TFE 25: Hide, Seek and Kill
"Wag na wag kayong gagawa ng kahit na anong ingay!" Pabulong na sabi ni Mark sa mga kasamang kaklase.
Sa ngayon ay kasalukuyan pa'rin silang nasa apartment.
Nagtatago ang mga ito kay Daryl.
Halos hindi sila makapaniwalang makakayanan silang pagbuhatan ng napaka-delikadong bagay ng tahimik lamang na kaklase.
Lalong lalo na ni Daryl, na kilala sa kanilang buong klase bilang ang binatang hindi makabasag-pinggan.
Ngunit ngayon, napatunayan nilang, when it comes to life and death situations, everyone would sooner show their true colors.
Kahit mukha ka pang santo ay talagang makaka-gawa ka pa'rin ng mga bagay na maging ikaw ay hindi mo 'rin iisiping kakayanin mo palang gawin, just to stay alive.
As for Mark and the others, pinili nalamang nilang kumaripas ng takbo kanina at magtago mula sa loob ng girl's room.
Wari ba'y para silang nakikipag-laro ng taguan kay Satanas. At kung sino man ang unang mahuli't makita ay mamamatay.
Ngayo'y naka-tago mula sa ilalim ng kama ang ilan sa mga estudyante, habang iyong ilan naman ay sa mga closets.
Kasama ni Mark roon sina Bettylou, Justin, Florelyn at Angelou.
At malayo palamang ay rinig na no'ng apat ang papalapit sa kanilang mga yapak ng sapatos.
"M--Mark! A--Ano nang gagawin natin? N--Nasisiraan na ng bait si Daryl!" Bulong ni Florelyn sa kaklase.
"Ba't ba kasi hindi nalang na'tin siya pag-tulungan? Nagmumukha tayo nitong mga tanga! Wala tayong ibang magawa kundi ang tumakbo at mag-tago!" Pabulong ring sabi ni Justin. All three of them are hiding underneath the bed.
"Eh anong gusto niyo? Ang bigla-bigla nalang na sumugod sa kanya habang may dala-dala siyang chainsaw? He can kill every single one of us with just one slash!" Sagot ni Mark sa kanila.
"Hindi kung iisip tayo ng plano kung papaano makaka-lapit sa kanya," sabing muli ni Justin.
"Tss. I'm thinking, okay!? Wala pa akong may nabobuong plano sa isipan ko! Pero mag-stay put lang kayo at wag mag iingay!"
Nanginginig namang napa-hawak sa braso ni Angelou ang dalagang si Bettylou.
Nanginginig ito sa sobrang takot, na wari bang ilang minuto nalang ay mawawalan na ito ng malay dahil sa matinding nararamdaman.
And unlike Mark and the others, the two of them chose to hide behind the closest.
Wala na'rin kasi silang may makitang mapag-tataguan, at naisip 'rin nilang, baka manganib lamang ang mga buhay nila kapag sa ilalim ng kama sila mag-tago.
Lalo na't alam ni Angelou na sa mga horror movies ay unang chini-check ng mga killer kung may taong nagtatago sa ilalim nito.
She's worried about Mark, Justin and Florelyn, ngunut gayo'n pa ma'y natatakot 'rin ang dalaga para sa kanila ni Bettylou.
Lalo na't isang common hiding place 'rin ang mga closets sa mga horror movies.
"A--Angelou na--natatakot ako!" Bulong na sabi ni Bettylou sa kaibigan.
"Shh! I--It's gonna be okay. B--Basta wag lang tayong mag-iingay," tanging sinabi nalamang ng dalaga dito.
Ngunit alam niya sa sarili niyang, wala naman talaga sa kanila ang patuloy na ligtas.
+
"Come out, come out wherever you are!"
Mala-manyakis na sabi ng binatang si Daryl habang nasa may bahaging hagdan palamang, at katabi mismo ng kwartong kanilang pinag-tataguan.
Patuloy pa nitong ino-on & off iyong dala-dala niyang chainsaw.
Isang bagay na mas lalo lamang nagpa-bigay ng pressure kina Mark, Justin, Florelyn, Angelou at Bettylou.
Makikitang mariin nang tinatakpan ni Justin ang bibig ni Florelyn, dahil kanina pa ito humahagol-gol sa iyak nang dahil sa takot.
Idagdag pa dito ang boses ni Daryl na wari ba'y ginagaya pa ang tono ng pananalita no'ng killer.
"A--Angelou!--" impit na muling isinambit ni Bettylou, habang mahigpit na mahigpit nang naka-yakap sa balikat ng kaibigan.
"P--Please Betty just k--keep it down! W--Wag kang mag-alala n--nandito lang ako," aniya, trying to calm Bettylou down.
"H--He's coming..." Bulong ni Mark sa sarili...
Mayamaya'y unti-unti na nilang narinig ang papalapit na mga yabag ng sapatos ni Daryl.
At sa kamalasan nga nama'y sa kwarto kung saan sila nag-tatago pa ito napiling pumasok...
Halos lahat ng mga estudyanteng naroroon ay hindi maka-gawa ng kahit na anong galaw.
Na wari ba'y na-bato na sila sa kani-kanilang pinag-tataguan.
Tanging ang mabibigat na pag-tibok lamang ng kanilang mga puso ang kanilang maririnig. Dahil na'rin sa sobrang kaba at takot.
Rinig na rinig 'rin ni Angelou ang halos magwala nang puso ng kanyang katabing si Bettylou.
At halos hindi na'rin mag-maliw pa ang mga pawis na kanina pa tumatagaktak mula sa kanila.
"A--Andyan na siya! K--Kailangan na nating umalis dito!" Natatakot at kinakabahang sabi ulit ni Bettylou.
"Shh! N--No! W--Walang mangyayari sa'tin kung dito lang tayo! B--Basta please, don't make another sound!"
"H--Hindi... P--Papatayin niya tayo!"
Sa bawat pag-bigkas ng mga kataga ni Bettylou ay unti-unting lumalakas ang kanyang boses...
Mayamaya lamang ay nagulantang ang lahat nang bigla nalang pinaandar ng napaka-lakas ni Daryl ang kanyang dala-dalang chainsaw.
"Guys!! Kahit isa lang!!" Bulyaw pa ni Daryl, dahilan upang lalo lamang na matakot si Bettylou.
"H--hindi ko na kaya! lalabas na ako!" Pa-sigaw na naisambit ng dalaga, at nagulantang ang lahat dahil bigla nalamang itong lumabas mula sa kanyang pinag-tataguan.
"Bettylou-- wag!!" Angelou tried to stop her, ngunit huli na ang lahat dahil saktong pagka-labas ni Bettylou mula sa loob ng closet ay hindi namalayan noong dalawang naroroon na pala mismo si Daryl.
Dahil dito'y kaagad na isinaksak ng binata iyong chainsaw mula sa tiyan ng dalaga, dahilan upang mapasigaw ito sa sobrang sakit.
Nagsi-talsikan pa ang kanyang mga dugo mula sa nasa likuran niya lamang na si Angelou, maging sina Mark, Florelyn at Justin na nasa may ilalim lang din ng kama ay hindi naka-wala sa mga dugong nagsi-talsikan sa buong kwarto, dahilan upang pare-parehong mapa-sigaw ang mga ito sa sobrang pagka-gimbal.
Lalong lalo na si Angelou na talagang kitang-kita ang buong pangyayari.
Hindi pa nakuntento sa pagkaka-saksak niya kay Bettylou si Daryl, kaya nama'y patuloy niya lamang na pina-andar ang chainsaw na iyon mula sa dalaga, hanggang sa parang isang lengthwise na papel na nga niya itong mahati.
Daryl started laughing like a maniac matapos na bumulagta mula sa sahig ang ngayo'y wala nang buhay na hati pang katawan ni Bettylou.
Dahil dito'y kaagad na naka-lusot mula sa kanya ang gimbal pa'ring si Angelou habang patuloy pa'rin sa pag-sigaw.
Mark then followed her.
Tatakbo na'rin sana sina Florelyn at Justin, ngunit kaagad lamang na natigilan si Justin nang mahawakan nila Daryl mula sa kanyang kulot na buhok si Florelyn.
"H--Hindi! Bitawan mo 'ko!! Tulong! Justin! Mark!!" Sigaw ni Florelyn, ngunit nakalayo na nang tuluyan si Mark
Justin on the other hand never let go of her. Sinusubukan niyang hatakin papalayo kay Daryl ang kaklase.
"Bitawan mo siya Daryl! Pinatay mo na si Bettylou! Ang sabi mo kahit isa lang!" Gigil na bulyaw ni Justin kay Daryl na ngayo'y malawak pa'rin ang mga ngisi dahil sa nangyari kanina.
"Ang sarap pala sa pakiramdam ang pumatay!" Tanging naisambit lamang ni Daryl, at matapos iyo'y parehong nagulat ang dalawa nang bigla nalamang itong may kuning maliit na kutsilyo mula sa kanyang bulsa.
Isasaksak niya na sana iyon kay Florelyn, ngunit hindi niya pa man iyon nagagawa'y agad na siyang pinigilan ni Justin sa pamamagitan nang biglaang pag-talon ng binata dito, umikot pa ito mula sa ere, na wari ba'y kapareho ng isang action star sa mga chinese movies bago bigyan ng isang napaka-lakas na sipa mula sa mukha si Daryl.
Bahagyang tumilapon naman iyong binata sa may pader, kaya nama'y nagkaroon ng tsansa ang dalawa upang makatakas papaalis mula 'roon.
Ngunit hindi namalayan no'ng ibang may naiwan pa pala silang isang kaklase mula 'roon...
"B--Bettylou..."
Impit na bulong ng dalagang si Ophelia, habang mariing naka-takip lamang mula sa kanyang bibig. Pinipigilan ang sariling humagolgol sa iyak.
Habang nagtatago pala mula sa loob ng closet at ilalim ng kama iyong iba ay mag-isang naka-tago lang si Ophelia mula sa loob ng CR.
Kitang-kita niya ang buong pangyayari, lalo na't dahil may kaunting butas na masisilipan pala ang CR na iyon.
One of her best friends died infront of her. At gustuhin niya mang humagol-gol sa pag-iyak ay hindi niya magawa, dahil sa takot na baka siya naman ang mahanap ni Daryl.
Alam niyang may chansa na sana siyang makaalis kanina, ngunit dahil sa nasaksihan niya'y wari bang namanhid na ng tuluyan ang kanyang buong katawan...
And during those moments, it was only her and Daryl left in that room.
Kaka-balik lamang din sa sarili niyang gawi si Daryl, matapos siyang tadyakan ng napaka-lakas kanina ni Justin.
But that only made him wanna kill another student more.
Nalunod na ito sa pagnanasang pumatay. At para bang nawalan na'rin ito sa kanyang sariling pag-iisip.
"Motherfucker!!" Bulyaw pa ng binata, na nagpa-gulat kay Ophelia, dahilan upang impit itong mapasigaw.
Isang bagay na kaagad namang pinagsisihan ng dalaga, dahil aalis na sana mula 'roon si Daryl, ngunit natigilan lamang nang marinig ang kanyang impit na sigaw...
Dahil dito'y napa-ngisi ng nakakaloko si Daryl at dahan-dahang naglakad papalapit doon sa may CR.
Nanginginig na sa sobrang takot si Ophelia, at ang tanging iniisip niya nalamang sa mga oras na iyon ay ang may mangyaring himala at bigla nalamang siyang makatakas. But she knows that in a horror movie, things like that never happens...
"P--Please Lord, t--tulungan mo po ako... A--Ayoko pang mamatay..." Pabulong na pag-darasal ng dalaga.
Hanggang sa...
"BOO!!!"
Ginulat siya nang binata nang bigla nalamang nitong tinadyakan ng napaka-lakas ang pintuan noong CR, dahilan upang bumulagta kay Ophelia ang ngayo'y nakaka-takot na itsura ni Daryl.
Napasigaw nalamang siya ng sobrang lakas dahil sa takot at pagka-gulat.
Walang ano-ano nama'y bigla nalamang siyang hinatak paalis mula doon ni Daryl.
"Wag! Pakiusap! Bitawan mo ko! TULONG!" Muling sigaw sa kalagitnaan ng pag-pupumiglas ng dalaga...
Inihagis ni Daryl si Ophelia mula sa may pader, na nag-sanhi upang mag-durugo ang ulo nito dahil sa lakas ng naging impact.
Napa-upo nalamang ang dalaga sa sahig habang mariing hinahawakan ang kanyang sariling noo.
Dahil sa nangyari'y pakiramdam niya'y naubusan na siya ng lakas pa, at halos mag-diliryo na ang kanyang pangitain.
All she could ever do at that point was beg for mercy.
"P--Please! Pinatay mo na ang kaibigan ko! Pa--Pakawalan mo nalang ako!''
Pag-mamaka-awa niya dito.
Daryl just answered with a laughter.
"Pasensya na! Mukhang nag-enjoy kasi ako kanina eh. Kasalanan niyo rin namang nag-transfer pa kayo dito! Mga tangang side characters!" Sabi ni Daryl sa dalaga.
"Dugo... Gusto ko pa ng napaka-raming dugo!!" Sigaw pa nito
At aatakihin niya na sana si Ophelia gamit muli ang Chainsaw na kanina niya pa hawak-hawak...
Ngunit pareho lamang silang nagulantang nang sunod nilang marinig ay isang napaka-lakas na putok ng baril!
The next thing Ophelia saw was Daryl, slowly falling down.
Habang nag-durugo ang dibdib nito.
Ilang segundo munang nag-hingalo ang binata, hanggang sa tuluyan na nga siyang mawalan ng buhay...
Pagka-tingin niya naman malapit sa may pinto at kanyang nakita ang isa sa mga bagong kaklaseng si Johnrey.
Mabibigat ang ginagawa nitong pag-hinga, habang may hawak-hawak lamang na baril na naka-tutok mula sa patay nang si Daryl.
"A... A--Ayos ka lang?"
Johnrey asks...
Tanging mahinang pag-tango naman ang isinagot ng dalaga dito.
"S--Salamat," aniya. At sa puntong iyon ay tuluyan nang napa-hagulgol sa pag-iyak.
Lumapit naman sa kanya si Johnrey at inalalayan siya sa pag-tayo.
Lumabas sila sa kwartong iyon na iniwan sina Bettylou at Daryl na ngayo'y nakahalundusay na sa sahig, at kailanma'y hindi na muling babangon pa.
Hinanap na'rin nila ang iba pa nilang mga kaklase.
Iyong ibang kanina pang nag-tatago mula sa kanilang mga lungga ay nagsi-labasan na, nang malamang wala na si Daryl.
"A--Ano yung pumutok? Narinig niyo ba?" May pag-tatakang tanong ni Janmil
"S--Si Daryl!? B--Baka... baka sugurin nanaman niya tayo!" Ani Juvy.
"I--I killed him," tanging isinagot lamang dito ni Johnrey.
"It was me. Yo'ng narinig niyong putok ng baril kanina, galing sa'kin yo'n."
Mag-sasalita pa sana ang iba niyang mga kaklase, ngunit nagulantang ang kahat nang muli nanamang mamatay ang ilaw mula sa buong apartment, kaya nama'y nagdikit-dikit nanaman lahat ng mga estudyante dahil sa takot na baka kung ano nanaman ang mangyari.
Maging si Johnrey ay inihanda niya nang muli ang kanyang hawak-hawak na baril, just in case something goes wrong again.
The voice of a young girl was back somewhere around the whole apartment...
Naririnig pa nilang pumapalakpak ito...
"Very Good!" Unang isinambit nito.
"One of you has finally chosen to cheat on death!
Actually dalawa sana, pero namatay pa'rin naman ang isa," aniya at pagkatapos ay tumawa.
"At dahil diyan, bibigyan ko ng two safe points si Johnrey. You managed to kill one of your fellow besties. At since nagawang mapatay ni Daryl si Bettylou, ibinigay ko nalang sa'yo ang nag-iisang puntos niya.
And what does that mean?
Well... If hindi ka maging sagabal sa mga susunod kong plano, then you're going to be automatically safe sa dalawang susunod na death games na inihanda ko."
"Sino ka bang talaga, ha!?" Bulyaw ni Justin dito.
"Sa tingin mo ba isa lamang itong laro para sa'yo!? Napakarami na nang napapatay mo!!" Aniya pa.
"Sino ako? Duh! As if naman ibabandera ko agad ang pangalan ko noh! Ni-hindi pa nga tayo nangangalahati eh.
Kung gusto niyo talagang malaman kung sino ako, then find some clues, dipshit! Hindi yo'ng tatanga-tanga at tutunganga lang kayo! Pampa-bigay kayo ng plot holes eh!
Oh siya sige bye na! Sa susunod na laro nalang ito! Ciao, suckers!!" Huling ihinabilin nito, at pagkatapos ay tumawa pa ng malakas.
Mas tumatagal ay mas bumabagsik na ang mga nangyayari sa kanila.
Ngayon, halos sila-sila nalang din ang nag-papatayan.
Pero kahit na ano pa man ang nangyayari'y
Hindi pa'rin sunusuko ang iba sa kanila.
Mas nabigyan pa nga sila nito ng motibasyon.
Hanggang sa hindi nila nahahanap ang killer...
Ngunit ano pa nga ba ang mga susunod na mangyayari sa mga natitirang estudyante ng seksyon Gold?
Makuha pa kaya nilang makatakas mula sa mahigpit na pagkaka-hawak sa kanila ni Bladespawn?
T o B e Co n t i n u e d . . . . .
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro