CHAPTER 24
EDEN SAINE FLORIDA
Mas lalong lumakas ang pagkabog ng dibdib ko nang maramdaman ang kan'yang malambot na labi. Nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kan'ya. Nakapikit ito at tila dinama ang sandaling ito.
Nang matauhan ay ako na mismo ang kumalas at naguguluhan s'yang tinignan. Bakit n'ya iyon ginawa? Para ba patahimikin lang ako?
Namumula ang kan'yang leeg nang imulat n'ya ang kan'yang matang nakapikit kanina.
“Bakit mo 'yon ginawa?” Hinihingal akong nakaabang sa sasagutin n'ya. Umaasa na ginusto n'ya rin iyon.
Napayuko s'ya at itinukod ang kan'yang kamay sa likuran ko kung saan nakasandig ako ngayon sa pader.
“D-Dahil malalim na ang nararamdaman ko sa 'yo.” Hindi pa rin s'ya umaangat mula sa pagkakayuko.
Ako na mismo umangat sa kan'yang baba at pinaharap sa 'kin. Kita ko sa kan'yang mata na makahulugang nagsusumamo. Umaasang tutugunan ko ang aking nararamdaman sa kan'ya.
Napaayos ako ng tayo at do'n na ako nagkaroon ng idea kung bakit gan'yan s'ya makatingin sa 'kin. Akala n'ya siguro aalis ako kaya n'ya idikit pa lalo ang kan'yang katawan sa 'kin at hinarang ako sa magkabilang daanan na maaari kong takasan. Hindi naman ako aalis.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako pero isa lang ang alam ko. Kaya ko na namang isugal ang nararamdaman ko sa kan'ya.
Pakiramdam ko ay nanginig ang kalamnan ko sa maaari n'yang isagot sa 'kin. “Higit pa ba sa gusto ang nararamdaman mo sa 'kin?” tanong ko.
Sandali s'yang natigilan bago mabilis na tumango. “Sobra pa sa gusto, Eden. Please, ayusin man natin kung ano ang problema.” Akmang hahawakan n'ya ako sa pisngi pero kaagad s'yang natigilan at napagpasyahan na 'wag ituloy kung ano 'mang binabalak n'ya.
Umiwas ako ng tingin. Bigla ko lang kasi natandaan no'ng tumalikod lamang s'ya sa 'kin ng gabing iyon.
“'Yon nga ang problema, hindi kita maintindihan. Hindi ko alam kung bakit mo ako hinalikan gayong parang ayaw mo naman ng gano'n no'ng hinalikan kita sa bahay mo.” Kinagat ko pagkatapos ang labi ko.
“M-Mali ang iniisip mo, Eden.” Pinaharap n'ya ulit ako sa kan'ya. “Baka kasi nilalaro mo lang ako at masakit sa 'kin kong iyon ang totoo.”
Bigla naman akong naguilty. Bakit hindi ko 'yon naisip? Sa paningin ng lahat ay naglalaro lang ako kaya inakala n'ya siguro na boytoy pa rin ang tingin ko sa kan'ya.
“Hindi na 'yon laro, Croy,” mahinahon kong sambit. “Gaya mo ay malalim na rin ang nararamdaman ko sa 'yo.”
Bago pa s'ya magulat sa sinabi ko ay kaagad akong kumapit sa kan'yang batok at siniil ng halik. Sa una ay natigilan pa s'ya pero kalaunan tinugon din n'ya ang bawat pagdami ng labi ko sa kan'ya.
Mas lalo n'ya akong sinandig sa pader at mas pinailaliman ang aming halik. Napangiti ako sa kalagitnaan ng halikan namin nang mapansin na hindi s'ya sanay sa ganito.
I know that I was his first kiss. Sadly, hindi s'ya 'yong first ko but it doesn't matter as long as magkapareho ang aming nararamdaman.
Akala ko hindi na ulit ito mararamdaman. He changed me at masaya ako ro'n.
Narinig ko pa ang kalabog sa labas ng Cr pero wala kaming pakialam at may sariling mundo. Mas diin ko pa lalo ang halikan namin na kaagad n'yang ikinasinghap. Mukhang mauubusan ng hangin.
Sandali kong pinakawalan ang kan'yang labi at lumanghap ng panibagong hangin. Gano'n din s'ya habang nakapikit. Namumula na rin ang kan'yang leeg at taenga. Sana naman mapigilan n'ya.
“I-Isa pa.” Akmang hahalikan n'ya ulit ako nang pigilan ko s'ya. Mukhang nabitin s'ya at parang may pinipigilan. Natawa tuloy ako.
“Wait.” Tinaas ko ang aking kamay sa kan'yang harapan at pinakinggan ang kanina 'pang kumakalabog sa labas ng Cr. Ano naman kaya iyon?
“Alis na ta—” Nabigla ako nang sungaban n'ya ako ng halik na tila ba sabik na sabik sa 'kin.
Nakalmot ko ang kan'yang braso nang pumailalim ang kan'yang halik sa leeg ko. Bumuka ang bibig ko at napapikit. Kakaiba itong nararamdaman ko at gano'n din s'ya.
Agad naman n'yang binalik ang kan'yang labi sa 'kin at bahagyang sinipsip. Mukhang fast-learner 'to, alam kong wala itong alam pagdating sa making out o halikan man lang. Smack lang ang alam no'ng una, eh.
Hinawakan ko ang kan'yang pisngi nang pinagdikit n'ya ang aming noo habang naghahabol ng aming hininga. Kapwa kaming nakangiti at sa puntong 'to, nasagot na namin ang katanungan at nararamdaman.
~•~•~•~
“Kita na lang tayo bukas, Croy.” Humarap ako sa kan'ya at ngitian ng matamis.
Inilagay n'ya ang kan'yang helmet sa tahiliran at saka ako nilapitan pa lalo. Napatingin ko sa baba nang hawakan n'ya ang aking kamay.
Walang ligaw naganap at sinagot ko kaagad! Pero s'ya na mismo ang nagsabi na kahit kami na ay liligawan pa rin n'ya ako. Bago lang 'to sa 'kin dahil hindi naman talaga ako sanay sa relasyon at ligawan na sinasabi n'ya.
“Susunduin kita bukas.”
Mabilis akong tumango. “Sige, by the way.” Tumaas naman ang dalawa n'yang kilay nang mapatitig ako sa kan'ya. “Palagi ka ba rito sa subdivision namin? Pansin ko lang na palagi mo akong binabantayan.”
Hindi ko na mabilang pa kung ilang beses n'ya akong sinusundan. Sinisigawan ko pa nga s'ya pero hindi man lang nagpatinag.
Ngumiti s'ya pagkatapos. “Ikaw lang naman sadya ko rito palagi.”
At hindi ko na naman napigilang 'di kiligin. I slightly squeeze his hand na ikinareklamo n'ya pero tuwang-tuwa naman sa inasta ko.
Hindi na nagtagal ang usapan namin at nagpaalam na itong aalis. Binigyan ko lang s'ya ng mabilis na halik at saka kumaripas ng takbo papasok ng loob na para 'bang isang grade 7 na nagkaroon ng puppy love.
Nadatnan kong walang tao sa bahay. Nagkibat-balikat na lang ako. Day off ngayon ng mga kasam-bahay at si Daddy naman, alam kong nando'n sa pamilya n'ya.
Simula yata nang makilala ko si Croy, unti-unti ko nang napapatawad si Dad. Tama pala sila 'no? When you are in love, nagagawa mo ang mga bagay na sa tingin mo ay imposible.
I think I made a right decision. Mahulog sa kan'ya ng lubusan ay nagbigay ng kapayapaan sa 'king isipan at puso.
Bago pa man ako nakaakyat sa kuwarto ko nang biglang may nagdoor bell sa labas ng gate namin. Siguro si Croy na naman at may nakalimutang sabihin.
Ngiti-ngiti naman akong lumabas ng bahay ulit at inayos ang nahanginan kong buhok. Pagkabukas ko ng gate ay gano'n na lang ang pagkawala ng ngiti ko nang makita si Khoen na madilim ang tingin.
“Khoen?” Anong ginagawa n'ya rito? I already told him na wala na ang usapan namin.
“I thought you don't like commitment?” Bakas sa kan'yang boses ang matinding pait. “So, you have a relationship with a fat nerd?”
Agad umusbong ang galit ko sa tinuran n'ya. “Kung 'yan lang naman ang pag-uusapan natin ay maaari ka nang lumabas.” Tinuro ko ang labasan ng subdivision namin. Hindi ko na nagustuhan ang kan'yang mga pinagsasabi kay Croy.
Niisang hakbang n'ya ang pagitan namin dahilan para napaatras ako ng lakad.
“I thought you like me?” Tinuro pa n'ya ang kan'yang sarili at nagtatagis ang bagang sa iniisip. “You even kiss me sa beach nakaraang Linggo!”
Napapikit ako sa lakas ng kan'yang boses. Itinaas ko ang dalawang kamay. “Tumigil ka na, Khoen, ah?” nagtitimpi kong sambit. “I already told you that I want to end this shit!”
Nanunuyang napatawa s'ya sa 'kin. Sinabunutan pa ang sariling buhok. “Again?! Pinapaasa mo ako, Eden!”
I know, Khoen. I know and I'm sorry kung ano man ang masasabi ko.
“Dahil 'yan naman ang ginawa mo noon!” sigaw ko sa kan'ya na ikinatigil n'ya.
“A-Akala ko ba ayos na tayo roon? Sabi ko magbabago na ako.” Akmang hahawakan n'ya ang aking kamay nang iniwas ko ito.
“Please, umalis ka na bago pa kita ipalagkad sa security guard,” nagbabanta kong usal na ikinatigil n'ya.
Naawa naman ako sa kalagayan n'ya pero ito lang ang tanging paraan para tigilan n'ya ako. Mas lalong sumakit ang dibdib ko nang makitang tumulo ang kan'yang luha na hindi man lang nagkurap.
“Hindi pa rito natatapos ang lahat.” Marahas s'yang tumalikod sa 'kin at tumango sa kan'yang kotse na nakaparada sa labas ng gate.
Sinundan ko lamang s'ya ng tingin hanggang sa pumasok s'ya sa kotse at saka ito pinaharurot ng mabilis na tila galit na galit magdrive.
Napabuga ako ng hininga at napagtanto na kanina ko pa pinipigilan ito. Bakit natatakot ako sa susunod na mangyari sa 'min ni Croy? Bad sign na ba 'to?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro