Bente Cinco
Fairytale
Busangot ang mukha ng aking kasama. Magkasiklop ang kanyang dalawang braso at walang tigil ang kanyang kaliwang paa sa pagyugyog. Panay rin ang kanyang pag bugtong hininga. Bakas sa mukha niya ang sobrang inis na nadarama.
"What the hell, Tisha! Ano wala pa ba 'yang so called friend mo?!"
Halos mamuti na naman ang mata ni Max dahil sa pag irap. Ang kanyang nguso ay puwede mo nang sabitan ng kung ano sa sobrang haba.
"Papunta na raw, nagtetxt na."
"Replyan mo! Samahan ng konting bilis. Naku!"
Kahit ako ay mejo naiinis na rin dahil sa sitwasyon. Ito ang unang raw ng tour ni Max sa aming lugar. At ayaw na ayaw niya iyong mga taong hindi marunong sumunod sa usapan.
Mag tetrecking kami papababa ng Malibiclibic falls. Sa ibaba kasi ng kapatanagan ay may ilog kung saan halos mahaba habang lakaran bago mo marating. We decided to get ready early in the morning para mas ma enjoy pa namin ang falls. Pero malapit na sumikat ang araw, ang maitim na kalangitan ay unti unti nang pumupusyaw, nagpapakita na ang mga sinag ni haring araw sa may silangan.
"Please Latisha, tell me kung s'ya na 'yan. Kumukulo talaga ang dugo 'ko," he hissed.
Itinabingi 'ko ang aking ulo, unti unting kumunot ang aking noo habang tinatanaw s'ya. Malapad ang ngiti niya sa amin ng lumabas ito mula sa pamilyar na kotse. Naka maong short rin si Teri at simpleng white shirt at sneakers, habang ako ay naka racer back at sneakers din. Kung titingnan ay mas maganda ang hubog ng katawan niya sa akin, halatang hinubog maigi ng lalaking kasama niya.
Tila ang inis na kanina ay si Max lamang ang nakaramdam ay sumanib sa akin.
"Hi, sorry na tagalan ako. Pinilit 'ko pa kasi si Clav."
"Sana tinagalan mo pa," pag angil ni Max sa kanya.
Hindi mo naman malalaman na bading si Max kung hindi ito mahuhumaling sa mga lalaki. Masasabi kong si Max 'yong tipo ng bading na mukhang lalaki pa rin.
"Sorry na, Max."
"Let's go, Tisha. Kanina pa ako maiinip."
Hindi 'ko alam ang irereact 'ko. Para akong nilamon ng oras at hindi 'ko makuhang magsalita.
Paano niya nakukuhang titigan ako habang kaharap niya ang girlfriend n'ya.
I smirked when I noticed na talaga nakatingin s'ya sa akin.
"Max, wait lang." sabi 'ko gamit aking pinakamalambing na boses.
Nang tuluyan na akong makalapit kay Max ay agad akong bumulong. Busy siya sa pag dala ng ilang gamit namin pababa. May pagkain doon at kung ano ano pa na tingin namin ay kakailangin.
"Si Aries 'yon." mahina ngunit sapat upang marinig niya.
"A-ries?" tila ang tanong niya ay parang pag kompirma sa bagay na matagal na niyang alam.
Namilog ang kanyang mata ng tumango ako sa kanyang bilang sagot.
"Oh, seriously? Latisha, si Aries talaga 'yon?"
"Oo nga sabi. Magpanggap kang lalaki ha! Naku Max, sinasabi 'ko sayo. Itatakwil kita." pag babanta 'ko sa aking kaibigan.
"Akala 'ko ba nag mamadali. Bakit nag lalandian pa kayo d'yan?"
Isang malalim na boses ang pukaw sa amin ni Max. Hindi 'ko talaga alam ang gagawin ngayon andito na siya.
"Max, sabay tayo. Nabitin ako sa kwentuhan natin kagabi."
Sabay hila ni Teri kay Max. Halos madaling araw na ata kami nag hiwalay, matapos mag kayaya sa pag inom. Hindi naman kami nakatulog simula noon kaya naman maaga kami nakapaghanda ni Max para sa araw na ito. Kung iisipin ay nakakapanglambot iyon para sa iba pero tila kay dami pa namin lakas ni Max. Kahit noong nasa England madalas ay limot na naming ang pagtulog. Sa umaga ay nag aaral kami at sinisigurado namin na hindi mawawala ng night life namin. Kaya makakatulog na lang kami kung kaylan dalawin ng antok.
"Okay lang sayo?" tanong 'ko kay Aries.
Nauna na kasi sina Max at Teri pababa. Pinagmasdan 'ko lamang sila habang panay ang reklamo ni Max tungkol sa pag kalate ni Teri.
Sana ay hindi sabihin ni Teri na bakla si Max. Sana ay hindi siya madulas o kahit sumagi man lang sa kanyang isip na sabihin iyon.
"Ang alin? Akala 'ko ba galit ka sa akin?"
"Naisip 'ko hindi ako dapat magalit. Na wag 'ko nalang gawing big deal ang nangyari sa palengke. Bakit naguguilty ka?" sabi 'ko bago s'ya nilagpasan.
Hindi 'ko kayang tumagal sa kanyang harap at kausapin pa siya. Mas nanaisin kong maglakad kahit walang kasabay kaysa makasama s'ya. Bakit ba kasi hinayaan ni Max na galadgarin s'ya ni Teri.
Lumagpas si Aries sa akin at buong akala 'ko ay iiwanan niya ako pero hindi, iniharang niya ang kanyang kamay sa aking daraan. Ang kanyang palad ay nakadikit sa punong nasa aking tabi.
He smirked, "Just one date and we'er done."
Si Aries ba talaga s'ya?
Ngayon ay mas kumbinsido na ako na wala na talaga ang Aries na nakilala 'ko. Ang Aries na nakasama ko sa loob ng mahabang panahon. Nasaan na ang Areis na iyon?
"Anong tingin mo sa akin, laruan mo? Hindi ako nakikipagdate lalo na sa hindi 'ko naman manliligaw."
"Then, Ace is your suitor? and how about him?"
Friendly date 'yong sa amin ni Ace, pero hindi 'ko iyon sasabihin sa kanya para magkaroon s'ya ng idea na puwede pala iyon.
"Fine, I'll court you." pinal niyang sabi bago ako muling talikuran.
Naiwanan akong naka awang ang bibig at bakas sa aking mukha ang pag kagulat. Matagal bago ko nabawi ang aking sarili.
Liligawan niya ako gayong may girlfriend s'ya?
Nababaliw na ba ang isang 'yon?.
"C'mon! Tisha, grab my hand."
Natauhan ako ng makitang andoon siya sa matarik na parte at hinihintay ang aking pag hakbang.
Bumaling ako sa malayo kung nasaan sina Max at Teri, bahagya silang tumigil at lumingon sa akin. Mabilis na humakbang pabalik si Max nang makita kung anong balak gawin ni Aries, si Teri naman ay naiwanan nakatingin lamang sa akin.
Kung boyfriend niya si Aries, bakit niya ako liligawan? Pero hindi naman ako pumayag kaya bakit 'ko ba iniisip.
"Tisha, I'm here don't be scared," naramdam 'ko ang mainit na palad ni Max na dumampi sa aking balat.
"T-thanks."
"Naku! naalala mo na naman 'yong nadulas ka. Muntik ka nang mahulog noon. Nasa trecking din tayo. Ikaw talaga, dapat tinawag mo kung natatakot kang bumaba."
"O-okay lang ako Max."
Sa totoo lang ay matagal na iyon. Natakot ako pero hindi naman nagtagal ang aking truma sanay naman kasi ako sa mataas na lugar.
Naging matugumpay ang aming pag baba. Bigla akong nawalan ng gana sa aming gagawin. Pinagmasdan 'ko na lamang si Max na busying busy sa pag kuha ng mga pictures at kung ano ano pa.
Wala sa ulirat kong inaayos ang mga gamit at pagkain sa lamesa. Hindi 'ko alam kung tama pa ba ang aking ginagawa. Busy ako sa pagsipat sa dalawang tao sa malapit na tubig at nakaupo sa isang malaking bato. Biglang tumayo si Aries habang hinihila mula sa kanyang likod ang kulay abo niyang tshirt. Agad naman nag flex ang kanyang mga muscles na, nasa tamang posisyon na lahat ng iyon. Para bang kaya kang buhatin sa isang mabilis na galaw.
"Ano Tisha, kala 'ko ba okay na? Naka move on na? We've talked about it, right?" si Max.
"O-oo naman." mabilis ang naging tugon 'ko sa kanya.
"Ah kaya pala ang mga ulam ay halo halo na. Anong tawag mo rito, idenial na adobong manok with hindi pa nakakamove on na sauce nang mang tomas?" Sabi niya habang hindi tinatanggal ang mapanuri niyang mata.
Magsasalita na sana ako ng muli niyang sinipat ang isa pang ulam, "ay eto bet 'ko, selosang chicken curry with pinaliguan ng sukang ayaw mag pakatotoo." sabay gawad niya sa aking plastik na ngiti.
"Ewan 'ko sayo, Max. Tulungan mo nalang akong ayusin 'to," saad ko.
"Ayan lang naman role 'ko sa buhay mo. Taga ayos ng puso mong sawi dahil sa maling desisyon." sabay irap niyang muli sa akin.
Inumpisahan na namin ayusin ang mga ulam na nasira 'ko. Tinanggal 'ko iyong mang tomas sa adobo pero 'yong chicken curry tingin 'ko ay wala nang pag asa.
"Anong nangyari?"
Napalundag ako sa biglang pag sasalita ni Teri. Nakakunot ang kanyang noo habang tinitingnan ang mga pagkain sa lamesa.
"Ayon nag halo halo ang mag nararamdaman este ang mga pagkain. Mukang hindi na mapapakinabangan, sinayang na pag ibig este manok. Buti nalang merong pang ikaw ay este pang ihaw, lutuin na natin at baka iba ang magluto, 'lika na Aries."
Gustong sumimangot dahil sa mga sinabi ni Max. Ang isang 'yon napakalakas rin talaga mang asar. Ayaw 'ko s'yang patulan dahil baka kung ano pa ang masabi niya.
"Ang gwapo ng boyfriend ko no?" si Teri.
"H-huh?"
Muli akong napalundag nang mag salita na siya. Hindi 'ko alam na naiwan pala s'ya rito o baka hindi 'ko lang talaga napansin.
"Si Clav, hindi ba ang pogi niya? Tisha... alam 'ko ang tungkol sa inyo."
Ngayon ay tuluyan na akong bumaling sa kanya. Busy pa rin siya sa pag aayos ng aming lamesa habang nakangiti at hindi man lang ako nililingon.
"Kaya nga hindi 'ko s'ya tinatawag na... A-aries. Kasi... sayo 'yon, dati. Dating sayo, ayoko sana na marinig pa na Aries ang tawag mo sa kanya. Naiinis ako, sobrang nakakainis," doon lamang s'ya nag angat ng tingin sa akin at tapos ay dahan dahan kumurba ang kanyang mga labi. Isang natural na ngiti.
"Te-"
"Akin na s'ya ngayon. Magkaibigan tayo 'di ba? Alam 'kong mabuti kang tao, hindi ka naman gagawa ng isang bagay na makakasira sa atin, 'di ba? Kasi ako, pinapahalagahan 'ko ang mga kaibigan 'ko. Sana ganoon ka rin... Tisha. Makakaasa ba ako?" putol niya sa kin.
Ni hindi niya ako hinayaang makapagbitiw ng kahit isang salita.
"Teri... a-"
"Yey! Sobrang thankful 'ko talaga na hindi ka magiging hadlang sa aming dalawa ni Clav. Sa kasal namin ikaw ang gagawin kong maid of honor. Hindi ako nagkamali na mag tiwala sayo. 'Yong ibang mga babae kasi d'yan ahas. Alam nang may girlfriend na, go pa rin. Buti nalang iba ka. Sobrang saya 'ko."
Muli niyang putol sa aking sinabi. Hanggang kaylan ba niya puputulin ang mga sasabihin 'ko.
Maamo pa rin ang kanyang mukha, pero lahat ng kanyang sinasabi ay ibang iba sa ipinapakita niya. May halo iyong pag babanta para sa akin.
"K-kasal?" ang tanging salitang aking nabuo simula noong mag usap kami.
"Oo, next month na iyon. Sobrang excited na nga si mama Esmeralda, kilala mo s'ya di ba? Sobrang bait niya sa akin."
Mama? 'Yon na ang tawag niya kay tita?
"Kaya please, ikaw maid of honor ha,"
"Ano kasi Ter-"
"Magtatampo ako Tisha, pag hindi ka pumayag. Kasal 'yon ng bestfriend mo tapos ako na kaibigan mo. Hindi mo ba ako itinuturing na kaibigan?"
Biglang nalungkot ang kaninang masaya niyang mukha. Sobrang big deal ba pag hindi ako ang maid of honor?
"Kaibigan rin kita Teri. Pero kas-"
"Ah basta! bukas mag fifitting ng gowns, kaya wag kang mawawala. Dapat andoon ang bestfriend namin ni Clav, upang masaksihan ang aming mala fairytale na wedding," she giggles.
Kinagat 'ko na lamang ang aking labi dahil sa pag kainis.
Wala na ba akong karapatan tumangi?
Paano kung ayaw 'ko?
Atsaka kasal 'yon ni Aries. Kaya 'ko bang makita s'yang kinakasal sa iba. Atsaka kung ikakasal pala s'ya bakit manliligaw pa s'ya sa akin? Ano 'yong kanina, joke lang? Nangtitrip lamang s'ya?.
Gumaganti ba s'ya?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro