
CHAPTER 31
EDEN SAINE FLORIDA
Week passed since na nagkaayos na kami ni Dad at saka ni Croy. Madalas ang pagpunta ni Croy sa bahay namin at gano'n din ako sa kanila.
Nasa kusina kami ngayon ni Croy at masaya kaming kumakain. Wala si Dad dito dahil may inasikaso s'ya sa company. Gusto ko naman na masolo kami ni Croy dahil alam kong nagtatampo na ito dahil hindi ko s'ya nilambing.
Kaya naisip kong lutuin s'ya at ito nga, pinagluto ko s'ya ng maraming dessert. I'm sure gusto n'ya ito.
Nakaupo ako sa pagitan ng kan'yang hita habang hinahayaan s'yang bumulong-bulong sa kawalan. Nagpaparinig sa 'kin na kailangan ko s'yang lambingin.
“Pinagluto ako ni Sweetie kaya dapat lambing din para sulit,” sabi pa n'ya habang hawak-hawak ako sa beywang mula sa likuran ko.
Ngumiti akong lumingon sa kan'ya at sinubuan s'ya ng buko salad. Kaagad nagningning ang kan'yang mata at kinain ang sinubo ko sa kan'ya.
“Masarap?” tanong ko at kumuha ng buko salad.
Tumango-tango s'ya. “Ang sarap magluto ni Sweetie. Subuan mo pa ako.” Ngiti-ngiti pa ang loko.
Nang isubo ko na ang isang kutasarang buko salad sa bibig ko ay kaagad kong dinura ito sa platitong pinaglagyan ko kanina ng dessert. Mapait s'ya!
Nag-alala naman ako nang kumuha si Croy ng panibagong buko salad. Akmang kakainin n'ya ito na kaagad kong hinablot. 'Di ba s'ya napaitan?!
Naguguluhan n'ya akong tinignan. “Ano? Kakain na ako, sweetie.” Akmang kukunin ang buko salad sa 'kin pero inilingan ko s'ya.
“'Di mo ba nalasahan? Ang pait kaya!” Mabilis kong binalik ang buko salad sa lalagyan at kumuha ng ice cream. I know na hindi ito mapait dahil natikman ko na ito kanina.
“Buko salad ko 'yon, sweetie.” Nakasimangot na s'ya ngayon at kahit ang gwapo na s'ya ngayon, I still find him cute.
“Mapait nga.”
“Wala sa 'kin iyon.” Wala na akong nagawa kundi hayaang kunin n'ya ang kan'yang buko salad. Napailing na lang ako.
Appreciate ko lahat ng ginagawa n'ya. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti sa kawalan.
Bigla na lamang naglaho ang ngiti ko nang makita si Downy. Tumungo ito sa refrigerator na para 'bang s'ya 'yong Amo kung maka-feel at home.
Napansin n'ya siguro na may tao sa kusina kaya gano'n na lang ang gulat n'ya. Maski ako ay nagulat 'di dahil sa presensya n'ya kundi dahil nahulog n'ya ang babasagin na tupperware na mismo paborito ko.
Ramdam kong napatalon si Croy sa pagkabasag ng tupperware. Akmang tatayo s'ya para silipin kung ano 'yon nang pigilan ko ito.
Agad lumuhod si Downy para kunin ang ilang pirasong babasagin na mismo sa tupperware galing.
“S-Sorry po, Q-Queen—”
“'Di kasi nag-iingat! Sh*t!” Marahas akong tumayo sa kinauupuan ko sa pagitan ni Croy at mabilis na tinungo s'ya na ngayon ay nakatayo.
Nakayuko ito at nangingig ang kan'yang kamay sa takot sa 'kin. Dapat lang! Hindi ko pa rin makalimutan ang paawa nitong mukha kapag nandito si Dad. There's something about her na ayaw-ayaw ko.
“Ano pa tinatanga-tanga mo d'yan? Pulutin mo!” Tinuro ko ang nabasag na tupperware.
“O-Opo—”
“Ako na.” Agad na pumagitna si Croy na 'di ko man namalayang nakalapit sa 'min.
Inis ko s'yang tinignan nang lumuhod ito sa harapan ni Downy. “Croy! S'ya ang papulutin mo!” utos ko pero hindi s'ya nakinig.
“Ako na, baka masugatan s'ya.” Hindi s'ya nakatingin sa 'min at abala ito sa pagkuha ng pirasong nabasag.
Wow! Concern na s'ya ngayon sa ibang babae? At talagang sinabi pa n'ya iyon na nandito ako?!
Kita kong pinamulahan si Downy at do'n pa lang ay kinutuban na ako. I hate this scene!
“H-H'wag na po. K-Kaya ko—”
“Shhh, ako na ang bahala rito. Pasensya ka na kay Eden.” Agad pinutol ni Croy ang sasabihin ni Downy at ngiting inangat pa ang tingin dito.
Napaawang ang bibig ko at 'di makapaniwalang tinignan si Croy kahit hindi naman n'ya ako nakikita. Ako pa mukhang masama rito?! Great!
Gusto kong sigawan silang dalawa pero may pumipigil sa 'kin na gawin iyon. Ang galit at inis ko ay unti-unting napapalitan ng kirot at sakit sa dibdib ko nang makita ang ganitong scenario.
'Di man lang ako pinansin ni Croy at tudo alo lang kay Downy nang muntikan na itong umiyak dahil pinandilatan ko s'ya ng mata. Paawa rin 'tong babae, eh 'no? Sarap ngudngod sa bubog.
Mabilis kong pinunasan ang luha ko sa mata bago pa ito tumulo at tumalikod sa kanila. Fine! Ako na ang lalayo. Alam ko namang ako ang may mali rito, eh. Magsama sila!
Nagmartya ako patungong kwarto ko. Napatawa na lang ako ng sarkastik dahil hindi man lang ako pinigilan ni Croy o sinundan man lang kahit alam kong nakita n'ya ako. 'Di ba n'ya alam na nagagalit ako sa selos?
Alam man n'ya o hindi, hindi ko s'ya kakausapin. Bahala silang dalawa ro'n sa kusina!
Sinara ko ang pintuan at kaagad na napahiga sa 'king kama. Mariin kong pinikit ang aking mata at namalayan na lamang na umiiyak ng tahimik.
Masyadong mababaw ang dahilan pero pakiramdam ko pinagpalit ako ni Croy at kapwa nerd din! 'Di ko maiwasang isipin na baka magustuhan n'ya si Downy.
Maganda si Downy aaminin ko lang pero galit ako kaya pangit s'ya sa paningin ko. Mabait, mahinhin at higit sa lahat, walang nobyo, walang boytoy! 'Di tulad ko na— nevermind.
'Di ko namalayan na nakatulog na pala ako at pagkagising ay alas-dies na ng gabi. Ilang oras lang ako nakatulog.
Bumangon ako sa higaan at marahan na inunat ang aking katawan. Bigla kong naisip si Croy at Downy kaya naman dali-dali akong bumaba sa kama at kumaripas ng takbo pababa ng hagdan.
'Di naman ako nahirapang hanapin sila. Agad nagsalubong ang kilay ko nang madatnan na nagtatawanan sila. What a nice sh*t scene, anyway.
At mas lalong ikinagalit ko na makitang kinakain nila ang ginawa kong buko salad! Para lang iyon sa 'min dalawa!
Nandidilim ang paningin kong tumungo sa kanila. Agad naman silang napatigil nang makita ako. At nakakatawa lang isipin na sabay pa silang napatigil sa pagtawa. Natameme?
“Eden!” gulat na sigaw ni Croy nang kunin ko ang ilang bowl na buko salad at saka tinapon sa basurahan.
Nagngingitngit ang ngipin kong sinumot pati evaporada nitong sabaw nang sa gano'n ay kahit pagdila rito hindi nila magawang simutin.
Tinaasan ko sila pagkatapos ng kilay nang matapos kong itapon sa basurahan ang buko salad. Nakatayo na ngayon si Croy at mukhang nagalit nga s'ya sa ginawa ko. Tsk, paki ko kung magalit s'ya!
“Bakit mo tinapon?!” galit n'yang tanong sa 'kin at naghihinayang pang nakatingin sa basurahan.
“Edi, sandukin n'yo ang buko salad dito sa basurahan.” Tinuro ko ang basurahan at sarkastik na ngumiti. “Ako naman ang gumawa kaya h'wag kayong maghinayang.”
May binubulong-bulong pa si Downy kay Croy na hindi ko marinig. Kaagad nagsalubong ang kilay ko roon. Close na pala sila ngayon? Magsama sila!
“Eden!” tawag ni Croy nang mag-walk out ako sa kusina. At ngayon lang n'ya naisipang sundan ako?! Plus! Eden lang ang tinawag n'ya sa 'kin!
Napasinghap ako nang bigla n'yang hinila ang aking braso para mapaharap sa kan'ya. Nagtitimpi na ito at ako rin naman! Iisipin kong kinakampihan n'ya ang babaeng iyon kaysa sa 'kin!
“Ano ba! Aalis na ako!” Pilit kong binabawi ang aking kamay mula sa kan'ya.
Mas hinigpitan n'ya ito pero hindi naman masakit ang pagkahawak n'ya. “Bakit mo 'yon ginawa? Nakakahiya sa bisita mo—”
“Hindi ko s'ya bisita!” histerikal kong sigaw at hinampas ang kan'yang kamay. Bwiset! “Bumalik ka ro'n at magsama kayo ng gold digger na babae—”
“Tumahimik ka, Eden!” agad na sigaw ni Croy nang marinig ang sinabi ko. Binitawan n'ya ang aking kamay at 'di makapaniwalang tinignan ako. “Saan mo natutunan ang gan'yang salita, Eden? Hindi ka naman gan'yan, ah.”
'Di ko magawang idepensa ang aking sarili at natulala lamang. 'Di ako makapaniwalang kaya n'ya akong sigawan ng ganito at talagang pinagtanggol pa n'ya ang babaeng iyon! 'Di naman n'ya iyon kilala!
Ang mas lalong ikinalumo ko ay nang tignan n'ya ako na para 'bang disappointed sa inasal ko. Alam kong may mali naman konti sa 'kin pero dahil sa pinapakita n'ya ay mas lalo ko lamang itutuloy ang aking binabalak.
Hindi naman kami ganito noon. Isa s'yang sweet at mahiyain pero ngayon... Iba na talaga si Croy.
“Hindi na talaga kita kilala, Eden,” mahina n'yang sambit sapat na para durugin ang maliit kong puso. “Akala ko hindi mo iyon kayang gawin sa ibang tao. Nagkamali ako.”
Parang gusto rin n'yang sabihin na makipaghiwalay sa 'kin. Ayaw kong itanong kong gusto pa n'yang ituloy ang meron kami pero sa pinapakita n'ya ay mas lalo lamang namuo ang galit at sakit sa 'king dibdib. Sapat na ba itong dahilan para tigilan ang lahat?
Nagseselos lang naman ako pero ganito na ang nangyari. Pinagsasalitaan na ako na napupuna n'ya. Ang sama ko na ba? Isa pa, wala s'yang kaalam-alam sa babaeng iyon at mas lalong hindi pa n'ya ako kilala ng lubusan. How dare him...
Nilunok ko ang sariling laway at pinigilan na huwag umiyak. “Same, hindi na rin kita kilala,” walang emosyon kong sambit na ikinagulat n'ya.
Simula nang pumayat s'ya, may nagbago na sa kan'ya. Binabaliwala ko naman dahil s'ya pa rin naman ang lalaking minahal ko pero sinagad n'ya ang galit ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro