Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Bente Siete

Pangalan ko

Ang malakas na tunog ng tubig na bumabagsak mula sa itaas ang sumalubong sa amin. Mas maganda pag masdan ang falls mula rito sa malapit. Sa likod ng gumaragasang tubig ay ang bunganga ng kweba. Tuloy pa rin ang pag agos ng tubig papasok doon. Kumpara sa labas ay mas malamig ang tubig rito. Mas luntian ang kulay ng mga maliit na halaman nabubuhay roon, may mga insekto rin lumilipad sa paligid.

Ngumiti ako ng salubungin ako ng isang dilaw na  paru-paro. Dumapo siya saglit sa may balikat 'ko bago muling lumipad at dumapo sa mga bulaklak na nag tataglay ng ibang ibang hugis at kulay.

"C'mon, let's explore the cave."

Bakas ang excitement sa boses ni Max. Ang kaninang na bubuong tensyo sa amin ay tila nalimutan dahil sa ganda ng kweba.

Bakit ba hindi kami nagpunta rito noon?

Dahil mga bata pa kami? Hindi pa kami papayag? But, I think papayagan naman, kung nagsabi kami.

"Masakit pa ang paa mo?"

Napabaling ako kay Aries ng bigla s'yang magsalita mula sa aking tabi.

"O-okay na... manhid na 'yong pakiramdam ko."

"That's good. Be careful... Tisha."

Tinapunan ko s'ya ng isang pilit na ngiti. Sa totoo lang hindi ko alam kung paano s'ya papakisamahan.

"I... I-i will, t-thanks Aries."

Damn! Bakit ba ako kinakabahan?

Naiisip ko na naman 'yong posisyon kung saan nakatayo ako at nakaluhod siya habang tinitingnan ako. Alam ko ang mga ganoon bagay, hindi iyon maiwasang pag usapan sa circle of friends ko sa England.

And according to them, 'yon ang pinakamasarap na mangyayari sa isang babae, pag ginagawa na 'yon. But... gagawin lang daw 'yon ng lalaki kung mahal nila 'yong girl.

And bullshit! Bakit ko ba iniisip ito?

Napailing ako ng marahan upang mawala sa aking isipan ang mga bagay na iyon. Masyadong mapanganib para sa akin. Hindi ako dapat nagiisip ng ganoon. Mali 'yon, Tisha! Mali 'yon.

"Are you okay?"

Dumampi ang palad ni Aries sa aking balikat, mabilis ko iyong iniiwas. Sa simpleng pag lapat ng kanyang balat sa akin ay para akong nakukuryente.

"O-okay lang."

Latisha! Jusko ayusin mo ang buhay mo. Hindi ka nag aral para mag isip ng ganyang mga bagay. Ni hindi ko pa iyon nakaranas, pero ang aking utak ay tilay alam na ang bawat eksena sa mga pangyayaring iyon.

"May problema na naman ba?" si Teri.

"Wala, tinatanong ko lang kung masakit pa ang paa niya." pinal na sagot ni Aries kay Teri.

"Okay na 'di ba? Maliit lang na sugat 'yan Tisha. I hope... hindi sirain ng sugat mo ang gala natin. Lalo na't, I'm considering this place for our pre nuptial shots. Right, Clav?" sabay haplos niya sa balikat ni Aries. 

Pilit akong ngumiti habang pinag mamasdan ang marahan na pag haplos ni Teri sa balikat ni Aries, bumaba iyon sa braso tapos ay bumabalik rin sa may balikat.

Nagawa na kaya nila 'yon?

Napalunok ako dahil sa sariling pag iisip, huminga ako ng malalim bago tuluyang nagsalita, "O-oo naman. Sige, hmm... sundan ko lang si... Max," agaran kong sabi at  iniwan sila roon.

Hindi ko alam kung saan ba ako dadalhin ng aking mga paa. Basta umalis ako sa harap nilang dalawa.  Luminga linga ako pero wala akong Max na nakita.

Nasaan ba sya? Kanina lang ay andito pa s'ya.

"Max?" tawag ko sa atensyon ng kaibigan.

Hindi ko na inalintanan ang matatalas na batong gumuguhit sa aking balat. Unti unti na ring dumilim at halos wala na akong makita. Binuksan ko ang flashlight ng aking cellphone upang may magamit akong ilaw sa pag hahanap. May ilang paniki pa ang lumabas mula sa madilim na parte. Iniliwana ko iyon at nakita marami ang natutulog sa may kisame ng kweba.

Lumingon ako sa maliwanag na parte ng kweba. May konting siwang pa sa bandang itaas nito na kayang abutin ng sikat ng araw para matalo ang dilim.

Napansin kong sa kabilang bahagi ng aking kinatatayuan ay may isa pang pasukan. Marahil ay kweba rin iyon. Pero dito ko nakita si Max na papunta kanina. Kaya hindi ako pwedeng mag baka sakali na andoon siya sa kabila.

Muli ay bumaling ako sa aking harapan. Papasok ba talaga ako? Nasaan ka ba kasi Max?

"We'er going home, Clav!"

"No!"

"Can't you see? nag papaawa lang s'ya lang sayo. Gusto niya na makuha ka. Clav, please come with me. Do you love me, right?"

"Teresa I-"

Bago n'ya pa masagot ang tanong ni Teri ay mabilis na akong nag lakad papasok. Wala akong oras para makinig sa mga drama nila.

So, iyon pala ang tingin sa akin ni Teri. Nag papaawa lang ako? Na gusto ko lang makuha si Aries. Bakit ko naman aagawin sa kanya ang hindi naman na akin.

"Max? Nasaan ka ba? Natatakot na ako ha!" sigaw ko na may halong pag babanta.

Agad namang nag liparan ang mga paniki dahil sa aking pag sigaw. Pinag ekis ko ang aking mga kamay para maprotektahan ang sarili sa kanilang biglang pag labas.

Yumuko ako ng bahagya para hindi matamaan ng  kahit isa man lang, ngunit hindi iyon naging sapat. Ilang daplis pa ng kanilang pakpak ang tumama sa akin. Bago ako tuluyang nadulas.

Hapdi ng katawan ang inabot ko sa tour na ito. Iyon ang sigurado. Hindi naman ganoong mataas ang aking pinagkahulugan pero sapat na iyon para magalusan ang ilang parte ng aking katawan.

I hissed, "Ang malas naman."

Pinilit kong sanang tumayo pero mahapdi talaga ang maliit na galos na aking natamo.

"Tisha?" Malaks na sigaw ang aking narinig.

Napapikit ako dahil sa takot na muling makagulo ang mga paniki.

"Fuck! Tisha, where the hell are you?! Answer me, please!"

Si Aries ba 'yon?

Akala ko ba ay uuwi na sila ni Teri? Bakit hindi sya sumama sa fiancee. Tutal naman ay nag mamahalan sila.

Tamayo ako at gumawa ng ilang hakbang. Pinilit ko ang aking sarili. Mababaw lang naman ito at sigurado akong kayang akong abutin ni Aries para makabalik ako sa taas, pero sa hindi inaasahan mas lalo lang akong nalubog.

"Aries!" wala akong ibang naiimik kundi 'yon.

Nadulas akong muli. This time sa malalim na, konting ilaw na lamang ang aking nakikita muli rito sa aking pwesto. At ang ilaw na iyon ay mula pa sa aking phone. Nakagat ko ang aking labi dahil sa pag iisip kung paano pa ako makakataas.

"Tisha, are you there?!"

Ang kanyang boses ay puno na ngayon ng pag aalala.

"A-aries, andito ako. Natatakot a-ako."

Hindi ko alam kung bakit naiyak na ako ngayon. Dahil ba sa dilim o dahil baka hindi na ako makataas. Ano bang kinakatakot ko?

"Wait for me, okay? Baba ako."

Tanaw ko rito kung paano niya ginagawa ang lahat para makapunta sa akin. Dahil sa matatalas na bato ay nahihirapan siya. Sa bawat galaw niya ay lalong nagiging prim ang kanyang mga muscles. Hindi ko na tuloy kung anong emosyon ang aking nararamdaman.

Takot ba?

Pagkamangha?

Ano ba?

Gulong gulo na ang aking isipan.

Agad kong pinalis ang mga luha sa aking mata. Malapit na ang aking prinsipe. Malapit na ang aking Aries.

Parang katulad noon. Tinatanaw ko sya palagi sa taas ng puno sa tuwing gusto kong kumain ng kahit anong prutas na mayroon sa kanilang hacienda. Para akong batang Tisha na nagaantay sa kanyang pag baba.

"Almost there, magsalita ka? Okay ka pa ba?"

Napatili ako ng bigla syang ma out of balance at mapabitiw na naging dahilan ng kanyang pagkahulog, hindi siya direktang pumatak sa lupa. Mababaw lang pinagkahulugan niya kaya naman dumulas nalang s'ya patungo sa kinaroroonan ko.

"B-bullshit!"

"Aries, oh my God! May mga sugat ka." Saad ko sabay hawak sa kanyang braso.

"Are you okay? May masakit ba sayo? Natakot ka ba? Andito na ako, Tisha."

Napatunganga ako sa kanya. Paano niya nakukuhang mag alala gayong itong sya ang mas malala ang inabot. Mas malalaking sugat ang natamo kumpara sa akin.

"Oka-"

Hinapit niya ako papalapit sa kanya atsaka niyakap ng mahigpit. Pareho kaming nakaupo sa malamig na sahig ng kweba.

"I'm scared. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung may nangyari sayo."

Napalunok ako ng marinig ang kanyang mga salita. Dahan-dahan kong inangat ang aking mga kamay patungo sa kanya likuran. Nang maramdaman niya iyon ay mas humigpit pa ang kanyang pag kakayakap.

"I'm s-sorry."

Pagkasabi ko noon ay bumitaw sya sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisngi. Malikot ang kanyang mata habang pinagmamasdan ako, panay ang pagtaas baba ng kanyang adam's apple.

He licks his lower lip, at bumababa ang tingin niya sa aking labi bago muling bumalik sa aking mata.

Hindi ko alam kung bakit ang mga paniki ata kanina ay nasa aking tyan na ngayon at nagkakagulo roon. Nagwawala ang aking pagkatao nang mag umpisa na ang paglapit ng kanyang mukha sa akin. Bumilis at mas lumakas ang tibok ng aking puso ng tuluyan nang maglapit ang aming mga labi.

Mula sa aking pisngi ay bumama ang kanyang kamay patungo sa aking leeg, na naging dahilan upang mas idiin n'ya ako sa kanya.

Marahas ang bawat pag dampi ng labi ni Aries sa akin. Tila ibinubuhos niya sa akin ang lahat ng sakit na ibinigay ko sa kanya.

Nang mag agwat kami ay pareho naming hinabol ang aming mga hininga. Nakatitig pa rin siya sa akin na tila nag aantay ng permiso para sa kung anong nais niyang gawin.

Muli niya akong siniil ng kanyang mga halik, pero hindi katulad ng kanina. Mapanuyo na ang mga iyon. Mas mabagal at mas nakakabaliw. Hindi ko na namamalayan na kusang pumupulupot ang aking dalawang braso sa kanyang batok.

Bumababa ang kanyang mga halik sa aking leeg, ang isa niyang kamay na nakasuporta sa aking likuran at ang isa naman ay tinutubok na ang aking dibdib.

"A-aries..."

Gusto kong mag protesta dahil sa sariling boses. Kanino 'yon? Wala akong maalala na may ganoong klase ako ng boses. Masyado iyong malambing at tila nang aakit.

"Music to my ears, Tisha. From now on, pangalan ko lang ang tatawagin mo."

Sabi niya bago ipagpatuloy ang ginagawa.

I never been kissed that way, I never been touch that way, si Aries pa lang. S'ya pa lang.

"Aries? Tisha? Sumagot kayo?"

Namilog ang mata ko dahil sa boses na tumawag sa akin. Si Max iyon at tila may kausap pa siyang ibang tao. Kanina pa siguro nila kami hinahanap.

Agad kong inayos ang aking sarili. Doon lamang ako nakaramdam ng hiya. Nasa loob ng kweba ito ko pa talaga na piling gawin iyon.

"Istorbo." Aries said, he clenched his jaw and let his left hand across his forehead.

Napabugtong hininga ako. Bakit ang init-init naman rito? Tilay na papaso ako ng sariling pag nanasa.

Hindi napigilan ng aking kilay ang pag taas nang marinig ang kanyang sinabi. Istorbo? Bakit ayaw na ba niyang umuwi? Hindi ba dapat ay matuwa kami na may magliligtas na sa amin.

"B-bakit ayaw mo bang u-umalis tayo d-dito?"

"Dito ko na nga sana gustong tumira. Papatayo ako ng bahay dito, Tisha."

Pilosopo! Namula ata ang aking muka dahil sa inis. Tinatanong ko s'ya ng maayos, tapos iyon ang isasagot niya sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro