CHAPTER 28
Dedicated to:
Moesha0King
EDEN SAINE FLORIDA
“Mag-usap tayo, Eden.”
Wala sa mood kong binalingan ng tingin si Dad nang makarating ako sa bahay. Sobrang pagod ako ngayon at makita lamang na kasa-kasama namin 'yong anak n'ya sa labas ay nag-iinit ang ulo ko.
“Tungkol na naman ba ito sa anak mo?” Diniin ko pa ang 'anak' na salita.
“Nagkakamali ka. Hindi ko s'ya anak sa labas.” Naiinis na rin ito sa 'kin, palagi naman.
Napaikot ang mata ko. “Edi anak sa kabilang baryo. Tsk, wala ako sa mood, Dad.” Akmang lalampasan ko na sana s'ya nang pigilan n'ya ako sa braso at binalik sa harapan n'ya.
Inis na binawi ko ang aking kamay. “Ano ba! Next time na lang dahil madami pa akong gagawin!”
Inis na napakamot si Dad sa ulo, mukhang nawawalan na ng pasensya sa 'kin. “Inampon ko lang s'ya, okay? Wala akong anak sa labas, kabit meron pa.”
Nanunuyang napatawa ako sa sarili. “Wow.” Kunwari mangha ako. “Talagang inamin mo nga na may kabit ka, Dad. Hindi na ako magtataka kung bakit nagpakamatay si Mom dahil sa panloloko mo.” Hindi ko na napagtuunan ng pansin ang tungkol kay Downy.
Mukhang natigilan s'ya sa sinabi. Kalaunan ay pinanliksikan ako ng tingin. “Hindi iyan totoo, hindi nagpakamatay ang Mommy mo.”
“Hindi ka naman maniniwala dahil nga busy ka sa ibang babae.” Umupo ako sa sofa na malapit sa 'kin. Pinahinga ang ulo ko sa pag-uusap namin ni Dad.
“Ama mo ako, Eden at 'wag mo nga akong pagsalitaan ng gan'yan. Wala ka talagang galang!” sigaw n'ya sa harapan ko dahilan para dumilat ang mga mata ko.
“Noon pa man talaga wala akong galang.” 'Di ko napigilang mapatayo sa pagkakaupo at hinarap ulit s'ya. “Paano ako magiging magalang na babae kung palagi mo naman akong sinasaktan ng ganito? Paano ako gagalang kung pati pagkamatay ni Mommy ay hindi mo man lang nirespeto?”
Kaya ayaw kong galangin s'ya noon dahil sa dami n'yang atraso kay Mommy. Okay lang naman na 'wag na n'ya akong pagtuunan ng pansin pero... Hindi ko maiwasang mag-alala sa nararamdaman ni Mommy.
Alam mo 'yong pakiramdam na nakikita mong umiiyak ng tahimik ang iyong Ina dahil sa panloloko ng kan'yang asawa? Masakit. Parang doble pa nga 'yong pagtaga sa 'king dibdib nang makita s'yang nahihirapan sa pag-iyak.
At mas lalo akong nanlumo noon nang makitang nagpakamatay si Mommy dahil sa kagaguhang ginawa ni Daddy. Tanggap ko naman sana kung may anak si Dad sa labas pero mukhang hindi na ngayon. Dahil sa pangbabae n'ya ay namatay si Mommy.
Pinunasan ko ang aking luha nang maramdaman ang pagpatak nito. Hindi ko alam kung naawa ba sa 'kin si Dad o talagang nagpapanggap pa s'ya sa 'kin ngayon. Okay na sana ang lahat pero hindi ko matanggap na si Downy ang magiging kapatid ko.
Wait...
“Ano mo si Downy?” ulit kong tanong kay Dad na kaagad namang natauhan mula sa pagkatulala.
“Inampon ko s'ya.”
Inis akong napasabunot sa ulo at tinignan s'ya na para 'bang ang tanga-tanga ni Dad. Okay na sana sa 'kin na hindi nga n'ya ito totoong anak at wala man lang s'yang anak sa labas, pero 'yong malaman na inampon n'ya ang babaeng matagal ko nang pinaghihinalaan ay isang malaking b*llsh*t!
“Kahit ngayon lang naman, Dad!” Hinawakan ko s'ya sa balikat. “Kahit ngayon lang na maniwala ka sa 'kin. Iba ang pakay ng babaeng iyon!”
Inalis n'ya ang kamay ko sa kan'ya at sinamaan ako ng tingin. “Matagal ko nang kilala si Downy, anak. Isa s'yang mabait na bata at kailan man wala akong napapansin na kakaiba sa kan'ya.” Pilit na pinapalumayan ang kan'yang boses. “Minsan kasi 'wag mong hayaan na pairalin ang kainggitan mo. Alam ko ang mga gan'yan, anak.”
At talagang sa kan'ya pa iyon galing?! The F! Hindi ako inggitera sa nerd na babaeng iyon! Nase-sense ko lang talaga na ibang pakay ang gusto n'ya sa 'min at iyon ang aalamin ko.
Alam ko kung sino ang peke at hindi. Ikaw ba naman paulit-ulit na niloloko, hindi mo na ba mahahalata na niloloko ka na? Napagdaanan ko nang lokohin ako ng isang tao.
“Bahala ka mag-isip d'yan, Dad.” Wala na akong lakas na loob na makipag-debate. Sinayang ko lang 'yong laway ko sa mga taong hindi naman kaya akong paniwalaan at pakinggan.
Again, umalis ulit ako sa bahay at napagpasyahang bisitahin si Croy. Tinawag ako ni Dad pero gaya no'ng nakaraang araw ay hindi ko s'ya pinakinggan. Ganito ang ginagawa ko kung ayaw ko nang masayang ang laway ko.
Kahapon ko pa hindi nakita si Croy at hindi ko alam kung anong ginawa n'ya kahapon. Busy ba s'ya? Hindi man lang kasi nagawang text-an ako.
“Nand'yan po ba si Croy, Lo?” tanong ko kay Lolo Romeo, ang Lolo ni Croy.
“Pasensya ka na, hija ngunit hindi ko nakita ang aking Apo kahapon pa,” malumanay n'yang tugon na ikinakunot-noo ko.
“Po? May iba pa po ba s'yang pinupuntahan bukod sa umuuwi s'ya rito?” Hindi man lang nagpaalam si Croy sa 'kin. Hmp!
Saglit na natigilan si Lolo Romeo bago n'ya ako sinenyasang umupo sa kan'yang harapan. Umupo naman ako sa sofa at hinintay ang kan'yang sagot.
“Nasabi na ba sa 'yo ng aking Apo na may tarbaho s'yang pinagkakaabalahan?”
Nagtatakang umiling ako. May tarbaho pala s'ya at hindi man lang n'ya ito binanggit sa 'kin? Marami pa pala akong walang alam sa kan'ya. Unfair talaga n'ya.
Napabuga ng hininga si Lolo Romeo. “Sa atin lang ito, ah? H'wag mong ipagsasabi ang tungkol dito.”
Kaagad naman akong tumango na ikinangiti n'ya.
~•~•~•~
Tulala lamang ako sa 'king kwarto at sa puntong ito ay naiinis ako kay Croy. Gulong-gulo ako at wala man lang s'ya rito! Paano ko masasagot ang tanong na bumabagabag sa 'king isipan kung wala s'ya?
Inis na napahiga ako sa 'king higaan at pinikit ang aking mata. Hindi ko maintindihan kung bakit nagtatarbaho si Croy sa illegal na organization.
Hindi naman kasi kinalaro ni Lolo Romeo ang lahat. Nasabi n'ya sa 'kin ang tarbaho ni Croy. Gusto ko tuloy banbatan ng sermon ngayon si Croy kung nandito lang s'ya. Nagtatampo ako dahil hindi man lang n'ya sinabi sa 'king ang tungkol dito.
'Yong illegal na tarbaho kasi ni Croy ay 'yong gumagawa sila ng way para pumasa sa exam ang mga estudyanteng client nila. Hindi lang iyon, gumagawa sila ng high-tech na gamit o gadget para sa academic o pam-politiko.
Hindi ko alam na my gan'yan pala. Nagche-cheat din kaya s'ya sa exam? Hindi ko alam at kailangan ko 'pang malaman ang tungkol sa buong pagkatao nito.
“Sorry, Eden, ah? Date kasi namin ngayon ni Zyler.”
Tumango ako kay Ophelia. “It's okay. May pupuntahan din naman ako.” Ngumiti ako sa kan'ya para hindi na ito malungkot.
Hindi nga ako nagkamali at niyakap pa ako. Nagpasalamat ito at babawi na lang daw sa susunod na araw. Napailing na lang ako at masaya s'yang sinundan ng tingin hanggang sa makalabas s'ya sa room.
Napahinga ako ng maluwag at napagpasyahang bumalik muna sa library para isauli ang aking librong hiniram. Gaya nga sa sinabi ko, mag-aaral ako ng mabuti.
Kaso wala 'yong inspirasyon ko sa pag-aaral. Ilang buwan hindi nagpakita si Croy sa 'kin, bagay na ikinagalit ko. Hindi naman ako magagalit kung nagpaalam ito. Sabi n'ya magkikita kami paglumipas ang isang araw, sinungaling s'ya. Hindi na s'ya nagpakita sa 'kin.
Isa pa sa kinaiinisan ko 'yong pagiging makulit ni Khoen. Palagi s'yang sumusulpot kung saan man ako. Pasalamat s'ya dahil nagpipigil lang akong sabunutan s'ya.
Bumati ako sa ilang estudyanteng nakakasalubong ko. Mukhang idol nila ako dahil nagtitili pa ang ilang babaeng mas bata pa sa 'kin nang kumaway ako. Nakilala ako sa eskwelahan 'di lang dahil sa pagiging play girl ko noon, kundi dahil sa magaling akong swimmer na sumabak sa patimpalak ngayong buwan.
Hindi ko na maalala kung kailan ako huling sumali sa swimming contest. Simula nang manlalaki ako ay hindi ko na napagtuunan ng pansin ang mga bagay na gusto kong gawin.
“Transferee ba 'yan?”
“Mukhang hindi naman.”
Rinig ko ang bulungan ng ilang estudyante sa bawat hallway na nadaraanan ko. Hindi ko na lang pinagtuusan ng pansin at dumiretso muna sa comfort room ng babae, bigla akong naihi, eh.
“Si Croy Cassio raw ang pangalan, bes!”
Napantig ang taenga ko nang marinig ang pangalan ng lalaking hindi man lang nagpaalam sa 'kin. Napatigil ako sa harapan ng Comfort Room at nilingon kung saan nagkukumpulan ang mga estudyante.
Hindi man halata sa mukha ko ay nagulat talaga ako sa pinagbago ni Croy. Biglang kumabog ng mabilis ang dibdib ko nang suriin ko ang kan'yang kabuuan. H-He changed... A lot.
Kumirot ang dibdib ko nang iangat ang aking tingin sa kan'yang mukha. Nakatingin s'ya sa 'kin at halong-halo ang kanyang emosyon na nakikita ko sa kan'yang mukha.
Hindi s'ya si Croy. Hindi s'ya si Sweetie na minahal ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro