
CHAPTER 22
Warning: R-18 scenes!
EDEN SAINE FLORIDA
“Walang guwapo sa artista. Peke lang naman ang mukha n'yan.”
Tinignan ko naman s'ya nang mangasar-ngasar na ngisi. “Selos na 'yan?”
'Di n'ya ako pinansin at masama lamang nakatitig sa tv. Hindi ko tuloy napigilang 'di matawa, may kong ano sa tiyan ko na naglalaro sa isipang nagseselos s'ya.
Walang-hiya akong yumakap sa kan'yang tiyan na sa tingin ko ay lumaki na. Napahagikgik ako nang makitang natigilan s'ya sa ginawa ko.
Nakatingala ako sa kan'ya. “Mahirap naman silang abutin.” Pinalandas ko ang aking daliri sa kan'yang dibdib, parang kinuryente naman ang katawan n'ya nang mahawakan s'ya. “Kaya bakit 'di na lang ikaw ang mahalin? Abot naman kita at nahahawakan sa malapitan.”
Dahil sa sinabi ko ay nanlaki ang kan'yang matang nakatingin sa 'kin. Napanganga pa ang kan'yang bibig at 'di makapaniwala.
Magsasalita na sana ito nang mabilis ko s'yang sinungaban ng halik sa labi. Halos kumapit na s'ya sa head board nang dinaganan ko s'ya.
“E-Eden!” Gulat na gulat ang kan'yang mata habang nakahiga na sa kama.
Ngumisi ako at inilapit ang aking mukha sa kan'ya. “Matamis ang labi mo.” Mapaglarong dinilaan ko ang aking labi habang nakatingin sa kan'ya.
Balisa ang kan'yang mata at pilit na iniiwasan ang aking tingin. Napalunok pa ito. “Hindi nakakatuwa, Eden. At mas lalong hindi ako nagbibiro ngayon,” pilit na sineseryoso ang kan'yang boses kahit alam kong iba ang ibig sabihin ng kan'yang katawan.
Wala akong planong tigilan ang gusto kong binabalak. Gusto ko lang naman makita ang kan'yang reaction sa tuwing ginaganito ko s'ya. Ang cute n'ya lang.
Hinawi ko ang aking bangs sa gilid at pinalandas ang aking daliri sa kan'yang dibdib. Mabilis ang kan'yang paghinga at kasabay no'n ang pagtingin n'ya sa 'kin. Malamlam ang mga mata at nangungusap.
“Please, Eden...”
“Please, what?” Inilapit ko pa lalo ang mukha ko sa kan'ya at inaasar s'yang hahalikan.
Nagulat naman ako na s'ya na mismo ang unang humalik sa 'kin. Hindi pa man ako nakabawi nang mabilis n'yang pinalit ang aming posisyon. Sa isang iglap lang ay nasa ibabaw ko na s'ya.
Mabilis ang kabog ng dibdib ko at gano'n din s'ya. Parang may pinipigilan s'ya. Hindi s'ya mabigat sa 'king ibabaw.
Napapikit s'ya ng mariin bago kinuha ang kan'yang salamin. Inimulat ang kan'yang mata. “Nagpipigil ako, Eden kaya h'wag 'kang makipaglaro sa 'kin.”
Hindi ko alam kung magsisisi ba ako sa ginawa ko. Mukhang iba ang kan'yang pagkakaintindi sa ginawa ko. Kasalanan ko...
Hindi ko na namalayang bumalik s'ya sa pagkakahiga n'ya sa kama. Tanging boses ng tv lamang ang naririnig ko rito sa loob.
Nakatalikod s'ya mula sa 'kin at hindi ko alam kung nandidiri ba s'ya o pinagsisihan na tinugunan pa n'ya ako kanina ng halik. Di'ba gusto naman n'ya ako?
Gusto kong matawa sa sarili. Kaya nga gusto di'ba? Paghanga lang at hindi mahal ang nararamdaman. Bakit kung makaasta ako ay parang malalim na rin ang nararamdaman ko sa kan'ya? Hindi ko na ba s'ya gusto? Higit pa ba rito?
Parang may gustong kumawala sa 'king dibdib. Parang gusto kong sumigaw at sabihin na natutunan ko na s'yang mahalin pero hindi ko kaya, may pumipigil sa 'kin.
Nangingig akong napabuga ng hangin sa bibig. Pinipigilan na kumawala ang kirot sa 'king dibdib. Pinatay ko na ang tv saka natulog sa kan'yang tabi. Gusto ko man s'ya mayakap pero nagtatalo ang isipan ko.
Sa huli napagpasyahan ko na lang na matulog sa pinakadulo ng kama. 'Yong malayo sa kan'yang pwesto. Mukhang 'di nga n'ya nagustuhan ang ginawa ko at alam kong nagpipigil s'ya na magalit sa 'kin.
Aaminin kong sumusobra na ako. Isa s'yang malinis na lalaki at ako naman ay isang marumi. Madami akong nahalikang lalaki habang s'ya naman ay kahit yata yakap hindi n'ya naranasan sa ibang babae.
Iba kami. Kung ako bulakbol, s'ya naman nag-aaral ng mabuti. Ako 'yong masamang ugali tapos s'ya ubod ng bait. Magkaiba nga talaga kaya hindi kami bagay.
'Di ko na namalayang nakatulog na pala ako, ang mas masakit pa ay hindi man lang kami nagkaayos. Hindi man lang n'ya ako nilingon at nakatalikod lamang sa 'kin.
Mahimbing ang kan'yang tulog habang ako ay ilang patak pa ng luha ang kumawala bago natulog.
~•~•~•~
Sabi ng ilan, kapag ramdam mo na ayaw sa 'yo ng isang tao, lumayo ka na. Ikaw lang din ang masasaktan, bakit mo pa ipipilit ang iyong sarili sa isang taong ayaw naman sa 'yo? Bakit mo pa pipiliting manatili sa tabi n'ya kahit alam mong s'ya na mismo ang umiisog papalayo sa 'yo?
Matagal ko nang tinatak sa utak ko na hindi kailan man ako maghahabol sa isang tao o bagay na ayaw naman sa 'kin. Kahit nga 'yong Daddy ko hindi ko hinabol para lang mahalin ako. Alam kong kahit habulin ko s'ya, ro'n pa rin s'ya mananatili sa bago n'yang anak.
Talaga 'bang nagda-drama lang ako? Talaga 'bang may pagkakamali ako? Gusto kong malaman, gusto kong may mapagsabihan pero mismo sarili ko ayaw makisama sa ibang tao. Darating naman ang panahon na iiwan ka sa ere.
Madaling araw pa lang nang umalis ako ng bahay ni Croy. Hindi na ako nagpaalam pa, para saan pa ba? Gaya nga sa sinabi ko, sapat na iyong nakita ko. Hindi na ako maghahabol dahil lang sa mahal ko s'ya.
Nakakatawa lang dahil hindi ko naman s'ya tipo kong lalaki, mas lalong ayaw ko sa pangit at mataba. Bakit nga ba ako napamahal sa kan'ya gayong nakaraang buwan ko lamang s'ya nakilala?
Sabi nga nila, kung sino pa ang kinaiinisan mo, s'ya pa 'yong magiging parte ng buhay mo. Mapaglaro talaga ang mundo, mundo lang dahil simula nang masaktan ako hindi ako naniniwala sa tadhana.
“Saan ka galing?” Iyan kaagad ang bungad ni Dad nang makapasok sa bahay.
Pagod ko naman s'yang tinignan. “Naki-sleep over lang, Dad.”
Umiba naman ang itsura n'ya nang makita ang mukha ko. Hindi ko na s'ya hinintay pa magsalita at bagsak-balikat lamang na tumungo sa aking kwarto. May klase kami ngayon kaya kailangan kong humabol.
Napag-isipan ko na rin na bumalik sa dating gawi. Bumalik sa pag-cu-cutting at iba ko 'pang kagawian.
Bakit ko ba babaguhin ang sarili ko para lang sa isang nerd? Nakakatawa na siguro ako tignan. Mapaglaro ang pag-ibig at iyon nga ang ginagawa ko.
“May naghahanap sa 'yo, Eden.” Biglang sumulpot ang kaklase ko.
Tumango lamang ako at tumungo sa labas ng pintuan. Wala akong inaasahang tao na pupunta rito.
Napatigil ako sa gilid ng pintuan nang makita si Khoen na bahagyang nakasandig sa gilid ng pader ng room namin. Kaagad naman s'ya napatayo ng matuwid nang makita ako.
“Mag-usap tayo, Eden.”
“Nag-uusap na nga tayo.” Wala talaga akong gana ngayon, dagdag pa na mabigat ang dibdib ko.
Dinilaan n'ya ang kan'yang labi. “I want us back, Eden.” Lumapit s'ya sa 'kin.
Rinig ko ang tili sa loob ng classroom namin. Kaagad ko silang binantaan na bumalik sa kanilang gawain na kaagad nilang ginawa. Takot lang sa 'kin, eh.
“Alam mong hanggang boytoy lang ang kaya ko. You know i hate commitment.”
Napatango-tango s'ya. “Sorry sa nangyari kahapon.” Napabuga s'ya ng hininga saka hinawakan ang aking kamay. “I'll make you fall in love with me. Please, let me catch your stone heart.”
Natawa ako ng mapakla saka binawi ang aking kamay. “Cheesy, ah?” Ngumiwi saka napangisi rin. “Sige nga, make me fall in love with you ulit kung kaya mo.”
Dahil sa sinabi ko ay bumalik ulit ang kasiyahan sa kan'yang mukha. “I'll do my best, babe.” Wala pa nga kaming label, tsk.
Sinabi ko rin sa kan'ya na walang kasiguraduhan ang among set up. Gaya nga sa sinabi n'ya, gagawa s'ya ng paraan para mapa-ibig ako. But I guess hindi ko na kakayanin 'pang mahulog sa kan'ya, may iba nang sumalo sa 'kin, kaso mukhang inilapag lamang ako at iniwan kaagad.
“Hatid na ba kita?”
Umiling ako. “No, thanks. May dadaanan pa ako.”
Nagdadalawang isip pa s'ya kung pipilitin ba ako. Natawa na lang ako ng mahina.
“Sige na, ayaw kong pinipilit ako.” Pagtataboy ko sa kan'ya.
Wala na s'yang nagawa kundi tumango lamang. “Be careful.” Pumasok s'ya sa kan'yang kotse at 'di nagtagal ay umusad na ito papalayo sa 'kin.
Inayos ko lang ang buhok ko bago napag-isipan na maglakad na. Kailangan kong daanan ang coffee shop sa 'di kalayuan ng university. May pinapabili kasi si Lola, gusto n'yang matikman ang iba't-ibang klaseng kape.
'Di pa man ako nakatawid sa kalsada nang biglang huminto ang isang motor sa 'king harapan. Napaatras ako ng isang hakbang at tiningala kung sinong tao ito.
Sandali akong napahinto nang makita si Croy. Tuluyan kong nakita ang kan'yang mukha nang alisin n'ya ang kan'yang helmet.
Iyan na naman ang nakakaakit n'yang titig, dagdag pa ang salamin n'yang nagpaguwapo sa kan'ya. Bumaba s'ya sa kan'yang motor at nilapitan ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro