TFE 33: I Know What You Did
Mula sa napaka-dilim na kakahuyan ay dahan-dahan lamang na nag-lalakad ang binatang si Joseph habang hawak pa'rin ang kanyang dala-dalang martilyo.
Matapos lumabas mula sa loob noong building ay sunod-sunod siyang nakarinig ng mga putok ng baril kanina, kaya nama'y mas minabuti niyang mag-ingat. Lalo na't martilyo lamang ang kanyang panangga.
Una niyang pinuntahan ay ang lugar kung saan nila naiwan si Florelyn kanina. Ngunit nagtaka lamang siya nang makitang, wala na ang dalaga mula 'roon. Wala na'rin iyong pader na nakaharang, maging iyong mga matatalim na tusok, at nakabukas na'rin ang gate.
Kung tutuusin ay pwedeng-pwede na siyang umalis sa lugar na iyon.
Ngunit gayo'n pa ma'y, mas pinili ng binatang manatili nalang muna at hanapin ang ilan sa mga kaibigan, upang sana'y tulungan ang mga ito.
+
Habang tahimik lang sa paglalakad ay wari ba'y may napansing kakaiba ang binata...
May sumusunod sa kanya.
Kaya nama'y dahil dito ay kaagad siyang nag-tago mula sa isang malaking puno, trying to hide.
Naisip niya, mahirap na dahil baka si Bladespawn nanaman iyon, handang pumatay sa kanya.
Habang nagtatago ay mariin niyang hinawakan iyong martilyo, upang gawing pamukpok doon sa kung sino mang taong nakasunod sa kanya.
At nang maramdaman niyang papalapit na ito'y kaagad siyang lumabas mula doon at popokpokin na sana ng martilyo iyong tao.
Isang bagay na siyang agad na ikinasigaw dahil sa gulat naman nito, dahilan upang mapa-upo siya sa may damuhan sa takot.
"Jesus Christ! Tep ako to!" Sigaw noong dalaga, na agad namang nakilala ni Joseph.
"What the-- Claire?!"
"Yes, duh!"
"At ano naman ang ginagawa mo dito?" Muling naitanong ni Joseph.
Claire took a deep breath, and slowly stood up. Pinagpag niya ang kanyang sarili.
"Actually... Hindi ko 'rin alam," aniya.
"It's just that... I--I don't feel safe with any of those people from the building."
Joseph raised one of his eyebrow.
"And what makes you think that you're safe with me?" Tanong niya naman.
Napa-taas baba ng kanyang balikat si Claire bilang sagot.
"I just feel like it for no reason."
Joseph rolled his eyes.
"Kung ako sa'yo, babalik nalang ako. You're not safe around here. At magiging pabigat ka lang sa'kin,"
Dahil sa sinabi ni Joseph ay bahagya namang napahawak mula sa kanyang dibdib si Claire. Umaaktong nasaktan siya sa huling sinabi nito.
"Ouch ha? May feelings din po ako," aniya.
"I'm just telling you the truth. Kaya bumalik ka na," aning muli ni Joseph, at pagkatapos ay tumalikod na upang sana'y maglakad na paalis, ngunit hindi pa man nakakalayo ang binata ay bigla nalang kumapit sa kanya ng mahigpit si Claire.
"Te--Teka lang naman! Sasama nalang kasi ako sa'yo! Ayokong maglakad pabalik nang mag-isa noh! It's so creepy, and dark. At baka makasalubong ko pa ang killer! Edi tigok ako! Ayoko pang mamatay noh!" Ani Claire, may bahid ng kaba mula sa kanyang boses, at the same time, may pagka-maarte 'rin sa pananalita.
Ngunit agad lamang na kumalas mula sa kanyang pagkakahawak si Joseph.
"Lumayo ka nga sa'kin! Ang arte-arte mo!" Says Joseph.
Magsasalita na sanang muli si Claire, ngunit bahagya siyang natigilan nang may isang bagay naman siyang mapansin mula sa damuhang nasa likuran lamang ni Joseph.
May tao siyang nakita doon.
Naka-handusay, at may mga talsik ng dugo mula sa kanyang damit.
"Bakit?" Takang tanong ni Joseph dahil sa reaksyong ibinibigay sa kanya ni Claire.
Agad naman siyang napa-turo mula sa likuran ng binata, kaya nama'y dahan-dahan 'ring napapa-lingon mula 'roon si Joseph.
At kagaya ng naging reaksyon ni Claire kanina'y nagulat nga 'rin si Joseph sa kanyang nakita.
It was one of his friends.
"J--Juvy!"-JOSEPH
Matapos iyo'y agad na lumapit sa walang malay na dalaga iyong dalawa.
Joseph checked her pulse, at sa puntong iyo'y bahagya siyang napa-buntong hininga nang malamang buhay pa pala ang kaibigan.
Dahan-dahan namang nagkaka-malay si Juvy...
"T--Tep?"
"I--It's me, Juvy, it's me," says Joseph.
"Si... Si Zyhra..." Mangiyak-ngiyak na naisasambit ng dalaga.
"It's okay, nandito kami para sa'yo," aning muli ni Joseph.
"Let's go na!" Says Claire, mahahalatang parang nakakaramdam na ng kaba.
"P--Para kasing may nararamdaman akong kakaiba dito eh," aniya pa.
Isang bagay naman na agad na sinunod ni Joseph.
Ikinarga niya si Juvy mula sa kanyang likuran, at aalis na sana.
Ngunit pare-pareho silang natigilan nang may narinig silang bumahing mula sa may di kalayuan lamang...
Dahil dito'y dahan-dahan naman silang napalingong muli sa kanilang likuran.
At mula 'roo'y kanila ngang nakita ang isang taong kanina pa pala sila pinagmamasdan.
The person laughed normally.
"Ang lamig dito sa Mary Hills noh? Pakiramdam ko pagkatapos nito magkaka-sipon yata ako," wika noong tao, habang dahan-dahang lumalapit mula sa kanila, holding a chainsaw.
"Shit! Claire takbo!" Bulyaw ni Joseph, dahilan upang kaagad naman silang magtatakbo papalayo.
Ngunit dahil dito'y mas lumawak lamang ang mga ngisi mula sa labi noong killer.
"IT'S ON, BABY!" Sigaw nito, at pagkatapos ay sinundan iyong tatlo.
Joseph actually wanted to fight him. Ngunit dahil kasa-kasama niya pa sa mga oras na iyon sina Juvy at Claire ay mas pinili nalamang ng binatang tumakas din, upang mapanatili ang kaligtasan no'ng dalawang babae.
"Holy shit he's fast!!" Bulyaw ni Claire.
"Then we go faster!" Bulyaw din naman ni Joseph.
Habang si Juvy naman ay panay lamang ang panginginig sa takot, habang pabalik-balik na tinitingnan mula sa likuran iyong mamamatay-tao.
The killer stopped running for a second, at pagkatapos walang ano-ano'y bigla nalamang ibinato mula kina Joseph iyong hawak niyang chainsaw.
"Look out!!" Sigaw ni Juvy.
Ngunit bago pa man tumama sa kanila iyong chainsaw ay bigla nalamang silang itinulak papalayo ni Claire, dahilan upang iyong dalaga ang matamaan nito.
At dahil sa nangyari ay kaagad namang natumba mula sa may damuhan sina Joseph at Juvy.
"Claire!!" Agarang sigaw ni Joseph doon sa dalaga, sa pag-aakalang natamaan ito no'ng blades ng chainsaw.
Ngunit nakita niya namang ang agad na pag-tayo ng dalaga mula sa damuhan...
"A--Ayos lang ako! 'Yong hawakan no'ng chainsaw ang tumama sa'kin!" Wika nito.
Sa pagkasabi naman noon ng dalaga ay bigla namang nagpa-putok ng kanyang baril si Bladespawn, deretso sa ulo ni Claire.
Ngunit hindi pa man tumatama mula sa mukha ni Claire iyong bala ay pare-pareho silang nagulat nang bigla nalamang sumagang mula sa harapan ng dalaga si Joseph, at wari bang ginawang pamalo iyong hawak-hawak niyang martilyo upang panangga doon sa balang tatama na sana sa kanila.
Mistula iyong naging baseball bat.
Tumama iyong bala sa mismong bakal na ulo noong martilyo, and with the force of how Joseph was holding it, he throws the bullet back to the killer, isang bagay na sobrang ikinagulat nito.
Maging sina Claire, Juvy at ang mismong gumawa noong si Joseph ay hindi 'rin makapaniwala sa nangyari.
"Pa--Papaano mo nagawa 'yon?!" Gulat na naitanong bigla ni Claire.
"Hi--Hindi ko 'rin alam!" Aniya.
"Motherfuckers!!" Bulyaw ni Bladespawn, at agarang nag-tatakbo papalapit sa kanila, this time, isang klasikong kutsilyo na ang hawak nito.
"Seriously! Ilan ba ang dalang murder weapon ng freak na yan?!" Says clear.
"Let's figure it out once we get the hell outta here!" Ani naman ni Joseph, at kaagad na muling kinarga mula sa kanyang likuran si Juvy, at pagkatapos ay muli silang napa-takbo papaalis doon.
But the killer wasn't stopping. He was just running really fast, trying to caught up from them. Halatang gustong-gusto niya na talagang patayin ang mga ito.
Pero agad namang umaksyon si Claire dito't bigla nalamang hinubad ang isang sapatos niya, at ibinato deretso sa ulo no'ng mamamatay tao.
Dahilan upang matumba ito.
"You should have done that earlier!" Says Joseph.
"Magpasalamat ka nalang at naka-gawa pa 'ko ng paraan!" Says Claire.
Dahil sa nangyari ay mas nagkaroon ng chansa ang tatlo na makalayo doon sa killer.
Takbo lamang sila ng takbo, hanggang sa may maaninag silang cabin na wari ba'y may mga taong nasa loob, kaya naman kaagad din silang tumungo mula dito.
"H--Hello? May tao ba diyan? Let us in, please!" Says Claire, habang sunod-sunod na kumakatok mula sa pintuan no'ng cabin.
Agad namang may nagbukas doon sa pinto, at unang bumungad sa kanila ay ang mukha ni Sheena.
"C--Claire!? Tep!?"
"The killer is after us!" Muling sabi ni Claire, kaya nama'y agad silang pinapasok nina Sheena.
Agad din nilang ipinahiga sa may sofa ang sugatang si Juvy, na dali-dali namang ginamot nina Angelou.
"Oh my gosh! I can't believe you guys are still alive!" Sabi ni Claire nang muling makita ang mga mukha noong iba.
"We could say the same!" Sabi naman ni Sheena.
"Yo'ng iba, nasaan?" Justin aska.
"Wag kayong mag-alala... ligtas sila... I--I mean, for now. Nasa isang parang abandonadong building sila, magkakasama," says Joseph.
"Sa tingin ko, kailangan din na'ting pumunta do'n," ani Erron.
"But how, exactly?" Asks Rejielyn.
"Bukod sa may killer sa labas, 'yong iba sa'tin dito halos hindi pa makakilos dahil sa mga natamong sugat."
Erron sighs.
"We have to. The killer knows where we are, at panigurado akong humahanap lang siya ng tyempo. Otherwise, he'll attack us again and kill every single one of us in this stupid cabin."
"By the way... Ilan na ba sa mga kaibigan na'tin ang nabiktima niya ngayong gabi? I--If you guys don't mind me asking..." Nicole asked out of nowhere.
Isang bagay na nagpa-tahimik muna sa iba.
Habang nag-iisip kung ilan na nga ba sa mga kaibigan nila ang nawala.
"First was probably Janmil," ani Joseph. "He died in the canteen."
"S--Si ate Zyhra din," sabi naman ni Mell.
"She was decapitated."
"Then there's Rosemary," says Rejielyn. Maraming beses siyang tinamaan ng baril habang paalis na sana."
"S--Si Florelyn din," naibanggit ni Claire, dahilan upang pare-parehong mapatingin sa kanya iyong iba.
"P--Patay na siya?" Gulat na naitanong naman ni Mell.
Florelyn has always been one of his bestfriends. Alongside Daniel, Reymart, Rogelio, Justin and Theresa. Kaya talagang ikinagulat iyon ng binata.
"Hindi pa kami nakakasigurado," sabi namang muli ni Joseph.
"I went back to where we accidentally left her, pero wala na siya do'n. Bukas na'rin ang gate ng Mary Hill Woods. Kaya, there are some possibilities na, maaaring naka-labas siya."
"W--Well then... That's a good thing!" Wika ni Angelou.
"Kung bukas na ang gate, at nakalabas na'rin si Florelyn, then may chansang makalabas na'rin tayo dito, diba?"
"Do you really think it's gonna be that easy?" Says Erron.
"I'm just thinking about the possibilities!"
"Teka Tep, matanong ko lang ulit... Nakita niyo ba si Joyce at Gab sa labas?" Muling tanong ni Nicole.
Umiling naman sina Joseph at Claire bilang sagot.
"Hindi namin nakita si Joyce," aniya.
"At sinong Gab? Isa ba siya do'n sa mga bagong transfer students? Wala akong naaalalang kaklase nating Gab ang pangalan."
"Isa daw siya sa mga pulis," ani naman ni Mell. "He saved me earlier. Pero dahil inatake nanaman kami no'ng killer, pareho sila ni Joyce na nahiwalay sa'min."
Bahagya namang napa-irap si Justin nang muli niyang marinig ang pangalang 'Gab'
"Psh! Hindi pa'rin ako nagtitiwala sa lalakeng 'yon."
"What about Alexandra? Kasama niyo ba siya doon sa building?" Muling tanong ni Nicole.
Isang bagay na ikina-kunot noo naman agad ni Joseph nang muli niya ngang maalala ang tungkol kay Alexandra.
"Actually, no. Hindi namin siya nakasama magmula 'nong active pa ang party sa canteen at wala pang may nangyayari," aniya.
"Sa tingin niyo ba... P--Patay na'rin siya?" Rejielyn asks.
"Probably?" Sagot naman ni Joseph.
Dahil sa usapang iyon ay may bigla namang napagtanto si Erron...
"Shit!" Bulalas niya. Kaya nama'y sa kanya kaagad na napalingon iyong iba.
"Papaano kung siya pala ang killer?" Sabi niya pa. Na ikinagulat naman noong lahat.
"S--Si Sandra?! No way! She's too boring to be the killer!" Says Nicole.
"Maybe that's the twist!" Aning muli ni Erron.
"Just think about it! Bukod sa mga nasawi na, siya itong missing in action magmula kanina pa."
"Eh papaano naman si teacher Zaira na bigla nalang nawala kanina? Isn't that suspicious too?" Sabat naman ni Johnrey.
"Who knows? They could be working together. Sa mga sunod-sunod ba naman kasing mga nangyayari sa'tin, I'm pretty sure there are more than just one killer. We can't trust anyone. Not even ourselves."
~×××~
"Ophelia..."
Isang pamilyar na boses ang bigla nalang nagpa-gising sa kanina pang natutulog na si Ophelia.
Nang magising siya'y tulog pa'rin ang lahat. At medyo nangamba siya nang makitang, maging ang nag-babantay sana sa kanilang si Mark ay mahimbing na'rin ang tulog.
Nasa isang weird na sleeping position pa ito nang kanyang makita.
Naka-dapa habang naka-angat ang pwet.
At wari ba'y hindi niya makita kahit saan ang isa pang nagbabantay din sana sa kanilang si Joseph.
Gigisingin na sana ng dalaga si Mark, ngunit bahagya siyang natigilan nang may makita siyang taong tumatakbo doon sa may hallways.
Dahil dito'y kaagad na napa-kunot ng kanyang noo ang dalaga.
What she saw was a familiar girl.
At dahil sa koryusidad ay nakita niya nalamang ang kanyang sariling dahan-dahang lumalabas mula sa loob ng silid na iyon at sinusundan iyong babaeng kanyang nakita kanina.
Mayamaya'y muli niya nanamang nakita iyong babae.
At kung hindi siya nagkakamali, iyon ay walang iba kundi si Jessa.
Isa sa mga kapwa niya transfer student.
Isang bagay na lubusang ikinataka ni Ophelia. Dahil patay na ito.
"J--Jessa?" Banggit niya sa pangalan nito, nguniy nagulantang si Ophelia nang bigla nalamang itong tumagos sa isang pader at nag-laho.
She was bewildered..
Pakiramdam niya pa'y aatakihin siya sa puso nang dahil sa kanyang nakita.
Ngunit gayo'n pa ma'y pinilit nalamang na pakalmahin ni Ophelia ang kanyang sarili, at pinag-pasyahang bumalik nalang muli sa silid kung nasaan iyong iba niya pang mga kasama.
Pero saktong tatalikod palang sana si Ophelia, nagulat siya nang bigla nalamang sumulpot mula 'roon ang kaklaseng si Chris June.
Bagay na sadyang ikinagulat naman ng dalaga.
"Holy fudge! Chris! Tinakot mo ko!" Naisambit nalamang bigla ni Ophelia.
Napa-tawa naman ng mahina si Chris June dahil sa naging reaksyon ng kaibigan.
"Sorry, ano ba kasing ginagawa mo dito?" He asks.
Kung sasabihin ni Ophelia na nakita niya ang multo ni Jessa, paniguradong hindi siya paniniwalaan ng binata.
"W--Wala naman. Nagpapahangin lang," aniya.
"In the middle of the night? And with a killer on the loose?" Hindi makapaniwalang tanong ni Chris.
"D--Don't get the wrong idea. I was just--"
"You saw Jessa, didn't you?" Aning muli ng binata, na agad namang ikinagulat ni Ophelia.
"A--Ano?"
Chris smiled.
"Don't worry. You're not the only one," aniyang muli, at pagkatapos ay naglakad papalapit doon sa silid na tinagusan ni Jessa kanina.
"Teka, Chris! Sa'n ka pupunta?"
"Calm down. I'm just gonna check this room out, hindi ba dito nag-tungo si Jessa?" Aniya, at pagkatapos ay dahan-dahang binuksan iyong pinto noong silid.
Pagka-bukas niya dito, wala siyang ibang nakita kundi iyong kapansin-pansing bagay na natatabunan ng isang pulang kurtina
Pumasok mula sa loob si Chris June, at dahil na'rin sa koryusidad ay napa-sunod nalamang si Ophelia.
Kahit na kinakabahan pa'rin.
"Opelia tingnan mo toh oh," tawag ni Chris June sa dalaga habang itinuturo iyong baga na tinatabunan noong pulang kurtina.
Lumapit sila dito at parehong sinuri ng kanilang mga mata iyong bagay.
"Sa palagay mo, ano kayang nasa likod niyan?" Chris asks.
"Sh--Shouldn't we call the others first?" Ophelia suggested.
Ngunit kasunod lamang noo'y agad namang tinanggal ni Chris iyong naka-tabong kurtina.
At pagka-tanggal nila dito'y agad namang tumambad sa kanila ang wari ba'y dalawang malapad na mga litrato.
And from the looks of it, both are pictures of a whole class.
Sa may itaas ay ang class picture ng buong klase nina Mark, kung saan kumpleto pa sila, habang sa baba naman ay ang class picture na kinuha nilang mga transfer students pagka-lipat nila sa section Gold.
At may naka-attach pa doong one-by-one-sized na self photo ni Claire.
Ngunit ang ikinataka nilang pareho ay ang mga iba't-ibang guhit doon sa mga mukha noong ibang estudyante. Ilan sa mga ito ay may guhit na question mark mula sa mga mukha, kagaya nalamang kina Richard, Angel, Joyce, Florelyn at Alexandra. Habang mga ekes naman ang naka-guhit sa iba pang mga estudyante. Kagaya nalamang nina Janmil, Rosemary at Zyhra. At sa class picture naman mga transfer students, mukha nina Jessa at Bettylou palamang ang may ekes.
Hula nila, marahil ang mga ekes na iyon ay para sa mga estudyanteng patay na. Habang iyong mga question mark naman, marahil ay para sa mga estudyanteng nakatakas, o hindi pa malaman kung ano ang nangyari.
But the sign on Mell's face differs from the others, dahil imbis na ekes o question mark ay ang numerong dos ang naka-ukit dito. Isang bagay na hindi maintindihan no'ng dalawa.
"What does the 'two' drawn on Mell's face means?" Takang tanong ni Chris.
"More importantly, bakit nasa building na ito ang mga class picture na'tin?" Sabi naman ni Ophelia. Halatang hanggang ngayon ay talagang kinakabahan pa'rin, at patingin-tingin lamang sa buong paligid. Trying to make sure that there's nobody out but just them.
Mayamaya'y kinuha ni Chris June ang kanyang maliit na flashlight mula sa kanyang bulsa, upang sana'y mas makita ng mabuti iyong mga litrato ni Mell.
Ngunit may ibang bagay lamang siyang napansin dito...
"Uh... Ophelia?" Tawag ni Chris sa dalaga, dahilan upang muling mapatingin si Ophelia sa may litrato.
At mula 'roo'y nakita niyang naka-tutok ang flashlight ni Chris sa mukha ni Rogelio.
At imbis na ekes o question mark, ay isang bilog ang naka-ukit dito.
"X means deceased right? And a question mark probably means, status unknown. Sa tingin mo, anong ibig sabihin ng bilog?" Chris asks.
Bahagyang napa-isip naman si Ophelia.
"W--Why are you asking me? Hindi ko alam!"
Napa-lunok naman ng kanyang laway si Chris.
"It only means one thing. The person who's gonna die next are those with circular lines on them."
"A--Ano? S--So ibig bang sabihin niyan... S--Si Rogelio na ang susunod?" Kinakabahang tanong ni Ophelia.
"P--Probably," says Chris.
"A--At alam mo ba kung sino-sino pa ang mga estudyanteng may mga bilog sa mukha?" He asked again.
Umiling naman si Ophelia bilang sagot.
At pagkatapos ay sunod namang pinadaan ni Chris ang kanyang flashlight mula sa pangalawang class picture. Kung saan nakita niyang dalawa sa mga transfer students ang mayroon na ding bilog ang mukha.
Ophelia gulped when she saw who it were.
"I--Ikaw at ako?" Naisambit ng dalaga.
"A--Ano nang gagawin na'tin?" Bahagyang pagpapanik na tanong ng dalaga.
"Puntahan natin sina Mark!" Says Chris.
Patakbo na sana sila palabas ng silid. Pero kaagad lamang silang napahinto nang may bigla silang makitang taong naka-tayo mula sa may pinto na may hawak pang palakol, handa nang umatake sa kanila.
"Oh shit!!" Bigla nalamang naibulalas ni Chris June sa sobrang pagka-gulat.
Napa-takbo iyong mamamatay-tao sa kanila, at walang ano-ano'y bigla nalamang pinalakol ang mismong ulo ni Chris June.
Dahil sa nangyari ay napasigaw nalamang sa sobrang pagka-gimbal ang dalagang si Ophelia habang tinatalsikan pa siya ng mga dugo ng kaibigan.
Kaagad namang tinanggal noong killer iyong palakol mula sa ulo ni Chris at iwinasiwas mula sa harapan ni Ophelia. Ngunit mabuti nalamang ay hindi siya tinamaan nito, bagkus ay nagawa niya pang makalabas ng silid, still crying for help.
Takbo siya nang takbo, hanggang sa bigla nalamang siyang may makabungguang tao.
It was Aldrich.
"D--Drich! Drich tulungan mo ko! May humahabol sa'kin! Pinatay niya si Chris June!" Sunod-sunod na sinabi ng dalaga, na mahahalatang takot na takot pa'rin sa nangyari.
Ngunit seryosong nakatitig lamang sa kanya si Aldrich.
Masamang mga titig.
Bagay na ikina-taka at ikinabahala ng dalaga, kaya nama'y dahan-dahan siyang napa-atras...
"A--Aldrich?"
Doon niya lang napansin na may hawak-hawak pala itong kutsilyo.
"Sabi sa'kin ni Bladespawn, makakaligtas lang daw ako kapag may inialay ako sa kanyang buhay ng tao," anito.
"A--Ano? A--Anong ibig mong sabihin?"
"Pasensya ka na Ophelia, pero wala na akong ibang paraan pa," muling wika nito, at bigla nalang hinawakan ang braso ni Ophelia.
"D--Drich! Bi--Bitawan mo 'ko! Ano ba!!" Pagpupumiglas ni Ophelia sa binata.
Ngunit imbis na bitawan ay nagulat ang dalaga nang dahan-dahan lamang na sinugatan ni Aldrich ang kanyang braso gamit iyong kutsilyo.
Ophelia screamed in pain, habang si Aldrich naman ay napapangiti pa dahil sa kanyang ginagawa.
At matapos iyon ay sasaksakin niya na sana ang dalaga.
Ngunit mabuti nalamang ay inunahan siya nito.
Kaagad na tinadyakan ni Ophelia ang ari ng binata, dahilan upang mabitawan nito ang dala-dala niyang kutsilyo, at mapahawak mula sa kanyang ari dahil sa sobrang sakit.
"T--Traydor... I--Isa kang traydor!" Bulyaw na sigaw ni Ophelia kay Aldrich.
Kukunin na sanang muli noong bonata ang kutsilyo, pero dahil sa galit ni Ophelia ay kaagad niya munang tinadyakan ang mukha no'ng binata at inunahan niya ito sa pag-kuha noong kutsilyo.
Hindi niya na nakayanan pa ang kanyang sarili dahil sa mga patuloy na mga atakeng nangyayari sa kanila.
Wari ba'y nabalot na ng galit ang buong systema ng dalaga.
At pakiramdam niya pa'y gusto niya nang sumabog.
Bagay na naging sanhi upang kunin niya iyong kutsilyo at ibinaon sa dibdib noong binata..
Agad namang may lumabas na pulang likido sa bibig... pero hindi pa siya nakuntento dito at sunod-sunod niya pang pinag-sasaksak iyong binata, dahilan upang mawalan na nga ito ng buhay.
The killer saw everything. Ngunit imbis na atakihin si Ophelia ay napa-ngiti nalamang ito, at kaagad na naglakad paalis.
Iyak na siya ngayon nang iyak.
Nang makabalik sa kanyang sarili ay doon lamang napag-tanto ng dalaga kung ano ang kanyang nagawa.
Sa sobrang takot at galit niya ay hindi niya namalayang nakapatay na pala siya ng isang tao...
Kaagad niyang itinapon iyong kutsilyo at dahan-dahang tumayo...
Matapos iyo'y sakto naman ang biglaang pagdating ng kanyang mga kaklase.
Pare-pareho silang nagulat nang dahil sa kanilang nakita.
Natakot naman si Ophelia dahil dito.
Dahil baka isipin nang iba niyang mga kaklase na siya ang killer.
"G--Guys... I--I can ex--"
"Ayos ka lang ba?" Says Mark, checking her wounds.
"Siguro ang killer nanaman ang may gawa nito no? Nasa'n siya?!" Anitong muli.
Hindi siya pinaghinalaan ng mga ito na siyang pumatay kay Aldrich. Dahil na'rin sa mga nakita nilang sugat at galos sa katawan mismo ng dalaga.
Ophelia pointed the dark room, dahilan upang agad na magtungo mula 'roon iyong iba. At sa gulat nila ay nakita nilang wala na'ring buhay si Chris June, na nasa loob pa'rin noong silid.
Ophelia took a deep breath.
Ngunit mayamaya'y dahan-dahan siyang nilapitan ni Rosario, habang may mga ngiting naka-plastar pa sa mga labi nito...
"I know what you did," bulong pa nito sa dalaga...
++
T o B e C o n t i n u e d . . . . . .
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro