TFE 46: The Story Continues
“Pe--Pero... Papaano ka nakaligtas?!”
Hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Nicole roon sa kaklase nilang kasalukuyang nasa harapan nila ngayon.
Sasagutin na sana ito no'ng dalaga, ngunit nahinto siya sa kanyang sana'y sasabihin nang muli nanaman silang makaramdam ng pag ayug mula sa kanilang mga kinatatayuan.
Nagsimula na ring magsitumbahan ang ilang mga debris ng building, kaya nama'y muli lamang silang nabalutan ng pangangamba.
“Wala na tayong oras pa para makipag-chismisan,” wika ng kanilang kaklaseng nagligtas sa kanila.
“Kailangan na muna nating makaalis dito.”
“Oo nga, pero papaano?! There's no exit!” Ani ni Ian.
“Then we make one,” wika noong dalaga. “Sumunod kayo sa'kin!” aniya pa, at pagkatapos ay siyang unang tumakbo pababa sa palapag na iyon.
Pare-pareho namang nagkatinginan iyong iba, hindi muna alam kung ano ang gagawin o kung mapagkakatiwalaan ba talaga nila nang puro iyong kaklase, ngunit sa sitwasyong ito ay wala na silang iba pang magagawa kundi ang sumunod nalang sa kanya.
Ian, Heide and Faye all followed the girl.
Susunod na rin sana si Nicole, but for the last time ay muli siyang napatingin doon sa dalawang kaibigan niyang wala nang buhay.
Sina Marvie at Rosario...
She couldn't save them.
Ngunit kahit ano pa man ang gawin niya'y hindi na maibabalik pang muli ang mga buhay ng mga nawala niyang kaibigan. Kaya sa mga oras na iyon ay mas inimportante nalamang ni Nicole ang kanyang sariling buhay, at sumunod na rin doon sa iba pa.
Little did she know, one of them was still alive, and was starting to gain consciousness...
+++
“Bilisan niyo!”
Muling bulyaw noong dalaga habang pababa ito ng hagdan, habang patuloy namang nakasunod sa kanya iyong iba.
Ngunit habang tumatakbo ang mga ito pababa, nagulat sila nang bigla nalamang may isang napakalaking debris ang mahulog papunta sa kanilang dereksyon.
Kamuntika pa nitong madaganan ang dalagang si Faye, ngunit mabuti nalamang at kaagad siyang nahugot pabalik sa itaas ng nasa likod niyang si Nicole, creating yet another barrier and splitting both Faye and Nicole from the group. While the others made it safe to the other side.
“H--Hindi! Nicole! Faye!” Babalik na sana mula roon si Ian upang tulungan iyong dalawang dalaga, ngunit hindi pa man tuluyang nakakalapit ang binata ay bigla nalamang gumuho ang sahig ng hagdan kung saan mismo nahulugan noong debris, at mas pumailalim pa ito.
At dahil sa hindi pa nakakalayo mula roon ang dalawang dalagang sina Faye at Nicole, pati sila ay nasama sa nangyaring pag-guho, dahilan upang pareho silang mahulog patungo sa ilalim ng kadiliman, walang ibang magawa kundi ang mapasigaw nalamang.
“Faye!! Nicole!!” Tanging naibulalas na sigaw nalamang ni Ian, nang makita niya ang nangyari sa kanyang dalawang kaibigan, habang sa likod niya naman ay mahigpit na nakakapit lamang sa kanya si Heide, habang ito'y umiiyak at pilit siyang inilalayo doon sa gumuhong butas. Natatakot na baka mahulog din siya.
“Ate Heide! Ian! Bilisan niyo na!”
Muling bulalas noong kanilang kaklase, habang nagmamadali itong may bagay na idinikit doon sa padir noong gusali.
“W--We have to go, Ian,” pahikbing sabi ni Heide, dahilan upang maluha-luhang mapatango nalamang ang binata. At pagkatapos ay dali-dali na silang nagtungo roon sa kinatatayuan ng kanilang isa pang kaklase...
“Get back...” Wika nito sa kanilang dalawa, at inutasan pang takpan ang kanilang mga tenga, na siya namang sinunod nina Heide at Ian.
Mayamaya nama'y bigla nalamang sumabog iyong bagay na idinikit noong dalaga sa may pader, causing a gigantic hole in it.
Isa pala iyong bomba.
At mula roon ay nakikita na ng magkakaibigan ang mga tanawin mula sa labas ng building.
Matapos iyon ay dali-dali na nga silang nagtatakbo papalabas...
+++
“Nicole... Nicole, gising...”
Isang pamilyar na boses ng isang babae ang naririnig ni Nicole mula sa kanyang tenga.
Dahil dito ay unti-unting nagkakamalay ang dalaga...
Kaagad siyang nagpalinga-linga mula sa buonh sulok, at wala siyang ibang masilayan kundi purong kadiliman lamang.
Ngunit gayon pa ma'y alam ni Nicole na nasa loob pa rin siya ng building. Dahil patuloy pa rin ang mga naririnig at nararamdaman niyang mga pag guho rito...
“K--Kailangan mong... Makaalis dito...”
Muling iniwika noong babaeng nasa harapan niya.
Agad namang napatingin si Nicole rito, at nakita niyang nakatayo ito mula sa kanya, at akay-akay mula sa likuran ang walang walay na dalagang si Faye...
Nicole slowly stood up and faced the other girl. Hindi niya maaninag ng maayos ang mukha nito, ngunit alam niya sa kanyang sarili kung sino iyon...
“R--Rosario?” Pag banggit ni Nicole sa pangalan nito.
“We have to... G--Get out of here,” wika noong dalagang muli.
“Pe--Pero papaano? Ni hindi nga natin alam kung nasaang parte ng building na tayo eh. A--At... W--Walang lagusan!” Nababahalang sabi ni Nicole, habang patingin-tingin lamang sa buong paligid, nagbabakasakaling may makikitang liwanag palabas, ngunit talagang wala.
“Sundan mo 'ko,” wikang muli ni Rosario, at pagkatapos ay dahan-dahang naglakad papunta sa mas madilim na parte ng lugar.
Dahil dito nama'y napasunod nalamang din si Nicole...
Lakad lamang sila nang lakad...
Parehong kinakabahan sa maaaring tuluyang mangyari sa buong estraktura ng building, lalo na't baka ito gumuho at tuluyan silang madaganan.
Ngunit gayon pa ma'y mas pinili nalamang ni Nicole na magpakatatag, hindi lamang sa kanyang sarili, kundi pati na rin sa kanyang mga natitirang kaibigan.
Halos ilang minuto muna ang nagdaan bago sila tuluyang makaaninag ng isang parang munting liwanag mula sa kanilang harapan...
“Malapit na tayo, ku--kumapit ka lang...” Muling iniwika ni Rosario, mahahalatang sobrang nahihirapan na ang dalaga sa lahat ng mga masasakit na nararamdaman niya mula sa kanyang buong katawan, ngunit kagaya ni Nicole, tinatatagan niya nalamang din ang kanyang sarili, makalabas lamang ng buhay sa impiyernong kasalukuyang kumakain sa kanila ngayon.
At sa halos isang idlap nga lamang, ay nakita na nila ang kanilang mga sariling nasa labas na noong building...
Dali-dali namang ipinahiga ni Rosario ang hanggang ngayo'y wala pa ring malay na si Faye sa may damuhan.
Habang si Nicole naman ay kaagad na lumapit kay Faye, upang pakiramdaman kung ayos pa ba ito.
At nang malaman niyang humihinga pa ang dalaga'y labis na tuwa nalamang ang naramdaman niya, at napa-iyak pa dahil sa tuwa.
Rosario stood up, and stared at the falling building behind them...
“We... We did it,” naluluhang sinabi pa ni Nicole.
“We did it, Rosario. We made it out alive,” aniya pa, habang nakatitig lamang sa natutulog na si Faye.
“No, Nicole,” Rosario replied.
“You made it out...”
Wika pa nitong muli.
Isang bagay upang kaagad na magtaka naman si Nicole.
“Rosario, anong ibig mong...”
Pagkalingon ng dalaga ay napahinto siya sa pagsasalita...
Bigla nalamang nawala si Rosario...
“R--Rosario?” Tinawag pa ni Nicole ang pangalan noong dalaga, ngunit walang may sumagot sa kanya...
Inilibot niya rin ang kanyang mga paningin, ngunit wala siyang ibang taong nakita mula roon kundi ang kanyang sarili at ang hanggang ngayo'y walang malay pa ring dalagang si Faye...
Dahil dito'y lubusan iyong ikinataka ng dalaga...
Ngunit imbis na ipagpatuloy niya lamang ang paghahanap ay muling naibaling sa nakahigang si Faye ang kanyang atensyon nang marinig niyang bahagya itong umungol dahil sa biglaang naramdamang sakit.
Dahil dito'y kaagad na nilapitan ni Nicole iyong dalaga, at sinuri kung anong nangyayari rito.
“F--Faye? Bakit?” She asked her.
“M--Masakit...”
Tanging naisagot naman ng dalaga, at may itinuro mula sa kanyang may tagiliran.
Agad namang napatingin mula roon si Nicole, at nagulat siya nang makitang may nakabuno roong isang malaking tipak ng salamin.
Dahil sa kanyang nakita'y hindi alam ni Nicole kung ano ang kanyang susunod na gagawin, at muli lamang siyang nagpanik.
She tried getting it off, ngunit dahil sa sobrang sakit ay walang ibang magawa si Faye kundi ang magsisigaw lamang.
Mayamaya nama'y muli itong nahimatay, succumbing to the pain she was feeling...
“K--Kailangan kitang madala sa hospital...” ani ni Nicole, at dahan-dahang inalalayan ang dalagang maikarga mula sa kanyang likuran...
Nang sana'y aalis na sila'y agad namang natigilan si Nicole nang may bigla nalamang sumigaw mula sa kanilang likuran, at nakarinig pa siya ng mga kalabit mula sa isang baril.
“FREEZE!”
Narinig niyang isinigaw ng isang lalake.
Hindi niya ito nakikita, dahil nga sa nakalikod siya rito, ngunit alam niyang may nakatutok na baril sa kanya.
“S--Sir... Please, k--kailangan namin ng tulong!” Hindi gumagalaw at kinakabahang na iniwika ni Nicole.
“Y--Yong kaibigan ko. She... She needs—”
“TAHIMIK!” Muling bulyaw sa kanya noong pulis...
“Kung hindi ako nagkakamali... Ikaw si Nicole Lepasana, diba?” Tanong sa kanya nito, bagay na siyang mas nagpabigay lamang ng taka sa dalaga, kung papaano nito nalamang ang kanyang pangalan...
“O--Opo,” she honestly replied.
The policeman then took a deep breath...
“Sinasabi ko na nga ba eh.”
“Ki--Kilala niyo po ba 'ko?” Nicole asked.
“Yes, Ms. Lepasana,” the policeman replied, at mas itinutok lamang ang baril mula sa ulo ng dalaga.
“And you're under arrest murder...” Huling iniwika pa nito, na sadya namang ikinagulat ni Nicole.
“H--HO?!”
T O B E C O N T I N U E D . . . . . . . .
+++
A/N: Grabe 'yong hiatus ko sa chapter na 'to🤧 sorry talaga at super natagalan! I think... Almost 9 months na noh? But hey, atleast we're back! And the story continues!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro