
EPILOGUE
EPILOGUE
CROY CASSIO
“Hijo, dahan-dahan naman sa kinakain mo. Paano ka n'yan magugustuhan ng babae?” saway sa 'kin ni Lolo Romeo, ang nag-iisang taong kumupkop sa 'kin.
Tinaas ko ang aking kamay para ipahiwatig na sandali lang. Nakangiwi s'ya sa 'king harapan at sa mukha n'ya ay parang pinapahiwatig nitong hindi n'ya kakayanin ang ginawa ko.
Napadighay ako kaya naman ang ilang kasam-bahay ay napatingin sa 'kin. Ngumiti lang ako at saka uminom ng tubig.
“Binata ka na at dapat panatilihin mong healthy ang iyong katawan. Sige ka, walang magkakagusto sa 'yo.” May banta pa sa boses nito.
Kumakain naman ako ng gulay, 'yon nga lang mas lamang 'yong dessert. Hindi ko mapigilan kumain ng marami, ang sarap kasi.
Tinukod ko ang aking siko sa lamesa at ngitian lang si Lolo. “Mayro'n naman siguro, Lo. Ang talino ko kaya tapos ang bait pa.”
Napailing s'ya sa 'king sinabi. “Kahit na. Paano kung may nagugustuhan 'kang babae tapos ayaw pala sa gan'yang katawan.” Tinutukoy n'ya ang hubog ng aking katawan. “Nganga ka na lang sa kan'ya, eh.”
Ang katagang sinabi sa 'kin ni Lolo ay binabagabag ako palagi pero kalaunan naman ay sinawalang bahala ko na. Wala naman akong nagugustuhan na babae kaya ayos lang siguro kung magpakasaya muna ako.
Tinanggap ko ang perang inalok sa 'kin ni Ollivander, isa sa kaibigan ko na naging kasama sa organization namin.
“Pagbutihin mo pa ang paggawa ng gadget, C-Tech. Sigurado akong lalago ang organization natin.” Tinapik n'ya ang balikat ko saka tinakpan ang kan'yang mukha ng mask, palagi naman gan'yan.
Mas lalo akong ginanahan sa pagtatarbaho ko. Bukod sa palagi akong nakakatanggap ng malaking halagang pera, makakabili rin ako ng pagkain. Ayos!
'Di naman sa pingyayabang, ako lang naman ang nag-aayos at gumagawa ng panibagong model ng computer namin at ibang gadgets na pwedeng gamitin para sa mga clients namin.
Sekreto ang organization namin at ibang organization lamang ang nakakaalam tungkol sa illegal naming gawain. Hindi nabubunyag ang mga pinaggagawa namin dahil na rin sa connection, malakas ang kapit namin sa mga government at iba 'pang opisyal.
“This is C-Tech from NBoyz Technology Organization,” mahina kong sambit sa kausap kong client sa earpad.
“'Di na ako magpaligoy-ligoy pa, I want my exam score to be perfect, I badly need your gadget.”
Tumango ako at sinabi rito ang location na tatagpuin namin. This is my illegal job, ang tulungan silang mag-cheat sa exam.
Dito ko napiling makipag-usap sa kan'ya, sa parking lot. Walang masyadong tao at hindi pa halata masyado.
Walang salita kong nilagay ang file document at earhearpad sa kan'yang lalagyan na bag. Tahimik din s'ya at sinenyasan akong aalis na s'ya at nakapagbayad na ito. Tumango ako, cash muna bago bigay 'no.
Sumakay ako sa motor nang makaalis na s'ya. Tahimik at walang kaba na nararamdaman nang pinaandar ko ang motor.
Pero gano'n na lang ang pagtigil ko nang makita ang babaeng may kahalikang lalaki. Bakit dito pa nila napiling lugar na mag-make out? Kadirdir sila.
Kita ko ang paghabol pa ng lalaki ng isang halik bago pumasok sa kan'yang kotse. Kumaway ang babae at do'n ko lang nakita ang kan'yang mukha.
Hindi ko alam kung naakit ba ako o nagayuma lamang sa klaseng ganda n'ya. Ngayon lang ako nakaramdam ng kakaibang attraction. Oo may crush naman akong ibang babae pero hindi katulad n'ya na masyadong malalim. Paktay na ako nito.
Lahat ng bagay sa kan'ya ay napapamangha na lang ako. Mapalakad man s'ya o mapasulyap sa 'kin ay nagbigay ng liwanag sa 'king buong pagkatao.
Wala sa sariling bumalik ako sa organization namin. Inalam ko ang tungkol sa kan'ya at buong impormasyon n'ya. Napangiti na lang ako sa kawalan nang makita ang kan'yang mukha sa screen ng computer ko. Ang ganda n'ya.
May bangs s'ya at hanggang beywang ang kan'yang buhok na kulay itim. Parang nang-aakit ang kan'yang tingin pati na rin ang kan'yang labi. Tila ba hinihigop ako nito at tinatawag sa halikan s'ya.
Napailing na lang ako sa kawalan at pinagpuyatan s'yang i-stalked sa social media. Bakit ngayon ko lang s'ya nakilala? Ayan tuloy, madami akong kaagaw.
Buwan ang lumipas na tanging sulyap lang sa kan'ya ang nagawa ko. Hindi ako makalapit dahil sa mapanuring tingin ng ilang kalalakihan, nahiya ako sa mukha ko.
Tama nga si Lolo, dapat nakinig na lang ako sa kan'ya na magpapayat. Dahil kay Eden ay gusto ko na tuloy magpapayat ng maaga para malapitan s'ya, sobrang ganda at sexy n'ya para sa lalaking katulad ko na mataba.
Mas lalong kumabog ang dibdib ko nang makitang nakatingin s'ya sa 'king pwesto. Pati ang pagsubo ko ng kanin ay napatigil ako nang makitang kapwa kaming nagkatitigan dito sa Mang Inasal.
Bakit sa ganitong sitwasyon pa?!
Kahit nahihiya ako sa kalagayan ko ay nagawa kong sumulyap ng pasekreto sa kan'ya. Napapansin siguro n'yang patingin-tingin ako sa kan'ya kaya tinaasan n'ya ako ng kilay. Masyado akong halata.
'Di ako mapakali sa kinalalagyan ko. Gusto kong lapitan si Eden pero natatakot ako. Paano na lang kapag naalala n'ya pa ako?
Mas maganda nga 'yon. Ano ba 'yan!
Napakamot na lang ako sa batok saka kabang tumungo sa kan'yang kinaroroonan. Talagang sinundan ko pa s'ya rito sa stuff toy shop para lang makita s'ya.
Papalapit ako sa kan'ya nang bigla s'yang lumakas patungo sa 'kin dahilan para mabangga ito. Kaagad ko s'yang sinalo nang akmang matutumba ito sa lakas ng impak.
Kaagad kaming napaayos ng tayo nang mapansin ang malalim naming titigan. Ang ganda n'ya talaga at hindi ako magsasawang sabihan s'ya ng gano'n. Bakit kasi ganito ako ka-inlove sa kan'ya?!
Napansin ko ang kan'yang pag-ayos ng uniform at ng kan'yang buhok. Bawat galaw n'ya ay namamangha talaga ako.
Pinameywangan n'ya ako sa harapan. “Sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo, buti na lang ay hindi ako natumba,” suplada n'yang anas.
Hindi ko magawang magsalita kahit nakabuka na ang bibig ko para magsalita sana. Tila napepe ako sa kan'yang kagandahan.
Mas lalo akong nahiya sa itsura ko nang makitang pinasadahan n'ya ako ng tingin. Malamang maarte ito pero... Bagay naman sa kan'ya kaya ayos lang basta s'ya.
“Kilala mo ba ako?” tanong n'ya.
Ayon nga, tulala ulit ako at 'di magawang makapagsalita. Parang naparalized ang katawan ko sa tindig at titig n'ya sa 'kin.
“Pepe ka ba?” inis n'yang sambit dahilan para matauhan ang isip ko. D*mn.
Mabilis akong umiling saka napakamot sa ulo. “S-Sobrang ganda mo...” Buti nasabi ko na pero nakakahiya ang mukha ko!
Mas lalong sumaya ang mukha ko nang magsalita s'ya. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkausap kami. Kahit nandidiri s'yang nakatingin sa 'kin ay ayos lang basta... Pansinin n'ya ako.
Gano'n na lang ang pagkawala ng saya na nararamdaman ko nang makita ang kan'yang boytoy. Oo, alam kong hindi s'ya seryoso sa relasyon at 'di ko alam kung ikakasaya ko ba iyon.
“A-Aalis na ako.” Sana pigilan mo ako kahit alam kong wala 'kang pakialam sa 'kin. Aalis ako dahil masyadong masakit sa mata ang lalaking kasama n'ya, alam kong pinapainggit lang ako nito.
Pero gano'n na lang ang kadismiyado ko nang hindi man lang n'ya ako pinigilan. Para saan nga ba? Gulo ko rin.
Dumating ang panibagong umaga ay maaga akong nagising para sunduin s'ya sa kan'yang bahay. Malayo mula rito ang kanilang bahay pero ayos lang, basta makita ko lang s'ya.
'Di ko maiwasang maisip na baka magiging close na kami. Kinausap n'ya ako sa canteen kaya sigurado akong hindi n'ya ako pagtatabuyan. Mas lalo akong ginanahang pumunta sa kanilang subdivision.
Pagkarating doon ay kaagad kong napansin ang babaeng nagjo-jogging. Kaagad kumabog ang dibdib ko nang makita ang kan'yang suot. D*mn, mapapamura talaga ako sa kagandahan n'ya. Siguro nga inlove na ako.
'Di dahil sa kagandahan kundi sa pagkatao n'ya. Alam ko ang tungkol sa kan'ya at hinahangaan ko s'ya dahil do'n.
Sumabay kaming kumain sa karinderya na minsan naging pangarap kong gawin kasama s'ya. Masyadong bakla isipin pero hinahangad ko talagang makasama s'ya at mahawakan ang kan'yang kamay.
“A-Aalis ka na?” mabilis kong tanong at lumapit sa kan'ya. Aalis s'ya na hindi man lang ako sinabihan.
“Malamang,” usal n'ya at tuluyan na nga akong tinalikuran para umalis sa karinderya. D*mn, mababaliw ako sa pinaggagawa ko ngayon.
Sinundan ko s'ya at kaagad n'yang napansin. Nilingon n'ya ako at tinaasan ng kilay. Napatigil kami sa gitna ng kalsada. Maaga pa kaya walang masyadong taong dumadaan.
“Sinusundan mo ba ako?” tanong n'ya matapos hawiin ang kan'yang bangs. Ang ganda talagang babae.
Napakamot ako sa batok dahil sa hiya. “H-Hindi, ahh...” Kailan pa ako nautal, huh?!
Napalunok na lang ako ng sariling laway nang makitang titig na titig s'ya sa 'kin. Problemado kung anong gagawin sa 'kin.
“Look, fatty guy.” Huminga s'ya ng malalim at saka binuga. “Kung ano man ang pinaplano mo, tigilan mo na dahil masasaktan lang kita.”
Napatigil ako at sa kalooban ko ay halos kapusin na ako ng hininga. Gano'n na ba ako kahalata?
“Ngayon pa lang sinasaktan mo na ako,” tugon ko at tinignan s'ya sa mata. Para kasing hirap na hirap na s'ya sa 'kin at sa tingin pa lang n'ya ay ayaw na nito sa presensya ko. Sino ba naman kasi ako?
“Kaya nga umiwas ka na sa 'kin,” madiin n'yang saad. “Alam mo naman siguro ang tungkol sa 'kin, right? Madami akong boytoy at hindi ako nagseseryoso sa mga lalaki.”
“Then, gawin mo akong isa sa mga boytoy mo,” seryoso kong sambit at hindi na inisip ang magiging kahinatnan. Sobrang desperado na akong makasama s'ya. Higit pa sa gusto ang nararamdaman ko.
Mukhang nagulat nga s'ya sa sinabi ko. Alam kong iniisip n'ya na nasisiraan na ako ng ulo. Siguro totoo nga talaga na tanga ako.
“At sa tingin mo papasa ka sa taste ko?” Umismid pa s'ya. “I like abs not a chubby belly.”
Do'n na nagsimula ang insecurities ko sa katawan. Ang lakas ng loob kong lumapit sa kan'ya at willing maging boytoy pero hindi ko tinanong kung pasado na ba ako sa kan'ya. Gusto kong mapamura sa katangahan ko. Bahala na ang bukas.
Sinundan ko s'ya kahit ilang beses na n'ya akong tinaboy. Alam kong walang kwenta ang ginagawa ko pero... Dito ako masaya, eh, sa piling n'ya lang.
Mas lalo akong ginanahang pumasok sa school dahil kasama ko s'ya ngayon. Magkasabay kaming kumakain sa canteen na dati-rati ay iniisip ko lamang na mangyari sana ito. Ang swerte ko na ba?
“Hey!” Naghahamon ang lalaking ito kaya naman taas-noo ko s'yang hinarap kahit gusto ko nang tumakbo.
Bakit ako tatakbo kung kaya ko naman s'yang balibagin? Mas mataba ako sa kan'ya at ang payat n'ya. Magkasing tangkad lang kami kaya kayang-kaya ko naman siguro... s'ya.
“Sino ka ba? Kaano-ano mo si Eden?” seryoso nitong tanong.
Gusto kong sapakin ito pero 'wag na. Nanliligaw pa nga lang ako kay Eden tapos bagsak kaagad ako, kailangan kong paibigin s'ya kahit imposible.
“Croy Cassio, first boyfriend ni Eden Saine Florida.” Ito lang ang tanging paraan para tumigil ito sa pangungulit kay Eden.
Alam kong masyadong delikado ang ginawa ko pero wala na akong paki. Simula nang makilala ko si Eden, unti-unti ko nang tanggap na magiging magulo ang buhay ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro