
EPILOGUE (2)
EPILOGUE (2)
CROY CASSIO
Bago pa man makaalis ang lalaki ay naghabol pa ito ng salita. “Mr. Croy, rooftop” Tinuro pa n'ya ang itaas bago tuluyang umalis sa canteen.
Seryoso ko lamang itong tinitigan hanggang sa marinig ko ang sigaw ni Eden.
“Tapos na ang show kaya magsibalikan na kayo sa ano 'mang ginagawa n'yo!” sigaw n'ya na kaagad namang sinunod ng estudyante.
“At ikaw naman!” Agad akong napasinghap sa gulat. “Anong klaseng dahilan iyon, ah? For your information, wala akong boyfriend, boytoy lang!”
Napakurap-kurap naman ako at nahihiyang ngitian s'ya. “H'wag mo na iyon pansinin.” Mabilis kong kinuha ang folder na nakapatong sa lamesa. “Alis na ako.”
“Hoy!” rinig ko 'pang sigaw n'ya bago ako kumaripas ng takbo paalis do'n. Kailangan kong kausapin ang lalaking iyon.
“Layuan mo s'ya.” 'Yon kaagad ang bungad ni Khoen, ang matagal nang gumugulo kay Eden.
“Sino ka ba? 'Di mo yata kilala ang kinakausap mo,” seryoso kong sambit na mas lalo lamang n'yang ikinagalit.
“Pagsisihan mo ito, Mr. Croy. Sa tingin mo seseryusuhin ka ni Eden?” mapakla pa n'yang saad na ikinapait ng nararamdaman ko.
Walang nangyaring masama sa rooftop at umalis lang ako ro'n ng tahimik. Wala akong masabi dahil wala naman akong mapatunayan na nababagay ako kay Eden.
Ilang araw ko s'yang kinausap pero iniiwasan n'ya talaga ako. Dahil ba sa sinabi kong boyfriend n'ya ako o may iba 'pang dahilan? Ang sakit pala kapag ganito. Hindi ko na tuloy gusto 'yong mataba kong katawan na ito.
Gano'n na lang ang gulat ko nang makita si Eden dito mismo sa kulungan ng baboy kaagad kong sinuot ang t-shirt ko at nilapitan s'ya.
“W-What are you doing here?” taka n'yang tanong ang sinuot ko ang aking salamin. Medyo malabo kasi kaya kailangan kong suotin at saka, importante rin ito.
“I-Ikaw nga dapat tatanungin ko, eh,” mahina kong sambit at napamulsa sa kan'yang harapan. Tinatago ang nangingig kong kamay. Bakit s'ya nandito? Dahil ba sa 'kin?
“Ako unang nagtanong.” Napatitig s'ya ulit sa 'kin.
Napakamot ako sa batok at ngitian s'ya ng alanganin. Totoo 'bang nasa harapan ko na s'ya? Gusto na ba n'ya ako?
“This is my property,” sagot ko.
Napatingin ito sa kan'yang ibaba kaya naman napasunod ang aking tingin doon. “Anong nangyari sa paa mo?” Maputik, anong nangyari sa kan'ya?
“Hey!” singhal n'ya nang yumuko ako sa kan'yang harapan at sinipat ang kan'yang paa.
“B-Babasain ko na 'to ng tubig...” 'Di ako nakinig at kinuha lamang ang kan'yang suot na doll shoes. Magaan at malambot ang kan'yang paa.
Napatingala ako sa kan'ya. “Ako na maghuhugas ng paa mo,” presenta ko at mabilis na kumuha ng tabo saka balde. Gusto kong ako ang maghuhugas para sa kan'ya, masyado s'yang maganda para sa gawaing ganito.
Bakla na ba kung kiligin ako ngayon na hawak ko ang kan'yang kamay? Siguro nga oo, 'di ko napigilang magsaya.
Binitawan ko muna s'ya at tinungo ang aparador ko kung saan nakalagay ang aking damit. Pagkakuha ay kaagad akong tumungo sa kan'ya.
Nakita kong nakatingin s'ya sa mga certificate ko. Bigla akong napangiti nang makitang tinitignan n'ya ang aking achievements.
“Sweetie...” tawag ko dahilan para lumingon ito sa 'kin.
“S-Sa 'yo ba lahat 'to?” Tinuro n'ya pa ang mga certificate ko.
Ngumiti ako bago tinaob ang certificate na tinignan n'ya kanina. Bigla akong kinabahan dahil mukhang nakita n'ya ang certificate galing sa organization ko.
“May napili na akong damit para sa 'yo.” Sinadya ko talagang mapalapit sa kan'ya. Kung gugustuhin ko lang na halikan s'ya rito ay nagawa ko na pero syempre dapat may feelings na s'ya sa 'kin.
Nililinisan ko ang tangkal ng baboy nang makita si Eden na nakatulala sa kabilang bahay namin. Napatingin naman ako sa tinitignan n'ya.
Agad nagsalubong ang aking kilay at hinarangan s'ya para 'di n'ya masilip ang bagong kapit-bahay namin. Bigla tuloy akong nainis sa lalaking iyon.
Gano'n na lang ang gulat ko nang hampasin n'ya ako sa pwet.
“H-Hinampas mo ako sa pwetan...” Bakit n'ya iyon ginawa?!
Tinakpan n'ya ang kan'yang bibig para pigilan ang tawa. “S-Sorry, 'di ko napansin, eh!”
Nainis ako lalo nang makitang patingin-tingin s'ya ulit.
“H'wag 'kang tumingin sa kan'ya,” seryoso kong sabi.
Inikutan n'ya ako ng mata at pabagsak na sumandig sa inuupuan n'ya. “Bakit ba? Tumitingin lang naman ako!” D*mn.
“Naiinis ako,” pag-amin ko. Totoo naman, eh.
“Dahil?” Tinaasan n'ya ako ng kilay ulit.
Umiwas ako ng tingin. “Naiinis ako sa lalaking tinitignan mo. Ako kasama mo pero sa iba ka naman tumitingin. 'Di mo man lang ako napapansin.”
Mas gumaan ang loob ko nang magkausap kami. Totoo ang sinabi ko. Handa ako maging boytoy n'ya para makawala s'ya sa masakit na nakaraan. Gusto ko s'yang makaahon.
“Ang galing mo talaga, Croy. Seriously? Gusto mong maging stalker?” Kausap ko sa sarili ko habang pinagmamasdan si Eden na kasama si Khoen.
Gusto kong umeksena pero baka masira lang ang lahat. Gusto kong h'wag magalit sa 'kin si Eden sa 'kin.
Pasekreto ko s'yang sinundan hanggang sa dumating ang gabi.
“Anong ginagawa mo rito, Croy?”
“Sinusundan ka,” sagot ko nang madala ko s'ya banda sa poste.
“Stalker ba kita?” Napataas pa ng konti ang kan'yang boses.
Napakamot ako sa batok. “Ngayon lang naman, eh...”
Pinanliitan n'ya ako ng mata. “Ang totoo?”
Tinaas ko ang aking kamay. “Okay, matagal na kitang sinusundan.” Seryoso ko s'yang tinignan kahit nahihiya ako sa sinabi ko.
Napatanga s'ya sa sinagot ko. “Seriously, Croy. Bakit kailangan mo pa akong sundin hanggang dito?”
“Wala akong tiwala sa kasama mo kanina.” Matagal ko na talagang ayaw sa lalaking iyon. Kaaway ko minsan sa basketball game dati.
Uuwi sana s'ya mag-isa pero pinigilan ko at pinaangkas sa motor ko. Napangiti ako dahil nagustuhan n'ya ang aking motor, at sa tingin ko nga unang beses n'ya itong mararanasan kapag sumakay s'ya.
Nasanay na ako sa motor dahil sa misyon namin, kinakailangan namin iyon.
Nakarating nga kami sa bahay ko at ayaw n'yang umuwi! At mas malala pa ay gusto n'yang matulog sa 'min.
“Eden!”
“What?” natatawa n'yang saad at hinawakan ang aking pisngi.
Mariin akong napapikit ang aking mata at nagtatagis na rin ang aking panga nang ilapit n'ya ang kan'yang mukha sa 'kin.
Kaagad naman akong napamulat nang makitang tinakasan n'ya ako.
“Niloloko mo ako, Eden!” Reklamo ko pero ang babaeng maganda, tinawanan lang ako.
Umupo ako sa gilid ng kama. “Matutulog na ako, Eden.” Ikinulbit ko s'ya sa balikat pero mukhang magpapanggap pa ito.
“Alam kong hindi ka tulog kaya bumangon ka na d'yan,” dugtong ko pa.
Umupo s'ya sa kama at bahagyang sinuklay ang kan'yang buhok gamit ang kan'yang daliri. Napatulala tuloy ako at para 'bang mas gumanda s'ya sa paningin ko.
“Dito na lang ako matulog.” Ito na naman ang maganda n'yang mata.
Napakurap-kurap ako. “Sige, do'n ako sa sofa.” Akmang tatayo ako nang pinigilan n'ya ako sa braso. Gulat akong napatingin sa kamay n'ya.
“Tabi tayo, Croy. Hindi ako sanay na walang katabi, eh,” malambing n'yang sambit na ikinatameme ko.
Natauhan lamang ako nang inalis ang kan'yang kamay sa 'kin. Nataranta ako.
“Sige rito ka na lang at ako na sa sofa.” Tatayo na sana s'ya sa pagkakaupo nang kaagad ko s'yang pinigilan.
Gusto ko s'yang makatabi, oo! Pero, tama ba ito? Walang kami pero magkatabi kami. Bahala na.
Kinakabahan at pinagpapawisan ako sa kan'yang ginagawa. Hindi naman ako gano'n ka-inosente para 'di malaman ang gusto n'yang mangyari!
Matapos ko s'yang halikan ay pinagpalit ko ang aming posisyon. Gusto ko 'pang palalimin pero... Walang kami. Gusto kong may panghahawakan ako para sigurado na ako.
“Nagpipigil ako, Eden kaya h'wag 'kang makipaglaro sa 'kin.” Nagpipigil akong angkinin ka dahil sa sobrang gusto kita.
Bumalik ako sa pagkakahiga at hinayaan s'ya. Baka pinaglalaruan lang n'ya ako. Kung totoo man iyon ay parang gusto ko na lang ilubog ang aking mukha sa tubig.
Gusto ko s'yang tugunan pero hindi naman n'ya ako gusto. Wala akong kasiguraduhan sa nararamdaman n'ya para sa 'kin. Ako 'yong kawawa sa 'min.
Gano'n na lang ang kaba ko nang makitang wala s'ya sa 'king tabi. Maaga pa at nauna na s'ya sa 'kin?
Bumaba ako ng kwarto na nagbabaka sakaling nando'n lang s'ya sa ibaba pero gano'n na lang ang lungkot ng aking nadarama nang umalis s'ya na hindi man lang nagpaalam.
Kinausap ko s'ya at iniiwasan nga talaga ako. Alam kong tungkol ito sa nangyari sa kwarto ko pero gusto kong makasigurado.
Naghintay ako ng ilang araw bago ko s'ya kausapin ulit. Sobrang miss ko na ang kakulitan n'ya kaya naman nakahanap ako ng tyempong makausap s'ya.
Hinila ko s'ya sa loob ng Cr na tanging lugar na pwede ko s'yang makausap. 'Di naman pwede sa hallway at baka may makakita.
“Alam mo 'bang halos atakihin ako sa puso?!” histerikal n'yang bulyaw sa 'kin.
Napakamot ako sa batok sa kahihiyan. “I'm sorry.” Hingi kong paumanhin. “Let's talk now.”
Napanganga ang bibig n'ya “Ano naman ang pag-uusapan natin, huh?” Galit pa rin s'ya.
“Binigyan lang kita ng ilang araw para sa space. Ngayon, mag-usap tayo.” Gusto kong magkaayos na kami pero s'ya itong umiiwas.
“Tumabi ka, Croy!”
Akmang aalis s'ya nang mabilis ko s'yang binuhat at isinilid sa Cr. Sinara ko na rin para 'di na s'ya makalabas hangga't hindi kami nagkakaayos.
“Ano sa tingin m—”
Masyado akong nalunod sa kan'yang boses at mukha kaya walang paalam kong sinapo ang kan'yang mukha at hinalikan ng magaan.
Wala na akong pakialam kung wala s'yang nararamdaman basta gusto ko lang iparating na sobra pa sa gusto ko sa kan'ya.
Nang mabitawan ko ang kan'yang labi ay naramdaman ako ng ibang pagnanasa. Hindi dahil sa maganda s'ya kundi dahil mahal ko na s'ya.
Mabilis pero tama ang nararamdaman ko. Mahal ko s'ya sa kung anong meron s'ya.
“Higit pa ba sa gusto ang nararamdaman mo sa 'kin?” tanong n'ya.
Sandali akong natigilan bago mabilis na tumango. “Sobra pa sa gusto, Eden. Please, ayusin man natin kung ano ang problema.” Akmang hahawakan ko s'ya sa pisngi pero kaagad akong natigilan at napagpasyahan na 'wag ituloy.
“'Yon nga ang problema, hindi kita maintindihan. Hindi ko alam kung bakit mo ako hinalikan gayong parang ayaw mo naman ng gano'n no'ng hinalikan kita sa bahay mo.”
Nagtataka man ay nagdahilan ako. “M-Mali ang iniisip mo, Eden.” Pinaharap ko s'ya sa 'kin. “Baka kasi nilalaro mo lang ako at masakit sa 'kin kong iyon ang totoo.”
Gano'n na lang ang gulat ko nang marinig ang kan'yang sinabi kung bakit n'ya ako hinalikan no'ng gabing iyon. Bago pa ako makapagsalita ay kaagad n'ya akong siniil ng halik.
Natigilan ako sa kan'yang ginawa at kalaunan ay napatugon sa bawat haplos ng kan'yang labi sa 'kin.
Mas lalo ko s'yang sinandig sa pader at mas pinailaliman ang aming halik. Kahit papaano ay gusto kong ipakita sa kan'ya na magaling din ako sa halik pero mukhang napansin n'ya na unang beses ko ito. Nakakahiya pero dapat nga magpasalamat s'ya dahil s'ya ang nauna.
Pakiramdam ko ay namula ang taenga at leeg ko matapos ang malalim naming halikan. Bukod sa mawawalan ako ng hangin, gusto kong humalik ulit sa kan'ya.
“I-Isa pa.” Akmang hahalikan ko ulit s'ya nang pigilan n'ya ako. Ang gandang babae, natawa pa sa 'king mukha na nabitin.
“Alis na ta—” Mukhang nabigla nga s'ya sa pagsunggab ko ng halik. Mainit at malambot ang kan'yang labi, siguro nga ito na ang magiging paborito kong ulam.
Napangiti ako nang maisip ang ginawa namin sa Cr. Alam kong kami na at natugunan na ang akong nararamdaman. Pinamulahan ako ng taenga sa tuwing naiisip ko ang kan'yang mukha no'ng hinalikan ko s'ya sa labi at leeg. Ang tindi mo, Croy.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro