TFE 42: Everlasting Cold
"I--Is it gone?"
Nanginginig na tanong ni Marvie, habang kasalukuyan silang parehong nagtatago ni Nicole sa isang makitid na espasyo mula sa loob pa'rin mismo ng building.
They were both hiding from the beast that have almost attacked them.
"Shhh," tanging isinagot ni Nicole kay Marvie.
"Wag ka munang lalabas hangga't hindi ko sinasabi," aniya pa. Bagay na ikinatango naman ni Marvie.
Matapos iyo'y dahan-dahan namang lumalabas si Nicole mula sa pinagtataguan nila, at minabuti ang pagmamasid mula sa buong pasilyo, pinapakiramdaman kung naroroon pa'rin ba malapit sa kanila iyong leon.
May kinuha 'rin siyang kahoy mula lamang sa malapit, upang gamitin iyong panlaban kung sakaling muli nanaman sila nitong atakihin. At sakto lamang dahil may matulis itong dulo.
Halatado mang kinakabahan ay minabuti nalamang ng dalagang magpakatatag.
Nang hindi maramdaman ang presensya noong leon ay agad na nilingon ni Nicole mula sa likuran niya ang kasamang si Marvie, at senenyasan itong mag-dahan-dahan sa pag-labas.
"Let's go," aniya. Bagay na sinunod naman ng dalaga.
"S--S'an na tayo pupunta ngayon?" Marvie asked.
"Just follow my lead," aniya.
+++
"A--Aray..."
Mula sa kanyang mahimbing na pagkakatulog ay unti-unti nang nagkakaroon ng malay ang dalagang si Rejielyn.
Agad siyang nakaramdam ng pananakit mula sa kanyang ulo, kaya nama'y kaagad siyang napa-hawak mula 'rito. At bukod pa dito'y sinalubong din siya ng napaka-tinding ginaw.
Dahan-dahan siyang napapa-upo mula sa kanyang kinahihigaan, at doon lamang napag-tanto ng dalaga, na nasa loob pala siya ng isang hindi niya makilalang kwartong punong-puno ng yelo sa kahit saang-sulok man siya mapatingin.
"Th--This i--isn't h--happening!" Tanging naiwika nalamang ng dalaga sa kanyang sarili matapos niyang makita ang buong paligid ng kwartong kanyang kinaroroonan.
Lubusang kinakabahan at natatakot.
Dahan-dahan siyang napa-tayo, at muling nagpalinga-linga, nagbabakasakaling makakakita ng lagusan palabas.
At sa may di lamang kalayuan ay nakakita nga siya ng isang pinto. Kaya nama'y kahit halos matumba na sa panginginig ay pinilit pa'rin ng dalagang mag-lakad papalapit doon, makalabas lamang mula sa kwarto na iyon.
Ngunit muli lamang pinang-hinaan ng loob ang dalaga nang malamang naka-lock ito.
"P--Please! M--May tao ba diyan? I--Ian? Heide? S--Somebody?" Rejielyn shouted behind the door, hoping for somebody to hear her.
"P--Pakiusap! N--Nasa loob ako! Tulungan niyo 'ko!" Muli niyang sigaw na ngayo'y mahahalatang naiiyak na, ngunit wala pa'ring may nakakarinig sa kanya.
She even tried to knock the door down, ngunit dahil sa sobrang panghihina sa nararamdamang lamig ay hindi niya manlang iyong magawang magalaw.
Muli siyang napatingin mula sa loob ng buong kwarto at napa-linga-linga. Trying to find some other ways to get out.
Mayamaya nama'y mayroon siyang nakitang isang bagay na bigla nalamang gumalaw mula sa may sulok ng kwarto.
Dahan-dahan siyang napalapit mula dito, wearing the face of curiosity. Ngunit hindi pa man siya tuluyang nakakalapit ay una na iyong lumapit mula sa kanya.
It was a toy.
A small bear toy riding on another small toy truck.
Nang makalapit ito sa kanya ay agad na may napansin ang dalaga dito...
May hawak-hawak na parang isang maliit na papel iyong laruang oso, kaya nama'y dahan-dahan iyong pinulot ng dalaga, at pagkatapos ay binuksan.
At hindi siya nagkamali sa kanyang hinala. It was indeed some kind of letter. And it was put there by someone whom she think is also probably the person responsible for her sudden abduction.
Binasa niya ang mga salitang naka-ukit sa sulat...
"The only way to get out is if you'll be able to open the door infront of you.
Find the box, open it and you will find the key. Get the key and you will open the doorway, where freedom awaits. But beware of the venom. Sincerely yours, Mister Bear Sinister."
Iyon ang mga salitang kanyang nabasang nakasulat mula doon sa maliit at simpleng papel. Ngunit mas nagpa-bigay lamang iyon sa kanya ng mas matinding pagka-bahala.
"B--Box? W--What box?" Aniya sa sarili.
Pagkatanong niya naman noon ay bahagya siyang napa-pitlag sa gulat nang bigla nalamang gumalaw ang sahig na kanyang kinatatayuan, kaya nama'y dali-dali siyang lumayo dito.
The tiles from there suddenly opened.
And a mailbox slowly appeared.
Napaisip ang dalaga... Siguro iyan ang box na sinasabi doon sa sulat.
Kanakabahan si Rejielyn.
At mahahalatang sobra pa siyang hesitanteng lapitan at buksan iyon.
Ngunit dahil naisip niyang iyon nalamang ang tanging pag-asa niyang makalabas mula sa nag-yeyelong kwartong iyon ay hindi na siya nag-aksaya pa ng kahit na anong oras.
Kaagad niyang binuksan ang maliit na pintuan noong mailbox at ipinasok ang kamay niya.
Kinapa-kapa niya ang loob nito, nagbabakasakaling naroroon nga iyong susi.
Ngunit bagkus, ay wari ba'y isang madulas na bagay lamang ang kanyang para ba'y patuloy na nakakapa mula 'roon.
At mayamaya lamang ay nagulantang ang dalaga nang may bigla nalamang kumagat sa kanyang kamay. Dahilan upang impit siyang mapasigaw.
"What the fuck?!"
Sigaw pa ng dalaga.
Isang napakalaking ahas naman ang bigla nalamang lumabas mula sa loob ng mailbox, kaya nama'y gayo'n nalamang ang pagtatalon ng dalaga paalis nang makita niya iyon...
"Oh my god! Oh my god!"
But it was already too late, for the the venomous snake had already bitten her.
"But beware of the venom"
Muli niyang naalala iyong nasa huling mensahe no'ng sulat.
She just realized that It was probably talking about that specific venom.
Lubusan siyang kinabahan dahil dito.
She only saw the snake once, pero kaagad niyang nakilala kung anong klaseng ahas iyon.
It is known as the inland taipan.
Generally regarded as the world's most venomous snake, the inland taipan is also appropriately known as 'the fierce snake'.
Its paralyzing venom consists of taipoxin, a mix of neurotoxins, procoagulants, and myotoxins, which causes hemorrhaging in blood vessels and muscle tissues, and inhibits breathing.
It can yield as much as 110mg in one bite, which is enough to kill around 100 people or over 2.5 lakh mice
"Fuck!" Bulyaw pa ng dalaga, at dahan-dahan siyang muling bumalik doon sa may mailbox.
Muli niyang kinapa-kapa ang laman nito. At sa puntong iyon niya lamang din nakuha iyong susi.
Lalapit na sana siya mula doon sa may pintuan, ngunit hindi pa man siya lubusang nakakahakbang papalapit dito ay bigla nalamang nakaramdam ng panghihina mula sa kanyang katawan ang dalaga, dahilan upang bigla nalamang siyang matumba.
Sumikip bigla ang dibdib niya, at pakiramdam niya pa'y namanhin nalamang bigla ang buong katawan niya.
She is currently feeling a weird immense pain that is burning throughout her whole body.
Napaisip siya... Marahil ay epekto na iyon no'ng lason...
"K--Kailangan kong... M--Makaalis..."
Nanghihinang binibigkas ni Rejielyn habang pinipilit pang gumapang.
Ngunit talagang nananalo na ang lason mula sa kanyang buong katawan...
"All you have to do was avoid the venom, Rejielyn," biglang iniwika ng isang pamilyar na boses babae mula sa sulok ng silid.
Nagpalinga-linga siya mula 'rito. At sa may bandang kanan niya ay may nakita siyang isang pamilyar na taong nakatayo mula 'roon.
Walang ibang ginagawa kundi ang panoorin siya...
"P--Pakiusap... T--Tulong... M--Maawa ka..."
Nahihirapang pagsusumamo ng dalaga...
"Bakit?" Tanong noong dalaga sa kanya.
"Sa'kin, naawa ka ba? No'ng ilang beses mo akong pinagsasaksak?" Tanong nito sa kanya bigla. Dahilan upang mapakunot ng kanyang noo si Rejielyn...
"F--Fatima?" Banggit niya sa pangalan nito. Dahil kung hindi siya nagkakamali, ang taong kasalukuyang nasa harapan niya ay ang kanyang matalik na kaibigang si Fatima...
"Pe--Pero... P--Patay ka na...?"
"Oo," says Fatima.
"At susunod ka na 'rin samin," huling iniwika nito, at bigla nalamang nagtatakbo papalapit sa kanya...
"W--Wag... P--Please!!" Sigaw ni Rejielyn. Ngunit sa isang idlap niya lamang ay bigla nalang naglaho mula 'roon ang presensya ni Fatima. Bagkus ay iyong ahas na kumagat sa kanyang kamay kanina ang siya na palang umaatake sa kanya.
Dahil dito'y mas lumakas lamang ang sigaw ni Rejielyn.
Giving the snake a chance to suddenly enter her mouth!
The girl was panicking. She wanted to grab the snake and just throw it away.
Ngunit dahil sa sobrang panghihina niya ay hindi niya na magalaw pa ang kanyang mga kamay at kahit ano mang parte ng katawan niya.
The snake was slowly slithering through her throat, dahilan upang sumuka ng dugo ang dalaga dahil sa walang humpay na sakit na kanyang nararamdaman.
Ang lason mula sa kanyang katawan, ang walang katapusang lamig... At ngayon naman ay iyong ahas na ngayo'y tuluyan na ngang nakapasok mula sa kanyang lalamunan, at unti-unting kinakain ang kanyang laman-loob...
She struggled the most pain during those painful times of immense horror.
But nobody even came to rescue her...
Or atleast... Nobody knew where she was during those moments...
She wanted to cry...
She wanted to scream...
But all she could ever do was succumb to the pain...
+++
"A--Ano pa ba kasi ang ginagawa natin dito? Bakit hindi pa tayo umaalis?!"
Reklamo ng dalagang si Marvie sa kasama nitong si Nicole.
Kasalukuyan parin sila ngayong naglalakad sa kalagitnaan ng isang pasilyo nang dahan-dahan. Trying to avoid any lion or killer encounters.
"I told you, I'm not getting out of here without any of my friends. At tsaka isa pa, hindi ko sinabi sayong bumuntot ka sakin. If you want to get out of here, then get out! Basta kung ano man ang mangyari sayo, wag na wag mo akong sisisihin," may pagka-cold na iniwika ni Nicole kay Marvie.
Dahil dito'y wala nang ibang nagawa pa si Marvie kundi ang manahimik.
Matapos iyon ay nagpatuloy nalamang sila sa paglalakad.
It was getting awkward, kaya nama'y napagpasyahan ni Marvie na magsalita ulit. Ngunit hindi pa siya nakakabigkas ng kahit na anong salita ay kaagad lamang din siyang pinatigil ni Nicole nang wari ba'y parang may marinig siyang kung ano sa may di kalayuan...
"Shh... Naririnig mo ba 'yon?" She asks...
"Huh? A--Alin?"
"Shhh!"
Mas minaigi ni Nicole na mas pakinggan pa kung saan niya man naririnig iyong ingay.
Para itong mahinang pag-pokpok sa may di kalayuan lamang.
At sa unang dinig niya ay isa agad ang kanyang naisip. Na baka galing ang mahinang ingay na iyon sa isa sa kanyang mga kaibigan.
Nagpalinga-linga siya sa buong paligid, at mula sa may kabilang pasilyo ay may nakita siyang nakasaradong pintuan mula doon.
And she suspects that the noise is coming from there, kaya nama'y dali-dali siyang naglakad papalapit dito habang hawak-hawak pa'rin iyong kahoy na pinulot niya kanina.
"Te--Teka anong gagawin mo? P--Papaano kung isa nanamang leon yan?" Nababahala at kinakabahang naitanong ni Marvie.
"We shall find out," aniya, at sinubukang buksan iyong pihitan no'ng pinto, but it wasn't opening. Marahil ay naka-lock iyon mula sa likod.
Kaya nama'y sinubukan niya nalamang iyong sirain gamit iyong kahoy na napulot niya kanina. Ngunit nabasag lamang ito.
"H--Here!" Napatigil naman si Nicole sa kanyang ginagawa't kaagad na napalingon kay Marvie nang may ini-abot siya sa kanya.
It was a metal crowbar...
"S--Sa'n mo nakuha to?" Taka niyang naitanong.
"I--It was lying on the floor," sabi naman ni Marvie.
Matapos iyon nama'y hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Nicole at agad niyang inihampas iyong crowbar doon sa may pintuan, dahilan upang bigla nalang itong mabasag.
Ngunit pareho silang nagulat nang bigla nalamang rumagasa ang tubig mula sa loob nito...
And suddenly, two people came bursting out from that room.
Dali-daling nilapitan nina Nicole at Marvie iyong dalawang tao, at kaagad nilang nakilala ang mga ito...
Sina Ophelia at Hanzell.
But it was already too late.
Dahil parehong wala nang buhay ang mga ito...
T o B e C o n t i n u e d . . . . . . . .
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro