Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

EPILOGUE (3)

EPILOGUE (3)

CROY CASSIO

Ilang araw simula nang maging kami at sa ilang buwan na naging kami ay hindi na maintindihan ang aking nararamdaman sa sobrang saya. 'Yon 'bang 'di mo maipaliwanag ng maayos kung gaano ka-sobra ang saya.

May nangyari sa 'min at natakot ako na baka pagsisihan n'ya. Kinakabahan ako, ang bata pa namin para sa ganito pero kaya ko naman s'yang panagutan kung sakali man magkaproblema.

“T-Tigil muna, sweetie.” Hinihingal kong sambit at pinirmi ang kan'yang balakang sa pagiling.

Sadyang malikot s'ya at mukhang gustong-gusto na n'ya.

“G-Gusto ko na—”

“Mahal kita,” mahina kong sambit habang gumagalaw sa kan'yang pagitan.

“A-Ahh!”

Pikit matang yumakap ako habang pabilis nang pabilis ang akong galaw. “I-I love you. Please, a-ako lang...” Natatakot ako na baka hindi n'ya ako piliin sa huli.

“Iiwan ka rin ni Eden. Tignan ko nga sarili mo, taba.”

Wala 'mang emosyon na makikita sa 'kin ay sobra ang pagkadurog ng dibdib ko nang pagsalitaan ako ni Khoen. Minsan na rin naging kan'ya si Eden, bakit ako naiinggit?

“Mahal ako ni Eden at hindi n'ya ako kayang ipagpalit kahit mataba ako.” Pagtanggol ko pa sa sarili ko na ikinangisi lang n'ya. Iniisip na baka tama nga s'ya at hindi ko iyon hahayaan.

“Let's make a deal, Croy.” Lumapit s'ya sa 'kin at taas noong tinignan ako. “I'll give you 2 months para panatilihing healthy ang inyong relasyon ni Eden. Kapag hindi, wala ka nang pakialam sa 'min.”

Hindi nawala ang binitawang salita ni Khoen sa 'kin matapos kong mahatid si Eden sa kanilang bahay. Ang bigat na nararamdaman ko habang papauwi ng bahay.

Napatigil ako nang malapit na akong pumarada sa bahay namin nang bigla kong maisip ang organization namin. May gym do'n at kaya ko naman sigurong magpapayat kahit isang buwan?

Nagdadalawang isip kung itutuloy ko pa ba o hindi pero... Gusto kong sa 'kin lang si Eden kahit hindi ko na kailangan magpapayat. Binabagabag lang talaga ako ng negatibong bagay. Paano nga kung ayawan na ako ni Eden dahil sa katawan ko?

Kahit masakit at namimiss ko na s'yang mayakap at mahalikan ay mas pinili kong ipursige ang pagpapayat ko.

'Di naging madali ang lahat pero nakayanan naman sa isang buwan na pag-e-excise.

Naiinis ako at nahihiya na rin sa iang estudyanteng napapatingin sa 'kin. Alam ko naman kung bakit at dahil iyon sa maskulado kong katawan na pinaghirapan ko. Kahit ngayon ay iniisip ko na baka mali 'yong desisyon ko.

Natakot ako nang makitang tinalikuran ako ni Eden kahit alam n'ya kung sino ako. Iba't-ibang negatibong bagay ang sumasagi sa isip ko nang makita ang kan'yang galit na ekspresyon.

Nagsisi na ako, sweetie. Pasensya na kung hindi ako nakapagpaalam.

Napalunok ako at nagmamakaawang nakatingin sa kan'yang. “I-I love you and it will always be the same forever, sweetie. Makinig ka muna.” Hinawakan ko s'ya sa pisngi. “Please, mahal kita.”

“Sabihin mo sa 'kin ang lahat, Croy—”

“Sweetie,” diin kong sambit. Nasasaktan ay naiinis ako sa tuwing tinatawag n'ya lamang akong Croy.

Inikutan n'ya ako ng mata at pinanlakihan ng mata. “Ewan ko sa 'yo! Ayaw ko sa taong naglilihim sa 'kin kaya sabihin mo na ang lahat bago pa kita pabayaan.”

Natakot ako sa banta n'ya pero nagawan ko naman ng paraan. Naghalikan at may nangyari muna sa 'min bago ko pinaliwanag sa kan'ya ang lahat. Ang gag* ko rin minsan, usap pa ba ang ginawa namin sa Cr?

Nagsisi nga talaga ako sa banta ni Khoen. Sana pala hindi ko na lang iniwan si Eden ng ilang buwan para lang sa walang kwentang pagpapayat ko. Ayaw ko Eden sa pagbabago ko at ramdam ko iyon. Gusto n'ya ang dating ako at susubukan kong ibalik ang dati kong katawan.

Naging matakaw ulit ako sa pagkain gaya ng kadalasan kong gawain noon pa man. Hindi nga ako nahirapan sa pagpataba dahil agad na lumubo ang pisngi ko, pahiwatig na nag-uumpisa na.

Nagkaayos na kami nang maipaliwanag ko sa kan'ya ang dahilan ko. Sobrang swerte ko dahil tinanggap n'ya kung ano man ako at mga pinaggagawa ko. Naipaliwanag ko rin ang tungkol sa aking tarbaho.

No'ng una galit s'ya sa 'king illegal na tarbaho pero kalaunan ay tinanggap na rin. Nag-aalala lang s'ya at baka mapahamak ako sa pinaggagawa ko. Hindi ko na talagang s'ya sasaktan.

Pero mukhang hindi ko magawang pasayahin s'ya araw-araw. Di'ba parte naman sa pagmamahal ang magkasakitan at masaktan? Mahal namin ang isa't-isa pero 'di talaga maiwasang may dadating na pagsubok at suliranin sa 'min.

Inutusan ako ng kan'yang Daddy na kunin ang loob ni Downy, ang babaeng nagnanakaw sa kanilang bahay. No'ng una hindi ako sang-ayon sa plano pero sa huli ay nakipagsundo ako.


Kahit gusto kong tahanin si Eden at humingi ng tawad ay hindi ko magawa. Nakatitig sa 'min si Downy at alam kong pinagkakatiwalaan na n'ya ako.

“Lolokohin ka lang ni Eden, Croy. Lalakero kaya 'yon,” seryoso n'yang sambit. Medyo nagulat pa ako sa pinakita n'yang ugali pero sinawalang-bahala ko muna at ngitian s'ya.

Hindi ako makapaniwalang magkakagusto ang babaeng ito sa 'kin at alam kong dahil sa katawan ko ngayon. Tsk, hindi ka si Eden at ang layo ng ugali n'yang dalawa.

Mas gugustuhin ko 'yong kaugali ni Eden kaysa sa babaeng ito na ubod nga ng bait pero may tinatago namang masamang ugali. Si Eden, totoong ugali na talaga n'ya ang pinapakita n'ya at hindi lahat peke.

“Hindi na talaga kita kilala, Eden,” mahina kong sambit. Sorry, sweetie sa sinabi ko. “Akala ko hindi mo iyon kayang gawin sa ibang tao. Nagkamali ako.”

Alam kong galit s'ya dahil sa klaseng pagtrato kay Downy. Gustong-gusto ko na s'yang yakapin pero nakatingin si Downy sa 'min. Nagseselos ang sweetie ko! D*mn!


Ang mas kinabigla ko ay nang magsalita s'ya na tila ba walang sigla at emosyon sa kan'yang boses. Napiga ang dibdib ko sa narinig.

“Same, hindi na rin kita kilala.”

Hinabol ko s'ya at gusto ko na talagang tigilan itong kalokohan. Sh*t! Mapapamura na talaga ako kapag ako hiniwalayan ni Eden! Bakit kasi ito pa ang inutos ng kan'yang Daddy?

Mahimbing ang kan'yang tulog kaya naman nagawa kong tumabi sa kan'ya. Ang ganda n'ya pa rin kahit galit at naiinis. Pakiramdam ko, ako 'yong unang bibigay sa 'min, bibigay sa pagiging marupok. Hindi ko s'ya kayang tiisin.

Bahala na bukas at ako na ang bahala. Gusto ko nang magkausap at magsorry kay Eden. Pero hindi n'ya ako hinayanaan magpaliwanag at galit tinalikuran ako.

Kinumutan n'ya ang kan'yang sarili ng kumot. “Kung gusto mo ro'n ka kay Downy matulog—”

“Dito ako,” mariin kaagad kong sambit. “Please, h'wag mo naman akong pagtabuyan ng ganito. Mahal na mahal kita, Eden.” Pasensya na at sinaktan na naman kita. Sana h'wag 'kang makipaghiwalay ng dahil dito.

Natulog lang s'ya at hindi na ako pinakinggan. Wala akong nagawa kundi ipabukas na lang. Baka... Pagod lang s'ya. Iintindihin ko na lang dahil ako ang lalaki.

Taranta at napabalikwas ako sa kinahihigaan ko nang makitang iniwan ulit n'ya ako. Pinunasan ko ang aking luha na 'di ko na namalayang tumulo, kaya n'ya talaga akong durugin sa simpleng tampuhan namin.


Mabibigat ang hakbang ko patungo sa kinaroroonan ni Eden kasama ang lalaking minsan ko nang nakita noon na naging kasama ni Eden. Naiinis ako sa lalaki.

Naging sweet na naman si Eden sa 'kin hanggang sa makaalis ang lalaki nang pinandilatan ko s'ya ng mata at binantaan. Alam kong may gusto ito kay Eden kaya ako na ang gagawa ng paraan para hindi lumalim ang nararamdaman nito.

Bati ulit kami ni Eden nang ma-explain ko na naman ang side ko kung bakit ko iyon ginawa sa kan'ya. Paulit-ulit na lang ganito pero nagpapasalamat ako dahil hindi ako tinaboy ulit ni Eden.

Nahuli na si Downy kaya naman wala na akong aalahanin kundi pagsilbihan ang Reyna ko. D*mn, kahit ano na lang ako para sa kan'ya basta mahal ko s'ya.

“Mahal kita, fatty boy.”

Ang sarap sa pandinig na sinasabihan n'yang mahal n'ya ako. Bakla na yata ako ngayon sa sobrang pula ng taenga ko.

“Kinilig ako,” tanging na tugon ko. Masyadong malalim ang nararamdaman ko kaya hindi ko na ma-explain pa ng mabuti. Walang rason nga ang pagmamahal di'ba?


“Gusto ko paggising ko sa umaga, nasa tabi pa rin kita. Ayaw kong may kinakasama 'kang lalaki, dapat kasama ako palagi.” Natakot talaga ako na iniwan n'ya akong mag-isang natutulog. Paano kung hihiwalayin talaga n'ya ako pagkagising ko sa umaga?

Naghabulan kami sa kan'yang bahay at hindi inabala ang ilang taong nakatingin sa 'min. Wala na akong pakialam basta maging masaya na lang kasama si Eden.


Dahil sa kan'ya, natuto akong h'wag ikumpara ang sarili sa ibang tao. Iba ka sa kanila at iba sila sa iyo. Sabi nga nila may sarili tayong version at mas gugustuhin ko na lang 'yong totoong ako.

Natuto rin akong maging malaya sa kung ano man ang gusto kong gawin at gustong sabihin. Hindi ang ibang tao ang kalaban mo kundi sarili mo. Labanan mo ang sarili mo at h'wag hahayaang lamunin ng hiya at pagka-insecurities.

Engage nga namin ni Eden matapos ang ilang buwan. Wala na talaga itong atrasan at itutuloy ko na ang kasal namin sa susunod na taon.

“'Di ka ba nagsisi?” tanong ni Eden habang yakap-yakap ko s'ya sa likuran.

Napangiti ako at hinalikan s'ya sa noo. Mas hinigpitan ko ang yakap sa kan'ya. “Ano nga dapat ang magtanong n'yan. Swerte ko talaga at mahal mo ako.” 'Di na maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.

“Hindi ako nagsisi. Salamat dahil ako ang pinili mo.”

Naging masaya ang gabi namin kung kailan ginanap ang aming engagement party. Sa ilalim ng bituin ay kapwa kaming nagsumpaan na kami pa rin sa huling sandali.


“Tumaba ka ulit, C-Tech, ah,” puna ni Alcides at ngisian pa ako.

Hinagisan ko na lang s'ya ng mga USB na hindi ko na napagkanibangan dahil sa nagamit na ito ng ibang clients noon. Itatapon na rin naman kaya mas magandang itapon sa kan'yang mukhang maloko.

Umiwas s'ya at naglikha ng ingay sa opisina ko. “Mumurahin talaga kita!” singhal n'ya at binalibag din ako ng sirang gadget na tahimik lamang sa lamesa ko.

May sari-sarili kaming opisina at tanging mga matataas na opisyal lamang ang may ganito. Isa ako sa pangatlong opisyal na may kataasang ranko.

Inawat kami ng Boss namin. Buti na lang at dumating s'ya, plano yata akong siraan ni A-Tech. Si Alcides na ubod ng sama ng ugali.

Hindi na ako magtataka kung ayaw sa kan'ya ng babaeng gusto n'ya. Sayang may itsura sana pero masama lang ugali kahit nerd lang din naman.

Mabilis na tumayo si Z-Tech. “Kailangan nating makuha ang mga bomba sa BulletStink Organization.”

Masyadong mabilis ang pangyayari at namalayan ko na lamang na nakaalis na si Zyler, ang Boss namin.

Kaya naman ginawa ko ang aking tarbaho. Pinindot ko ang aking earpad para tawagin ang ilang ka-myembro namin dito.

“This is C-Tech from Nboyz Technology Organization. 2 minutes to prepare your things and then ready yourself. We are going to BulletStink Hideout, ASAP.”




END


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro