Bente
Good old day
"Ang daya mo! Bakit pag sinabi ko ba na uuwi kami rito, uuwi ka rin?"
Tanong 'ko kay Aria habang inaayos ang aking make up. Actually, light make up lang naman siya. Inayaya ako ni Cluadia sa Bristo sa bayan.
"Hindi... pwede naman kasing dito sa maynila magkita. Bakit kasi d'yan ka agad dumiretso sa Aguinaldo?"
Umirap siya sa kawalan. Abala siya sa kung ano habang kinakausap ako.
"Iyon kasi ang gusto ni mama. Ewan ko ba hindi 'ko rin feel umuwi rito. Na iirita ako sa pagmumuka ni Vieya."
"Akala ko ba, nagbago na ang kapatid mong 'yan?"
"Nagbago na nga s'ya. Pati ang mga kilos nya, actually lahat. Pero, ewan ko ba, inis pa rin ako sa kanya."
"Kay Vieya ba talaga? Baka naman..."
Pinanlakihan ko ng mata si Aria dahil sa gusto niyang sabihin.
"Oh please, Latisha. Don't me!"
Natawa kami pareho dahil sa kanyang sinabi. Malakas talaga ang impluwensya ng social media sa mga language ngayon lalo ng mga kabataan.
"Nakita... oh mali, dumaan s'ya rito noong isang araw."
"Really?" matinis na tili ang kanyang pinakawalan.
Madalas talaga kami mag video call ni Aria kahit noong nasa England pa ako. Nahilig kasi ako sa arts kaya naman doon ko pinurse ang passion ko. Doon na rin ipinanganak si Leandro.
"Magkwento ka dali! May balikan na bang mangyayari? Fuckshit!"
Umiling iling ako habang natatawa dahil sa reaksyon ng kaibigan.
"Wala Aria, sinubukan 'kong kausapin pero... No, 'yan ang tanging sagot sa akin," natatawa pa rin ako sa hindi malamang dahilan.
Ewan 'ko ba, siguro sa tuwing maiisipin 'ko iyon ay parang gumawa ako ng malaking kahibangan.
Nareject lang naman ako that time.
"Ang arte ni Aries ha! Parang wala akong alam noon," Komento niya. "Ay, kamusta naman? Mas naging pogi ba? 'yong mga muscle... you know."
May kasama pang hand gestures ang pag tatanong niya.
"Ewan ko sayo Tauaria Ceres. Try kaya natin pag usapan si ano?" panunukso ko sa kaniya.
"Aalis ka 'di ba? Bye!"
Aba! Pinagpatayaan ako.
Binigyan 'ko ng huling sulyap ang desktop bago ko dinampot ang sling bag na aking dadalhin. Pinagmasdan 'ko muna ang sarili sa salamin.
"Ang ganda mo, Tisha."
Natatawa kong puri sa sarili. Isang fitted na black dress at stilletous ang aking suot. Bar type na kasi 'yong bistro na alam ko ay pag mamaya ari nina Leo at Pio. Andoon rin ako last time dahil sa celebration ni Fabio.
Madalas kasi ay pag lumabas ako ay bibilhin lang o 'di kaya ay sa trucking ang aking punta. Isa rin iyon sa dahilan kung bakit bigla kaming umuwi, ako ang mamahal sa trucking.
"Good eve ma, alis lang po ako. Magkikita kami ni Claudia, kauuwi nya lang po kasi."
"Oh, really? Minsan ayayahan mo naman s'ya rito."
"Okay, I will mama," tugon ko sa aking ina. "Where's Lean?"
Palingan linga ako sa paligid. Pero hindi ko napapansin ang aking kapatid.
"Naku, he's so fond of our nieghbor. Do you her name, Sancha."
"Sancha is pretty, Sancha is smart. I like Sancha," pag gaya ko pa sa boses ng aking kapatid.
Sabay kaming natawa ni mama. Paano kasi ganoon palagi ang lines ni Lean everytime na mapaguusapan si Sancha.
More like, si Aries.
"Anyways, I'll go ahead."
"Okay, take care."
"Yeah, I love you mama."
Pinindot ko ang car key ko para sa aking pag alis. Namataan pa ng aking mata si mang Kanor, kaya naman ngumiti ako sa kanya bago tuluyang pumasok.
How I missed the old days.
Those days, na sana ay hindi ko nalang ginawa. Sana ay hindi 'ko nalang siya tinaboy. Sana ay mas pinili 'kong manatali at wag siyang iwan.
"Tisha!"
Sigaw ni Claudia ng mataan ang aking pag dating. Kumaway ito mula sa taas. Kung nasaan ang bristro. Katulad pa rin ng dating, tindahan ang nasa baba noon.
"Hi, Clau. I missed you." I said, while giving her a warm hug.
She giggles, "I missed you too. You look Fabulous, Tisha. Or okay pa ba na tawagin kang, Tisha?"
"Oo naman, it's my name. So, bakit hindi?"
I gave my all,
But I think may all, may have been to much.
'Cause, Lord knows we're not getting anywhere
Seems, we're always blowin'
Whatever, we've got going,
And it seems at times, with all we've got
We haven't, got a prayer.
Just Once
Can we figure out, what we keep doin' wrong
Why the good times, never last for long
Where are we goin' wrong...
Napabaling ako sa may stage. Isang lalaki ang nakapikit habang taos pusong kumakanta.
"Clau, si Pio ba 'yon?"
"Oo, ang yummy ng boses no?"
Nagtaas ako ng kilay kay Claudia. Kinikilig ba s'ya?
I pursed my lips, "Aanhin ang yummy, kung 'di marunong mag mahal."
"Sigurado ba tayo na hindi niya minaha-"
"Let's talk about another thing, it is not our business to brag about."
Mejo seryoso 'kong sabi. Tumingin ulit ako kay Pio. Totoo ang dami na nagbago sa Aguinaldo, kung hindi mo pag mamasdan maigi ang mga tao rito ay hindi mo na makikilala pa.
Kung ano man ang nangyari sa kanila ay hindi na dapat pakialam.
Minahal niya man o hindi.
Dahil may mga desisyon tayo na tanging tayo lang mismo sa sarili natin ang nakakaintindi.
"So... pwede tayo mag usap tungkol sayo?"
"Of course, magtanong ka." hamon ko.
Tinaas niya ang isang kamay para kunin ang atensyon ng waiter.
"Iinom tayo ha," paalala niya sa akin.
Bahagya akong natawa dahil sa sinabi niya. Ang isang to, noon pa man ay sigurista na.
"Here's my question,"
Nagtaas akong muli ng kilay sa kanya bago inumin ang isang shot glass na ibinaba niya sa aking harapan. Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha. Marahil ay ngayon lang niya ako nakitang uminom.
"Okay, so kamusta first encounter n'yo ni Aries?"
Halos masamid ako sa kanyang unang tanong.
"H-he said, no!"
Sabi ko at kunwari ay ginaya pa ang boses ni Aries habang sinasabi iyon.
"Oh my God! Totoo? I just can't believe na nireject ka n'ya talaga?" She really look amused.
"Uh huh" sabi ko sabay muling dampot ng baso pero bago 'ko pa iyon mainom ay naagawa na iyon sa akin.
"How does it feel to be rejected, Tisha?" A baritone voice came from nowhere.
"Oh, is that you?"
"Yes, ako lang to si Pancho!"
Natawa ako dahil sinabi na naman niya ang famous line niya. Iba na rin ang itsura ng isang 'to. Gwapo na siya.
Ang makasama ang mga dating kaibigan sa gantong oras ay maituturing mo talaga, ginto. 'Yong kahit bihira na kayong makita pero masasabing walang nag bago. Sobrang sarap lang sa feeling. Si Aria at si Aries nalang ang kulang.
Kung pwede lang bumalik sa mga oras na masaya pa ang lahat. Gugustuhin 'kong muli.
Paulit ulit 'kong pipiliin ang mga oras na iyon.
"Sayaw tayo," sabi ni Clau, Sabay hila sa akin. Nag iba na kasi ang kanta ng banda.
Masigla na iyon at nakakapaindak kaya naman marami na ang nagpunta sa dance floor.
"Hi, nasa party ka ni Fabio, right?"
"You are?" tanong ko habang umiindak sa tugtog.
"Ace," sabay abot niya kanyang kamay. "Hindi ako makalapit sayo last time kasi ang dami kumakausap sayo."
Hindi ko rin s'ya napansin sa party ni Fabio. Pag dating ko kasi dito ay agad akong maimbitahan ni Fabio, sa party n'ya. I don't remember na naging close kami ni Fabio pero pinagbigyan ko sya sa kanyang paanyaya. Ikakasal na kasi siya, kaya naman nakiusap siya na dumalo ako.
"Latisha, nice meeting you Ace."
Halos pasigaw kong sabi dahil nagumpisa nang gumulo ang bristro. Maingay na ito sobra.
"Can I have your number?"
"No."
Napalunok si Ace ng biglang may pumulupot na braso sa aking byewang. Hindi ako napalingon at hindi ko rin alam kung sino ba sya.
Pipigilan ko sana si Ace sa pag alis pero hindi ko magawa dahil sa lalaking nasa aking likuran.
Mainit na hangin mula sa kanyang bibig ang dumadampi sa aking leeg. Ang amoy ng pinaghalong mint na mouthwash at wishkey ay kumalat sa aking ilong.
Sino ba s'ya?
Bakit 'ko ba hinahayaan makalapit siya sa akin ng ganito.
"Don't move, Tisha."
Namilog ang aking mata ng marinig ang boses niya. Ang boses na iisang beses 'ko pa lamang naririnig muli. Ang malalim na boses ngunit hindi na pamilyar.
Pilit 'ko iginalaw ang aking katawan upang makita siya. Pero pinapigilan niya ako.
Bakit?
"I said! Don't move."
"A-aries, ano bang kaylangan mo?"
Nauutal ang aking boses dahil sa hindi malamang kaba. Bakit ba ako kinakabahan?
"I need you... I want you... badly, Tisha."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro