TFE 34: Soothing Venom
"Ayos na ba siya?" May halong pag-aalalang tanong ni Hanzell kay Faye, habang inaakapan lamang ang dalagang si Ophelia, na nakatulog na dahil sa nangyari kanina.
Faye shook her head.
"Not at the moment," sagot niya.
"Kailangan niya munang magpahinga."
Balisa si Ophelia kanina at halos walang humapay sa pag-iyak, at dala na'rin sa pagod at takot na naramdaman niya kanina kaya naka-idlip ito agad.
At hindi maiwasang mag-alala sa kanya noong iba. Lalo na't dalawa nanaman sa kanila ang pinatay noong killer. Bukod pa 'rito'y wala na'rin sa building sina Joseph at Claire.
Mark told them that Joseph went out to find the others, and Claire might have gone along with him.
+
Kinalabit naman ni Mark si Hanzell, kaya agad na napalingon sa kanya ang binata.
"Aalis na tayo," anito.
Hanzell took a deep breath.
Kaka-sidlit palamang ng umaga. At gaya nga ng napag-planuhan nila, oras na upang hanapin iyong iba.
All of the boys went outside to try and find the rest, habang sina Dwayne at iyong mga babae naman ay nagpa-iwan na muna.
+
Kasalukuyan nang nasa gitna ng kagubatan sina Mark, Hanzell, Ian, Raffy, Daniel at Rogelio when they've all decided to split up.
"Okay, maghiwahiwalay na muna tayo para hanapin iyong iba. Hindi na'tin sila mahahanap kung magsasamasama lang tayo. Napakalawak ng lugar na ito, they could be scattered everywhere," says Mark.
"Woah! Split up? Dude-- Don't you watch horror movies?" Says Hanzell.
"Kapag maghiwahiwalay tayo, mas magkakaroon lamang ng chansa ang killer na mapatay tayong lahat! Dapat nga isinama nalang natin yo'ng mga girls eh!"
"We don't have any other choice. Kung gusto nating mahanap iyong iba agad, kailangan nating maghiwahiwalay," aning muli ni Mark.
"Hanzell, sa kanan kayo dumaan nina Rogelio at Daniel. Kami naman nina Raffy at Ian, dito sa kaliwa. Remember, the goal is to find the others within an hour. Mahanap man na'tin sila o hindi, sa mismong spot na ito tayo bumalik para magkaka-samasama ulit, maliwanag ba?" Monologong aniyang muli.
"I still think this is a bad idea. Very bad," muling sabi ni Hanzell.
"Plus, mga simpleng construction tools lang ang mga weapons na'tin! The killer has a freakin' chainsaw, gun, machete, axe, knives and a bunch of shinanigans! We can't possibly beat him!"
Dahil dito'y napa-irap nalamang si Mark.
"Mas mabuti na 'yon kesa sa wala! At tsaka, tactics lang yan. Puro lakas lang naman yang killer eh. If we use our brains, we can clearly beat him," muling sabi pa nito.
"Tama si Mark," pagsasang-ayon naman ni Raffy.
"In the end, we're all still living in a man-eat-man world."
+
Matapos iyon ay naghiwa-hiwalay na nga sila.
Ngunit habang tahimik lamang na naglalakad ay ramdam pa'rin ng dalawang grupo ang kaba at takot.
Isali na ang napaka-lamig na hanging kanilang nararamdaman habang tinatahak ang napaka-dilim na kagubatan.
"I'm telling you guys, hindi talaga magandang ideya na naghiwa-hiwalay tayo eh!" Muling iniwika ni Hanzell sa mga kasamang sina Daniel at Rogelio.
"Kumalma ka lang. Masanay ka na sa mga nangyayari," seryosong sabi ni Rogelio.
"Masanay? Dude! Our friends are dying! Saang parte ba ako pwedeng masanay diyan?"
"Wag mo lang ipahalatang natatakot ka dude," says Daniel.
"Kung ako ang tatanungin mo, natatakot din naman ako eh. Hindi lang para sa sarili ko, kundi para na'rin sa lahat ng mga kaibigan na'tin. Lalo na kina Mart at Mell.
Dude, sila ang mga pinaka-matatalik kong kaibigan, pero hanggang ngayon, hindi ako sigurado kung buhay pa ba sila o hindi," Monologong sabi pa nito. "Basta kumalma ka lang. At isipin mong magiging ayos lang ang lahat. Matatalo natin si Bladespawn."
"Psh! Easy for you to say!" Muling sabi ni Hanzell.
+
Sa may kabilang parte ng kagubatan naman ay tahimik lamang ding tinatahak nina Mark, Raffy at Ian ang madilim na sulok.
Pakiramdam pa nila'y, habang humahakbang ay arang unti-unti silang lumalapit sa kanilang sariling mga kamatayan.
Ngunit gayo'n pa man ay mas pinili nalamang ng mga itong patatagin ang kanilang sarili.
Raffy then took a deep breath nang maalala ang naiwang kasintahan na si Faye sa building.
"Guys, ginawa ba natin ang tamang desisyon na iwanan ang mga babae kay Dwayne?" He asks them.
Bagay na ikina-kunot noo namang pareho nina Ian at Mark.
"Bakit? Natatakot ka bang baka siya ang killer?" Tanong ni Ian, sabay na bahagyang napatawa.
"I mean, it's possible, but Dwayne's too puny to be the killer."
"Exactly!" Pag-sasang-ayon ni Raffy.
"Ba't ba kasi hindi nalang si Rogelio ang iniwan natin sa kanila? O di kaya ako nalang? I don't trust Dwayne because he's the killer. I don't trust him because of how he's---"
"Masyado niyo naman yatang minamaliit si Dwayne," sabat ni Mark.
"Alalahanin niyo, pare-pareho tayo ng sitwasyong kinahaharap ngayon.
All we have to do is believe in each other. Si Dwayne ang iniwan ko sa kanila dahil naniniwala akong kaya niya silang maprotektahan. He maybe annoying sometimes, but I know he cares for everyone," seryosong sabi ni Mark, kaya naman ay parehong napa-tahimik nalamang sina Ian at Raffy.
Malaki din naman kasi ang punto ng binata.
Mark then, took a deep breath.
"Okay, guys, pag may makita kayong kaklase natin, wag na wag kayong mag-titiwala agad ah? They may or may not be the killer. Basta, maging alisto na muna tayo," aniyang muli doon sa dalawa.
"Got it," sagot ni Ian.
Nag-patuloy lamang sila sa paglalakad.
Mataimtim silang nagmamasid-masid sa buong paligid. Pinapakiramdaman kung may ibang tao ba doon.
Kaklase man nila o iyong killer.
But still couldn't find anyone.
Ngunit makalipas naman ang ilang minuto ay may bigla silang naririnig na yapak ng mga paang tumatakbo papalapit sa kanila.
They looked around and behind them, they saw someone's figure, and it was indeed running towards them.
"Mag-tago tayo, bilis!" Agarang sabi ni Mark sa mga kasama.
Agad naman silang nagsi-taguan sa likod ng isang malaking puno.
Hinintay nilang makarating malapit sa kanila iyong tumatakbong tao, at laking gulat nila nang kanilang makita ang dalagang si Alexandra.
Punong-puno pa ang kanyang damit ng mga dugo.
At mahahalatang parang buong gabi pa ito tumatakbo dahil sa sobrang pagka-hingal niya.
"M--Mark? Ian? G--Guys alam kung nandiyan kayo! P--Pakiusap, a--ako lang to!" Tawag ni Alexandra sa mga kaklase, habang inililibot ang mga tingin sa buong paligid, trying to find them. Dahil kung hindi siya nagkakamali ay sila ang nakita niyang magkakasama kani-kanina lang.
Dahil dito'y nagkatinginan naman iyong tatlong binata, at pinag-pasyahan nga ng mga itong dahan-dahang lumabas mula sa kanilang pinag-tataguan upang humarap kay Alexandra.
Ngunit gayo'n pa ma'y idinidistansya pa'rin ng mga ito ang kanilang mga sarili doon sa dalaga. Dahil sa mga oras na iyon ay mahirap na talaga ang magtiwala.
"Alexandra? Anong nangyari sa'yo? At saan ka ba galing buong gabi?" Tanong ni Mark kay Alexandra.
"S--Sa... Sa may barn..." Says Alexandra. Trying to grasp some words. Ngunit dahil para na siyang magha-hyperventilate ay hindi niya maituloy-tuloy ang kanyang sinasabi.
"Tu--Tumakas lang ako!" Aniyang muli.
"Papunta na sana ako doon sa c--canteen no'ng gabing iyon. Pe--Pero... N--Nakita ko siya..."
Pare-parehong nagtaka sina Mark sa sinasabi nito.
"Sino? Sinong nakita mo?" Ian asks.
"N--Nakita ko siya... K--Kaya naman... Sinundan ko siya," muling pag-papatuloy sa pag-kukwento ni Sandra. "Pi--Pinatay niya silang lahat! H--He... He caught me! A--At pagkatapos ay itinali niya 'ko do'n. K--Kasama sila," hanggang ngayo'y wala pa'ring maintindihan sina Ian sa pilit na sinasabi ni Alexandra.
"Sandra, kumalma ka nga! Ano bang mga pinag-sasasabi mo?! Sinong humuli sa'yo? At sino ang tinutukoy mong pinatay niya?" Muling tanong ni Mark.
"S--Sila... O--Oo tama, sila!" Muling bulalas ni Alexandra, na wari ba'y para nang nasisiraan ng kanyang sariling bait. "Y--Yo'ng mga pulis! Mark! Pinatay niya silang lahat! YO'NG MGA PULIS!" Anitong muli na umiiyak na.
"Nandito siya... Mark nandito siya!... papatayin niya tayong lahat! Wala tayong kawala!"
Matapos iyon ay tumawa naman siya ng malakas, na parang tuluyan na talagang nasiraan ng kanyang ulo.
Sinubukan naman siyang lapitan noong tatlo.
Ngunit nagulat sila nang bigla nalamang tumakbo papalayo sa kanila si Alexandra, habang patuloy lamang sa kakasigaw.
"PAPATAYIN NIYA TAYONG LAHAT! PAPATAYIN NIYA TAYONG LAHAT! PAPATAYIN NIYA TAYONG LAHAT!!"
"Sandra! Teka!"
Sigaw ni Mark, pero nawala na ito mula sa kanilang harapan nang tuluyan...
Muli namang napatingin iyong tatlo sa isa't-isa dahil sa nangyari...
+++
"Mga pare! satingin ko talaga naliligaw tayo eh," wika ni Hanzell.
Kasalukuyan pa'rin silang nasa gitna ng kagubatan, at kanina pa nila napapansing para bang pabalik-balik nalang sila sa dinadaanan nila.
"Di kaya pinaglalaroan tayo ng kapre?" Muling sabi ni Hanzell.
"Sira! May Killer na nga! Hihiling ka pa ng kapre," ani Daniel.
"Eh malay mo may kaibigang kapre yang killer na yan at nakipag-sabwatang paglaruan tayo."
"Again with the bad joke?"
"Guys, shhh!" Kaagad silang pinatahimik ni Rogelio nang para bang may marinig itong kakuskos mula sa may di kalayuan.
"Bakit?" May halong panginginig sa boses na naitanong ni Hanzell...
Ngunit hindi pa man nakakasagot si Rogelio, nagulat silang tatlo nang may bigla nalang sumulpot na isang taong nakamaskara mula sa harapan nila, at kaagad na inatake si Rogelio gamit ang kutsilyo nito, ngunit mabuti nalamang at naging maliksi ang binata at agad niyang naisagang ang kanina niya pang hawak-hawak na pala.
Rogelio then, kicked the masked man's stomach, dahilan upang agad itong tumilapon palayo.
"Shit! Rogelio, ayos ka lang ba?" Agarang naitanong sa kanya ni Daniel, na kaagad namang lumapit sa binata.
Habang si Hanzell naman ay patuloy pa'rin ang panginginig mula sa likuran, mariin lamang na nakahawak doon sa batutang kanyang dala-dala.
"Ayos lang ako," seryosong sagot ng binata, habang matalim na nakatitig pa'rin doon sa mamamatay-tao.
The masked man then laughed in sinister, habang dahan-dahang napapatayo mula sa lupa.
"What an incredible strength you have," wika nito. "Ikaw nga talaga ang tanyag na athlete na si Rogelio Leonido no?" sabi pa no'ng killer.
"Kaya na'tin siyang patumbahin," says Daniel. Nang-gagalaiti ang mukha nito. Mahahalatang gustong niya nang atakihin iyong killer.
"Umalis na kayo dito," says Rogelio.
Isang bagay na ikinagulat nina Daniel at Hanzell pareho.
"A--Ano? Dude, what are you talking about?! hindi ka namin pwedeng iwan! Tutulungan ka namin!" Muling iniwika ni Daniel.
Ngunit nanatili lamang na seryoso si Rogelio.
"Kung hindi pa kayo aalis dito, baka maubos niya lang tayong tatlo na mapatay. Naaalala mo naman ang sinabi satin ni Mark diba? Hanapin niyo siya at sabihin kung nasaan ang lokasyon noong killer. O di kaya nama'y umalis na kayo dito!"
Hanzell was still shivering. Kinakabahan ang binata dahil pakiramdam niya'y sakanya nakatitig iyong killer, even though natatakman ang buong mukha nito ng isang maskara.
At imbis na sundin naman ni Daniel ang mga sinabi sa kanya ng kaibigan ay nagmatigas lamang ito.
"No. Hindi ako papayag. At desisyon ko toh. Matagal ko na'ring gustong mapatay yang hayop na yan! A--Att tsaka para na'rin kina---"
"ILAG!!" Sigaw ni Rogelio, at bigla nalang itinulak si Daniel papalayo.
Bigla nalamang kasing may itinapong napakatalim na bagay iyong killer mula sa dereksyon ng binata.
Ngunit imbis na si Daniel ang matamaan, ay deretsong bumaon iyong matalim na bagay mula sa balikat ni Rogelio.
Dahil dito'y mariing napa-pitlag ang binata sa sakit, at kaagad namang binunot iyon.
Isa lamang iyong kutsilyo.
Ngunit wari ba'y bigla nalamang siyang nakaramdam ng sobrang panghihilo nang bunutin niya ito.
"Wrong move, really," says the killer.
"May lason yang kutsilyo na yan. Lethal venomous poison na ipinag-halo-halo ko mula sa kamandag ng iba't-ibang ahas.
And It only became active no'ng binunot mo iyong kutsilyo," wika pa nito. "I'm sorry to say but... Ilang minuto nalang ang itatagal mo, at katapusan mo na."
Dahil sa narinig ni Daniel ay bigla nalamang siyang nabalutan ng puot at galit.
"Potang ina mo!!" Bulyaw niya, at susugurin na sana iyong tao, ngunit kaagad lamang siyang natigilan nang hawakan siya mula sa may braso ni Rogelio.
Kung titingnan ay ayos pa ang mukha nito, ngunit mahahalatang parang unti-unti na siyang nakakaramdam ng pagkamanhid mula sa kanyang buong katawan.
"Umalis na kayo 'rito, ako na ang bahala sa kanya," wika ng binata sa mga kaibigan.
"Pe--Pero... Rogelio!"
"UMALIS NA NGA KAYO!!" Bulyaw niya pa sa mga ito, dahilan upang parehong matigilan naman bigla sina Daniel at Hanzell.
The masked killer smirked in amusement.
"This is your chance," muling sabi ni Rogelio.
"Habang kasama ko pa ang isa sa mga killer. Hanapin niyo 'yong iba, at umalis na kayo 'rito!" Huling iniwika ng binata sa mga kaibigan.
Magsasalita pa sana si Daniel, ngunit hindi niya na iyon naipagpatuloy nang bigla nalamang siyang huguting palayo ni Hanzell...
Hanzell then bid a farewell last-stare at Rogelio.
Ayaw ng binatang iwanan iyong kaibigan doon, ngunit wala na siyang ibang magagawa pa.
Maging si Daniel ay pilit lamang na kumakalas mula sa mga kamay ni Hanzell, ngunit idiniin nalamang ni Hanzell ang hawak niya doon sa binata, at pagkatapos ay kumaripas sila ng takbo.
"You're not going anywhere!" Wikang muli ni Bladespawn, at may inilabas na baril mula sa kanyang bulsa.
Babarilin niya na sana sina Reymart at Daniel, ngunit pagka-baril noong mamamatay-tao ay kaagad lamang na tumakbo papalapit mula sa kanya si Rogelio, sabay na binigyan ng isang napaka-lakas na tadyak iyong mamamatay-tao mula sa may ulo, kaya nama'y kaagad itong tumilapon at nabitawan pa iyong hawak niyang baril.
"Kung may gusto kang patayin, patayin mo 'ko!!" Sigaw ni Rogelio, at muli nanaman sanang aatakihin iyong killer, ngunit bigla nalamang siyang nakaramdam ng pangingirot mula sa kanyang dibdib, dahilan upang bigla siyang matumba sa sakit.
The masked person take off his mask, sabay pagid pa ng dugo mula sa kanyang ilong.
He then, smirked and started laughing, habang dahan-dahan pang napapatayo.
"Alam mo, ang lakas mo sana eh," says the murderer.
"You could have taken me down easily, pero mabuti nalang talaga at nagdala ako ng secret weapon specifically for you," aniya pa.
Muling napatingala si Rogelio mula sa mukha noong killer, at nagulat siya nang makita niya ang mukha nito...
"I--Ikaw...?"
The person smirked once more, habang nakatitig pa'rin sa ngayo'y nag-hihirap nang si Rogelio.
Ang mga titig niya sa binata'y wari bang isa lamang itong pipityuging insekto.
"Surprised?"
T o B e C o n t i n u e d . . . . . . .
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro