Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

I-The Fifth Year's Surprise

Argyle Liaz Boreal (Alb) POV

Tahimik akong naglakad papasok ng hospital. Bakit ako nandito sa hospital? Walang iba kung hindi dahil sa mga bisyo ko. Hindi ako nagpunta dito para magpagaling. I just want to know what illness will kill me because I'm already tired—tired of living a pointless life, tired of living with alcohol to forget, tired of living depressed.

As my make my way, muli ko na namang naalala ang nangyari five years ago—kung saan simula ang hindi matapos-tapos na sakit. My life has been a stern for the past five years. I am lost and I don't know how to find my way back because I lost my path.

Five years ago, hindi ko inakala na magiging ganito ang buhay ko—na maging walang pupuntahan ang lahat ng efforts ko noon sa pag-aaral at pagmamahal. Akala ko talaga noon na I have a bright future ahead of me kasi I have the brain, the best family and a supportive boyfriend. Wala na akong maisip na hingin sa diyos dahil akala ko na nasa akin na ang lahat, but I'm not fortunate after all because, look at me, I'm starting to have a symptoms of illness and my life twisted five years ago when that tragic day came into my life.

Kahit siguro mawala ako sa mundong 'to, hindi mawawala sa isip ko ang nakaraang limang taon.

I remember that I went out of our firm. Gaya ng nakasanayan, may nakatanghal na ngiti sa labi ko dahil araw-araw akong hatid at sundo ni Alawi—ang nagiisang lalaki na nagpatibok ng puso.

Well, sino ba ang hindi ngingiti sa presenya ni Alawi? Hindi lang ito may itsura, may tangkad at utak pa. Aside from me, Mommy and Daddy loved him because he is a natural gentleman but Alawi is not what we think he is. He is nothing but a coward who never dared to face me about the split.

Sa araw na 'yon, I remember na kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng aking bag para tawagan siya dahil more than thirty minutes na akong naghihintay sa kanya. At nang mag-on na ang phone ko ay eksaktong pag-pop up naman ng isang message galing sa kanya.

From My Love: Alb, I'm sorry.

Parang may dumagan ng mabigat sa puso ko nang mabasa ko ang text niya. Bakit hindi na niya ako tinawag sa callsign namin? Yes, I know ang babaw n'on. Pero kasi, parang may mali at ramdam na ramdam ko na may mali. I don't want to think bad even though I feel bad. I want to text him back and ask him kung ano ang bagay na hinihingian niya ng tawad, but I couldn't find my guts to do it.

My hands are a bit shaking that time. My mind was full of fears that I don't even understand. I don't know what to do that time. I don't know what to say and how to react. I don't even remember how I went home that very day.

At this moment, I don't know why my hands are shaking while entering the room. Handa naman na akong mawala, kaya bakit tila kinakabahan ako dito? Naku!

"Good morning, doc," bati ko sa doktor kahit nakatingin ako sa kisame.

"Good morning," simpleng tugon ng doktor pero wala akong pake dahil naaliw akong tumingin sa mga posters na nasa dingsing, "At wala ako sa kisame o dingding."

Ramdam ko ang biglang kulo ang dugo ko. Ang sarap sabihin sa gagong doktor na 'to na, "Wala naman talaga akong pake kung nasaan ka, doc. Pasalamat ka at binati pa kita ng good morning." Pero bigla akong tinamad kaya umupo nalang ako sa silya kahit hindi niya pa akong inaalok.

Hello, nakakapagod kaya.

"What brought you here, Miss?" pormal na sabi ng doktor—na mukhang regular sa gym—at agad akong napatingin sa kanya dahil parang narinig ko na ang boses niya, "Uhum?"

His face is familiar too. But nah, whatever. I don't care because hindi ito ang ipinunta ko dito.

Agad akong umayos ng upo. "Of course, I am here to be checked," sagot ko na nagtunog nagtataray. May idadagdag pa sana ako pero hindi ko natuloy dahil tinaasan niya ako ng kilay. "Well, anyway, wala akong pakialam kung ano ang sakit na meron ako. Gusto ko lang malaman kong hanggang kailan na lang ba ang buhay ko."

Kumunot ang noo ng doktor na 'to kaya hindi ko napigilan na paikutin ang mata ko. Gaano ba kahirap intindihin ang sinabi ko?

"Wow," bulong niya sa hindi ko maipaliwanag na tono kaya muli akong tumingin sa kanya, "We still didn't do some test, Miss. But you are already expecting your death? From one to ten, gaano mo kagustong mamayapa na?"

Naging kamao ang mga kamay ko. "Are you mocking me, sir?" tanong ko kahit alam ko naman ang sagot, "Because I don't think na mayroon akong oras para sa mga bagay na 'yan. Pwede ba—"

"Okay, fine," mahinahon niyang sabi kaya malakas na pagpipigil ang ginagawa ko kahit gusto ko siyang pagsalitaan dito, "What are your symptoms then, Miss?"

Huminga ako ng malalim bago nagsimulang magsalita. "Kahit hindi naman ako lasing, parang hangover ako. I easily get tired too and God knows how I hate eating," sabi ko pero agad akong napahinto dahil nakatitig ang doktor sa akin, "Doc, are you—"

"'Yon lang ba, Miss?" sabi niya bago tumikhim, "Kung 'yon lang, pwedeng hindi naman seryos—"

"Doc, let's skip that useless part," sabi ko kaya naging madilim ang mukha ng doktor na 'to. Bahala siya sa buhay niya. "Kunan niyo na ako ng dugo at iba pa so that we will know what will kill me."

"Miss Boreal, can you please be less insensitive?!" mariin na sabi ng doktor bago siya marahas na tumatayo mula sa kanyang silya, "I'm a doctor, Alb! As I hear you talk about death like it's the most unworthy thing in the world, my blood is boiling! I cure and save people from illnesses because life is so precious. Life is a damn precious thing even if its hard!"

"That's why I don't want to live!" sigaw ko pabalik at marahas din na tumayo gaya ng ginawa niya, "You're right, life is hard!" Then, I suddenly felt my cheeks wet. "If I'm really sick, hindi ako lalaban dahil nakakapagod na! Kung insensitive man ako, I'm not sorry at all, not sorry for my honesty."

Agad kong pinahid ang mga luha ko bago tumalikod at nagmartsa palayo sa kanya. Nang bubuksan ko na sana ang pinto, napahinto ako dahil narinig kong sinabi niyang, "Limang taon na kitang nakikitang duwag, Alb. Hindi ka na ba talaga babalik sa kung sino ka noon bago nawala sa'yo si—"

"Sino ka ba sa tingin mo, ha?!" sigaw ko sabay harap sa kanya, "Hindi kita kilala kaya huwag na huwag mo akong tawaging Al—"

"Ganyan na ba kasira 'yang utak mo, Alb?" walang pagasa niyang sabi, "Hindi mo ba talaga naalala kasi hindi nawala sa isip ko ang kaunting oras na pinagsa—"

"Shut up!" putol ko sa sasabihin niya dahil biglang bumigat ang ulo ko at umiikot ang paningin ko, "I will just find another doc—"

I didn't finish telling him what I wanted to tell him because I loss my balance, then vision became a pitch black after that.

Other works:

Thank you for reading and see you sa part two.

KEEPING THE KEEPER

CONUNDRUM THRILL

CHERISHING SOMEONE CHERISHABLE

ARCANE EMPRISE

Other One-shots:

I hope you will support my other oneshots too. Soon I am going to revise them for a better reading experience for you guys!

STRUGGLES GROWING UP

INFIDELITY VIA RPW

SHAME ON ME

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro