Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 32


EDEN SAINE FLORIDA

Ang kan'yang galit na ekspresyon ay napalitan ng pagkataranta. Akmang lalapit s'ya sa 'kin nang umatras ako palayo sa kan'ya. Parang natauhan ito sa pinaggagawa namin.

“S-Sweetie—”

Tinaas ko ang aking kamay para patigilin s'ya. “H'wag na h'wag mo akong matawag-tawag na sweetie. Hindi ka si Croy na mataba na nakilala ko.”

“Eden, please!”

Tuloy-tuloy lamang ang takbo ko hanggang sa makabalik ulit ako sa itaas. Ni-lock ko kaagad ang pinto nang makitang papalapit na s'ya sa pwesto ko. Kinalampag n'ya ang pintuan ko na hindi ko inabalang buksan. Bahala s'ya.

“I'm sorry sa sinabi ko. Please, ayusin natin 'to.” Rinig kong pagmamakaawa n'ya sa labas ng pintuan ko.

Umupo lamang ako sa kama at pinunasan ang aking luha. Dapat umuwi na s'ya para makapagpahinga na ako. Bahala na si Downy sa baba dahil alam kong may nagmamatyag naman sa kan'ya sa ibaba. Hindi ko naman s'ya hahayaang mag-feel at home rito sa bahay.

Ilang ulit pa akong kinukulit ni Croy na mag-usap kami at ilang ulit din n'yang sinambit na 'sorry'. Gusto ko naman sana magsorry sa ginawa ko. Alam kong may mali rin ako pero 'yong huli n'yang sinabi ay ang 'di ko matanggap.

Ayaw na ayaw kong sinasabihan ako ng 'di na ako kilala dahil sa pabago-bago kong ugali. Anong gusto nila? Magkunwari ako? Sawang-sawa na ako sa pagkukunwari! Gusto ko lang naman maging ako, 'yong totoong ako.

Nakatulog na naman ako na may kirot sa dibdib. Nagising lamang ako ng kalahating gabi. Madilim na ang labas at gano'n din sa kwarto ko.

Nang matauhan ako ay ro'n ko lang napagtanto na may brasong nakapulupot sa 'king beywang. Mabilis naman akong   napalingon sa likuran ko at napahinga lamang ng maluwag.

Akala ko kung sino, si Croy lang pala. 'Di ko alam na nakapasok na pala s'ya rito at dito pa talaga natulog sa aking tabi. Akala ko umuwi na s'ya matapos kalampagin ang aking pintuan kanina.

Galit pa rin ako sa kan'ya kaya naman dahan-dahan kong binaklas ang kan'yang braso sa 'king beywang na nakayakap. Ilang oras kaming nakatulog? Nevermind.

Napaupo ako sa kama at tinignan ang kan'yang sitwasyon. Tulog mantikan pa rin, gusto ko s'yang kulitin pero h'wag na, galit pa rin ako.

Nawala ang atensiyon ko sa kan'ya nang biglang tumunog ang cellphone ko na nakalagay lamang sa ibabaw ng lamesa na nasa gilid ng kama ko.

Kinuha ko ito at tinignan. Nasilaw pa ako sa liwanag, kaka-open ko lang at dagdag pa na madilim sa kwarto ko.

'Nasa akin na ang ebidensya na may masamang binabalak ang babae na nasa bahay n'yo, Eden. I'll see you tomorrow in coffee shop.'
*Unknown number*

Alam ko kaagad kung sino ito. Akala ko maniniwala si Dad kay Downy gayong hindi naman n'ya ako lubusang kilala.

“Sweetie?”

Gulat kong pinatay ang cellphone at itinago sa 'king bulsa. Napalingon ako kay Croy at nadatnan na kakabangon lamang nito mula sa pagkatulog, akala ko naman tulog mantika ito.

Napatingin s'ya sa kamay kong nakahawak pa rin sa cellphone na nilagay ko sa bulsa. Inangat n'ya ang tingin sa 'kin at nawala ang pagkakunot-noo. Sana naman hindi n'ya napansin na may tinatago ako.

“'Di ko alam na rito ka pala natulog,” mahina kong sambit, tumikhim ako bago tinago ulit ang cellphone sa drawer ng lamesa ko.

Mukhang 'di n'ya nagustuhan ang sinabi ko. “Dito naman talaga ako natutulog kapag dito ako sa bahay n'yo, ah,” medyo inis n'yang sambit. “Mag-usap na tayo, sweetie.”

Gaya sa palagi kong ginagawa, inikutan ko s'ya ng mata at pabagsak na humiga pabalik. “Bukas na. Di'ba sabi ko 'wag mo akong tawaging sweetie? Naiinis ako.” Hinila ko ang kumot at tinaklob ang buo kong katawan saka tumalikod sa kan'ya.

Hindi s'ya tumugon at ramdam kong humiga rin s'ya sa tabi ko. Akala ko matutulog na s'ya nang bigla n'ya akong niyakap mula sa likuran ko.

“H'wag mo nga akong yakapin! Hindi ako makakatulog!” inis kong singhal sa kan'ya at akmang babaklasin ang kan'yang braso sa 'king tiyan nang mas hinigpitan n'ya ito.

“Mag-usap tayo. Please, ayaw kong mag-away tayo. Ano ba kasi problema natin?” Ramdam ko ang kan'yang hininga sa aking taenga, parang nakuryente tuloy ako.

“Hulain mo.” Hahayaan ko na sana na yakapin n'ya ako sa likuran nang pumaibabaw n'ya sa 'kin. Nanlaki ang mata ko.

“Kung tungkol man ito sa sinabi ko kaina, pasensya na at hindi ko sinasadyang sabihin iyon sa 'yo,” mahinahon n'yang sambit pero umismid lamang ako.

Tinulak ko ang kan'yang dibdib ko mabilis n'yang kinuha ang aking dalawang kamay at idinikit sa gilid ng aking ulo.

“Ano ba?! Akala ko na mag-uusap lang tayo?!” May paganito-ganito pa kasi! Hindi tuloy ako komportable sa pwesto ko.

Ngumiti s'ya sa 'king reaksiyon at sinubsob ang kan'yang mukha sa 'king leeg. Hinayaan ko na lang dahil bukas hindi na s'ya makakalapit sa 'kin.

“Sorry na, sweetie. Hindi ko sinasadya.”

Hindi ko s'ya pinakinggan at umismid ulit. Naiinis ako sa kanilang dalawa ni Downy, kita ko pa ng nag-alala nitong mukha kay Downy nang pinandilatan ko s'ya ng mata. Sana naman sabihin n'yang do'n na s'ya sa babaeng iyon.

Hindi naman ako tanga para humabol. Oo nagseselos ako pero 'yong tanggapin ang lahat? Saksak nila sa pwet.

“Hindi sinasadya,” nanunuyang usal ko. “Totoo naman talaga ng sinabi mo kaya h'wag ka na magkunwari.”

Inangat n'ya ang kan'yang mukha at pinantayan ako ng tingin. Mukha s'yang nasaktan sa sinabi ko, nasaktan din naman ako, ah. Saan s'ya nasaktan do'n banda?

“Eden...”

“Hindi mo na rin ako tinatawag kanina na sweetie,” mapait kong sambit. “Galit ka pa at pinagsalitaan ako ng masakit kaya h'wag mong iisipin na kaagad na maaayos ito.” Tuluyan ko nang nabawi ang aking kamay nang manghina s'ya.

Pikit matang tumagilid ako para hindi s'ya makita mamaya. Hindi s'ya umalis sa ibabaw ko at mukhang hindi pa maka-get over.

Kinumutan ko ang sarili ng kumot. “Kung gusto mo ro'n ka kay Downy matulog—”

Pinutol n'ya ang sasabihin ko. “Dito ako,” mariin n'yang sambit. “Please, h'wag mo naman akong pagtabuyan ng ganito. Mahal na mahal kita, Eden.”

Gusto kong ngumiti pero sa sitwasyon namin ngayon ay hindi ko magawa. Sabihin na lang n'ya iyan kapag ayos na kami.

Nagkunwari lamang akong tulog na. Namayani ang katahimikan sa 'min at naramdaman lamang ang malambot n'yang halik sa gilid ng aking labi. Dahil galit ako sa kan'ya ay hindi n'ya nagawang humalik sa labi ko. Dapat lang muna.

“Magiging maayos ang lahat bukas. Mahal kita.”


Bago pa dalawin ako ng antok ay naramdaman ko ang kan'yang mahigpit na yakap sa 'kin mula sa likuran. Bumubulong-bulong pa ito sa taenga ko pero masyado na akong antok kaya hindi ko na naintindihan at natulog.


~•~•~•~

“Malilintikan sa 'kin ang babaeng iyon.” Nakangising tinignan ko ang cellphone kung saan huling-huli ko si Downy na ninakaw ang aming pera sa bahay. Hindi ko alam na may CCTV pala sa basement ni Dad kung saan tinago nito ang pera.


“Ang pinagtataka ko lang ay kung bakit wala man lang ka-reaction si Dad mo gayong alam naman n'ya ang tungkol sa babaeng iyon,” nagtatakang usal ni Morven. Yeah, si Morven nga ang naka-text ko kagabi.

Kahit ako rin nagtataka kaya natahimik lamang ako at sinave lahat ng video na may iba 'pang evidence laban kay Downy. Ipapakulong ko talaga ito mamaya, pero bago iyon, kailangan ito malaman ni Dad.

“So, kumusta?”

Tipid akong ngumiti kay Morven at tinago ang cellphone ko. “Ito, stress sa school,” tawa ko 'pang sambit na ikinangiti n'ya.

“Hindi ako makapaniwalang nag-aaral ka na ngayon ng mabuti.”

Nagkibat-balikat ako. “You know naman ang dahilan.” Ipinilig ko na lang ang ulo ko nang maalala si Croy.

Nagising ako kanina na mahimbing pa rin ang kan'yang tulog. Hindi ko s'ya ginising at iniwan lang sa bahay. Mamaya kakausapin ko naman s'ya.

Kapwa kaming kumakain pareho ni Morven ng spaghetti. Nagtatawanan pa kami pero naudlot lamang iyon nang biglang may tumayo sa gilid ko.

Nagulat naman ako nang makita si Croy. Paano n'ya nalamang nandito ako? Not now.

Tumayo ako sa pagkakaupo. “C-Croy, bakit ka nandito?” Tinanong ko pa rin kahit alam ko kung ano ang sadya n'ya.

Salubong ang kilay n'ya akong tinignan. “Bawal ba sunduin ang girlfriend ko?” Diin pa talaga ang salitang 'girlfriend'.

Ngumiti ako ng hilaw kay Morven at sinenyasan s'yang pasensya na. Baka nagtampo lang ito dahil iniwan ko mag-isa sa bahay.

“Kumain tayo, Croy.” Sinawalang bahala ko ang sinabi n'ya at hinila ito umupo sa tabi ko. Hindi naman s'ya nagreklamo at sinunod ang gusto kong mangyari.

Namayani pa ang konting katahimikan sa pagitan namin. Ramdam ko ang mainit na titigan nilang dalawa kaya naman pinutol ko ito, baka ano pa ang mangyari.

“Tikman ito, Croy.” Itinapat ko sa kan'ya ang spaghetti.

Nagsalubong ulit ang kan'yang kilay. “Sweetie.” Pagtatama n'ya , tumango lang ako at pinilit na kumain na.

Masama pa rin ang tingin nitong kinain ang sinubo ko. Dahan-dahan s'yang ngumuya at unti-unting tinignan si Morven. 'Di lang ako sigurado pero nakita ko ang pagngisi nito.

Rinig ko ang tikhim ni Morven kaya nawala ang atensiyon ko kay Croy. “Aalis na ako, Saine. Kita na lang bukas.” Tumayo ito at inayos ang jersey n'yang suot.

Mabilis ko naman s'yang tinanguan at nagthumbs-up. “Okay, okay. Inggat na lang.” Kumaway ako sa kan'ya hanggang sa unti-unti s'yang humakbang papaalis sa kinaroroonan namin.

Napalingon naman ako kay Croy nang mabilis n'yang kinuha ang kamay kong nakataas. Binaba n'ya ang aking kamay at masama akong tinignan. Inirapan ko na lang s'ya.

“Hindi mo ako ginising,” simula nitong sabi.

“Ayaw ko naman istorbuhin ka.” Tuloy-tuloy ako sa kinakain ko. Akala n'ya siguro nakalimutan ko ang awayan namin.

“Kahit na!” singhal n'yang pabulong. “At talagang iniwan mo ako para sa lalaking iyon!”

Binaba ko ang tinidor at tinignan s'ya. “Binaliwala mo rin naman ako no'ng nando'n si Downy sa bahay, ah,” may halong pait kong sambit at umiwas ng tingin. Nag-iinit ang sulok ng aking mata.

Bigla n'yang hinawakan ang aking baba at pinaharap sa kan'ya. Nagsisisi ang kan'yang mga matang nakatingin sa 'kin. Bakit?

“Kaya nga gusto kong makausap ka para maipaliwanag sa 'yo ang lahat. Hindi ko sinasadya.” Paulit-ulit n'yang hinihimas ang aking kamay na ngayon ay hawak na n'ya.

“Hindi sinasadya,” inulit ko ang kan'yang sinabi at napairap. “Sige nga explain mo kung bakit mo 'yon ginawa sa kan'ya? Pakiramdam ko baliwala na ako.”

Mabilis n'ya akong niyakap nang makitang nasa kalagitnaan na ako ng iyak. Konting bagay lang talaga umiiyak ako. Nakakahiya pa sa mga taong napapatingin sa 'min pero mas tutok ako sa susunod na gagawin ni Croy.

“Hindi totoo 'yan. Sorry na, sweetie.” Hinimas-himas ang aking likuran. “Ginawa ko lang naman ang favor ni Dad mo, gusto ko lang makakuha ng information tungkol sa babaeng iyon. Alam kong malaking pera ang ninakaw n'ya sa inyo.”

Naudlot ang pag-iyak ko nang marinig iyon. Kaagad akong humiwalay sa yakap at taka s'yang tinignan. Totoo ba talaga iyon?

Ngumiti s'ya ng tipid sa 'kin at pinunasan ang aking luha. “H'wag na umiyak, sweetie. Palabas lang 'yong ginawa at sinabi ko kahapon, 'di ko sinasadya. Sorry kong narinig mo pa iyon galing sa 'kin.”

Umiyak ulit ako at hinampas s'ya ng paulit-ulit sa dibdib. “N-Nakainis ka! Bwiset! Naniniwala ako sa 'yong chubby ka!”


Kahit talaga anong galit at inis ko, hindi ko s'ya matiis. Naniniwala ako sa sinabi n'ya, I trust him kaya nga agad akong naniwala sa sinabi n'ya kahapon. Dapat pala konting tiwala lang ang ibibigay mo 'no? Ito tuloy, naiyak at nasaktan ako sa sinabi n'ya.

In-explain n'ya sa 'kin ang lahat. Kaya naman pala ginawa n'ya iyon dahil inutos sa kan'ya ni Dad. Napapangiti na lang dahil alam kong naniniwala sa 'kin si Dad. Para naman sa kan'ya ito.

At tungkol naman sa sinabi n'yang anak n'ya si Downy. Ang ibig n'ya pala sabihin ay gusto n'yang ampunin pero dahil sa nalaman, mukhang aatras ang kan'yang binabalak.

Nakauwi kami sa bahay na maayos na. Tinawagan ako ni Dad na s'ya na ang bahala kay Downy, nagsorry rin dahil hindi s'ya kaagad naniwala sa 'kin.


Masaya ako ngayon bukod sa makukulong na ang babaeng iyon. Sayang, mabait sana pero may tinatagong masamang binabalak.

“Sorry na, sweetie ko.” Kanina pa 'tong si Croy. Hindi s'ya maka-get over sa nangyari kahapon at kanina.

Hinampas ko ang kan'yang kamay na nakapulupot sa 'king beywang. “Forgiven na nga! Kulit!” 'Di ko napigilang mapangiti. Humarap ako sa kan'ya matapos kong maghugas ng kamay.

Kaagad n'yang inilapit ang kan'yang mukha sa 'kin at hinalikan ako sa gilid ng akong labi. Napasimangot ako, akala siguro n'ya galit pa rin ako.

Namumungay ang kan'yang mata na nakatingin sa 'kin. “Talaga? Tayo pa rin di'ba?” balisa n'yang tanong.

“Malamang, sinabi ko 'bang maghiwalay tayo?”


Agad s'yang umiling at niyakap ako ng mahigpit na akala mo ay mawawala ako sa kan'ya. Tinugon ko naman ang gusto n'yang mangyari.

“Mahal kita, sweetie. Mahal kita, Eden,” madamdamin n'yang sambit.

“Corny,” usal ko at kinurot ang kan'yang pisngi na medyo tumataba na. “Parang bumabalik ang chubby face mo, ah.”

Inalayo n'ya ng konti ang kan'yang mukha at ngitian ako. “Hindi na kasi ako nilalambing ni sweetie simula nang pumayat ako. Gusto ko 'yong kinukulit na n'ya ako.”

Kinurot ko ulit s'ya at sabay kaming natawa sa kakulitan namin. Hindi yata ako magsasawang intindihin s'ya at mahalin. May 'di man pagkakaintindihan pero hindi ko na s'ya hihiwalayan.

“Mahal kita, fatty boy,” ngisi kong sambit na mas lalo n'yang ikinatawa. Ang cute n'ya talaga kapag tumatawa at ngingiti-ngiti sa 'kin. Sana sa 'kin lang ang ngiti n'ya.

“Kinilig ako,” bulalas n'ya kaya napahagikgik ako. Ganito s'ya kiligin, tatawa tapos aamining kinikilig.

Biglang nawala ang kan'yang ngiti at sineryoso ang mukha. “H'wag mo ulit iyon gagawin.”

“Ang alin?” taka kong tanong at humiwalay na sa kan'yang yakap. 'Di ko namalayan, ah.

“Gusto ko paggising ko sa umaga, nasa tabi pa rin kita. Ayaw kong may kinakasama 'kang lalaki, dapat kasama ako palagi.” Masyadong possessive na fat boy, ah?

'Di ko s'ya tinugon nang makitang naghihintay s'ya sa sasabihin ko. Mabilis akong tumakbo papaalis sa kusina na ikinasigaw n'ya.

“Eden!” At namalayan ko na lang na hinahabol din n'ya ako.




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro