CHAPTER 33
CHAPTER 33
EDEN SAINE FLORIDA
“Malilintikan sa 'kin ang babaeng iyon.” Nakangising tinignan ko ang cellphone kung saan huling-huli ko si Downy na ninakaw ang aming pera sa bahay. Hindi ko alam na may CCTV pala sa basement ni Dad kung saan tinago nito ang pera.
“Ang pinagtataka ko lang ay kung bakit wala man lang ka-reaction si Dad mo gayong alam naman n'ya ang tungkol sa babaeng iyon,” nagtatakang usal ni Morven. Yeah, si Morven nga ang naka-text ko kagabi.
Kahit ako rin nagtataka kaya natahimik lamang ako at sinave lahat ng video na may iba 'pang evidence laban kay Downy. Ipapakulong ko talaga ito mamaya, pero bago iyon, kailangan ito malaman ni Dad.
“So, kumusta?”
Tipid akong ngumiti kay Morven at tinago ang cellphone ko. “Ito, stress sa school,” tawa ko 'pang sambit na ikinangiti n'ya.
“Hindi ako makapaniwalang nag-aaral ka na ngayon ng mabuti.”
Nagkibat-balikat ako. “You know naman ang dahilan.” Ipinilig ko na lang ang ulo ko nang maalala si Croy.
Nagising ako kanina na mahimbing pa rin ang kan'yang tulog. Hindi ko s'ya ginising at iniwan lang sa bahay. Mamaya kakausapin ko naman s'ya.
Kapwa kaming kumakain pareho ni Morven ng spaghetti. Nagtatawanan pa kami pero naudlot lamang iyon nang biglang may tumayo sa gilid ko.
Nagulat naman ako nang makita si Croy. Paano n'ya nalamang nandito ako? Not now.
Tumayo ako sa pagkakaupo. “C-Croy, bakit ka nandito?” Tinanong ko pa rin kahit alam ko kung ano ang sadya n'ya.
Salubong ang kilay n'ya akong tinignan. “Bawal ba sunduin ang girlfriend ko?” Diin pa talaga ang salitang 'girlfriend'.
Ngumiti ako ng hilaw kay Morven at sinenyasan s'yang pasensya na. Baka nagtampo lang ito dahil iniwan ko mag-isa sa bahay.
“Kumain tayo, Croy.” Sinawalang bahala ko ang sinabi n'ya at hinila ito umupo sa tabi ko. Hindi naman s'ya nagreklamo at sinunod ang gusto kong mangyari.
Namayani pa ang konting katahimikan sa pagitan namin. Ramdam ko ang mainit na titigan nilang dalawa kaya naman pinutol ko ito, baka ano pa ang mangyari.
“Tikman ito, Croy.” Itinapat ko sa kan'ya ang spaghetti.
Nagsalubong ulit ang kan'yang kilay. “Sweetie.” Pagtatama n'ya , tumango lang ako at pinilit na kumain na.
Masama pa rin ang tingin nitong kinain ang sinubo ko. Dahan-dahan s'yang ngumuya at unti-unting tinignan si Morven. 'Di lang ako sigurado pero nakita ko ang pagngisi nito.
Rinig ko ang tikhim ni Morven kaya nawala ang atensiyon ko kay Croy. “Aalis na ako, Saine. Kita na lang bukas.” Tumayo ito at inayos ang jersey n'yang suot.
Mabilis ko naman s'yang tinanguan at nagthumbs-up. “Okay, okay. Inggat na lang.” Kumaway ako sa kan'ya hanggang sa unti-unti s'yang humakbang papaalis sa kinaroroonan namin.
Napalingon naman ako kay Croy nang mabilis n'yang kinuha ang kamay kong nakataas. Binaba n'ya ang aking kamay at masama akong tinignan. Inirapan ko na lang s'ya.
“Hindi mo ako ginising,” simula nitong sabi.
“Ayaw ko naman istorbuhin ka.” Tuloy-tuloy ako sa kinakain ko. Akala n'ya siguro nakalimutan ko ang awayan namin.
“Kahit na!” singhal n'yang pabulong. “At talagang iniwan mo ako para sa lalaking iyon!”
Binaba ko ang tinidor at tinignan s'ya. “Binaliwala mo rin naman ako no'ng nando'n si Downy sa bahay, ah,” may halong pait kong sambit at umiwas ng tingin. Nag-iinit ang sulok ng aking mata.
Bigla n'yang hinawakan ang aking baba at pinaharap sa kan'ya. Nagsisisi ang kan'yang mga matang nakatingin sa 'kin. Bakit?
“Kaya nga gusto kong makausap ka para maipaliwanag sa 'yo ang lahat. Hindi ko sinasadya.” Paulit-ulit n'yang hinihimas ang aking kamay na ngayon ay hawak na n'ya.
“Hindi sinasadya,” inulit ko ang kan'yang sinabi at napairap. “Sige nga explain mo kung bakit mo 'yon ginawa sa kan'ya? Pakiramdam ko baliwala na ako.”
Mabilis n'ya akong niyakap nang makitang nasa kalagitnaan na ako ng iyak. Konting bagay lang talaga umiiyak ako. Nakakahiya pa sa mga taong napapatingin sa 'min pero mas tutok ako sa susunod na gagawin ni Croy.
“Hindi totoo 'yan. Sorry na, sweetie.” Hinimas-himas ang aking likuran. “Ginawa ko lang naman ang favor ni Dad mo, gusto ko lang makakuha ng information tungkol sa babaeng iyon. Alam kong malaking pera ang ninakaw n'ya sa inyo.”
Naudlot ang pag-iyak ko nang marinig iyon. Kaagad akong humiwalay sa yakap at taka s'yang tinignan. Totoo ba talaga iyon?
Ngumiti s'ya ng tipid sa 'kin at pinunasan ang aking luha. “H'wag na umiyak, sweetie. Palabas lang 'yong ginawa at sinabi ko kahapon, 'di ko sinasadya. Sorry kong narinig mo pa iyon galing sa 'kin.”
Umiyak ulit ako at hinampas s'ya ng paulit-ulit sa dibdib. “N-Nakainis ka! Bwiset! Naniniwala ako sa 'yong chubby ka!”
Kahit talaga anong galit at inis ko, hindi ko s'ya matiis. Naniniwala ako sa sinabi n'ya, I trust him kaya nga agad akong naniwala sa sinabi n'ya kahapon. Dapat pala konting tiwala lang ang ibibigay mo 'no? Ito tuloy, naiyak at nasaktan ako sa sinabi n'ya.
In-explain n'ya sa 'kin ang lahat. Kaya naman pala ginawa n'ya iyon dahil inutos sa kan'ya ni Dad. Napapangiti na lang dahil alam kong naniniwala sa 'kin si Dad. Para naman sa kan'ya ito.
At tungkol naman sa sinabi n'yang anak n'ya si Downy. Ang ibig n'ya pala sabihin ay gusto n'yang ampunin pero dahil sa nalaman, mukhang aatras ang kan'yang binabalak.
Nakauwi kami sa bahay na maayos na. Tinawagan ako ni Dad na s'ya na ang bahala kay Downy, nagsorry rin dahil hindi s'ya kaagad naniwala sa 'kin.
Masaya ako ngayon bukod sa makukulong na ang babaeng iyon. Sayang, mabait sana pero may tinatagong masamang binabalak.
“Sorry na, sweetie ko.” Kanina pa 'tong si Croy. Hindi s'ya maka-get over sa nangyari kahapon at kanina.
Hinampas ko ang kan'yang kamay na nakapulupot sa 'king beywang. “Forgiven na nga! Kulit!” 'Di ko napigilang mapangiti. Humarap ako sa kan'ya matapos kong maghugas ng kamay.
Kaagad n'yang inilapit ang kan'yang mukha sa 'kin at hinalikan ako sa gilid ng akong labi. Napasimangot ako, akala siguro n'ya galit pa rin ako.
Namumungay ang kan'yang mata na nakatingin sa 'kin. “Talaga? Tayo pa rin di'ba?” balisa n'yang tanong.
“Malamang, sinabi ko 'bang maghiwalay tayo?”
Agad s'yang umiling at niyakap ako ng mahigpit na akala mo ay mawawala ako sa kan'ya. Tinugon ko naman ang gusto n'yang mangyari.
“Mahal kita, sweetie. Mahal kita, Eden,” madamdamin n'yang sambit.
“Corny,” usal ko at kinurot ang kan'yang pisngi na medyo tumataba na. “Parang bumabalik ang chubby face mo, ah.”
Inalayo n'ya ng konti ang kan'yang mukha at ngitian ako. “Hindi na kasi ako nilalambing ni sweetie simula nang pumayat ako. Gusto ko 'yong kinukulit na n'ya ako.”
Kinurot ko ulit s'ya at sabay kaming natawa sa kakulitan namin. Hindi yata ako magsasawang intindihin s'ya at mahalin. May 'di man pagkakaintindihan pero hindi ko na s'ya hihiwalayan.
“Mahal kita, fatty boy,” ngisi kong sambit na mas lalo n'yang ikinatawa. Ang cute n'ya talaga kapag tumatawa at ngingiti-ngiti sa 'kin. Sana sa 'kin lang ang ngiti n'ya.
“Kinilig ako,” bulalas n'ya kaya napahagikgik ako. Ganito s'ya kiligin, tatawa tapos aamining kinikilig.
Biglang nawala ang kan'yang ngiti at sineryoso ang mukha. “H'wag mo ulit iyon gagawin.”
“Ang alin?” taka kong tanong at humiwalay na sa kan'yang yakap. 'Di ko namalayan, ah.
“Gusto ko paggising ko sa umaga, nasa tabi pa rin kita. Ayaw kong may kinakasama 'kang lalaki, dapat kasama ako palagi.” Masyadong possessive na fat boy, ah?
'Di ko s'ya tinugon nang makitang naghihintay s'ya sa sasabihin ko. Mabilis akong tumakbo papaalis sa kusina na ikinasigaw n'ya.
“Eden!” At namalayan ko na lang na hinahabol din n'ya ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro