Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 21


EDEN SAINE FLORIDA


Mukhang nahirapan s'yang ayusin ang kan'yang salamin na bahagyang nakatabingi. Ako na mismo ang umayos dito at ikinangiti lamang n'ya.

“Salamat.” Itinuon na n'ya ang atensiyon sa harapan.

Malamig at mahangin dito sa labas, gabi na rin kasi at mukhang uulan pa. Sabi ko sa kan'ya dumiretso na lang kami sa kanilang bahay. Ayaw ko muna umuwi.

Ipinarada n'ya ang kan'yang motor nang makarating kami sa harapan ng kanilang bahay. Una s'yang bumaba na ikinataranta ko, bigla ba naman akong iniwan ditong nakaupo.

“Croy!” inis kong tawag nang akmang tatalikod s'ya.

Natatawang bumalik s'ya sa 'kin. Balak pa yata akong iwan o pagtripan. Inalalayan n'ya akong bumaba ng motor at 'di naman mahirap sa kan'yang buhatin ako at ilapag sa lupa.

Akmang babaklasin ko na sana ang suot-suot kong helmet nang pinigilan n'ya ako. Sinenyasan n'ya akong s'ya na lang ang babaklas. Hinayaan ko naman s'ya at wala akong magawa kundi titigan ito mula sa malapitan.

Makinis naman pala pisngi n'ya at halatang kulay brown ang mga mata. Wala akong masabi kundi maganda ang pagkakaukit ng kan'yang mukha. Sadyang mataba lang s'ya at nakaharang ang malaking salamin sa kan'yang mata.

Seryoso s'ya sa kan'yang ginagawa. 'Di na namalayang nakatitig na pala ako sa kan'ya. Bakit ngayon ko lang s'ya nakilala?

'Di nagtagal ay nabaklas din n'ya ang pagkaipit ng helmet sa ilalim ng panga ko. Medyo nabigla naman s'ya nang makitang nakatitig ako sa kan'ya.

Ngitian n'ya ako ng tipid at tuluyan na ngang binitawan ang ang helmet. Ako na mismo nag-alis ng helmet mula sa ulo ko.

“Ayaw mo 'bang umuwi sa bahay n'yo?” Nag-aalangan kung isusunod pa ba n'ya ang tanong.

Umiling ako at napatingin sa kanilang bahay. “Pwede rito na lang muna ako matulog?” tanong ko. Napalingon ulit sa kan'ya.

Nanlaki ang kan'yang mata at sunod-sunod na umiling. “B-Baka pagalitan ka ng Daddy mo, Eden. Hindi ka pa nagpaalam sa kan'ya.”

Mabilis akong tumungo sa kanilang silid-bahay na kaagad n'yang ikinasunod. Tinatawag pa ako nito pero diretso lamang ang lakad ko hanggang sa makaupo sa sofa.

Ang gaan sa pakiramdam na makaupo sa malambot na upuan. Nakangangang napasandig ako sa sandalan habang nakatingin kay Croy na halos 'di na alam ang gagawin.

'Di s'ya makatingin. Palipat-lipat ang kan'yang mata sa akin at sa ibang bagay. “E-Eden," tawag n'ya. “Ihahatid na kita pabalik.”

Tuluyan ko nang binagsak ang aking katawan sa sofa. Bali kalahati ng aking katawan ay nakahiga na.

“Ayaw ko. Papagalitan lang ako.” Ngumuso ako sa kan'ya.

Bahagya n'yang ikinamot ang kan'yang kamay sa batok at mabilis na lumapit sa 'kin. Hinampas n'ya ako ng mahina sa kamay na ikinangisi ko lang.

“'Di nakakatawa, Eden.” Seryoso na ang kan'yang mukha pati ang kan'yang boses. “Mas lalong magagalit ang Daddy mo n'yan kapag hindi ka umuwi.”

Labas ang taenga ko ang lahat ng sinabi n'ya. Nagkunwari naman akong pumikit ng mata. Humalakhak ako ng tawa nang yugyugin n'ya ang aking katawan.

“'Di ako nagbibiro, Ede!” Frustrated ulit n'yang sinabunutan ang kan'yang sariling buhok. “May balak ka pa yatang dito matulog.”

“'Yon nga ang plano ko.”

Biglang sumalubong ang kan'yang kilay. Wow, serious face, ah? I like that. Napahagikgik tuloy akong nakatingin sa kan'ya.

Napabuga s'ya ng hininga at 'di nakaligtas sa 'kin ang munting ngiti n'ya sa kan'yang labi. Mukhang 'di nga ako matiis ng isang Croy Cassio.


“May guest room kami rito. Matagal-tagal din pala kaming walang bisita.”

“Ayaw ko sa guest room.” Abala ang aking atensiyon sa bawat kwarto na nadadaanan namin.

Bigla s'yang napahinto sa paglalakad at gano'n din ako. Napatingin s'ya sa 'kin. “Eh? Saan mo gusto? Sa sofa?” Tinuro pa n'ya ang kaninang hinihigaan kong sofa.

Umiling ako at ngumisi rito. Mukhang alam n'ya ang ibig kong sabihin.

Mabagal s'yang umiling sa 'kin at kaagad na hinarang ang kan'yang kwarto nang akmang bubuksan ko ito. Pinigilan kong 'wag matawa sa kan'yang mala-kamatis na mukha.

Mas lumapit pa ako lalo sa kan'ya habang nakangisi pa rin. Napalunok s'ya ng sariling laway at mabilis na umiling.

“Eden!”

“What?” natatawa kong saad at hinawakan ang kan'yang pisngi. Mariin n'yang ipinikit ang kan'yang mata at nagtatagis na rin ang kan'yang panga nang ilapit ko ang aking mukha sa kan'ya.

Hindi ako nag-aksaya ng panahon at mabilis na pinihit ang door knob at pumasok. Agad akong tumakbo sa kan'yang kama at do'n tumalon.

“Niloloko mo ako, Eden!” rinig kong reklamo ni Croy habang ako ay tawang-tawa sa pagitan ng kan'yang malambot na kama.

Mukhang natauhan mula sa pagkatulala kanina. Hindi na n'ya ako napigilan dahil masyado na s'yang nalunod sa mapang-akit kong tingin. Madali lang pala mauto.

Hindi ko pa rin inaalis ang aking mukha sa pagkadukdok sa kama. Ramdam kong umupo s'ya sa gilid ng kama, bigla kasing lumundag kaya alam kong s'ya lang naman iyan.

“Matutulog na ako, Eden.” Ikinulbit n'ya ako sa balikat pero nagpanggap lamang akong tulog-tulogan.

“Alam kong hindi ka tulog kaya bumangon ka na d'yan.”

Wala akong nagawa kundi mapaupo sa kama. Mukhang hindi n'ya ako titigilan hangga't hindi ako umalis dito.

Kagat-labing sinuklay ko ang aking buhok gamit ang aking mga daliri habang nakatingin sa kan'ya. Ito na naman ang kan'yang tingin na tila kumikinang na parang bituin.

“Dito na lang ako matulog.” Nagpuppy-eyes pa ako.

Napakurap-kurap s'ya. “Sige, do'n ako sa sofa.” Akmang tatayo s'ya nang pinigilan ko ito sa braso. Napatingin s'ya sa kamay kong nakahawak sa kan'ya.

“Tabi tayo, Croy. Hindi ako sanay na walang katabi, eh,” pinalambing ko pa ang boses ko.

Ewan ko ba kung bakit ko s'ya gustong makatabi ngayon. May parte sa 'kin na gusto kong ma-feel kung totoo na ba ang nararamdaman ko sa kan'ya. May parte rin sa 'kin na gustong sulitin ang pagkakataon na kasama ko muna s'ya.

Mukhang wala s'yang masabi at natameme lamang sa 'king harapan. Agad kong inalis ang aking kamay sa kan'ya at umupo ng maayos sa kama. Nataranta naman s'ya sa kilos ko.

“Sige rito ka na lang at ako na sa sofa.” Tatayo na sana ako sa pagkakaupo nang kaagad n'ya akong pinigilan.

Nanlaki ang mata ko na imbes na ipabalik lang ako sa pagkakaupo ay natagpuan ko na lang na nakahiga ako at nasa ibabaw ko s'ya.

Mukhang nagulat din s'ya sa ginawa n'ya. Kaagad s'yang umayos. “S-Sige tabi na lang tayo.” Mabilis s'yang humiga sa gilid ko at itinaklob ang kan'yang mukha gamit ang unan n'ya.

Napakurap-kurap naman ako. Napagpasyahan kong tumabi na rin sa kan'ya.

Habang nakahiga sa higaan ay biglang sumagi sa isip ko na manood ng movie. Mabilis akong bumangon saka s'ya niyugyog.

“Nood tayo ng movie,” aya ko sa kan'ya.

Ilang saglit lang ay inalis n'ya ang pagkatabon ng unan sa kan'yang mukha. Natanggal tuloy ang kan'yang salamin pero kaagad naman n'yang ibinalik. Namumula ang kan'yang taenga kahit medyo dim ang light dito sa kan'yang kwarto.

“A-Akala ko ba matutulog na tayo?” Pumaos ang kan'yang boses.

“I change my mind. Manonood tayo ng TV bago matulog.”


Bumaba ako ng kama at tumungo sa harapan ng tv. Binuksan ko ito gamit ang remote na nakapatong sa harapan nito.

“Hinaan mo ang boses,” utos n'ya na kaagad kong ginawa. Mabilis akong tumalon sa kan'yang pwesto na kaagad n'ya akong isinalo kahit nasa kama naman ako babagsak.

“Hinay-hinay naman!” reklamo n'ya habang hawak-hawak ako sa beywang bilang suporta.

Hindi ko pinansin ang kan'yang paghawak sa 'kin at humiga lamang sa kan'yang tabi. Inilipat ko sa ibang channel ang TV.

“Maganda ang movie na ito. Ang gaguwapo ng mga lalaki pa naman!” Halos mapunit ang labi ko nang mailipat ko sa paborito kong pelikula. Matagal-tagal din akong nanood nito.

Rinig kong napaismid ito sa sinabi ko at pag-alis ng kan'yang kamay sa 'king beywang. “Walang guwapo sa artista. Peke lang naman ang mukha n'yan.”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro