Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 27

Dedicated to:
Misteza23

EDEN SAINE FLORIDA


Pakiramdam ko ay pinagkaisahan ako ng pamilya... Kung maituturi ko ngang pamilya. Ako man lang ang walang kaalam-alam sa nagaganap ngayon. Ako man lang ang walang alam sa lahat.

“A-Anak mo s'ya?” garalgal kong tanong kay Dad nang makalapit sa kanila. Gulat na gulat sila na tila ba nakita sila ng isang Pulis.

Mabilis na tumayo si Dad at lumapit sa 'kin. Napako lamang ang tingin ko kay Downy na ngayon ay nakayuko.

“Magpapaliwanag ako—”

“Dapat lang, Dad!” Mahina ngunit pasinghal kong usal. Pabalik-balik ang tingin ko sa kanila. “Bakit hindi mo man lang ako sinabihan?! Bakit hindi ko man lang 'to alam?!”

“M-Mali ang iniisip mo, anak.” Pilit n'ya akong inaalo dahil nagtaas-baba na rin ang dibdib ko sa galit. Umiwas ako sa kan'ya.

All this time, kasama ko lang pala ang anak sa labas ni Dad?! Ang galing!

“Noon pa man wala akong tiwala sa babaeng iyan, Dad! Pera lang ang habol n'ya sa 'tin—” Napasinghap at napatabingi ang aking ulo nang lumapat ang matigas na kamay ni Dad.

“Kaya ayaw kong kinakausap ka dahil walang galang mong pananalita!” sigaw ni Dad sa 'kin.

Napalunok ako habang nakatingin sa sahig. Dinama ang pagtulo ng aking luha sa pisngi.

“H'wag n'yo na s'yang saktan, Dad.” Tsk, alam kong gusto n'ya ang nakikita n'ya ngayon.

Nawala ang atensiyon ni Dad sa 'kin nang lumapit si Downy sa 'min. Hinawakan n'ya braso ni Dad at hinimas-himas ito na para 'bang pinapakalma.

Pakiramdam ko ay nandilim ang tingin ko sa babaeng ito. Gaya nga sa sinabi ko, hindi ako titigil hangga't hindi ko nakikita ang ebidensya na iba ang pakay n'ya kay Dad.

But somehow, nasasaktan ako sa nakikita ko. Ganito na sila ka-close samantalang ako, kahit bumati man lang sa aking kaarawan hindi n'ya nagawa. Unfair ng mga tao.

“Pasalamat ka naging mahinahon na ako ngayon.” Bumuga s'ya ng hininga saka pilit na pinapakalma ang kan'yang sarili na saktan ako. “Gaya nga sa sinabi ko, ipapaliwanag ko—”

“Sorry, hindi ako nagpapasalamat.” Mabilis ang hakbang kong umakyat sa kwarto ko. Rinig ko pa ang sigaw ni Dad sa sala pero hindi ko s'ya pinakinggan at tuloy-tuloy lamang.

~•~•~•~

“Sweetie.”

Napalingon ako nang makita si Croy na nasa likuran ko na nakadungaw sa 'king ginagawa. Ginagawa ko 'yong project ko at nagre-review din para sa quiz namin mamaya.

Ngumiti ako sa kan'ya saka binalik ang aking paningin sa ginagawa ko. “Sorry, sweetie. Busy kasi ako, eh.” Pilit kong iniintindi ang binabasa ko pero wala talagang pumapasok, hindi ko alam kung paano magreview sa totoo lang.

Ramdam ko namang umupo s'ya sa gilid ko at nakadungaw pa rin sa nire-review ko. “Review?”

Tumango ako at pasimpleng inalis ang kan'yang kamay sa 'king beywang. Paniguradong hindi ako makaka-focus nito lalo pa't nadi-distract ako sa kan'yang haplos.

“Mamaya ka na maglambing, Croy. Hindi talaga ako makakapasa nito,” reklamo ko.

Natawa s'ya ng mahina at tumango lamang. “Hindi naman gan'yan mag-review, eh.”

Napatingin ako sa kan'ya. “Paano? Turo mo nga 'yong diskarte mo.” Nakangising pinagitna ko ang librong nire-review ko para makita n'ya rin.

Inayos n'ya ang kan'yang salamin at tumingin sa libro. “Dapat sa isang page mga dalawa o tatlo ang pagre-review mo. Kung hindi mag-work, dapat may keywords 'kang tinatandaan para hindi na mahirap sa 'yo.”

Nakatitig ako sa kan'yang mukha at hindi ko na nagawang makinig sa kan'ya dahil sa lapit nito. Kakaiba talaga ang epekto n'ya sa 'kin at pakiramdam ko ay gusto ko na lang titigan ng matagalan ang kan'yang mukha.

“So, 'yon ang diskarte ko.” Napabaling ang kan'yang tingin sa 'kin at bahagya 'pang nagulat nang makitang nakatitig ako sa kan'ya.

Ngumiti na lang ako para hindi maging awkward. Alam kong iniisip at binabalak n'ya dahil nakatingin ito sa 'king mata hanggang sa bumaba ang tingin sa 'king labi.

“Salamat, now I know kung paano na magreview,” nakangiting pasasalamat ko bago binalik ang atensiyon sa libro.

Ramdam kong nilagay n'ya ang kan'yang braso sa 'king upuan at lumapit pa sa 'king tabi. “Sa pagkakilala ko sa 'yo hindi ka naman nagre-review,” puna n'ya.

Salubong ang kilay kong inangat ang tingin sa kan'ya. “So sinasabi mong bulakbol talaga ako?” Para kasing inaasar pa n'ya ako. Nakakahiya lang dahil naging bulakbol talaga ako.

Napahalakhak s'ya na sapat lamang para marinig ko. “Ang ibig kong iparating is nagbago ka na.” Ngumiti s'ya. “At sobra akong masaya na nag-aaral ka ng mabuti para sa kinabukasan mo.”

Biglang nawala ang irita ko at napangiti rin. “Thanks to you. You're my inspiration, sweetie.” Malambing ko s'yang niyakap.

“A-Ako? Paanong ako?” naguguluhan n'yang tanong pero bahid naman ang saya sa kan'yang boses. Niyakap din n'ya ako.

Napahagikgik ako. “Dahil minahal mo ako at napamahal ako sa 'yo.” Tumingala ako sa kan'ya. “Love can make a person to be better, right? And I want to be better person for you.”

Wala sa sariling napangiti ito sa 'kin. Kinagat-kagat pa ang sariling labi para hindi tuluyan maabot sa taenga ang ngiti. “Mahal kita, Eden.”

Napapikit na lang ako nang lumapat ang kan'yang labi sa 'kin. Magaan at mabagal ang paggalaw ng labi namin at tila ba ninanamnam ang bawat sandali.

Kaagad naman akong napahiwalay nang marinig ang sigaw ng Librarian na papalapit sa pwesto namin. Kita ko rin ang dahan-dahan pagdilat ni Croy, parang nabitin pa ito.

Binalik ko ulit ang atensiyon sa aking binabasa at napailing na lang. Kita ko lang naman na pinalabas ng Librarian ang dalawang couple na naglalambingan. Hindi lang naman kami ang PDA rito, mas malala pa nga 'yong iba kaysa sa 'kin.

“Sweetie,” malumanay na tawag sa 'kin ni Croy at binalik ang kamay sa 'king tagiliran.

Hinayaan ko naman s'ya. “Hmm?” Nakatingin pa rin ako sa binabasa ko.

Rinig kong bumuga ito ng hangin sa kawalan. “Miss na kita...”

Napahagikgik ako ng mahina. “Nandito lang naman ako sa tabi mo. Overreacting ka naman, sweetie.” Minsan talaga kailangan pa n'ya akong sabihan na miss na n'ya ako para makahalik na naman. I know what he wants kapag gan'yan na 'yan.

Hindi ko s'ya hinayaang halikan ako dahil nga dumami na rin ang estudyante rito sa loob ng Library. Hindi ba s'ya nahiya na baka may makakita sa 'min? Kahit naman play girl ako at nang hahalik ng lalaki ay nahihiya rin akong mag-PDA.

Tanging yapos at halik sa buhok ko ang nagawa n'ya hanggang sa matapos akong mag-review. Naawa na nga ako dahil kanina pa n'ya ako kinukulit na pansinin s'ya. Naiintindihan naman n'ya siguro dahil para naman ito sa 'min.

Hinatid ako pagkatapos ni Croy sa classroom namin at ito na naman ang mga chismosa at chismoso kong mga kaklase ay nakikisilip sa pintuan at bintana. Sarap tadyakan, eh.

“Bukas na lang tayo sabay umuwi. Gusto ko muna makasama si Ophelia,” sabi ko.

Tumango naman s'ya at ngitian ako ng tipid. “Okay lang, kahit naman maghintay ako ng limang araw sa 'yo.”

Napataas ako ng kilay. “So... Kaya mo akong tiisin gano'n? Buti nakaya mo, ah.”

Ako na halos isang araw ay hindi s'ya mawala sa isip ko. Kung 'di ko lang na-miss si Ophelia ay baka araw-araw ko na lang s'ya kasama.

Mabilis naman s'yang umiling. “Hindi naman sa gano'n.” Hinawakan n'ya ang kamay ko dahilan para marinig ko ang tilian sa loob ng classroom.

“Kung alam mo lang na araw, hapon at gabi kitang iniisip. Syempre ma-mi-miss kita, kailangan mong makasama ang kaibigan mo kahit sa sandaling oras. Hindi naman kita hahayaang umikot ang iyong mundo sa 'kin palagi.”

Isa sa nagustuhan ko sa kan'ya 'yong pagiging understanding n'ya. Minsan nga nagu-guilty ako dahil palagi ko s'yang binabara o inaaway. S'ya pa 'yong nagso-sorry kahit ako lang naman ang may kasalanan.

Nagpapakumbaba s'ya palagi at parang tinusok ang puso ko kapag naiisip ang mga efforts n'ya sa 'kin. Minsan nga iniisip kong hindi ko s'ya deserve pero syempre, I don't share what's mine kaya imbes na mapaghinaan ng loob, gusto kong baguhin ang ilang katangian ko sa sarili na sa tingin ko ay masama na.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro