Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 29

Warning: R-18 mature scenes!


EDEN SAINE FLORIDA

Kita ko ang pagkasabik at paglaki ng kan'yang bilugang mata. Ang dami n'yang pinagbago pero nakasuot pa rin ito ng salamin. Pumayat s'ya...

Naiyukom ko ang aking kamao sa nakita. Hindi na ako nag-abala 'pang tignan s'ya at pumasok lamang sa Cr. Kahit nawala na 'yong pagkaihi ko ay kailangan ko munang makasigurado na wala na s'ya sa hallway.

Pero gano'n na lang ang gulat ko nang biglang sumara ang pintuan ng Cr. Mabilis akong napabaling ng tingin sa likuran at nanlaki ang matang nakatingin sa kan'ya. Sinundan n'ya ako!

“Leave,” diin kong utos.

Papasok na sana ako sa cubicle nang mabilis n'ya akong hinila at sinandal sa pintuan. Halos kapusin ang hininga ko sa sobrang lapit ng mukha namin.

Naiinis ako sa mukha n'ya. Anong nangyari sa mataba n'yang pisngi at katawan?! Bakit naging matcho at naging malakas ito?! Hindi s'ya si Croy!

“Mag-usap tayo, sweetie.” Mahigpit n'yang hinawakan ang dalawa kong kamay na bahagyang nakalagay sa gilid ng mukha ko.

Mas lalo lang umusbong ang galit ko sa kan'ya. Gano'n lang 'yon? Hindi man lang s'ya nagpaalam at iniwan n'ya ako na parang isang bagay lang. Madali lang sabihin sa kan'ya ang lahat.

“Bitawan mo ako, Croy!” Inis na binabawi ko ang aking kamay pero masyado s'yang malakas. Bakit kasi lumaki ang kan'yang kamay at braso?! “Umalis ka na at do'n ka sa babae mo!”

Nakita kong may kasama itong babae at talagang inakbayan pa n'ya! Kita mo na! Lumaki lang ang katawan, nambabae na!

Sisipain ko sana ang gitna n'ya nang napatili ako nang mas lalo n'yang inilapit ang kan'yang katawan sa 'kin at inipit ang aking hita. Bwiset!

Lumamlam ang kan'yang mukha. “Sweetie, hindi ko s'ya babae, ikaw lang ang babae ko.”

Napasinghap ako. “Babae?! Babae lang?! T*ngina mo!” nangangalaiti kong sigaw. Napamura s'ya kaya mas lalo kong pinanlakihan ito ng mata. “Nagmumura ka na sa 'kin—”

Nanginig ang aking katawan nang lumapat ang kan'yang labi sa 'kin. Ilang buwan ko ng 'di natitikman ito. Aaminin kong marupok ako pagdating sa kan'ya pero hindi ako magpapatalo! Pinabayaan n'ya ako!

Iniwas ko ang aking mukha sa kan'ya. Mabilis na namulat ang kan'yang mata at balisa ang mukhang tinignan ako. Napalunok pa ito ng sariling laway na para 'bang takot na takot sa susunod kong gawin.

“Nandidilim ang paningin ko sa 'yo, Croy kaya umalis ka sa harapan ko,” banta ko pero hindi n'ya sinunod.

“Sweetie, please...” Sinubukan ulit n'ya akong halikan. Binitawan n'ya ang aking kamay at mahigpit na hinawakan ako sa beywang na ikinanginig ko.

Sa puntong 'to ay hindi ko napigilang pag-initan ng katawan sa haplos at halik n'ya. Traidor ang katawan ko, imbes na gusto ko s'yang tulakin ay kusang pinulupot ko ang aking braso sa kan'yang leeg at tinugon ang kan'yang halik.

Parang nakahinga pa s'ya ng maluwag sa ginawa ko. Pinalandas n'ya ang kan'yang kamay sa 'king tagiliran habang hinahalikan na para 'bang sabik na sabik sa pagsipsip nito sa 'king labi.

Kumawala ako sa halik at lumanghap ng hangin. Gano'n din ang ginawa n'ya at hindi ako  pinakawalan.

Napalunok ito at nagmamakaawang nakatingin sa 'kin. “I-I love you and it will always be the same forever, sweetie. Makinig ka muna.” Hinawakan n'ya ang isa kong pisngi. “Please, mahal kita.”

Parang bigla naman akong natauhan sa kan'yang sinabi at haplos. Pikit matang tumango ako at tila ba hindi pa maproseso ang nangyari sa 'min. Nagmake-out kami sa Cr at hindi ko alam kong matatawa ba ako o maiinis.

“Sabihin mo sa 'kin ang lahat, Croy—”

“Sweetie,” diin n'yang sambit bilang pagtatama sa sinabi kong pinutol n'ya.

Inikutan ko s'ya ng mata at pinanlakihan ng mata. “Ewan ko sa 'yo! Ayaw ko sa taong naglilihim sa 'kin kaya sabihin mo na ang lahat bago pa kita pabayaan.” Pero syempre biro ko lang iyon.

Napakamot s'ya sa kan'yang batok na para 'bang problemado sa pagsermon ng kan'yang Ina. “Okay, sasabihin ko sa 'yo lahat, sweetie. But first.” Tumigil s'ya sa pagsasalita at hinimas ulit ang aking pisngi. “Kiss muna.”

Kinurot ko ang kan'yang pisngi na kadalasan kong gawin. Ngumiwi s'ya at nagmamakaawang bitawan ko na. Kaagad ko namang binitawan at seryoso s'yang tinignan.

Hinimas-himas n'ya ang kan'yang pisngi sa kirot ko. “Mamaya ka sa 'kin.”

“Anong mamaya?!” Pinameywangan ko s'ya.

Natawa s'ya at mabilis na pinangko ang aking pang-upo. Dahil sa gulat ay napakapit ako sa kan'yang leeg nang magsimula s'yang maglakad hanggang sa makarating sa sink.

Inilapag n'ya ako roon kaya hinampas ko tuloy s'ya nang makabawi. Kaya naman n'ya akong buhatin kahit no'ng mataba pa s'ya pero kakaiba sa pakiramdam na ganito 'yong klase ng kan'yang katawan.

“Sorry kung 'di ako nagpakita sa 'yo ng ilang buwan.” Pag-umpisa nya.

Naiinis ako sa kan'yang mukha at pangangatawan ngayon. Basta! Gusto ko 'yong dating s'ya! Ayaw ko pa naman 'yong pagbabago ng isang tao. Pakiramdam ko pati pagtungo n'ya ay magbabago rin.

“Bakit nakatitig sa sa 'kin? Gwapo na ba ako sa paningin mo?” Ngumisi s'ya ng nakakaloko at nagpapaguwapo pa sa 'king harapan nang makitang tulala ako sa kan'ya.

“I don't like it,” seryoso kong tugon na ikinatigil n'ya. Biglang nauwi sa ngiwi ang kan'yang ngiti.

“Sweetie,” tawag n'ya pero bago pa man n'ya dugtungan ay kaagad akong nagsalita.

“Bakit kasi nagpapayat ka?” Inaral ko pa ang kabuuan n'ya at do'n ko lang naisip na mga 1 and a half month lang s'ya nagpapayat. “Where's the chubby face at 'yong mataba mong tiyan?” Hinawakan ko ang kan'yang tiyan na ikinatalon n'ya.

Natulala pa ako dahil may nahawakan akong medyo matigas na bagay. Tinaas ko ang kan'yang uniform at napanganga. Six pack abs ang nahawakan ko but still I don't like it.

“H'wag ngayon, sweetie.” Lumambing ang kan'yang boses at pilit na inaalis ang aking kamay sa kan'yang tiyan. “Nagpipigil ako.”

Napaangat ako ng tingin. “Wala kong paki!” Tinampal ko ang kan'yang tiyan na ikinadrama n'ya. “Can you explain kung bakit naging ganito?!”

Hinimas-himas n'ya ang braso ko na ikinatabig ko lamang at pinanlakihan s'ya ng mata. Napalunok muna ito.

“G-Gusto ko lang naman na tanggapin ako ng ibang tao na nababagay ako sa 'yo.” Niyakap n'ya ako ng marahan na hinayaan ko naman. “Gusto kong magustuhan mo pa ako lalo.”

Napaawang ang bibig ko sa narinig. Biglang parang may kumirot sa dibdib ko. Hanggang ngayon iniisip pa rin n'ya na baka isang araw ay magsawa ako sa kan'yang katabaan.

Inangat ko ang kan'yang baba at hinarap sa 'king mukha para maging pantay. Hinaplos ko ang kan'yang pisngi dahilan para mapapikit ito.

“Di'ba napag-usapan na natin 'to?” Mariin ko s'yang tinitigan. “I don't care kung mataba ka o pangit ka man. Di'ba ikaw din ang nagsabing wala sa panlabas na anyo para masabi kong mahal mo ang isang tao? Bakit ganito?”

“Sweetie...” Emotional n'ya akong tinignan.

“I don't care kung anong sasabihin nila sa 'tin, who are they anyway? Mas gusto ko 'yong chubby face and tummy mo kaysa sa ganito.” Kinurot ko ang kan'yang tiyan at braso na nagbago.

Lumamlam ang kan'yang tingin sa 'kin. “S-So, wala lang talaga sa 'yo kung grabe ako kumain? Will you still love me kahit maging bola ang katawan ko?” Balisa pa rin ang kan'yang mata.

Tumango ako. “Oo naman, kakasabi ko lang di'ba?” Paulit-ulit, eh. “'Di mo ba naisip na masasaktan ako sa ginawa mo?”

Taka n'ya akong tinignan. Mukhang hindi pa ako na gets.

Tinirikan ko s'ya ng mata. “Nagpapayat ka at hindi ko nagustuhan! I want my boyfriend's chubby tummy and chubby face!”

Gaya kanina ay parang mangiyak-ngiyak n'ya akong tinignan at isa 'pang emosyon ang nakita ko sa kan'yang mata. Love...

“Mahal na mahal kita, Eden.” Agad n'ya akong hinalikan sa labi na ikinaatras ko ng konti dahil sa mabilis nitong pagsugod.

Napahawak ako sa kan'yang matigas na braso at kumapit do'n. Nahihilong napapikit ako ng mata at sinabayan ang kan'yang retmo. Tama nga sila, it feels like heaven kapag ninamnam mo ang matamis na halik sa taong mahal mo.

Namalayan ko na lang na tinaas n'ya ang palda ko at agad na hinimas ang aking pribadong katawan sa ilalim. Mas lalong dumiin ang aking kuko sa kan'yang braso nang mahinhin n'yang hinimas-himas ito nang maibaba na n'ya ang aking panty.

Miss na miss ko s'ya at alam kong gano'n din s'ya. Napapaungol ako habang bahagyang ginalaw-galaw ang aking balakang. Natatawa n'yang pinigilan ako at mas lalong pinagdikit ang aming katawan.

“P-Please, sweetie,” pinalambing ko pa ang boses ko nang maimulat ang aking mata.

Hinalikan n'ya ako sandali sa labi at tumango. Kaagad n'yang binaklas ang kan'yang sinturon at binaba ang kan'yang pantalon. Kitang-kita ko ang malaki nitong hinaharap na ikinalunok ko. Dalawang beses ko ma itong nakita at tanging s'ya lamang.

“Miss na kita, sweetie,” paos n'yang sambit habang hinahawakan ang kan'ya. Mas lalo akong lumapit sa kan'ya at hinalikan s'ya sa labi.

Pumagitna s'ya sa hita ko at naramdaman ko na lamang ang pagpasok ng kan'ya sa 'kin. Napaigtad ako sa sakit at sarap nang tuluyan na n'yang napasok ng buo.

Bumitaw ako sa kan'yang labi. At napapikit na lang na sinubsub ang aking mukha sa kan'yang leeg nang magsimula s'yang gumalaw sa pagitan ng hita ko.

“H-H'wag mo akong iwan, E-Eden,” hinihingal n'yang sabi habang gumagalaw sa loob ko.

Tanging ungol lamang naitugon ko habang mahigpit na kumapit sa kan'yang leeg. Pakiramdam ko ay punong-puno ako, malaki kasi 'yong kan'ya!

Pabilis ng pabilis ang kan'yang paglabas-pasok sa 'kin habang kapwa kaming hinihingal at napapaungol sa sarap. S'ya lang 'yong lalaki ang tanging gagawa nito sa 'kin.

Kaagad n'yang hinigot ang kan'ya nang labasan kami pareho. I know hindi pa kami handa rito kaya naman nag-iingat kami. Gusto ko muna makapagtapos at gano'n din s'ya. Soon, makakabuo rin kami ng pamilya.

Bagsak na pinahinga ko ang aking katawan sa kan'yang bisig. Nandito pa rin ako sa sink nakaupo habang s'ya ay parang 'di man lang nangalay na nakatayo sa 'king harapan.

Hinimas-himas pa n'ya ang aking buhok habang nakayakap ako sa kan'ya. Bumulong pa ito na mahal n'ya ako at ako lang ang babae n'ya. Gaano ako kaganda at h'wag daw akong iwan.

“Hindi na ako makapaghintay na matapos ang ating pag-aaral, damn,” mura pa n'ya sa huli bago ako halikan ulit sa labi.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro