Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

TFE 26: The Neverending Night of Horror

"T--Takbo! T--Tumakbo ka na! Iligtas mo ang sarili mo!"

Iyon ang mga huling katagang narinig ng dalagang si Angel na isinigaw sa kanya ng pinsang si Raynold, noong nakikipag-buno pa ito doon sa killer na bigla nalamang umatake sa kanila noong nakaraang gabi pa.

Angel manages to escape, dahil hanggang sa huling pagkakataon ay naipag-tanggol pa siya ng kanyang pinsan.

She never actually wanted to leave him behind. Ngunit wala na siyang ibang nagawa pa.

Alam niya 'rin kasi mismo sa kanyang sariling, siya ang tipo ng taong talagang walang kalaban-laban sa kahit na sino.

Bago pa man mangyari ang kahindik-hindik na bagay na iyon ay kamuntikan nang may mangyaring masama sa isa sa kanilang kaklaseng si Sheena. Kamuntikan na kasi itong matamaan ng isang bigla nalamang sumulpot na bala.

They were both too afraid to stay with the others na napag-pasyahan ng dalawang umalis nalamang.
Ngunit habang hinihintay ang masasakyan pauwi ay bigla nalamang silang nilapitan ng isang lalakeng naka-suot ng unipormeng pulis.
At ang sabi pa nito'y ihahatid daw sila pauwi.

Both were bewildered when the man suddenly committed suicide by shooting a gum directly on his head, habang nasa kalagitnaan ng pag-mamaneho ng kanilang sinasakyang police car.
They tried to help, but a masked person arrived and attacked them.

At iyon na ang huling beses na nagkasama pa sila ng pinsan at kawa section Gold student na si Raynold.

Hanggang ngayon hindi niya pa'rin alam kung ano nang nangyari dito o kung buhay pa ba ito.
Basta tumakbo nalamang siya ng takbo. Trying to escape and trying to save herself from the hellish nightmare she just put herself in.

At mas tumindi lamang ang kaba at takot na kanyang nararamdaman nang makita niyang muli ang dating kaklaseng si Richard.

He was supposed to be in prison!
And now, Angel thinks she's being hunted by two killers...

"P--Panginoon ko... Pakiusap... W--Wag niyo ho akong pababayaan," bulong na pananalangin ng dalaga, habang tahimik na nag-tatago lamang sa loob ng isang napaka-dilim na kweba. Trying not to make a single noise.

Naka-tago lamang ang dalaga sa likod ng isang malaking batong naroroon.
At nanginginig man sa takot ay patuloy pa'ring pinapa-tatag ni Angel ang kanyang pananalangin sa Diyos.
Dahil alam niyang wala nang iba pang mas makapangyarihan pa sa amang siyang nag-bigay buhay sa lahat.


But how long will her prayers save her?





"Yohoo~ Marco, Polo! Come out, come out wherever you are!"
Isang talagang nakaka-panindig balahibong boses demonyo ang sunod na narinig ng dalaga malapit lamang sa kanyang pinag-tataguan.



Naisip niyang marahil ay iyon na ang killer na kanina pa humahabol sa kanya.
Hindi niya inaasahang masusundan pa talaga siya mula 'rito.


She tried holding her breath really hard.
Talagang ayaw niyang maka-gawa ng kahit na anong ingay. Gusto niyang hintaying maka-alis iyong killer bago siya muling tumakbo paalis mula 'roon.

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay may bigla nalamang siyang naramdamang napaka-lambot na bagay na wari ba'y unti-unting pumupulupot mula sa kanyang may paanan.

Dahan-dahan siyang napapa-tingin mula sa kanyang mga binti, at gayo'n nalamang ang pagkaka-gimbal ng dalaga nang may makitang isang uri ng ahas mula roon!
Ito na pala ang unti-unting pumupulupot mula sa kanyang kanang binti.

She wanted to scream in horror and ran away from there. Ngunit maging ang emosyong iyon ay kanyang pilit na pinipigilan. Dahil alam niyang kapag gumawa siya ng kahit isang hakbang manlang ay maaaring iyong hawak-hawak na shotgun naman ang tuluyang kumitil sa kanyang buhay.

Ngunit hindi gumana ang simpleng planong iyon ng dalaga nang bigla nalamang siyang tuklawin mula sa kanyang binti noong ahas.
Dahil sa sakit ay nagawa niyang impit na mapa-sigaw.

Isang bagay na kaagad namang narinig ni Bladespawn, dahilan upang mapa-ngisi ito.
Napa-lingon ang mamamatay-tao doon sa sulok kung saan niya narinig iyong impit na boses, he may not see anything, ngunit alam niyang may isang taong kanina pang nagtatago 'roon.

"Andiyan ka lang pala ah!" Wika nito, at pagkatapos ay bigla nalamang nag-simulang mambaril sa kalagitnaan ng kadiliman, nagbabakasakaling may matatamaan siyang tao, whether it was either Angel or Richard.

Tatlong beses na nagpa-putok ng kanyang shotgun si Bladespawn, hanggang sa matamaan na nga nito iyong napaka-laking batong pinag-tataguan ni Angel.

Angel managed to evade the shot.
Ngunit dahil patuloy lamang sa pagpapa-putok randomly iyong killer ay kaagad nang nag-tatakbo papaalis mula 'roon sa kanyang pinag-tataguan ang dalaga, trying to avoid being shot for real!

At dahil sa kanyang pag-takbo papaalis mula 'roon ay doon na siya tuluyang nakita noong killer.
Dahil dito'y mas lumawak lamang ang mga ngiting naka-kurba mula sa mga labi nito't mas walang humpay lamang na pinapa-putok ang baril.
Dali-dali niya 'rin itong nilalagyan ng ammo kapag ito'y nauubusan.

He's trying to hit Angel, ngunit dahil sa napaka-dilim na paligid ay hindi niya ito direktang napapa-tamaan, kaya nama'y mas naka-gawa lamang ng tsansa ang dalagang makatakas mula 'roon.

Mas sinulsog pa ni Angel ng papasok ang kweba makatakas lamang doon sa taong kating-kati na sa pag-patay sa kanya.
Even though wala siyang kahit na anong makita, at wala 'rin siyang kaalam-alam sa kung anong mga kababalaghan ang maaari niyang makita o maka-salamuha mula sa mas napaka-dilim na bahagi ng kweba.

All she ever wanted at that moment was to escape and survive the neverending night of horror.

Takbo lamang siya ng takbo.
May mga chances din na natatapilok siya dahil sa kanyang napaka-rupok na tinatakbuhang daan, ngunit agad lamang din siyang tumatayo upang muling maka-takbo paalis.

The snake's still even wrapping around her legs, ngunit maging iyon ay hindi niya na 'rin binibigyan pa ng pansin.


"HAHAHA!! Run little angel, RUN! For I, the devil himself is going to be your worst nightmare!" Narinig niya pang isinigaw noong taong hinahabol pa'rin siya sa gitna ng kadiliman.


Halos mabibigat na ang ginagawang pag-hinga ng dalaga. Wala na'rin siyang iba pang matakbuhan dahil dead end na ang kanyang naabutan.

Nagpa-lingon-lingon pa ito mula sa buong sulok kahit na napaka-dilim, trying to find a good hiding place.

Ngunit impit na muling napa-sigaw ang dalaga nang may bigla nalamang nag-takip mula sa kanyang bibig at hinugot siya sa kung saan.

Nag-pupumiglas siya mula 'rito, assuming it was the killer ready to strike on her.

Ngunit agad lamang din siyang natigilan sa pag-pupumiglas nang marinig niya itong mag-salita.
"Shhh! Kung gusto mo pang mabuhay, stop struggling and keep the fuck down!" Bulong nito sa dalaga.


Sa unang dinig niya palamang sa boses nito'y kaagad niya na iyong nakilala.



It was Richard...



She was still a little bit scared, lalo na't iniisip niya pa'ring isa sa mga mamamatay tao si Richard dahil sa ginawa niya kay Kristine.



But at that moment, she kinda felt peace habang kasama ang dating kaklase... Hindi niya lang maipaliwanag kung bakit.



"Alam ko kung anong iniisip mo," bulong na sabi ni Richard.
"Pero kung pagkaka-tiwalaan mo lang ako ngayon, walang may mangyayari sa'yo," wika pa nito, at dahan-dahan nang tinatanggal ang kamay mula sa bibig ng dalaga.




Both are now hiding on a corner,





"Do you trust me?" Muling tanong pa nito, na ngayo'y deretso nang nakatitig sa mga mata ng dalaga.






Hesetante pa'rin si Angel, ngunit naisip niyang si Richard nalamang din ang tanging pag-asa niya sa mga oras na iyon. Kaya nama'y dahan-dahan nalamang siyang napapa-tango sa binata bilang sagot sa katanungan nito.



Richard took a deep breath.
"Okay... I have a plan," sabi pa nito.








++






Sa kalagitnaan ng kadiliman, walang humpay pa'rin sa pag-tawa iyong mamamatay-tao habang patuloy pa'rin sa kanyang pambabaril sa kahit saang sulok.





He ran out of ammos again, dahilan upang muli siyang kumuha mula sa kanyang bulsa at lagyan nanaman iyon ng panibago.




Ngunit natigilan ito nang may marinig na mga yapak nang paang wari ba'y dahan-dahang lumalapit sa kanya.




He looked up straight, and saw a figure of a person.




"S--Suko na'ko," wika ng isang boses babaeng. Assume it was Angel, the killer smiled again.




"You do?" Tanong nito, at dali-daling ipinasok ang mga ammo mula sa kanyang hawak-hawak na shotgun.
Nanginginig pa ito habang ginagawa niya iyon, at ang iba'y nahuhulog pa. Mahahalatang kanina pa talaga nito gustong pumatay.




"Yan na yata ang pinaka-bobong desisyong nagawa mo, Angel!" Bulyaw pa nito, at walang ano-ano'y sunod-sunod na pinaputukan iyong bultong nasa kanyang harapan.

He shot it five times in a row hanggang sa kaagad iting bumulagta sa mga batuhan.


He laughed in sinister matapos niya iyong magawa, at pagkatapos ay kaagad itong nilapitan.

He touched the body, trying to feel the blood dripping from it.
But was disappointed when he realized it was just a log, wearing Angel's uniform.

Dahil dito'y nainis lamang ng lubusan iyong mamamatay-tao.
"You little bitch!! Naisahan mo akong pota ka!!" Sigaw nito at umaksyong tatayo na sana.
Ngunit hindi pa man ito tuluyang nakaka-tayo ay nagulat ito nang may bigla nalamang pumulupot mula sa kanyang leeg...





"Sa susunod kasi, utak ang gamitin," huling ibinulong ni Richard dito, at pagkatapos ay kaagad na binali ang leeg noong naka-maskarang killer, dahilan upang agad naman iyong mawalan ng buhay.





Naka-hinga ng maluwag dahil sa kanyang nagawa si Richard.
Nagpapasalamat na kanyang naunahan iyong killer kaysa na isa sa kanila ni Angel ang mawalan nanaman ng buhay.




Mula sa kanyang likuran naman ay naka-tayo ang dalaga.
May hawak na itong maliit na flashlight, na ibinigay sa kanya kanina ni Richard noong magkita sila.





She also felt a bit relieve na wala na iyong killer.
Ngunit nagimbal pa'rin ito nang masaksihan ang ginawa ni Richard.





"Wag mo akong titigan ng ganyan," says Richard to Angel, nang mapansin nito ang gimbal na pag-titig sa kanya ni Angel.

"Pe--Pero... P--Pinatay mo siya," ani ng dalaga.


Richard rolled his eyes.
"At bakit hindi? Tayo ang papatayin niya kung hindi ko ginawa yan."



"P--Pwede namang tinanggalan mo nalang sana siya ng malay eh! A--Alam mo namang masama ang punatay, h--hindi ba?"



"Pwede ba tigil-tigilan mo 'ko sa pagiging sobrang mabait mo? I just saved our lives. Pinatay ng hinayupak na toh ang pinsan mong si Raynold! At hindi 'rin tayo nakaka-sigurado  kung ilan sa mga kaklase na'tin ang napatay na nito! Mas pipiliin mo pa ba ang buhay ng isang mamamatay-tao kaysa sa sarili mo?" Monologong pag-sesermon ni Richard sa dalaga, dahilan upang mapa-tahimik nalamang si Angel at mapa-tamo.

Lalo na no'ng marinig niyang binanggit ni Richard ang pangalan ni Raynold.


Mag-sasalita na sanang muli si Angel, ngunit natigilan siya nang bigla nalamang maka-ramdam ng panghihina mula sa kanyang katawan ang dalaga, lalong-lalo na mula sa kanyang binti.
Napa-luhod siya dahil sa sobrang panghihina. At sa puntong iyon ay doon lamang muling naalala ni Angel na natuklaw nga pala siya ng isang ahas kanina.



Dahil sa nangyari'y kaagad na lumapit sa kanya si Richard.
"Anong nangyari? May tama ka ba?" Tanong ng binata sa dalaga, assuming na natamaan ito ng bala kanina.

Angel shooked her head in response.
"H--Hindi. N--Natuklaw ako ng i--isang ahas kanina. S--Siguro nagsisimula nang ku--kumalat ang lason," nanghihina niyang pag-kukwento. Isang bagay na ikinagulat naman bigla ni Richard.



"A--Anong sabi mo? Ahas!? Nalaman mo ba kung anong klase?" He asks.


Muli lamang na umiling si Angel.
"H--Hindi. D--Dahil sa sobrang dilim, w--wala akong... M--makita," aniya.


"Masama toh! Kailangan mo agad na madala sa hospital! Wala tayong alam kung anong klaseng ahas ang naka-kagat sa'yo! At maaaring huli na para masipsip ko pa iyong lason! What you need is an antidote!" May halong pag-aalalang sabi ng binata, at kakargahin na sana paalis doon si Angel, but she insisted. She still wanted to do something...


"Y--Yung killer... K--Kailangan na'ting makita kung ano ang tunay na hitsura no'ng killer!" Says Angel.



"Mas uunahin mo pa yan kaisa sa buhay mo!? For all we know, seconds nalang ang natitirang oras para sa'yo! Kailangan na na'ting--"




"Kung seconds nalang ang kakayanin ng buhay ko, then mas pipiliin ko nalang na malaman sa mga huling sandali ko kung sino talaga ang taong pumatay sa mga kaibigan na'tin! K--Kung sino ang pumatay kay Raynold!" Naiiyak na bulyaw ni Angel sa binata.
"I have to! Y--You have to! A--Ayaw mo bang makamit na'tin ang hustisya!? Ayaw mk bang malaman kung sino ang mga taong nagpa-kulong sa'yo sa krimeng hindi mo naman ginawa!?" Mulying sabi na nito, dahilan upang si Richard naman ang matigilan.





He cares about her so deeply even though minsan lang naman talaga silang nagka-usap no'ng magkaklase pa sila.
He just doesn't want anybody to die anymore. Kaya nama'y dahil sa nangyari'y hinayaan nalamang ni Richard ang kaklase.

Alam din kasi ng dalawang marahil ay wala na talagang pag-asa pa para sa kanya.


+

Nanghihina't paika-ika man ay nakayanan pa'ring malapitan ni Angel ang bangkay noong taong gustong pumatay sa kanila kanina.


Nanginginig man ay pinilit niya pa'ring Itinutok ang hawak-hawak  niyang maliit na flashlight mula doon sa hanggang ngayo'y suot-suot pa'ring maskara noong killer.



Determinado na talaga siya sa kanyanf gagawin.



Tatanggalin na sana nito ang maskara noong tao, ngunit nagulantang ang dalaga nang bigla nalamang nitong hinawakan ang kanyang kamay na sana'y pa-dukot na doon sa maskara noong mamamatay-tao.



Halos hindi pa siya nakakapag-process sa pag-isip. Sunod nalamang na naramdaman ng dalaga ay ang matinding hapdi at sakit na umaapaw na mula sa kanyang leeg.

Ramdam niya na 'rin ay mumunting likidong sunod-sunod na sumisirit mula dito.
At sa puntong iyon, doon lamang napag-tanto ng dalagang nilaslas na pala nito ang kanyang leeg kamit lamang ang isang napaka-liit na kutsilyo.

Isang bagay na hindi din muna napansin ng naka-tayo lamang mula sa kanyang likurang si Richard.



Doon lamang napansin ni Richard ang nangyayari nang bumulagta na mula sa batuhan si Angel, habang sumisirit pa ang dugo mula sa leeg nito at halatang nag-aagaw buhay na.




The killer made a soft laugh.
"Ang akala niyo siguro napatay niyo na 'ko noh?"





The masked killer stood up, habang patuloy pa'rin sa pag-tawa.




Halos hindi 'rin maka-paniwala si Richard sa kanyang nakikita.
Ang buong pag-aakala niya talaga'y napatay niya na ito kanina. He ever heard its bones cracked! Kaya labis niyang ikinataka kung papaano nito nakayanan pang mabuhay...





The killer twisted his head back to its normal place.
And at that moment, Richard knew that it wasn't just a normal-random killer.






"Potangina. Mala-demonyo ka palang hayop ka!" Nai-bulyaw nalang dito ni Richard.





The killer was now holding a blooded knife, gripping on it as tight as he can. Ready to slash another throat.






Gustuhin mang lapitan ni Richard ang ngayo'y nag-aagaw buhay nang si Angel, hindi niya iyon nagawa dahil nagulantang nalamang ang binata nang sugurin siya no'ng killer, trying to stab him!







Ngunit dahil na'rin sa sobrang kadiliman ay hindi siya nito natatamaan. At mahahalata 'ring mas mabilis ang mga reflexes ng binata kumpara doon sa mamamatay-tao.
But still, the killer could not stop laughing. Na wari ba'y nag-eenjoy pa siya dito.




"You're both going to die sooner or later, kaya huwag ka nang mag-matigas pa!!" Bulyaw noong killer, at sinubukan nanamang patamaan si Richard mula sa may tagiliran.





Ngunit dahil sa ginawa niyang iyon ay nagkaroon lamang si Richard ng tsansa upang hawakan ang kamay noong killer at baliin ito, dahilan upang mapasigaw ito sa sobrang sakit at mabitawan iyong kutsilyo.

Ngunit hindi pa natatapos doon si Richard dahil kanya pang sinuntok ito mula sa muksa, sabay tadyak sa sikmura, kaya nama'y agad itong tumilapon papalayo dahil sa sobrang lakas.

Matapos iyo'y kaagad nang nilapitan ni Richard ang nag-aagaw buhay na kaklase.

Halos napaka-raming dugo na ang umaagos mula sa leeg nito. Ngunit hindi pa'rin siya nawawalan ng pag-asa. He still wanted to save her!
Kaya nama'y dali-dali siyang may pinunit na parte mula sa kanyang damit at ipinulupot iyon mula sa leeg ng dalaga, upang sana'y hindi ito maubusan ng dugo.

Matapos iyo'y kaagad niya na itong kinarga upang sana'y umalis na 'rin mula 'roon.

Ngunit hindi pa man nakakalayo ang binata, bigla nalamang siyang nabingi nang makarinig ng isang napaka-lakas na putok ng baril.




Sunod niya nalamang na naramdaman ay ang sobrang sakit na bigla nalamang nanalaytay mula sa kanyang binti, at pagkatapos ay kaagad na pareho nanamang bumulagta mula sa lupa ang dalawa.



Richard then soon realized na tuhod niya pala ang natamaan, at sa sobrang lakas ng nangyari'y naputol nito ang kanyang kanang binti.





Impit siyang napa-sigaw dahil sa sobrang sakit, habang patuloy naman sa pag-tawa iyong killer.



"HAHAHAHA! Such a loser! HAHAHAHA!" Bulyaw pa nito, habang dahan-dahang nilalapitan iyong dalawa...





Imbis na mas lalong pag-tuunan naman ng pansin ang nabali niyang binti ay pilit nalamang iyong iniinda ng binata. Kahit na halos parang mamamatay na siya sa sobrang sakit na nadarama.


Mas pinili niyang lapitan ang wala nang malay na kaklaseng si Angel. He's not even sure if she's still alive during that moment, basta gusto niya pa'rin talaga itong iligtas kahit na ano ang mangyari.





Masyado siyang na-trauma dahil sa nangyari sa kaklaseng si Kristine.
At talagang ayaw niya nang may makikitang iba pang kaibigang nasasawi dahil lamang sa mga walang magawang serial killers.





He never wanted to be a hero.
He just wanted to do what's right.






Sa huling pagkakataon ay nagawa pang mahawakan ni Richard ang mga kamay ni Angel.

Mahahalata na'ring gusto nang lumuha ng binata.
He's the kind of guy that doesn't really believe in miracles, or anything the bible says.
In other words, him and Angel are a total opposite.
Ngunit sa mga oras na iyon ay pakiramdam ng binatang gusto niyang may mangyaring milagro, upang sana'y makaligtas namanlang sila.






"Any last words, Richard?" The killer asks...







"Duck..."









The killer frowns upon hearing what could be Richard's final words.
"Duck?" He giggles.
"Yan na ba ang tanging huling pang-iinsultong kaya mo?" The killer asks once more.







"He didn't said it. I did,"
Wika ng isang boses mula sa di lamang kalayuan...








Sa puntong iyon ay kaagad nang nawala ang mga ngiting naka-kurba mula sa mga labi no'ng killer...
"H--Huh?"
Ngunit hindi pa man siya nakaka-gawa ng kahit na anong reaksyon ay may isang taong bigla nalamang nagpa-putok ng kanyang sariling baril. At kaagad itong tumama mula sa mismong ulo no'ng killer.








It was just a one shot kill, at hindi na muling bumangon pa iyong mamamatay-tao.











Kitang-kita ng dalawang mga mata ni Richard ang nangyari...








He was saved by someone...
Ngunit dahil sa napakaraming dugong nawala na sa kanya ay unti-unti na siyang nawawalan ng malay...







"Dali-an niyo, we can still save them," wika noong taong may pamilyar na boses.








The last thing he remembers was a bunch of men wearing eccentric armors coming in, trying to save them.








"Wag kayong mag-alala, ligtas na kayo," wika pa noong pamilyar na tao.

He could swear na nakita niya na ito dati pa.
Hindi niya lang talaga maalala kung saan at kailan.







At dahil sa sobrang panghihina ay tuluyan na ngang nawalan ng malay ang binata.





But tons of unanswered questions still floats around his mind.




Kagaya nalang ng tanong kung sino iyong mga misteryosong taong nag-ligtas sa kanila. Kung bakit nabuhay pa kanina iyong killer kahit na kanya nang nabali ang leeg nito kanina. Kung sino ba talaga ang nasa likod ng maskarang iyon, at kung buhay pa ang kaibigan niyang si Angel.







Too many unanswered questions.








Ngunit gayo'n pa man...
May isang bagay pa'rin siyang napa-tunayan.








Miracles do come true....












T o B e C o n t i n u e d . . . . . .





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro