Bente Nueve
Closure
Lumipas ang mga araw. Nangapa ako kung paano papatakbuhin ang trucking. Madami pa talaga akong dapat matutunan. Bukod sa mabusisi itong trabaho ay madami akong kaylangan harapin na tao.
Mga nag rerenta ng trucks at construction engines. Sobrang nalilito pa ako sa mga equipment sa tuwing may pupunta rito at mag papa asses para sa kagamitang gusto nilang hiramin.
"Ang sakit naman sa ulo kabisaduhin 'tong mga 'to."
Kasi naman, anong pinagkaiba ng skid skeeter loader sa excavator? Pareho lang naman ata silang dumadakot ng mga bagay bagay.
Ngumuso ako dahil mukhang matatagalan pa bago ako masanay.
Huminga ako nang malalim bago ibinaling ang pansin sa laptop na nasa aking tabi. Mamaya ko na papansinin ang mga papel na iyon.
Tinapa ko ang pamilyar na mga letra at kasabay noon ang bawat pag bugtong hininga ko.
"Aries... Aristotle?"
Kumunot ang noon ko noong walang Aries na lumabas kung meron man ay hindi s'ya 'yon.
My lips twisted, "Baka Clavio..."
Agad kong tinipa iyon pero hindi pa rin si Aries ang lumabas na resulta. Ano bang pwede niya maging pangalan. Sinubukan kong buuin ang pangalan niya.
Ariestotle Clavio Le Bris.
Tumaas ang aking kilay ko noong sa dinami dami ng resultang lumabas ay wala pa rin siya roon. Nagpatuloy ako sa pag scroll.
Ano bang pangalan mo?
Bumungtong hininga ako dahil sa mga nakikita wala kahit isa doon ang kamukha ni Aries. I continue scrolling when I notice a suspicious name.
Pangit na Le Bris.
I bit my lower lip, kinakabahan ako habang tinitingnan ang screen ng aking laptop. Ang tagal bago lumabas ng kanyang profile.
Nang mag pakita na ito ay mas lalo akong kinabahan. Ang profile picture ay si Aries habang nakasandal sa kanyang itim na enduro. Nakatagilid ang kanyang ulo habang nakatingin sa paanan. Mula sa kanyang wavey at malagong buhok, ang pilikmata mahaba at nakakurba ng bahagya. Ang matangos niyang ilong at ang mapula niyang labi.
Para akong natuyuan ng laway habang pinagmamasdan ang kanyang kagwapuhan. Tila sinampal ako ng nakaraan, paano ko nakuhang pakawalan ang gantong klase ng nilalang. Ano bang nasa isip ko ng mga oras na iyon at nag aksaya ako ng ganito.
I tried to scroll and stalking his social media. May mga photos doon about sa racing niya, may mga times na may medal pa siya, malaki ang ngiti niya habang hawak hawak ang isang gold na medal.
May isang rin doon na picture ni Teri habang pinupunasan ang kanyang pawis, si Aries naman ay umiinom sa bottle water.
Napaka supportive naman. Tila gustong kumalas ng eyeballs ko mula sa aking mata dahil sa aking pag irap.
Nagawa ko na rin 'yan dati. Sinagot ko pa nga s'ya. Kala mo ikaw lang.
Mabilis ang ginawa kong pag scroll at tila maiinis lang ako pag may nakitang pictures pa ni Teri doon. Parang masisira ko ata ang screen ko.
"Hmm... parang kilala ko to."
Tanging nasambit ko ng makita ang isang bike na may ribbon kulay pink ang nakaparada sa isang tulay na tingin ko ay narating ko na. Pamilyar din ang laman ng basket nasa harapan ng besikleta. Katulad rin ng bag ko noong nasa England ako.
May caption na... My girl knows how to ride a bike.
Nag bukas ako ng bagong tab para pumunta sa isang social media platform ko. Kung saan mga magaganda picture ang pinopost ko bukod doon ay mga video rin. Tingnan ko kung follower ko siya pero hindi. Walang Le Bris doon o kahit ano. Nag scroll ako sa mga photos ko. At merong isa doon na nakatayo ako sa isang tulay, ang aking bike na may kulay pink na ribbon at may basket sa harapan kung saan nakalagay ang aking school bag, malayo iyon ng konti sa akin dahil sa gitna ako ng tulay nakatayo, si Max ang kumuha ng picture na iyon.
Napakurap kurap ako nang matantong ang tungkol sa kanyang caption.
So? I'm his girl?
Bumalik ako sa profile niya at may isa pa roon picture. Nasa isang coffee shop ang ambiance ng lugar. Ang kape ay may initial na L.B. ang panyong kulay white nasa tabi nito at ang isang maliit na notebook kung saan may nakasulat na... atleast we met.
Ngayon ay sigurado na akong akin rin ang picture na iyon. Hand writing ko ang nasa notebook at panyo ko iyong nasa table.
Good morning my princess. Enjoy your coffee.
Napalunok ako ng mabasa ang kanyang caption may ilang pang mga photos with caption na tingin ko ay kinuha niya sa akin.
Ilang beses ko ba gagawin ang pag bumugtong hininga sa araw na ito. Tinitingnan ko muna ang kanyang profile bago nag pasya na mag send ng message.
Ako:
Can we talk? I want a closure.
Hmm... hindi kaya parang sobrang seryoso naman.
Ako:
Hi, si Tisha 'to. Pwede ba tayo mag usap kahit saglit. Pero kung busy ka...
Busy s'ya? Sige ano, Tisha. Para naman kasing nangongosensya ako rito.
Inilagay ko ang aking hintuturo at hinalaki sa pagitan ng aking mga kilay. Marahan ko iyong pinisil habang mariin akong nakapikit.
"Ma'am?"
Napabaling ako sa biglang pag tawag sa akin ni Bhety. Naka halfpoinytale ang kanyang magising buhok. Mapula ang kanyang mga labi na bumagay naman sa kanyang pouty lips.
"Yes?"
"Andito po si Mr. Le Bris, papasukin ko ho ba?" tanong niya sa akin.
Wala naman kaming usapan ni kuya Primo para sa araw na ito. Nagpunta kasi siya rito noong isang raw kasi kaylangan nila ng karagdagang trucks for deliveries. Nagkasundo na kami sa presyo at kung ilan ang kaylangan nila, kaya bakit andito s'ya?
"Ma'am Tisha, papasukin ko ho ba?"
"Yes, hmm... after nito wag ka nang tumanggap ng bisita, maaga akong uuwi."
"Okay po," tumango s'ya sa akin bago ako tuluyang talikuran.
Binalik ko ang atensyon ko sa aking laptop, ano bang dapat kong sa sabihin? Kaylangan ko na talaga s'yang makausap. Hindi ako makakatagal rito sa Aguinaldo kung hindi pa nabibigyan ng tuldok ang nangyari sa amin.
Ilang sandali pa ay bumukas ang aking pintuan hudyat na may pumasok pero hindi ko 'yon binigay ng pansin. Abala ako sa pag iisip kung paano kami magkakausap ni Aries.
May sari-sarili na kasi kaming buhay. May fiancee na siya at kung hindi namin ito susulusyon na sa lalong madaling panahon ay baka maulit lamang kung anong nangyari sa kweba. Hindi naman dapat madugtungan iyan at mas lalong hindi na dapat makalabas pa ang nangyari doon. Hanggang doon na lamang dapat sa kweba ang nga sikretong 'yon.
Kumunot ang noo habang tinitingnan ang aking screen hindi kumikibo si kuya Primo. Gamit ang peripheral view ko ay alam kong may lalaking nakatayo sa harapan ng desk ko at nanghihintay na paupuin ko.
"Kuya primo, take a seat first, tatapusin ko lang ito." saad ko kahit ang totoo ay hindi naman importante o tungkol sa trabaho ang aking ginagawa.
"Ang sakit naman, mukha na ba akong si kuya ngayon?"
Dahan-dahan akong lumingon sa pinangalingan ng boses. Sa kanyang braso ay isang buoquet ng paboritong kong bulaklak, ang pinaghalong berdeng dahon at tingkad ng kulay dilaw na sunflower sa isang kulay chokolateng lalagayan ay mas naging romantiko dahil sa kanyang pagkakahawak. Nakatupi ang kanyang puting longsleeve hanggang siko na nag bibigay ng mas malinaw na imahe ng kanyang braso, tumaas ang tingin ko sa kanyang dibdib patungo sa kanyang leeg hanggang mukha. Umarko ang bahagya ang kanyang labi hanggang sa madatnan ng aking mata ang kanyang mga mata, katulad pa rin ng dating ang aking puso ay bumibilis pa rin ang tibok sa tuwing nasa malapit lang s'ya.
"Flowers for you."
"Ah t-thanks, s-sorry hmm... kala ko k-kasi si ano... si kuya P-primo ka."
He chuckled.
Fuck! His laugh.
Paano na ang plano mong mag ka closure kayo kung sa tawa n'ya pa lang ay nahuhuli ka na.
"May usapan ba kayo ni kuya ngayon?"
Biglang nag iba ang kanyang tono, kaya naman mas lalo akong kinabahan. I never thought Aries will have this aura, he is so intimidating.
"W-wala naman. A-andito kasi siya noong isang araw."
Hold yourself Tisha! Pakiramdam ko ay magkaka nervous breakdown ako dahil sa kanya.
"His here because?"
Bakit n'ya pa itatanong, sempre dahil sa negosyo.
"About sa mga... t-trucks."
"We can provide. Pwede naman kaming bumili ng bago kung kaylangan bakit pa s'ya nagpunta rito."
Kinukwesyon n'ya ba ang desisyon ng kuya n'ya?
Isa pa, kuya Primo is into their business since we where young. Kaya siguradong may basehan ang mga desisyon niya.
"Hmm... siguro isip ni kuya baka madelay, since malaki raw ang production ng business n'yo in the last quarter."
Pinilit ko talaga ayusin ang aking pagsasalita. Hindi pwedeng habang andito s'ya ay nauutal ako at kinakabahan.
"Sana nga 'yon lang."
"Meron pa bang iba Aries?" tanong ko.
"Kung katulad ko ang dahilan ng pag punta niya noong isang araw... I guess, may ibang rason pa nga."
Ano naman kaya ang magiging rason ni kuya Primo bukod doon? Tingin ko naman ay pure business lang ang aming pinagusapan at wala ng iba, unless s'ya ang may ibang rason kung bakit s'ya andito ngayon.
"Wala naman siguro. Pure business lang ang pinunta ni kuya rito." paliwanag ko.
"Really? Because I'll be fucking fucking jealous if he has another reason. That for sure."
Nagtaas ako ng kilay sa kanyang sinabi. Pilit kong inaalis sa aking isipan ang kanyang mga salita. Kung mag papaapekto ako kagaya kanina ay siguradong mag mumukha na naman akong tanga na hindi makabuo ng mga salita.
"C'mon, stop fooling around Aries. My fiancee ka na."
"Ilang beses ko bang sasabihin na wala?"
Umiling na lang ako sa kanyang sagot.
"Date me. I'll prove to you na wala akong fiancee."
"Sure."
Kung tama ang hinala ko, gusto ni Aries ng laro. And if that's what he wanted, maglalaro ako. At sisiguraduhin kong hindi ako matatalo. Magiging maganda ang resulta nito. Closure ang kaylangan namin, kaya closure din ang kakalabasan ng magiging gusto niyang laro.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro