Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 25


EDEN SAINE FLORIDA

Ilang araw ko nang 'di napapansin si Khoen at mas lalong si Morven din. Naging maayos na ang sa pagitan namin ni Morven, tanging si Khoen lang talaga ang 'di ko makausap ng matino.

“Anong gusto mong kainin?”

Bahagya kong tinabingi ang aking ulo habang nakatingin sa hawak-hawak naming menu. “Dark chocolate cake and buko salad,” sagot ko saka ngitian s'ya.

Kumurba ang labi ni Croy at 'di makapaniwalang tinignan ako. “Walang buko salad dito, Sweetie. Coffee meron pa.”

Madrama ko naman s'yang tinignan at sumandig sa kan'yang dibdib. “Can you make it possible? I want buko salad, Croy.”

Hindi ko alam kung sinadya ko ba o talagang gusto ko lang manloko. Hilig ko kasing humingi ng pagkain na wala naman sa restaurant o anong shop man na tinutuluyan namin. Palagi akong nagpapabili sa labas kahit may iba naman akong pagpipilian dito.

Kinuha n'ya ang bag ko na nasa lamesa saka inilagay sa harapan ng kabilang upuan namin. Humawak ulit s'ya sa beywang ko gamit ang kan'yang kaliwang kamay.

“Bakit Croy lang ang tawag mo sa 'kin?” Mukhang nagtatampo pa dahil palagi n'ya akong tinatawag na sweetie. “Sweetie dapat tawag mo sa 'kin.”

“Because?”

Kinurot n'ya ang ilong ko na ikinatawa namin. “Because I'm your boyfriend.”

It's been two weeks since no'ng naging kami. Pinamulahan ako ng mukha sa tuwing naiisip kong muntik nang may mangyari sa 'min don sa Cr ng mga lalaki. At mas lalong do'n pa kami naging kami! Ang pangit ng place pero it's memorable.

Simula nang maging kami no Croy ay palagi itong usap-usapan sa eskwelahan. Ang iba inakalang boytoy ko, ang iba naman ay nilalaro ko para makapasa sa exam. Tsk, I won't do that. Kahit matalino ang boyfriend ko, hinding-hindi ko s'ya lolokohin dahil lang sa kailangan kong pumasa sa exam o ano man kinalaman sa eskwelahan.

Palagi akong humahatid-sundo ni Croy at napapansin na iyon ni Dad pero ang mas pinagtataka ko ay hindi n'ya ako sinermunan tungkol sa school at sa buhay ko. Gusto ko naman na gano'n ang set up pero kasi hindi ko mapakali.

“So, kaya mo 'bang bumili ng buko salad para sa 'kin?” tanong ko saka umalis sa pagkakasandig sa kan'ya.

“Oo naman.” Ngumiti s'ya sa 'kin at nakikita ko ang pagmamahal mula sa kan'yang mata. “Hintayin mo lang ako rito at bibili ako sa labas.”

Mabilis kong pinigilan ang kan'yang kamay nang akmang tatayo s'ya. Tinignan naman n'ya ako ng pagtataka.

“Mamaya na nga lang tayo bumili sa labas,” sabi ko at hinila na s'ya para bumalik sa kan'yang kinauupuan.

Hinawakan n'ya ang aking kamay. “Talagang ayaw mong bumili ako?”

Napabuga ako ng hininga. “Parang ang sama ko na kasi kung uutusan pa kita gayong marami naman akong pagpipilian dito.” Tinignan ko ang kabuoan ng coffee shop at wala akong masabi kundi maganda ang theme ng paligid.

February na ngayon kaya naman malapit na ang Valentine's Day. Halos mga lobo na kulay puti at pula ang nandito at ibang mga desenyo ay gano'n din ang kulay. Dinagdagan nga lang nila ng pakulo.

Pinisil ni Croy ang aking kamay. “Kaya ko naman maging alipin para sa 'yo, ah?” Lumabas ulit ang mapaglaro n'yang ngiti. “Nobya kita kaya dapat pinagsisilbihan kita. You're my Queen, Eden.”

Walang araw na yata akong hindi nakasimangot. S'ya lamang ang katabi ko ay solve na ako. Kaya n'ya talagang pangitiin ako kahit cheesy minsan ang kan'yang banat.

“Saan mo natutunan ang mga quotes at banat sa 'kin, ah?”n ngisi kong tanong.

Wala sa sariling napatawa s'ya at mukhang nahihiya pa. “Kay pareng Google lang, sweetie.”

Do'n tuloy ako napahalakhak at hinampas s'ya sa balikat. “Seriously?! Nag-effort ka pa talagang mag-search, ah.”

“Sweetie!” Nahihiya n'yang inilibot ang paningin sa paligid.

“What? Nahihiya ka na d'yan? You shouldn't be.” Hinampas ko ulit s'ya sa balikat at sakto naman nang dumating ang waiter.

“Ano po order n'yo, Ma'am?” May hawak-hawak itong maliit na notes.

Magsasalita sana ako nang mismo si Croy na ang nagsagot.

“Dalawang dark chocolate cakes at dalawang Hershey coffee.”

Tumango-tango naman ang waiter saka inangat ang kan'yang tingin. Bahagyang nagulat pa ang kan'yang mukha nang makita ako. Nagtaas tuloy ang aking kilay.

“Maaari ka na pong bumalik sa tarbaho mo,” biglang usal ni Croy sa waiter habang nakatitig  sa lalaking kanina pa tumitingin sa 'kin. Ramdam ko pa ang mahigpit na hawak ni Croy sa 'king kamay.

Nataranta naman ang waiter at mabilis na yumuko saka umalis. Humabol pa tuloy ako ng tingin, bakit kasi gano'n s'ya makatingin? Mukhang hindi naman dahil sa ganda ko 'no?

“H'wag 'kang tumingin sa kan'ya.”

Binalik ko ang tingin sa kan'ya at takang tinignan. Bigla ba naman nagseryoso ang mukha at mukhang may aawayin.

Napahagikgik ako. “Why?”

“Tinatanong pa ba 'yan? Nagseselos ako, Eden!” tampo n'yang usal at umiwas ng tingin sa 'kin. Napakrus pa ang kan'yang braso sa harapan ng dibdib.

Parang bossy, eh. A bossy fat nerd na minahal ko naman.

Tudo ako lambing sa kan'ya at natawa na lang ako sa itsura n'ya dahil mukhang 'di n'ya rin ako matiis.

“He likes you.”

Tumawa ako at kinurot naman ang kan'yang matabang pisngi. “But I love you.”

“H'wag ka namang gan'yan, sweetie!” Ginulo pa ang buhok nito at napanguso, pinipigilan na ngumiti na para 'bang teenager pa.

“Ang alin?” maang-maangan kong tanong.

“Being so sweet. Sa tingin ko ay malulusaw ako.” Tumingin s'ya sa 'king mata at hindi pa rin nawala ang pagmamahal n'yang titig.

“Kaya nga sweetie ang call sign natin,” ngisi ko 'pang sambit.

~•~•~•~

“Yehey! Matutulog ulit ako sa tabi ni Croy,” pakanta kong sambit at tumalon sa kan'yang higaan at kaagad na bumagsak dito.

“Dahan-dahan, sweetie,” rinig kong paalala ni Croy mula sa likuran ko.

Tumihaya ako sa pagkakahiga at tinignan ang kan'yang bawat galaw. Tumungo ito sa study table n'ya na halos nando'n ang mga naglalakihang libro na nakalatag.

Tumagilid ako ng higa nang makitang hinubad n'ya ang kan'yang jacket saka sinampay sa kan'yang upuan. Nagtataka tuloy ako kung anong mukha ba ang kan'yang tiyan.

Malamlam naman n'ya akong tinignan na para 'bang isa akong special sa kan'ya at tanging nakikita. Napahagikgik na lang ako dahil masyado s'yang halata.

“I'll watch TV again, Croy.” Mabilis kong kinuha ang remote sa gilid ng kama at binuksan ang tv.

“Sweetie.” Pagtatama n'ya na hindi ko na lang pinansin. Abala ako sa kakalipat ng channel, eh.

Alas-tres na ng hapon ngayon at hindi nga namin namalayang kanina pa kami naglilibot sa Mall. Masyado kaming na-enjoy sa kinakain namin. Sa tingin ko nga ay tataba ako pagkasama s'ya.

Kita ko sa gilid ng aking paningin ang paglapit sa 'kin. Dahan-dahan s'yang lumapit sa pwesto ko saka hinila ang aking beywang papalapit sa kan'ya upang mayakap.

Napangiti na lang ako sa pagiging clingy n'ya. Hindi ko alam na ganito pala s'ya ka-inlove sa 'kin. Bonus pa 'yong palagi n'ya akong sinasabihan ng ' I love you'.

“Masaya ka ba ngayon?” biglang tanong ni Croy dahilan para tingalain ko s'ya.

Ngumiti ako saka napatango. “Yep!” Niyakap ko ang kan'yang beywang at 'di maiwasang mapahawak sa kan'yang tiyan.

“Eden,” banta n'ya nang isinilid ko ang aking kamay sa loob ng kan'yang t-shirt.

“I like your tummy.” Ang lambot ng kan'yang tiyan at matambok kasi.

“Pero wala akong abs...”

Kinurot ko ng mahina ang kan'yang tiyan na ikinaaray n'ya lang.

“Importante ba ang abs? Hindi mo na kailangan 'pang maging masculine, Croy.” Malambing ko s'yang tinignan. Dapat hindi n'ya ma-feel ang insecurities sa katawan.

Napabuntong hininga s'ya. “P-Pero 'yong nga boytoy mo halos malalaking katawan at hindi ko kagaya na nerd.” Dismiyado ang kan'yang boses at pinaglalaruan pa ang aking buhok.

Ayaw kong kinukumpara n'ya ang kan'yang sarili. Hinawakan ko ang kan'yang mukha at pinaharap sa 'kin. “Iba sila sa 'yo. Don't compare yourself to them, Croy. I love the way you are.”

Walang dalawang isip kong idinampi ang aking labi sa kan'ya at napahawak sa kan'yang batok. S'ya mismo ang unang gumalaw ng halik na kaagad ko namang tinugunan.



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro