TFE 31: Trust Issues
Few minutes have passed ay kasalukuyan pa'rin ngayong nasa loob ng cafeteria ang mga magkakaklaseng na-trapped mula sa loob.
Sinubukan ng mga itong ibalik ang kuryente, sa pamamagitan ng pagsubok nilang pagbukas noong mga generator na kanilang nakita sa may electrical room kanina. Ngunit nabigo lamang sila nang kanilang malaman na hindi na pala gumagana ang kahit isa sa mga ito.
At sa kanilang pagka-gimbal, isa sa kanilang kaklase ang bigla nalamang nilang nakitang wala nang buhay pagka-balik nila doon sa may cafeteria area.
It was Janmil.
Naka-bitay na ito ngayon mula sa may kisame, at naliligo na sa sariling dugo...
The other guys tried to put their deceased friend's body down, and then covered it with a white cloth.
At dahil sa kanilang nakita'y kanila ngang nakumpirma na kagagawan nga ang lahat ng ito ni Bladespawn.
Kaya nama'y matapos iyon ay hindi na sila nag-atubili pa't pinag-sama-sama na nila ang kani-kanilang mga lakas upang masira lamang ang pinto ng cafeteria, maging ang mga naka-sarado na'ring mga bintana nito.
Ngunit kahit anong gawin nila, they all still felt powerless.
Dahil wari ba'y talagang gawa ang mga ito sa isang napaka-concrete na mga materyales, na talagang hindi madaling masisira ng kahit na ano.
"B--Bakit ba ito nangyayari? A--Ang akala ko ba mag-ca'camping lang tayo?! W--Where's teacher Zaira?! Where are the police?! W--Where are the rest of the students from the other schools?! And why is there a dead body in front of us?!" Shouted Claire. Ang dalagang halatang na-a'out of place na sa mga nangyayari dahil hanggang ngayo'y wala pa'rin siyang alam sa kung ano ba talaga ang misteryong bumabalot sa seksyong kanyang sinamahan.
"Pasensya na kung nadamay ka pa sa'min," ani Mark sa dalaga.
"Maraming beses na na'min tong na-experience. At maraming beses na'rin kaming nawalan ng kaibigan. And Janmil wasn't just the first guy. For some unknowns reasons, we're all being killed off one by one," aniya pa.
"And also for some reasons, the adults abandons us. All the time. Kagaya nalamang ng ginawa ni teacher Zaira," ani naman ni Heide.
"Si--Sino? Sinong g--gustong pumatay sa inyo?!" Aning muli ni Claire.
"Bladespawn," sagot naman sa kanya ni Florelyn.
"And who the heck is Bladespawn?!"
"Someone who's about to end our miserable lives," sabat naman ni Rosario.
"At kung hindi ako nagkakamali... May rason kung bakit ka ngayon nasa sitwasyong ito. Kagaya namin, sinet up ka lang din nila. This killer is using everyone. Even teacher Zaira, at ang mga pulis para mailagay lamang kami sa sitwasyong ito. Kung sino man ang gustong pumatay sa'min, ay paniguradong gusto ka 'ring patahimikin," aniya pa, habang may seryosong mukha.
"Pe--Pero bakit?! I--I'm a good kid! I never did anything wrong!" Says Claire.
"Sa tingin mo ba nangyayari toh sa'min kasi may mga nagawa kaming masama dati?" Sabi naman ni Joseph.
"H--Hindi ko alam! I--I mean... Hindi ko kayo ki--kilalang lahat eh! S--So how should I know?!"
"Siguro nga may rason kung bakit toh nangyayari sa'tin," ani Heide.
"But this...? This is just too much! Napakaraming trahedya na ang sumalubong sa'tin! And everytime we survive out of luck, one of us gets to die! A--At sa ngayon, si Janmil naman ang kinuha niya," aniyang muli.
Na halatang pinipigilan lamang ang sariling mga emosyon dahil sa mga patuloy pa'ring nangyayari.
"I--I can't even remember the last time I talked to my parents," says Dwayne.
"I--It's like... Sa tanang buhay ko, kayo nalang parati ang mga nakakasama ko," aniya pa.
"What if... None of us really has parents in the first place?" Biglang iniwika ni Rosario.
Dahilan upang sa kanya mapa-tingin iyong iba.
"Ano?" Takang tanong ni Faye.
"Since when did our lives start?
Noong araw na ipinanganak ba tayo? O--- noong araw na natagpuan ang pinaka-unang bangkay sa Annex High?" Aning muli ni Rosario, habang blangko lamang ang ekspresyon nito.
"Sayong, what are you trying to say?" Asks Heide.
"Hindi pa ba malinaw sa inyo ang lahat?" She asks.
"Ang mga buhay na'tin, ang mga tao sa paligid na'tin, at ang mga patayang nagaganap sa buong Mary Hills.
I--It's like, we're all just part of a horror movie."
"H--Hindi ko pa'rin maintindihan..."
Sabi naman ni Raffy.
"What if I told you... Na all this time, isa lang pala tayong mga fictional characters na kailangang mamatay, dahil nga nasa iisang nakakatakot na palabas o istorya lang pala tayo? And everything's just being controlled by a film director or a writer?"
Sa sinabing iyon ng dalaga'y hindi muna naka-gawa ng kahit anong pag-imik ang lahat sa kanila.
They've all stood there in awe.
Thinking about the unrealistic-but-still-possible things that may be currently happening with their lives.
At no'ng puntong mag-sasalita na sanang muli si Heide ay kaagad lamang na naagaw ang atensyon ng lahat nang bigla nalamang sumulpot sa kabilang pintuan ang ngayo'y hinihingal nang si Ian.
May dala-dala itong flashlight, at halatang kanina pa tumatakbo makalapit lamang sa kanila.
"I--Ian? Sa'n ka nag-punta?" Tanong ni Heide dito.
"May nakita akong labasan!" Kaagad na iniwika no'ng binata.
Dahilan upang mabalikan naman ng enerhiya iyong iba.
"S--Saan?!" Agarang tanong sa kanya no'ng iba.
"Sumunod kayo sa'kin!"
Matapos iyo'y kaagad namang nagsi-tungo mula 'roon iyong mga estudyante, leaving nobody else behind again. Except for the now deceased Janmil.
Muli naman silang naka-punta doon sa may generator area.
Ian lead the way, at kaagad siyang may itinuro mula 'roon.
"Tingnan niyo oh! Yan!"
Turo niya doon sa maliit na butas na nasa may ibaba.
It was a small opened air vent.
"Sira ka ba!? Eh ang liit-liit niyan! Paniguradong hindi tayo kakasyang lahat pag diyan tayo lumusot!" Reklamo ni Aldrich.
"At tsaka, papaano ka naman nakaka-siguradong dederetso sa labas yan?!"
"Hindi ako sigurado," sagot ni Ian.
"Pero kung hindi tayo susubok, walang ibang mangyayari sa'tin kung dito lang tayo mananatili! Sa ngayon, that's our only shot!"
"Dude, I know," muling sabat ni Aldrich.
"Pero gaya ng sinabi ko kanina, wala ni-isa sa'tin ang magkakasya diyan!"
"I can try," pag-pi-presenta naman ng dalagang si Faye.
"A--Ano? Babe... No," agarang pag-pigil naman sa kanya ni Raffy.
"I--It's okay. Hindi naman gaano kalaki ang katawan ko eh. I'm really thin, kaya baka kumasya ako diyan," aning muli ni Faye.
"No. Still, I insist. Hindi na'tin alam kung ano ang maaaring mag-abang sa'yo sa likod ng butas na yan. It's too dangerous!" Wikang muli ni Raffy.
"Pero---"
"A--Ako nalang..."
Agarang pag-sabat naman ni Mell.
"Dude sigurado ka?" Ani Daniel.
"Well, since ayaw payagan ni Raffy si Faye, ako nalang.
Other than her, ako nalang ang isa pang payat sa'tin dito. Kaya siguradong kakasya din ako sa butas na yan kahit papaano," aniya pa.
"Anong plano muna?" He asks.
"Pero maaaring tama si Aldrich," ani Hanzell.
"None of us are safe hangga't di na'tin nalalaman kung ano ang nasa likuran ng air-vent hole na yan."
Ian sighs.
"Kaya nga ichicheck na'tin diba?
Kung kakasya lang sana ako diyan, edi ako nalang sana ang mag-pi-presenta."
"Sabihin niyo nalang sa'kin kung anong kailangan kong gawin," ani Mell.
"O--Okay, i-check mo muna kung saan patungo yang air vent na yan. At kung dederetso man siya sa labas--presumably sa may likuran ng cafeteria, lumabas ka't agad na mag-tungo sa may pintuan. Check the front door, para mabuksan ang pinto't maka-labas 'rin kaming lahat, mayroon kang ita-type-in na passcode mula doon. Malapit lang din mismo sa may frontdoor ng cafeteria. Just type in '616-A113', and voila! Open sesame!" Monologong sabi ni Ian.
"Just remember, be careful and don't let the killer sees you," aniya pa.
"Teka, papaano mo alam ang tungkol sa passcode?" Takang tanong ni Heide.
"Uhh... Well.... I--I was with teacher Zaira kanina. Kaya medyo naka-silip ako no'ng tina-type niya yo'ng passcodes," says Ian.
"At bakit naman lalagyan ng passcode ang isang cafeteria?" Asks Ophelia.
Ian shrugged both of his shoulder as an answer.
"Not sure. Siguro dahil huma-high-tech na tayo masyado ngayon," aniya pa.
"Teka, Mell's gonna need some weapon," says Heide.
"Just in case makasalubong niya yo'ng killer."
"Heto, dalhin mo," agarang may inilahad na kutsilyo si Raffy mula sa binata...
During that moment, agad namang may halong pag-tatakang napa-tingin sa kanya iyong iba.
"B--Bakit? Uy wag kayong mag-isip ng kung ano-ano ah! Parati talaga akong nag-dadala ng ganyan para... Y'know...? Pam-proteksyon," pag-tatanggol ng binata sa sarili.
Dahil dito'y kahit na may bahid pa'rin ng pag-dududa'y ibinaling nalamang muli noong iba ang kanilang atensyon kay Mell.
Mell also accepted the knife, just in case mayroon ngang sumalubong sa kanya sa labas.
"Be careful, Mell. Kung sakaling may kung ano o sino ka mang makasalamuha doon, just do whatever it takes to survive," says Heide.
"Fight if you have to," aniya pa.
Dahil sa sinabi ng kaklase ay napa-tango nalamang ang binata.
He took a deep breath first before crawling inside the vent hole...
Kinakabahan man ay pinipili nalamang ng binatang patatagin ang sarili.
At habang patuloy na gumagabang ay wari ba'y unti-unti nang nag-iiba ang amoy ng paligid...
Bumabaho na ito't nag-hahalo-halo na ang mga napaka-sang-sang na amoy.
May mga nakikita na'rin siyang mga patay na mga daga't insekto habang patuloy lamang sa pag-gapang.
Ngunit imbis na rumeklamo'y ininda niya nalamang ang lahat ng iyon.
Inisip niya nalamang din ang kapakanan ng kanyang sarili't ang buhay ng kanyang mga kaibigan.
At habang nag-papatuloy lamang ang binata, ay wari ba'y may nakikita na siyang labasan papaalis sa napaka-sangsang na vent na iyon.
Dahil din dito'y mas binibilisan niya na ang pag-gapang. Nag-babakasakaling kaagad na makaka-labas na mula 'roon.
Ngunit agad lamang siyang natigilan sa pag-kilos nang may isang magka-pares na itim na mga sapatos siyang nakita mula 'roon...
Mag-papatuloy na sana siya agad sa pag-gapang, dahil naisip niya'y baka isa lamang iyon sa kanyang mga kaklase dahil parang nakita niya na ang pares ng sapatos na iyon sa kung saan. Ngunit agad lamang siyang napa-diin mula sa kanyang mga bibig nang may bigla nalamang mahulog na bagay mula sa lupang nasa harapan lang din ng kanyang kinaroroona.
Isa iyong pugot na duguang ulo galing sa isa sa kanyang mga kaklase.
Most specifically, ulo ng kaklaseng si Zyhra...
Gimbal na gimbal sa kanyang biglang nasaksihan ang binata.
Gustuhin niya mang sumigaw ay pilit niya nalamang na pinipigilan, dahil natatakot siya na baka siya na ang sumunod dito...
Kaya nama'y nag-tago nalamang muna siya mula 'roon.
Di nagtagal ay lumakad narin papaalis iyong tao.
Mell assumed that it was none other than, the killer, Bladespawn himself. Roaming around the whole woods of Mary Hill. Trying to find his next victim.
Ans even though the person did left, Zyhra's severed head was left untouched.
Hinintay na muna ng binatang mawala ang tunog ng mga yapak ni Bladespawn bago tuluyang lumabas, dahil natatakot siyang baka nasa malapit pa ito.
But after a few seconds, napag-pasyahan na'rin ng binatang unti-unting lumabas..
Pagka-labas niya nama'y wala na siyang iba pang nakitang tao mula 'roon.
Dahil dito'y napa-hinga nalamang ng malalim iyong binata, at pagkatapos nama'y muling napa-tingin doon sa ulo ng kaklase.
He felt sad and bewildered while looking at it...
Isa si Zyhra sa mga hindi umattend sa party na naganap sa cafeteria. Buong pag-aakala niya'y ligtas ang mga ito doon, ngunit ngayon, naisip niyang marahil ay maging ang ibang mga kaklaseng nanatili lamang sa kani-kanilang mga cabin ay inatake na'rin noong killer.
Meaning, not even a single soul is safe around Mary Hill Woods.
Mell took pity while still looking at his deceased classmate's head. Kaya nama'y dahil dito ay agad na hinubat ng binata ang kanyang suot-suot na suit at tinabunan ang ulo nito.
Nang sana nama'y aalis na siya mula 'roon, nagulat ang binata nang pagka-lingon niya'y may bigla nalamang siyang nakitang taong dahan-dahang lumalapit sa kanya...
"M--Mell... Tulong..." Nanghihina ito'y wari ba'y mahihimatay na.
"L--Lalaine?!"
Lalapitan na sana ng binata ang kaklase, ngunit natigilan siya nang makita niyang puno na ng bahid ng dugo ang damit sa suot-suot ni Lalaine.
"B--Bakit?" Lalaine asks...
Bahagyang napa-atras ang binata.
"L--Laine? A--Ayos ka lang? Kaninong... Kaninong mga dugo yan?" He asks.
"Ah... H--Hindi ito sa'kin. N--Nakita ko si R--Rosemary kanina malapit sa may cabin na'min," nanghihina pa'ring pagkaka-sabi ni Lalaine. At sa puntong iyon ay wari ba'y parang nag-pipigil na ito sa pag-iyak.
"P--Patay na siya Mell... M--May pumatay kay... R--Rosemary!" Aniya pang muli.
"At papaano naman ako nakaka-siguradong hindi ikaw ang pumatay sa kanya?" Says Mell.
Isang bagay na ikinataka ni Lalaine.
"A--Ano?"
"I--Ikaw ba ang pumatay sa kanila? Kay Rosemary? Kay Zyhra? Kay Janmil?" Muling sunod-sunod na tanong ni Mell sa dalaga, habang nababalutan pa'rin ito ng takot.
"Mell... A--Ano bang pinagsasasabi mo?" Sinubukang lapitan ni Lalaine ang kaklase, ngunit kaagad lamang siyang natigilan nang may bigla kinuhang kutsilyo ang binata mula sa kanyang bulsa at agad iyong itinutok sa dalaga.
"D--Diyan ka lang!!" Sigaw ni Mell kay Lalaine, at pagkatapos ay napa-atras muli, dahilan upang bigla niya nalamang aksidenteng maapakan iyong ulo ni Zyhra na ngayo'y natatabunan ng kanyang sinuot na suit kanina.
Dahil din sa nangyari'y bigla nalamang na-out balanced si Mell, dahilan upang mahawi ng kanyang paa iyong damit.
Exposing Zyhra's severed head.
Agad iyong nakita ni Lalaine, dahilan upang magimbal sa takot ang dalaga...
At dahil na'rin sa nakita niyang kutsilyong hawak ni Mell, agad niyang inakalang, marahil ay siya ang may kagagawan ng pagkaka-paslang nito...
"Pi--Pinatay mo si... Z--Zyhra?" May halong takot at panginginig nang tanong ni Lalaine sa kaklase.
"H--Hindi..."
Naiwika ni Mell.
"I--Ikaw! Ikaw ang pumatay sa kanila!" Bulalas ni Mell, at bigla nalamang napa-takbo papaalis mula 'roon dahil sa sobrang takot...
Takbo lamang ng takbo ang binata.
At dahil sa sobrang takot ay hindi niya na naalala pang tulungan iyong iba niyang mga kaklaseng nasa loob pa ng cafeteria.
He was terrified and bewildered.
Tanging naisip niya nalamang ay ang sana'y maka-takas mula 'roon.
He straightly ran through the woods, at nang sana'y liliko na siya, nagulantang ang binata nanh may bigla nalamang tumusok mula sa kanyang tagiliran.
The young boy groaned in pain, at pagkatapos ay kaagad na natumba sa may damuhan.
Impit siyang napa-sigaw habang mariin lamang na naka-hawak sa kanyang may tagiliran.
May bigla nalamang sumaksak sa kanya.
At sa kanyang mas labis na pagka-gimbal ay kaagad na sumalubong sa kanyang paningin ang isang taong naka-maskarang naka-tayo lamang mula sa harapan niya.
"P--Please..."
Mell struggled. Gusto niyang tumayong muli at mag-tatakbo, ngunit hindi niya magawa dahil sa sobrang sakit nang kanyang nararamdaman mula sa kanyang tagiliran. All he can do during those times was crawl away.
"Please spare my life?" Says Bladespawn, at pagkatapos ay bigla nalamg tumawa.
"Funny. Yan nalang kasi parati ang sinasabi niyo bago ko kayo patayin eh," aniya pa.
"Just like what I did to your weakling twin brother!" Sigaw pa nitong muli, na lubusang ikina-taka ni Mell.
At pagkatapos ay muling itinaas ang hawak nitong kutsilyo upang sana'y muling saksakin iyong binata.
Ngunit hindi niya pa man nagagawa iyon ay pareho silang nagulat nang may bigla nalamang sunod-sunod na magpa-putok ng isang baril.
Tumama ang bala nito doon sa mamatay-taong naka-maskara, dahilan upang agad itong matumba't bumulagta sa damuhan.
Agad namang napa-lingon ang bonata kung saan nanggaling ang mga paputok, at mula sa may malayo ay may nakita siyang isang pamilyar na binatilyong naka-suot ng police uniform, na naka-tayo habang hawak-hawak pa nito ang baril na kanyang ginamit ngayon-ngayon lang.
The guy rushed in to help Mell.
"Ayos ka lang?" Tanong nito.
"I was stabbed, kaya sa tingin ko halata naman pong hindi," agarang sagot ni Mell habang tinutulungan siya nitong makatayo.
"Kailangan na muna na'ting maka-alis dito," sabi noong binata.
"But first, I have to finish what I started," aniya pa. Sabang na napa-lingon mula doon sa killer upang sana'y barilin itong muli.
Ngunit pareho lamang silang nagulat ni Mell nang makitang, wala na ito mula 'roon...
"W--Wala na siya..." Ani Mell.
The police guy cursed in anger.
"Natakasan niya nanaman tayo," sabi pa nito.
May sasabihin pa sana si Mell sa binata, dahil sa mga oras na iyo'y bigla niya nalamang muling naalala ang kanyang mga kaklaseng hanggang ngayon ay nasa loob pa'rin ng cafeteria.
Ngunit dala na'rin sa sobrang pang-hihina, hindi namalayan ng binatang unti-unti na pala siyang nawawalan ng malay...
+++
BestRoleInLife
- Presents -
"The Final Exam"
Chapter 31: Trust Issues
(+++)
"Ang tagal naman ni Mell!" Reklamo ni Aldrich.
Mag-iilang minuto na't hanggang ngayon ay wala pa'ring may nag-bubukas sa kanila ng pinto.
Kanina pa din nila hinihintay si Mell, na siyang kanilang inatasang lumabas sa may vent upang pati sila'y maka-labas 'rin.
"K--Kinakabahan ako! Papaano kung may nangyari na pala sa kanyang masama? I--I can't... I can't afford to loose another friend today!" Says Heide, halatang natatakot at kinakabahan na para sa kanyang kaklase.
"O baka naman iniwan niya na tayo! Walang hiya siya!" Bulyaw naman ni Aldrich.
"Hindi ganyang tao si Mell," pag-po-protekta ng matalik na kaibigang si Daniel.
"Sa mukha mong yan, baka ikaw pa nga tong mang-iwan sa'min eh. Or worse, baka ikaw pa tong killer!" Aniya pa. Na kaagad namang ikina-inis ni Aldrich, dahilan upang bigla nalamang itong lumapit sa kanya't mariing hinugot siya mula sa kanyang kwelyo.
"Anong sabi mo, loser?!" Inis na bulyaw pa ni Aldrich dito.
Dahil naman sa biglaang nangyari ay kaagad silang pinag-hiwalay no'ng iba pa nilang mga kaklase.
"Guys just calm down, okay?"
Ani Ophelia sa mga kasama.
"H--Hindi niya naman ata gagawin satin yo'n eh!"
Nag-aalala na ang ilan sa kanila kung ano na nga ba ang sinapit ng kaklase. Ngunit hindi naman maikakaila na ang iba sa kanila'y naghihinala na'rin dito. Dahil halos mag-sasampung minuto nalang wala pang bumubukas ng pintuan.
"A--Ako nalang ang lalabas," muling pag-pi-presenta ni Faye, na kagaya no'ng kanina agad lamang na hindi sinang-ayunan ng kasintahang si Raffy.
"No way. It's just too dangerous out there, at hindi na'tin alam kung ano nang nangyari kay Mell. For all we know, he's probably been killed already at handa nanaman siyang pumatay ng isa sa'tin," ani Raffy.
"Pe--Pero--"
"Guys, shhh!" May sasabihin pa sana si Faye, ngunit agad lamang siyang napa-hinto nang patahimikin sila ni Ian.
"I--I think may naririnig ako," aniya.
"A--Anong ibig mong sabihin?" Florelyn asks.
"Mula sa labas," aniya pa. Sabay turo mula doon sa may pinto ng cafeteria.
Dahilan upang mapatingin naman agad doon ang lahat ng magkakaklase.
At makalipas nga ang ilang segundo'y bigla nalamang itong nag-bukas.
Pero imbis na si Mell, nag-taka sila nang unang bumungad ay ang mukha ng dalagang si Lalaine.
Agad 'rin nilang napansin na puno ng dugo ang mga kamay at kasuotan nito.
"D--Dalian niyo! P--Paparating na siya!" Agarang iniwika ni Lalaine.
"S--Sino?" Tanong naman ni Mark.
"Teka, kaninong dugo yan? A--At nasan si Mell?" Agarang tanong ni Daniel sa dalaga.
"K--Kay Rosemary toh! P--Patay na siya... pinatay siya ni Bladespawn," mangiyak-ngiyak nang sagot ni Lalaine.
"S--Si Mell naman..."
"Anong nangyari sa kanya?" Muling tanong ni Daniel.
Umiling-iling is Lalaine.
"H--Hindi ko alam. Basta bigla nalang siyang nag-tatakbo papalayo kanina. A--Akala niya kasi ako daw yo'ng killer. N--Na ako ang pumatay kay Rosemary. Pe--Pero hindi! Please, maniwala kayo sa'kin," says Lalaine.
"S--Sa tingin ko... Siya si Bladespawn. S--Si Mell! Ku--Kung hindi ako nagkakamali, siya ang pumatay kay Zyhra. N--Nakita ko kasing... tinatabunan niya kanina yo'ng pugot na ulo ni... ni Zyhra!"
"Hindi si Mell ang killer!" Daniel's sudden rebuttal.
"At bakit naman kami maniniwalang hindi nga talaga ikaw ang pumatay kay Rosemary? Kay Zyhra? At maging kay Janmil?" Muling tanong niya pa dito.
"Dahil hindi si Lalaine ang killer," says Ian.
"She can't be the killer. Kilala ko na siya simula pa no'ng bata pa kami. At kahit mga insekto, hindi niya makakayanang patayin," aniyang muli.
"Ian, just because she's your friend doesn't mean she can't be a suspect," wikang muli ni Daniel, ngunit tinitigan lang siya ng seryoso ni Ian.
"Likewise, Dan. Just because Mell's your best friend, doesn't mean he's also not the killer. For all we know, he probably left us on purpose."
Dahil sa sinabing iyon ni Ian ay hindi nalamang naka-imik pang muli si Daniel...
Although, he still believes Mell's innocence.
"Guys please, wala na tayong panahon pa para mag-debate," ani Mark.
Naniniwala 'rin akong hindi sina Mell o Lalaine ang killer. I also have my personal suspects and both of them are not a part of it. Pero kung hindi pa tayo umalis dito, sooner or later ay baka balikan nanaman tayo no'ng mamamatay taong yo'n. He also killed three of us. Kailangan na'ting makipag-regroup doon sa iba pa, para maka-alis na tayo sa impiyernong lugar na ito!"
Matapos marinig ang monolo ni Mark ay kaagad na'rin nilang napag-pasyahang umalis na mula 'roon.
+++
"H--Hindi pa ba nakaka-balik si Alexandra?" Nababahalang tanong ng dalagang si Angelou sa kanyang mga kasama.
Kasalukuyan pa'rin ngayong nasa loob ng kanilang sariling cabin ang magkakaklase, maliban sa isang si Alexandra. Na nag-paalam sa kanila kanina upang puntahan daw ang iba pa nilang mga kaklaseng nasa may cafeteria.
Nag-presenta kasi itong lumabas dahil pare-pareho silang hindi mapakali kanina nanh bigla nalamang namatay ang mga ilaw.
Sa ngayon ay iyong patay-sinding pang solar lamplight nalamang ang kanilang ginagamit. Even their phones, all of it suddenly stopped working.
Tanging sina Sheena, Theresa, Nicole at Angelou lamang ang naroroon mula sa loob. Magkaka-tabi pa ang mga ito, maliban lamang kay Sheena na kanina pa tumitingin-tingin sa labas ng naka-saradong transparent nilang bintana, trying to see whatever's going on outside, but still haven't seen anything weird yet.
Halatang nababahiran na sa sobrang takot ang mga ito. Lalo na no'ng parang may narinig pa silang sunod-sunod na mga putok ng baril kanina.
"G--Girls? Isn't this the part na, dapat umalis na tayo sa cabin na to't magtatakbo paalis?" Pa-conyong pag-sa-suggest ni Angelou.
"Are you high? Kapag gawin na'tin yo'n, mas lalong manganganib lang ang mga buhay na'tin!" Says Nicole.
"I--I mean... K--Kesa naman sa mananatili nalang tayo dito diba? What if bigla nalang tayong pinuntahan no'ng killer?" Aning muli ni Angelou.
Theresa took a deep breath.
"Tama si Angelou," aniya. Isang bagay na ikinagulat namang pareho nina Angelou at Nicole.
"I--I am?! ---I--I mean... Of course I am!" Says Angelou.
"S--Sa tingin ko lang naman, kailangan na'ting mag-regroup na kasama iyong iba! A--At tsaka, apat lang tayo! We're still safer in numbers!" Aning muli ni Theresa.
"Pero kung may nangyayari nga nanamang masama sa labas, at gumagawa nanaman ng mga killing spree si Bladespawn, ano nalang ba ang gagawin na'tin kung sakaling bigla nalang na'tin siyang makasalamuha?!" Muling pag-pupunto ni Nicole.
"Madali lang. Edi lumaban tayo!" Tanging sagot sa kanya ni Theresa.
Habang patuloy naman sa pag-silip mula sa labas ng binata ang dalagang si Sheena, bigla nalamang siyang napa-sigaw sa sobrang gulat nang bigla nalamang 'ring sumulpot mula sa kanyang harapan ang mga mukha nina Justin at Johnrey.
"Sheen?! Theresa?! Buksan niyo tong pinto, dali!!" Sunod-sunod na sinabi ng binatang si Justin, dahilan upang kaagad nga iyong binuksan ni Sheena.
"Sh--Sheena anong ginagawa mo?! What if sila ang killer?!" May halong pag-papanik na naibulalas ni Nicole.
"Hindi kami ang killer!" Agarang naiwika ni Justin.
"A--Ano bang nangyayari sa labas?!" Tanong naman sa kanya ni Sheena.
"Patay na si Rosemary," says Johnrey.
"Th--The killer's doing it again! He's hunting us! K--Kanina kasama na'min sina Joyce, Reymart, Erron at Rejielyn. Pero nagkahiwa-hiwalay kami no'ng bigla nalamang nagparatrat ng kanyang baril yo'ng killer. A--And if we don't get out of here soon, baka pati tayo mabiktima niya na'rin!"
"Kailangan na na'ting magmadali't pumunta agad sa cafeteria kung nasaan iyong iba! Hindi titigil si Bladespawn hangga't hindi niya tayo nauubos ngayong gabi!" Sabi namang muli ni Justin.
Agad namang naka-ramdam ng matinding kaba ng dahil sa sinabi ni Justin si Nicole, kaya nama'y mula sa kanyang kinauupan ay dali-dali 'rin siyang napa-takbo papalapit sa may pinto kasama iyong iba.
"Oh eh... A--Ano pang hinihintay natin!? G--Gora na! Bago pa tayo ma chugi dito!" Aniya, na siya pang nauna sa pag-labas.
Matapos iyon ay kaagad na silang nagsi-labasan.
Ngunit sakto namang pagkalabas nila'y bigla nalamang sila muling nakarinig ng isang malakas na putok ng baril.
Napa-luhod silang lahat dahil sa sobrang lakas nito.
At sunod nalamang nilang nakita ay tinamaan na pala si Theresa mula sa may binti at tagiliran niya.
Dahil dito'y kaagad siyang kinarga ni Justin, at pagkatapos ay sinabihan iyong ibang muling pumasok sa loob ng cabin, na siya namang agad na sinunod ng mga ito.
Matapos maka-pasok ay agad nilang ni-lock iyong pinto ng cabin, at ginawang pang-barricade pa iyong sofang naroroon.
Agad nilang dinala si Theresa sa kabilang kwarto upang kaagad na gamutin ang mga sugat, habang sina Sheena at Johnrey naman ay siniguradong hindi makaka-pasok iyong killer.
Impit na napapa-sigaw si Theresa dahil sa sobrang sakit, habang dinidiinan lamang ni Justin ang sugat mula sa kanyang binti at may tagiliran upang hindi lubusang dumugo.
Talaga nga naman kasing bumaon iyong bala dito.
Agad namang may pinunit na parte ng kanyang palda si Angelou, at pabalot na itinali iyon sa mga sugat ng dalaga para mag-silbing pressure.
"A--Alam kong manggamot!" Says Angelou.
"But we don't have a first aid kit! K--Kailangang matanggal ang balang yan sa binti ni Theresa! Dahil baka mag-dulot yan ng infection!" Bulyaw naman ni Nicole na halatang nagpapanik na sa takot.
"Kailangan na'ting gumawa ng paraan!" Sabi naman ni Justin.
"M--May alam akong lugar kung sa'n pwede tayong m--makakuha ng mga first aid kit at gamot!" Says Nicole.
"S--Saan?!" Magka-sabay pang tanong nina Justin at Angelou.
"D--Dito lang din mismo s--sa loob ng M--Mary Hill Woods! I--I think may nakita akong m--mini clinic building dito no'ng namamasyal ako kanina!"
"Gaano kalayo?" Justin asks.
"I--I'm not exactly sure. B--But I--I think magkasing-layo lang sila ng cafeteria."
"O--Okay? Pero papaano tayo makakapunta do'n ng ligtas?" Tanong naman ni Angelou.
Sa puntong iyo'y wala muna sa kanilang may nagsalita mahigit anim na segundo.
Iniisip kung ano ang kanilang pwedeng gawin maka-wala lang sa killer.
"B--Bahala na! Let's just run! Hanggang sa makarating tayo sa sinasabi ni Nicole! Sasama ba kayo?" Says Justin.
Nagka-tinginan naman munang pareho sina Angelou at Nicole, at pagkatapos ay napa-tingin sa ngayo'y nag-hihirap na si Theresa, and then, both ladies nodded their head in response.
"Sheena! Johnrey! Kayo na muna ang bahala kay Theresa!" Tawag ni Justin doon sa dalawa.
"Ano?! Pe--Pero pa'no pag mapano 'rin kayo?!" Says Sheena.
"Don't worry about us. Worry about yourselves, girl!" Ani Nicole.
"Basta. Kahit anong gawin niyo, wag na wag kayong lalabas dito!" Muling iniwika sa kanila ni Justin, at pagkatapos ay kaagad na nilang tinanggal iyong sofa na naka-harang doon sa pinto't dali-daling nagsi-labasan.
Pagkalabas nilang tatlo'y wala silang may nakitang kahit na sinong tao... kaya nama'y matapos iyon ay walang-ano-ano'y kaagad silang dumeretos sa pag-takbo.
They just ran and ran. Not trying to look back. Plano nilang kaagad na magtago malapit sa may mga bushes.
But then, bigla nalamang muling may nagparatrat ng paputok ng baril.
Ngunit sa puntong iyon ay wala na sa kanila ang natamaan pa.
Bagkus ay sigaw lamang ng sigaw sina Angelou at Nicole habang patuloy ang pag-takbo, natatakot na baka matamaan noong mga bala.
+++
"O--Oh my god! Napakaraming beses na no'n!" Ani Claire nang muli nanamang makarinig ng mga sunod-sunod na paputok ang kanilang grupo.
"Shh. Just keep it down and low," ani Mark, habang ipinag-papatuloy lamang nila ang kanilang mahinang pag-takbo.
"Mark? S--Sa tingin mo ba may mga kaklase tayong... Naroroon at nakikipag-habulan ngayon kay Bladespawn?" Kinakabahang taong ni Florelyn.
"N--Natatakot ako para sa kanila," aniya pa.
"I understand how you feel Nadz," sabi sa kanya ni Mark.
"Pero sa ngayon, mas importanteng mailigtas na muna na'tin ang ating mga sarili, then we'll come back for them kapag maka-hingi na tayo ng tulong!"
Matapos na maka-alis mula doon sa may cafeteria ay kaagad na napag-pasyahan ng magkakaklaseng mag-tungo papalabas sa gate ng Mary Hill Woods, upang maka-alis na mula 'roon, and to their surprise, nakita nilang naka-bukas na mismo ito.
"D--Dalian niyo guys! Baka may maka-habol pa sa'ting isang magalomaniac!" Ani Hanzell sa mga kaklase, halatang na-e'excite na itong makalabas.
Ngunit hindi pa man tuluyang nakaka-lapit sa may gate ang magkakaklase ay wari ba'y bigla nalamang may naramdamang kung ano ang dalagang si Rosario, dahilan upang mapa-tigil siya't agad na humarang sa harapan ng mga kaklase.
"Te--Teka!" Aniya sa mga ito, kaya nama'y pare-parehong napa-tigil iyong iba.
"B--Bakit?" Takang tanong ni Rogelio.
"H--Hindi ako sigurado pero... Masama ang kutob ko para dito," aniya.
"A--At bakit naman?" Takang tanong ni Ophelia.
"Tama si Rosario," wika naman ni Heide, dahilan upang sa kanya naman mapa-tingin iyong iba.
"I--I mean, hindi ba kayo nag-tataka? The gate is wide open!" Aniya pa.
"And so? It's better than being closed! Atleast makaka-takas tayo ng walang kahirap-hirap!" Says Claire
"Yan ang kinaka-bahala ko," aning muli ni Rosario.
"Kung gusto tayong patayin ni Bladespawn, ibig sabihin gagawin niya ang lahat wag lang tayong maka-takas."
"S--So... Iniisip niyo ba na... Baka may trap na naka-set up malapit sa may gate?" Tanong muli ni Claire, na ikina-tango namang pareho nina Heide at Rosario.
"O--Okay? At ano nang gagawin na'tin ngayon?!" Bulyaw naman ni Hanzell.
Habang patuloy naman sa pag-didiskusyon iyong iba ay panay lamang sa pag-libot ng kanyang mga tingin ang kanina pang kinakabahan at sobra nang natatakot na si Florelyn.
Halos mahahalata na'rin ang kanyang sobrang panginginig.
Patingin-tingin lamang siya sa buong paligid. Natatakot na baka may bigla nalamang siyang makitang taong tumatakbo papunta sa kanila upang sila'y paslangin. O di kaya nama'y bigla nalamang silang paratratan ng putok ng baril.
At mula nga sa may di lamang kalayuan ay bigla nalamang siyang naka-kita ng isang bulto ng taong nagtatago sa may isang malaking puno.
Kumaway pa ito sa kanya nang dahan-dahan habang may hawak-hawak na kutsilyo.
At dahil dito'y mas tumindi lamang ang nararamdamang takot ni Florelyn.
Dahilan upang hindi niya namalayang bigla na pala siyang napa-takbo papalayo, at patungo doon sa may gate.
"F--Florelyn teka!!" Tawag sa kanya ni Heide.
Ngunit wari ba'y parang na-bingi na ng tuluyan si Florelyn at wala na siyang ibang maisip pa kundi ang maka-alis mula sa lugar na ito.
Takbo lamang ng takbo ang dalagita, nag-babaka-sakaling kaagad na makakaalis ng ligtas mula 'roon.
Ngunit hindi pa man siya tuluyang nakaka-lapit sa may Mary Hills gate at kaagad lamang siyang napa-tigil sa pag-takbo nang bigla nalamang sumara iyong gate.
"Masama ito..." Mahinang naiwika ni Rosario.
"Florelyn umalis ka na diyan! Bumalik ka 'rito!" Sigaw ni Rosario.
Sa puntong iyon ay kaagad na 'rin sanang babalik papalapit sa mga kasama ang dalaga.
Ngunit isang hakbang palabang ang kanyang nagagawa'y bigla nalamang siyang naka-ramdam ng isang nag-uumapaw na sakit mula sa kanyang kanang paanan, dahilan upang mapa-sigaw ng napaka-lakas ang dalaga't kaagad na matumba.
Pagka-tingin niya mula 'roo'y may isang napaka-talim na spike na palang tumusok mula sa kanyang paa.
And just a few seconds later, nagulantang ang dalaga nang makitang, mula sa may gate ay sunod-sunod na bigla nalamang may nasisi-sulputang mga matatalim na spikes mula sa lupa.
Papalapit na nang papalapit ang mga spike na ito sa kanyang kinaroroonan, kaya nama'y mula roon ay hindi na nag-atubili pa ang dalaga at kaagad siyang napa-tayo mula sa pagkaka-dapa upang agarang tumakbo papalapit doon sa iba.
"Bilisan mo!!" Yelled the others, dahila nakita 'rin ng mga ito kung papaano mag-labasan iyong mga matutulis na spikes papalapit sa dalaga.
Ngunit nang sana'y malapit na sa kanila si Florelyn, nagulantang silang lahat nang bigla nalamang may sumulpot na isang pader malapit lamang sa kanilang kinatatayuan.
Creating a tall barrier, and trapping Florelyn on the other side as the spikes finally reached her.
Dahil dito'y napa-sigaw nalamang sa sobrang sakit ang dalaga nang tumusok ang ilan sa mga ito mula sa kanyang dalawang paa.
"F--Florelyn!!" Ian and the others tried to break down the wall and even climbed on it, ngunit natigilan lamang sila mula sa kanilang ginagawa nang bigla nalamang silang maka-rinig ng isang paratrat na putok ng baril.
"Oh my god! H--He's here!!" Bulyaw ni Claire.
"Kailangan na na'ting maka-alis dito!!" Aniya pa. At dahil dito'y nag-simula na'ring mag-tatakbo papaalis iyong iba, maliban kina Ian, Rosario at Heide na hanggang ngayo'y ginagawa pa'rin ang lahat mapa-tumba lamang iyong pader, habang patuloy pa'rin sa pag-iyak sa sobrang sakit iyong dalaga mula sa likod.
"Tulungan niyo ko!"
"Heide! Ian! Kailangan na na'ting maka-alis dito!!" Sigaw ni Mark doon sa tatlo.
"Pe--Pero papaano si Florelyn?!" Says Ian.
"Kung hindi pa tayo umalis dito, lahat tayo mamamatay!!" Bulyaw muli ni Mark, at pagkatapos ay kaagad na hinila paalis mula 'roon si Heide, sabay tumakbo papaalis.
"H--Hindi! Hindi na'tin siya pwedeng iwan!" Aning muli ni Ian, at muling sumubok na akyatin iyong pader.
Ngunit muli lamang silang naka-rinig ng mga sunod-sunod na paputok, at sa puntong iyon ay kay Ian na ito pumuntirya.
Pero hindi pa man natatamaan ng kahit na isang bala si Ian ay nagawa siyang mahila papaalis mula 'roon ni Rosario.
"K--Kailangan na na'ting makaalis!" Ani Rosario. Kahit na, maging siya'y hesitante 'rin sa gagawing pag-iwan kay Florelyn.
"P--Please... W--Wag niyo kong iwan..."
Mahinang pagmamaka-awa sa kanila ni Florelyn.
Ngunit sa puntong iyon ay wala na silang ibang nagawa pa nang muli silang binalikan ni Mark at walang ano-ano'y bigla nalamang binuhat papaalis mula 'roon.
All Ian could say after those times were,
"S--Sorry," after leaving another friend behind whom was already suffering from immense pain...
"P--Pakiusap... Ayoko pang... m--mamatay..."
Tanging naiwika nalamang ni Florelyn sa sarili habang umiiyak pa'rin dahil sa sobrang sakit na nararamdaman niya mula sa kanyang mga paa.
At hindi pa alam kung anong posibleng mangyari sa kanya, lalo na ngayong mag-isa nalamang siya...
T o B e C o n t i n u e d . . . .
+++
[ List of Characters/Their Statuses & Locations]
+
~ NEAR THE CAMP'S GATE ~
• Florelyn Manadong - badly injured
~ WENT THROUGH THE WOODS ~
• Dwayne Tendido
• Daniel Daa
• Ian Fabi
• Hanzell Villamor
• Rogelio Leonido
• Raffy Modesto
• Faye Suyom
• Ophelia Augusto
• Aldrich Callosa
• Mark Noya
• Heide Morillo
• Chris June Lago
• Rosario Fusio
• Claire Alcoy
• Lalaine Navarosa
~ CABIN B ~
• Sheena Morano
• Theresa Maula
• Johnrey Daga
~ WENT OUTSIDE CABIN B ~
• Justin Hijada
• Nicole Lepasana
• Angelou Postrero
~ IN SOME BUSHES NEAR CABIN D ~
• Red the chick
~ SCATTERED ~
• Erron Mejico
• Reymart Barca
• Joyce Montaño
• Rejielyn Villablanca
• Mell Labita (2)
• Officer Gab Parado
• Alexandra Sabusap
• Juvy Raagas
• Bladespawn
~ JUST OUTSIDE CABIN D ~
• ❌ Rosemary Norriga [DECEASED]
~ IN SOME BUSHES NEAR CABIN D ~
• Red the chick
~ DECEASED ~
❌ Janmil Daga - cafeteria.
❌ Rosemary Norriga - near outside cabin D.
❌ Zyhra Badion - in some bushes near cabin D. Head, just outside the cafeteria.
~ OTHERS ~
• Zaira Escobedo - in an unknown location
• Richard Piñeda - in an unknown place
• Angel Corritana - in an unknown place/status still unknown
• Mell Labita - was left behind in the school campus/status still unknown
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro