabay tayo mula sa kanyang upuan.

"I except high grades from you. Since, ikaw lang ang scholar sa klase ko," sabi nya habang tinitingnan ang isang papel.

"Okay po, ma'am," sagot nito bago umupo.

"For sure, mandaraya na naman yan," parinig ni Luisa.

Naiinis na talaga ako sa kanya! Ano bang problema nya kay Estin? Mukha naman walang ginagawa masama sa kanila.

"Mr. Le Bris and Ms. Santiago," nakataas ang kilay nya habang hinihintay kaming tumayo ng sabay.

"This is unexpected, na may mga malalaking pangalan akong mahahawak sa aking klase, can you tell us, why?" tanong ni Ms. sa amin.

"Nag kasakit ako Ms." tipid ang sagot ni Aries.

"And you, Ms. Santiago?"

"Inala-"

"Hindi ho siya pwede mag enroll ng hindi ako kasabay," putol ni Aries sa akin.

Sumilay ang ngiti sa labi ni Ms. Paloma, noong una ay akala ko ay masungit sya. Ngunit mukang sinubok nya lamang kami. Our personalities.

Personality Development nga pala ang subject namin sa kanya. Ito yung subject na huhubog sa pagkatao mo, minsan kasi sa age namin, may stage na kung saan hindi namin sigurado kung babae kami o babae rin ang gusto namin. May mga time kasi na sa highschool iyon na dedevelop. Kaya naman nag offer ang school na ito ng ganong subject para mas maagang malaman ng mga kabataan ang gusto nila. Makakatulong rin ito para mas maaga namin malaman kung anong gusto namin kuning kurso sa kolehiyo.

"Totoo pala," natatawa nyang sabi."Hindi nga pala talaga kayo pwede pag hiwalayin," dagdag nya pa.

Nakita ko ang mangha sa mukha ng aming mga kaklase. Pilit na ngiti ang binigay ko sa kanilang lahat. Ito ang dahil kung bakit mas okay pag middle class ang kasama mo sa school. Walang masyadong issue kundi yong paano lang magbabayad ng tuition monthly.

"How about... pag layuin ko kaya kayo? Sa unahan ko papaupuin si Tisha, tapos ikaw ay jan sa pwesto mo? For a change, hindi ba magiging sikat a
ko noon pag nagkataon. Dahil ako lang ang tanging tao sa Aguinaldo, ang nakapaglayo sa inyo. What is your stand about that, Mr. Le Bris?"

"Then, this is your last day as a teacher... Ms. Paloma," mariin nyang sabi pero ramdam mo pa rin ang pag galang na may halong pag hahamon.

Natawa si Ms. Paloma, kaya naman lahat sila ay natawa rin,  ako lang ata ang hindi. Ang isang to, malalagot kasi mamaya pag tapos ng klase.

Dahil lang doon, magtatagal sya ng teacher? Nahihibang na sya. Upuan lang iyon, pwede pa rin naman kami magkasama pagtapos ng klase. Hindi iyon sapat na dahilan para mawalan ng trabaho ang isang teacher.

"Oh, I won't dare."

Mas lalo pang lumakas ang tawa ng lahat dahil sa naging sagot ni Ms. Paloma.

Pagtapos noon ay binigyan nya kami ng activities para sa araw na ito. Sinamaan ko lang ng tingin si Aries, ngunit hindi ako sinulyapan nito. Bagkos ay seryoso nyang ginawa ang activity. Umismid ako bago bumaling sa aking gagawin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro